webnovel

Heavenly Cloud Chambers (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Nagsalubong ang mga kilay ni Lin Que. Hindi madaling itago ang pagkamatay ng Devious Wyvern. Ang tanging magagawa na lang niya ngayon ay bawasan ang posibleng galit ng taong iyon para matulungan niya ang kaniyang anak.

"Alam mo ba ang pinagmulan ng Spirit Beast na iyon?"

Umiling si Lin Feng.

"Ang tanging alam ko lang ay puting-puti na anyong lobo ang Spirit Beast na iyon at mayroon siyang siyam na buntot. Isa lang iyong maliit na tupa kapag nagtatago sa kaniyang tunay na anyo. Kung titignan mo iyon ay parang hindi malakas."

Saglit na nag-isip si Lin Que bago itinayo si Lin Feng. "Sabihin mo nga saakin. Alam ba ng Jun Xie na iyon na ikaw ang may dala sa Devious Wyvern simula pa lang?"

Agad na tumango si Lin Feng.

"Tandaan mo 'tong mabuti. Ang nangyaring iyon, simula pa lang ay pinlano na ni Jun Xie. Ginamit niya ang kaniyang Spirit Beast para kalabanin ang Spirit Beast ni Shangguan Miao. Kaya naman nagpadalus-dalos ka at nahulog sa Patibong ni Jun Xie. Naiintindihan mo ba?" Seryosong saad ni Lin Que.

Natigilan si Lin Feng.

Nauubusan ng pasensyang sumigaw si Lin Que. "Narinig mo ba ako ng mabuti?!"

Nanginig si Lin Feng saka tumango.

"Narinig ko po! Narinig ko po!"

"Mabuti kung gayon. Ngayong nasa'yo ang lahat ng sisi, kapag nagbigay na ng parusa ang taong iyon, tiisin mo lang at gagawa ko ng paraan para mabawasan ang ipapataw sa'yo. Pero kailangan mong ibunton ang lahat ng sisi kay Jun Xie. Si Jun Xie ay panauhin ng Fiery Blaze Clan at ang Fiery Blaze Clan ay hindi sumasang-ayon sa taon iyon. Kaunti lang ang may alam tungkol sa Fiery Blaze Clan pero ilan sa mga taga-Clan na iyon ay alam ang tungkol sa Devious Wyvern. Sila ang nagsabi kay Jun Xie ng tungkol doon at plinano niya itong lahat. Siguraduhin mong tatandaan mo lahat ng ito! Kung ang taong iyon ay magpapadala ng mga tao para interogahin ka, sagutin mo sila sa paraan ng pagkakasabi ko sa'yo naiintindihan mo?!" Matikas na saad ni Lin Que.

"Papa, gusto mong ibato ang lahat ng sisi kay Jun Xie?" Nagulat si Lin Feng sa isiping iyon. 

"Ano sa tingin mo!? Kung hindi siya ang sisisihin, kahit ako ay walang magagawa para iligtas ka! Ipagdasal mo na lang na magiging sapat ang Guardian Grade Spirit Beast ni Jun Xie ay magiging sapat na sa taong iyon. Kung ganon anng mangyayari, maliligtas ka na." Malamig na saad ni Lin Que.

Yumuko na lang si Lin Feng at hindi na sumagot pa.

"Ikaw na walang silbi! Bumalik ka sa silid mo at pagnilay-nilayan ang ginawa mong katangahan!" Sigaw ulit ni Lin Que habang nakatingin kay Lin Feng.

Agad namang pinunasan ni Lin Feng ang kaniyang luha at tumakbo pabalik sa kaniyang silid. Kung pinapabalik lang siya ni Lin Que sa kaniyang silid ibig sabihin ay may naisip na talaga itong paraan. Kaya naman naisip din ni Lin Feng na natakasan niya na ang problemang kaniyang ginawa.

Pinanuod ni Lin Que ang likod ng kaniyang anak. Makakapagpalakas na sana siya sa taong iyon gamit ang Devious Wyvern, pero ngayon ay sinira na ng anak niya ang kaniyang plano.

"Mga Guwardiya!" Tawag ni Lin Que.

"Ano pong aming maipaglilingkod, Clan Chief?"

"Magpunta kayo sa storehouse at dalhin niyo ang binili ko kahapon. Pagkatapos ay samahan niyo ako sa Heavenly Cloud Chambers." Utos ni Lin Que sa mga guwardiya. "Opo, Chief!"

Ihinanda ni Lin Que ang ilang kayamanan sa karwahe bago nagtungo papuntang Heavenly Cloud Chambers sa Thousand Beast City.

Ang Heavenly Cloud Chambers sa Thousand Beast City ay dating lugar kung saan sila sumasamba sa mga deity. Ngunit nang bumalik ang taong iyon, ipinag-utos nitong tanggalin ang altar at itapon ang lahat ng mga ispiritwal na gamit. Ngayon ay naging tirahan na ng taong iyon ang buong Heavenly Cloud Chambers. Lahat ng mga gusaling mas mataas sa dalawang palapag ay ipinagiba dahil ayaw niyang natatabunan ang kaniyang tanawin sa kaniyang bintana.