webnovel

Auction Para sa mga Mayayaman (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Kung gusto talaga nating malaman, may makakatulong satin." Biglang saad ni Fei Yan..

"Ibig mo bang sabihin ay si Mu Qian Fan?" Tanong ni Rong Ruo na nakataas ang isang kilay.

Tumango si Fei Yan. "Nabanggit noon ni Mu Qian Fan na may nagbigay sa kanila ng pera para magtungo sa Heaven's End Cliff. Bukod pa dun, kinompirma na satin ni Little Zhuo na ang puntod ng Dark Emperor ay matatagpuan sa baba ng Heaven's End Cliff. Ibig sabihin lang non, ang taong nagbabad kina Mu Qian Fan na magtungo don ay may koneksyon sa Twelve Palaces at maaring dala niya ang mapa! Mas naging kapaki-pakinabang sa kanila si Mu Qian Fan. Hindi lang niya nadala ang mga ito sa Heaven's End Cliff kundi ay nakapagbigay pa ito ng himaton sa kung sino ang may hawak ng mapa sa Zephyr Academy."

Saglit na tumigil si Fei Yan bago siya tumingin kay Jun Wu Xie at seryosong nagtanong: "Little Xie, sigurado ka bang mapapagaling mo sa pagkakalason si Mu Qian Fan?"

Marahan namang sumagot si Jun Wu Xie: "Oo."

Nakumbinsi naman si Fei Yan sa sagot na iyon ni Jun Wu Xie.

"Bago ang lahat, mas mainam kung tayo ay tutungo sa Heaven's End Cliff para makita kung ano ang naroon. Wala pa tayong kumpletong mapa ng puntod ng Dark Emperor, pero kahit na hindi natin matunton ang eksaktong lokasyon ng puntod ng Dark Emperor, makakabuti kung malalaman natin ang itsura ng lugar." Pagrarason ni Hua Yao.

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabing iyon ni Hua Yao.

Matapos ng pag-uusap na iyon, naghiwa-hiwalay na sila para magsimula sa kaniya-kaniyang gawain.

May dalawang araw pa bago ang auction sa Chan Lin Auction House at kailangan nilang manatili sa Chan Lin Town habang inaantay iyon. Si Jun Wu Xie naman ay inabala ang kaniyang sarili para sa lunas sa nalasong si Mu Qian Fan.

Mabilis namang lumipas ang araw at muling nagbukas na ang Auction House. Ngayon, bago ang auction, kumuha si He Chang Le ng mga tao para ipakalat ang balitang iyon sa Chan Lin Town. Naglalaman ang balitang iyon na hindi lang mga kakaibang mamahaling bagay ang nasa auction, kundi mga pambihirang klase ng elixir!

Maraming mga tao ang nabuhayan ng interes sa auction at nagmadaling tumungo sa auction house.

Pambihirang klase ng elixir, kahit saan pa iyon o kahit anong oras ay dadayuhin nila. Kahit na hindi nagbanggit ng detalye tungkol sa elixir, base sa pamantayan ng Chan Lin Auction House, sigurado ang mga taong namumukod-tangi talaga iyon.

Ngayong araw ay mas marami ang mga tao sa Chan Lin Auction House. Hindo pa man nagsisimula ang auction ay halos puno na ang unang palapag noon maging ang mga pribadong silid sa itaas ay puno na rin.

Buti na lang at nakausap nina Qiao Chu si He Chang Le bago ang auction kaya naman sila ay nakapagpareserba ng silid.

Nang makarating sina Jun Wu Xie, maging ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag ay puno ng mga tao. Kailangan nilang makipagsiksikan para makaakyat sa silid na kanilang pinareserba.

"Diyos ko! Kailangan ba talagang ganito? Punong-puno ang Auction House ngayon." Hawak ni Qiao Chu ang kaniyang sapatos. Habang sila ay paakyat kanina ay naapakan ang kaniyang sapatos ng ilang beses at muntik na iyong mawala kaya binitbit niya na lang iyon.

Sila ay inalalayan ng isa sa mga tauhan doon at pinagsilbihan ng tsaa nang sila ay makarating sa silid.

"Aking mga Young Master, maaaring hindi niyo ito alam, pero ang mga bagay na para sa auction ngayon ay kakaiba. Bukod sa spirit stones, mayroon kaming mga kakaibang klase ng elixir. Hindi pa nagsisimula ang auction at ganito na ang bilang ng mga tao, kapag nagsimula na iyon ay paniguradong mas dadami pa."