webnovel

Pakinggan Ang Kuwento Ni Lord Jue Tungkol Sa Magical Artifacts (3)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Ito ay nagpapakita ng kaukulang kategorya na kinabibilangan ng inyong soul. " nakangiting

sinabi ni Jun Wu Yao.

Si Qiao Chu ay fire, si Fei Yan ay metal. Si Hua Yao ay lightning, si Fan ay water. At si Rong

Ruo…" Bahagyang naningkit ang mga mata ni Jun Wu Yao na nagpapakita ng interes.

" Ito ay hindi gaanong masama. Ang sa kaniya ay darkness."

"Mabuti ang darkness?" Tanong ni Qiao Chu na bahagyang tuliro, ang mga mata ay tulala. Ang

pagbanggit ni Jun Wu Yao na ito ay hindi masama ay pumukaw sa kaniyang interes.

Tahimik na ngumiti si Jun Wu Yao. Si Ye Mei na hindi makapagpigil sa kaniyang sarili ay

ipinaliwanag ito sa grupo na mga walang- alam.

"Sa pitong mga kategorya, ang pinakamalakas sa lahat ay light at darkness, ngunit ang

dalawang uri na ito ay bihira at madalang makita."

Si Qiao Chu ay tumango na parang naiintindihan nya ngunit bahagyang naguguluhan din.

Si Fei Yan ay namamanghang nakatingin kay Rong Ruo, bakas sa mga mata nito ang mas

matinding tuwa kaysa kung siya mismo ang kabilang kategorya ng darkness.

Ngunit kung ihahambing sa kasiyahan ni Fei Yan, si Rong Ruo ay tila mukhang napipilitan

ngumiti.

"Kung gayon sa anong kategorya kabilang si Little Xie? Big Brother Wu Yao, bakit hindi ka

nagsagawa ng pagsusuri kay Little Xie?" Tanong ni Qiao Chu habang siya ay nakatingin kay Jun

Wu Xie na nakatayo sa tabi ni Jun Wu Yao. Siya ay lubhang napapaisip kung anong kategorya

ang kinabibilingan ng sukdol hanggang langit na soul ng munting diyablo.

Lumingon si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. " Hulaan mo kung aling kategorya ka nabibilang."

Mahinahong sumagot si Jun Wu Xie: "Sa aking palagay, ako ay naiiba sa kanilang lahat."

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Yao sa kaniyang tugon at nagtanong: "Bakit mo naisip iyan?"

Bumuntong hininga si Jun Wu Xie, biglang niyang naramdaman na tila may isang taong

hinahamak ang kaniyang katalinuhan.

" Nabanggit mo kanina na may tatlong pangunahing uri ng ring spirits ngunit nang iyong

ipinaliwanag ang kaibahan ng mga bawat kategorya, hindi mo isinama ang plant type ring

spirits at ipinaliwanag mo lamang ay tungkol sa kategorya ng beast type at weapons type ring

spirit, wala kang binanggit tungkol sa plant types."

Ang mga salita nito ay naging tiyak at para kay Jun Wu Xie ay hindi na kailangan gamitin pa

ang kaniyang utak upang mahulaan ito.

Si Jun Wu Yao ay bahagyang natawa. Ang ekspresyon ni Jun Wu Xie na mukhang walang

magawa ay talagang nagbigay ng kagalakan sa kaniyang puso.

"Ikaw ay talagang matalino." Hindi dapat maliitin ang munting nilalang dahil malinaw na

nakikita nito ang mga bagay.

Inirapan siya ni Jun Wu Xie, pagpapakita na siya ay nainsulto.

"Talagang ikaw ay naiiba sa kanila. Ang plant type ring sipirit ay hindi maihahalintulad sa mga

ibang kategorya dahil may isang kategorya lamang para sa dito at ito ay ang wood." Sinabi ni

Jun Wu Yao na puno ng ngiti ang mga mata. Ang plant type ring spirits ay masasabing

pinakabihirang uri ng ring spirit at kahit sa Spirit world kung saan nananahan ang mga ring

spirit, ay bihira rin itong matagpuan.

"Wood?" Naramdaman ni Jun Wu Xie na ang kategorya iyon ay tugma rin sa plant type ring

spirits.

"Bumubuhay sa lahat ng may buhay, ang salig ng lahat ng buhay." May pagtango na saad ni

Jun Wu Yao.

Bagaman hindi lubos na nauunawaan ni Qiao Chu at ng iba pa ang tungkol sa mga kategorya,

ngunit matapos nilang marinig na sinabi iyon ni Jun Wu Yao, napagtanto nila na si Jun Wu Xie

ay kabilang sa ibang kategorya. Bagaman nabibilang sila sa tila mahinang kapangyarihan

kumpara sa light at darkness, gayunman ito ay nagtataglay pa rin ng ilang kapangyarihan.

Matapos maipaliwanag ni Jun Wu Yao ang kani-kanilang kategorya ay sinimulan na niyang

sabihin sa kanila ang pagkakaiba sa pagitan ng magical artifacts.

Ngunit maikli lamang niya itong ipinaliwanag sa kanila.

Ang magical artifacts ay inihiwalay sa tatlong uri. Ang unang uri ay permanent. Ang magical

artifacts na nasa ganitong uri ay ay hindi maglalaho maliban kung ito ay wawasakin. Ang

pangalawang uri ay consumable type. Maari itong magamit sa mahabang panahon ngunit

kung ang kapangyarihan ng artifact, ito ay mababawasan at magiging walang silbing palamuti,

o maaaring gumamit ng ibang pamamaraan upang maibalik ang naubos na kapangyarihan.

Ang pangatlo at huling uri ng magical artifacts ay maaari lamang gamitin ng isang beses. Ang

anumang magical artificats na kabilang sa ganitong uri ay ang pinakamakapangyarihan ngunit

maglalaho pagkatapos ng isang beses na paggamit. Matapos gamitin ng isang beses ay

tuluyang mawawala lahat ng epketo nito at walang paraan upang maibalik iyon.