webnovel

Isang Araw na Paglalakbay sa Libingan (7)

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa pagkakataong iyon, nasaksihan mismo ng mga mata ni Jun Wu Xie kung gaano kalakas ang

abilidad sa pag-iimbak ng Hell Rodent. Lahat ng kayamanan sa buong bulwagan ay malinis na

nilunok ng Hell Rodent sa loob ng sampung minuto.

Nang mawala na lahat ng laman sa silid, ang batang babae ay dinala papasok ang timba na

may tubig at nagsimulang maglinis, ginawa nito lahat ang ginawa sa kabilang bulwagan.

Ngunit sa pagkakataong iyon ay nasa tabi na ng batang babae ang "pusang itim".

Tahimik lamang na nakaupo doon si Jun Wu Xie at pinanood ang batang babae na abala sa

ginagawa nito. Nilayon lamang niya na mas lalong makapasok sa libingan ng Dark Emperor

upang maintindihan niya ang sitwasyon sa loob ngunit nadiskubre siya ng batang babaeng ito

na sinasabing nagmula ito sa angkan ng Spirit Soul. Bagaman ang kabilang panig ay walang

intensyon na saktan siya, ay hindi nais ni Jun Wu Xie na sirain ang akala ng batang babae at

nagkunwari na lamang habang ginagamit ang oras niya sa tabi ng batang babae upang

obserbahan ang mga lihim sa libingang Dark Emperor na walang nakakaalam sinuman.

Ang libingan ng Dark Emperor ay sadyang napakalaki, kagila-gilalas ang lawak. Paglagpas sa

pasilyo ay isa-isang malapalasyong bulwagan na puno ng hindi mabilang na kayamanan.

Matapos dumaan sa mga bulwagan ay isa na namang mahabang daanan at sa daanan na iyo

ay may mayroon na namang sampung malalaking bulwagan na punong-puno ng kayamanan.

Tila hindi napapagod na nilinis ng batang babae ang bawat isa, paulit-ulit na ginawa ang

nakakabagot na trabaho.

Paminsan-minsan ay humuhuni ito at minsan ay kinakausap ang Hell Rodent, at may mga

pagkakataon na tinatangka nito na magsabi ng ilang bagay sa itim na pusa na kaniyang

"napulot".

Sa kasamaang-palad ay nalaman ng batang babae na ang pagkatao ng munting pusang ring

spirit ay higit na mas tahimik kaysa sa Hell Rodent at kahit anong sabihin nito, ang pusang itim

ay nanatiling tahimik lamang na nakikinig at hindi kakikitaan ng anumang reaksyon.

Matapos ang ilang oras, sa wakas ay natapos ng batang babae ang paglilinis sa lahat ng

bulwagan sa daanang iyon at noon pa lamang ito pinahintulutan ang sarili na magpahinga.

Naupo ito sa gabundok na ginto, na para bang ang mga bagay na inuupuan nito ay hindi naiiba

sa mga karaniwang bato.

Ngayon na nagpapahinga na ito, ang atensyon ng batang babae ay natuon kay Jun Wu Xie.

"Nagmula ka sa labas, ano na ang kaganapan ngayon sa labas? Namumulaklak pa rin ba ang

mga bulaklak? Matagal na akong hindi nakakalabas sa lugar na ito at hindi ko na alam kung

ano na ang mundo sa labas." Saad ng batang babae, bumubulong ito sa sarili ngunit nakatingin

din kay Jun Wu Xie na parang nagmamaktol ito.

"Ang huling pagkakataon na lumabas ako ay dahil sa dinala ko palabas ang taong iyon.

Ngunit… kung nalaman iyon ni Big Brother, siguradong magagalit na naman ito." Saad ng

batang babae at ngiming inilabas nito ang dila, tila nahihiya ito. "Ngunit iyon ay naging

mabuting tao, tama? Wala na itong lakas upang lumaban pa."

Dahil sa nakakalitong pagpapaliguy-ligoy nito, ang mga salita ng batang babae ay tila naging

kakaiba.

Ngunit naintindihan siya ni Jun Wu Xie.

Kung tama ang kaniyang hula, ang "mabuting tao" na binanggit ng batang babae ay si Wen Yu.

Ayon sa mga nangyari, si Wen Yu ay dinala palabas sa Heaven's End Cliff ng batang babaeng

ito, at marahil ang Soul Calming Jade ay isang bagay na inilabas ng Hell Rodent mula sa bibig

nito.

Ngunit…

Bilang tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor, ang pagkakaroon ng mabait at walang-

muwang na katauhan ay angkop ba na pinili?

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang natural at simpleng mag-isip na bata at hindi niya magawa na

sumang-ayon na ang katauhan nito ay magiging isang mabuting tagapangalaga para sa

libingan ng Dark Emperor ngunit napansin niya na binanggit ng batang babae ang "Big

Brother".

Hindi kaya na sa loob ng libingan ng Dark Emperor, ay hindi lamang ang batang babae ang

nandito?

Ang nakatatandang kapatid nito marahil ay naroon din!

Nang mapagtanto iyon ni Jun Wu Xie ay bigla niyang itinaas ang kaniyang kamay at bahagyang

hinawakan ang tuhod ng batang babae.

Iyon ang unang pagkakataon na nakakuha ang batang babae ng tugon mula sa pusang itim.

Kahit na iyon ay isang banayad na hawak lamang, ay sapat na iyon upang mapangiti ito. Ngunit

ang kalahating bakal na maskara na suot nito ay mas mapapansin sa pagkakataong iyon,

tinatakpan ang kalahati ng tapat at musmos na ngiti nito.