webnovel

Hinahanap-hanap Mo na Ako? (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Ang mga taong tulad ni Bai Yun Xian at Yin Yan na mahiyain at mabilis matakot, ay madali lang pasunurin gamit ang kaunting pananakot. Basta't mabantayan sila, hindi sila gagawa ng problema. Ngunit ang mga taong tulad ni Qin Yu Yan at Ning Xin, ay kailangang patayin. Kahit na panandalian silang mapasunod, ang mga puso nila'y magtatangka ng pagtakas gamit ang pagpapalito.

"Ang Spirit Healing ay magagamit. Sa paggamit nito, alam ito ng aking tiyuhin." Habang nagsasalita si Jun Wu Xie, nagabot siya ng reseta kay Long Qi.

"Isa ay lason, isa ay gamot. Ibigay mo ang mga iyan kay Mu Chen para magamit si Bai Yun Xian at Yin Yan. Magagawa iyan ni Mu Chen."

Nang umalis siya sa Kaharian ng Qi, nagiwan siya kay Bai Yun Xian ng kalahating taong halaga ng panlunas. Malapit na itong maubos at pag hindi siya nabigyan, mamamatay siya. Walang ibang nakakagawa ng mga elixir at lason na gawa niya, ngunit may kakayaan si Mu Chen.

Tinanggap ni Long Qi ang mga gamit at tinago ang mga ito. Walang naiwan si Jun Wu Xie sa kanyang mga sukat at maingat sa kanyang mga plano. Alam niyang iyon lang ang kailangang gawin ni Long Qi.

"May pinapasabi ang Pangulong Lin at ang Hari para sa Binibini." Sinabi ni Long Qi matapos ang sandaling katahimikan.

Nagliwanag ang mga mata ni Jun Wu Xie.

"Sinabi nila, na magingat palagi ang Binibini sa lahat ng kanyang gagawin, at na hinihintay nila ang pagbalik ng Binibini sa Palasyo ng Lin." Naging mahinhin ang boses ni Long Qi.

Napayuko si Jun Wu Xie, tinatago ang pagnanasa sa kanyang mga mata.

"Sige, pasabi sa kanila na huwag nang magalala."

Tumango si Long Qi, at tahimik na tumabi.

Sa loob ng gubat, ang hangin ay dumadampi sa mga pisngi ni Jun Wu Xie, at linalabas ang mga damdamin ng pagnanasa sa kanyang puso.

Tumahimik ang kapaligiran. Nakayuko si Jun Wu Xie, habang inaalala ang nangyari sa palasyo.

Tito, Lolo… Jun Wu Yao…

"Ano ang iniisip mo?" Isang boses na may kasiyahan ay biglaang lumitaw sa likod ni Jun Wu Xie, isang boses na kilalang kilala niya.

Tinaas ni Jun Wu Xie ang kanyang ulo, gulat. At sa susunod na sandali, nagulat siya't mayroon nang mainit at nakakaaliw na yakap na nakabalot sa kanya. Isang kilalang amoy ang pumasok sa kanyang ilong, at nanginig siya ng kaunti.

"Iniisip ba ako ng aking Little Xie?" Isang nakakatakot na tawa ang tumunog sa may tenga ni Jun Wu Xie at nakiliti ng hininga ang kanyang leeg.

Tahimik ang kampo, lahat ay nakatingin, sa matangkad na anyo na nakabalot kay Jun Wu Xie sa isang yakap.

Napatayo si Rong Ruo sa gulat, nakatitig sa lalaking nanakot sa kanya gamit ang aura niya.

Sa gitna ng kagubatan, ang napakagwapong lalaki ay nakayakap sa napakagandang babae, at tahimik lang silang tumayo doon, habang sumisilip ang ilaw ng araw sa mga dahon, na parang mga tala, at tila bumaba ang langit sa lupa, para ilawan ang dalawang anyo.

"Kuya…" Dahan-dahang binuksan ni Jun Wu Xie ang kanyang bibig, para sabihin ang pagtawag na lumitaw sa kanyang panaginip dati.

May tawa, na lunod sa tuwa, ang nanggaling sa likod ni Jun Wu Xie. Inikot ng lalaki ang maliit na Jun Wu Xie at binaba ang ulo niya, dinikit ang kanyang noo sa noo ni Jun Wu Xie, ang kanyang mga mata'y nanliliit sa tawa.

"Nakikilala ni Little Xie ang boses ko, nakakatuwa."

Isang napagagwapong ngiti na mas makinang pa sa langit at lupa ang natanim sa mga mata ni Jun Wu Xie. Nanlaki ang mga mata niya, habang nakatitig lang siya sa walang kupas na mga tampok sa harapan niya.

"Bakit? Sa tingin mo, teka. Hinahanap-hanap mo ako?" Sinabi ni Jun Wu Yao ng may pang-aasar sa kanyang gulat at nanigas na sinta.