webnovel

Pagliyab ng Giyera (8)

Éditeur: LiberReverieGroup

Inignora siya ng Commander at inutusan ang sundalong dumating: "Magdala kayo dito ng kabayo at dalhin si Brother Mu pabalik sa Imperial City."

"Hindi ako babalik." Sigaw ni Mu Qian Fan.

"Kailangan mong bumalik! Hindi ka taga-Qi Kingdom at hindi maaaring makialam ang mga taga-labas saming mga problema!"

Gustong mag protesta ni Mu Qian Fan ngunit agad siyang tinali ng iba pang lider na naroroon at isinakay sa kabayo. Agad namang umalis ang kabayo pabalik ng Imperial City. Namula ang mga mata ni Mu Qian Fan, wala itong nagawa kundi panoorin na lang sa malayo ang giyera. Hindi maiwasang kumirot ang kaniyang puso dahil wala man lang siyang magawa sa nangyayari.

Gusto niyang maging katulad ng mga ito. Makipaglaban at protektahan ang buhay ng nakararami!

Nang makaalis na si Mu Qian Fan, nagpakawala ng buntong-hininga ang Commander.

Sa labas ng Commander's tent, pataas ng pataas ang bilang ng emergency report. Mas lalong lumalala ang labanan.

Sa loob naman ng tent, ininom ng mga lider ang

kani-kaniyang wine saka yumukod sa Commander. Pagkatapos noon ay tumalikod na para sumabak sa giyera.

Naiwang mag-isa ang Commander at pinanuod ang mga papalayo niyang kapatid sa armas. Nagsimulang mabuo ang luha sa kaniyang mga mata. Iyon na ang huling alaala niya sa mga ito dahil imposible nang makabalik ng buhay ang mga ito.

Napaluhod sa lupa ang Commander. Nakatakip sa mukha nito ang kaniyang kamay at nagsimulang humagulhol.

Hindi basta-bastang umiiyak ang isang lalaki, maliban na lang kung sagad hanggang buto ang sakit na nararamdaman nito!

Nagpatuloy pa ang giyerang ito sa loob ng tatlong araw. Ang tatlumpu't-limang libong sundalo ng Rui Lin Army ay naubos at wala ni isang natira. Isang madugong trahedya ang sinapit ng mga sundalong iyon. 

Ang mga sundalo ng Condor Country ay inapak-apakan lang ang mga labi ng mga Rui Lin Army na nasawi at pagkatapos ay intake na ang pangunahing kampo.

Ginawa ng lahat ng mga sundalong natira ang kanilang makakaya upang makipaglaban sa kanilang kaaway. 

At sa wakas…

Ang Commander in Chief ng Condor Country ay dumatin sa Commander's tent ng Rui Lin Army sakay ng kaniyang kabayo. Nakakalat sa loob ng tent ang mga labi ng Rui Lin Army na natira. Malalim ang pagkakakunot ng noo ng Commander ng Condor Country habang nakatingin sa mga bangkay ng nasawi.

Kahit na siya ay nasa kabilang panig, hindi niya maiwasang tumaas ang tingin at magbigay ng respeto sa kagitingang ipinakita ng mga sundalong ito.

Sila ay ilang araw na tuloy-tuloy na naglaban at hindi nga maitatangging kahit papaano ay nahirapan sila. Ang pinaka-nagpahirap sa kanila ay ang Rui Lin Army gayong iilan lamang ang bilang noon.

Sa panig na ito, halos nasa tatlumpung-libo lang ang bilang ng Rui Lin Army ang naririto. Ngunit mahigit sa tatlumpung-libong sundalo rin ang pinatay ng mga sundalong ito!

Isa laban sa sampu!

Iyon ang dahil an kung bakit ganito na lang kinatatakutan ang mga sundalong ito!

"Ubos na ang iyong batalyon. Kung ikaw ay kusang susuko, pwede kitang iligtas." Saad ng Commander in Chief ng Condor Country. Alam niyang naririto lang sa tent na ito ang Commander ng Rui Lin Army.

Tanging ito na lang ang natitirang buhay!

Tahimik sa loob ng Commander's tent. Sinenyasan ng Commander ng Condor Country ang kaniyang mga sundalo na paligiran ang tent. Agad namang itinutok ng mga sundalo ang kanilang mga dalang patalim!

Isang malakas na kalabog ang bumasag sa katahimikan!

Pinira-piraso ng mga sundalo ang tent!

Subalit!

Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa gitna ng nasirang tent. Nakasuot siya ng pilak na kalasag at mahigpit na hawak ang isang mahabang sibat. Nililipad ang pulang kapa na nakasabit sa likuran nito. Nag-aalab ang mga mata nito at matikas na nakatayo sa gitna na animo'y isang bundok. Ang liwanag ng papalubog na araw ay nagmumula sa likuran nito.

"Ang mga Rui Lin Army ay namatay sa pakikipaglaban, wala ni isa sa kanila ang sumuko! Halika at maglaban tayo!" Itinutok ng Commander ng Rui Lin Army ang kaniyang sibat at tumakbo palapit sa Commander ng Condor Country!