webnovel

Dalisay at Musmos na Puso (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Hindi kailanman naramdaman ni Jun Wu Xie na ang makita ang dugo ay magiging kasuklam-

suklam sa kaniya habang tinititigan ang nakangiting si Little Jue at ang kilay niya ayh

nagsalubong.

"Ito…" Si Qiao Chu at ang ibang mga kasama ay biglang hindi malaman kung ano ang sasabihin

nang makita si Little Jue na nababalot ng dugo, ito'y ibang iba sa imahe ng tahimik at musmos

na munting bata na matakaw lamang sa kanilang isipan.

Tahimik na naglakad palapit si Jun Wu Xie habang nakatingin kay Little Jue na ang mukha ay

puno ng pag-asam. Ginamit niya ang sariling manggas upang punasan ang dugo sa munting

mukha na iyon habang si Little Jue ay napakurap sa kaniya, ang di-kumpletong kaluluwa nito

ay hindi magawang maintindihan kung bakit kakaiba ang reaksyon ni Jun Wu Xie ng mga

sandaling iyon.

Patuloy na pinunasan ni Jun Wu Xie ang dugo at kinuha ang dugo na ngayon ay malamig na

mula sa munting kamay ng bata at itinapon iyon sa lupa.

"Palitan mo ang iyong damit." Malamig na sabi ni Jun Wu Xie.

Napayuko si Little Jue at hindi na nagsalita laban doon at sa halip ay tumingin kay Jun Wu Xie

na may bahid ng pagdadamdam sa kaniyang mata saka dahan-dahang umakyat sa karwahe

upang palitan ang damit niyang basa ng dugo.

Nang makaakyat si Little Jue sa karwahe ay saka nagsalita si Qiao Chu at ang iba pa.

"Little Xie, si Little Jue ay… bata pa, kaya siguro huwag ka masyadong malupit sa kaniya."

Maingat na sabi ni Qiao Chu. Ang makasama si Jun Wu Xie ng may kahabaang panahon, ay

may nalalaman na siya sa mga gusto at hindi gusto ni Jun Wu Xie.

Nararamdaman niya na masama ang kondisyon ni Jun Wu Xiesa mga sandaling iyon dahil ang

mata nito ay mas malamig kaysa sa nakasanayan.

"Ehem… Palagay ko ay naghigante siya para sa iyo? Maaring narinig niya ang lahat ng pinag-

uusapan natin kanina." Agad na bigkas ni Fei Yan, sa pagsubok na makiusap alang-alang kay

Little Jue. Hindi nila napansin ang kakaibang kilos ni Little Jue kanina sapagkat ang bata ay

naiiba sa ibang mga bata at ang dami ng salita na alam nito ay mabibilang lamang sa kanilang

mga daliri. Sinong mag-aakala na ang munting bata na hindi pa tuluyang nababawi ang buong

kamalayan ay biglang lalabas at makakagawa ng madugong gawain?

Ang ilang mga kabataan ay hindi mangmang at agad nilang iniugnay ang kilos ni Little Jue sa

kanilang napag-usapan kanina at napagtanto ang dahilan sa likod noon.

At kinampihan nila ang munting bata sa kanilang mga puso.

Ilang sandali na tahimik si Jun Wu Xie bago niya binuka ang bibig upang marahang magsalita.

"Isinama ko siya dito hindi para gumawa ng mga ganoong bagay."

Naaalala pa niya noong una niyang makita ang Little Emperor. Ito'y tahimik at ang kaunting

pagsindak ay magpapanginig dito. Ngunit ngayon, si Little Jue na nagpunta doon na puro dugo

ay ibang iba sa munting Emperor na naalala niya dahil ang nautral na katauhan nito ay hindi

nais ang mga kasuklam-suklam na bagay at hindi niya gusto na ang kamay ng bata ay

mabahiran ng dugo.

Kailangan lamang nito ipagpatuloy ang buhay sa kamusmusan at matapos gumaling ng

kaluluwa nito ay magiging panatag at tahimik na Emperor ulit ito, hindi kailangan maharap sa

pagdanak ng dugo at kasinungalingan, na hindi kailangan madumihan ang mga kamay nito.

Ang munting Emperor ay ang pinakadalisay at musmos na bata na nakita ni Jun Wu Xie na

kahit naipanganak sa isang Imperial Family, ay nanatili pa rin ang walang muwang na pagkatao

nito.

Ang isang dalisay at musmos na puso ay bihira at hindi gusto ni Jun Wu Xie na mabahiran ang

katauhan ng munting Emperor.

"Ang mga taong ginawa sa ilalim ng Scarlet Blood, ay mapupuno ng matinding hangarin upang

pumaslang. Si Little Jue ay talagang masunurin at nakakaaliw at ang nangyari ngayon ay

maaring dahil ang bagay na iyon ay may kaugnayan sa iyo at pinukaw nito ang epekto ng

Scarlet Blood na nasa loob niya. Huwag mo itong dibdibin. Hintayin mo hanggang siya ay

gumaling at maaring lahat ng ito ay tuluyang mabubura." Buntong-hininga na saad ni Rong

Ruo, bahagya niyang naiintidihan ang nararamdaman ni Jun Wu Xie sa mga sandaling iyon.

Si Jun Wu Xie at ang munting Emperor ay walang kaugnayan sa isa't isa ngunit ginawa nito ang

lahat upang tulungan ang munting bata dahil ang isang dalisay at musmos ay bihirang-bihira at

mahalaga.