1053 Hindi ka Nilalamig? Ako Oo (3)

Translator: LiberReverieGroup Éditeur: LiberReverieGroup

Biglang nag-iba ang itsura sa mukha ni Jun Wu Yao. Kailanman ay hindi nagtanong si Jun Wu Xie ng tungkol sa kaniya. Kaya ngayon ay naninibago siya. 

Nakatitig pa rin sa kaniya si Jun Wu Xie.

Dahil doon mas lalong lumalim ang ngiti sa mga labi ni Jun Wu Yao.

"May mga bagay lang akong tinapos." Ito ang unang beses na nagtanong tungkol sa kaniya si Jun Wu Xie. Nagsisimula na bang magkaroon siya ng puwang sa puso ni Jun Wu Xie.

"Kailangan mo pa ba ulit umalis?" Hindi mapigilan ni Jun Wu Xie ang sarili na magtanong.

"Hindi pa sa ngayon." Sagot ni Jun Wu Yao. Ngayon ay tuluyan nang naging lila ang kulay ng mga mata niya habang mariing nakatitig kay Jun Wu Xie. Para bang kinakabisa ang bawat sulok ng mukha ng binibining nasa kaniyang harapan.

Hindi na muling nagsalita si Jun Wu Xie pagkatapos noon. Binuhat siya ni Jun Wu Yao at inupo siya sa kandungan nito. 

"Ayaw mo ba akong umalis?" Mahinang tanong ni Jun Wu Yao sa tenga ni Jun Wu Xie.

Naiilang na tumingin dito si Jun Wu Xie bago marahang tumango.

"Kung gayon, hindi na ako aalis." Sagot ni Jun Wu Yao.

Nanlalaki ang mga mata ni Jun Wu Xie na humarap sa malapad na nakangiting si Jun Wu Yao.

"Pero may mga bagay kang kailangan gawin." Hindi inaasahan ni Jun Wu Xie ang isinagot sa kaniya ni Jun Wu Yao. Maraming sikreto si Jun Wu Yao at naisip niyang masyadong mahalaga ang mga bagay na iyon.

Napakamakasarili naman niya kung pipilitin niya itong huwag na muling umalis. At ayaw niya namang gawin iyon.

"Sa puso ko, wala nang mas mahalaga kumpara sa'yo." Saad ni Jun Wu Yao habang hawak ang maliit na kamay ni Jun Wu Xie.

Para namang nagkaroon ng bikig sa lalamunan si Jun Wu Xie. Biglang lumakas ang tibog ng kaniyang puso. Kahit na nakangiti si Jun Wu Yao batid niyang seryoso ito sa kaniyang mga sinabi. 

"Huwag kang mag-alala. May mga bagay naman doon na hindi na kailangang ako mismo ang gagawa." Marahang tumawa si Jun Wu Yao bago muling nagpatuloy. "Maliban na lang kung ayaw talaga akong makasama ni Little Xie."

"Hindi…" Ngayon na lang ulit naramdaman ni Jun Wu Xie na parang hindi siya marunong magsalita. Nang muling ipanganak si Jun Wu Xie sa katauhan ng iba, maraming bagay ang kaniyang natutunan. Nagkaroon siya ng pamilya at mga kasama. Unti-unti siyang nagbabago. Natututo na siyang ihayag ang kaniyang sarili. Ngunit sa oras na ito, parang bumalik siya sa panahong hindi niya alam kung paano ang sumagot sa tao.

Tumawa lang si Jun Wu Yao at muli siyang niyakap mula sa likuran saka nagsalita: "Mabuti kung hindi. Huwag ka nang mag-alala tungkol doon, ako na ang bahala. Pero...kuya pa rin ba ang tingin mo sakin?" Hindi maiwasan ni Jun Wu Yao na magbalik-tanaw sa panahong ka kakilala lang nila ni Jun Wu Xie. Noong mga panahong halos patayin na siya ni Jun Wu Xie gamit ang mga karayom nito.

Agad nag-iba ang reaksyon sa mukha ni Jun Wu Xie. Nagbago na nga ang tingin niya kay Jun Wu Yao.

avataravatar
Chapitre suivant