webnovel

Ang Umpisa ng Pangangaso (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Sa ilalim ng Heaven's End Cliff ay puno ng mga dugo na nagkalat sa lupa. Sa loob ng makapal

na hamog, ay napakalamig at ang mga taong nahulog sa lawa ng dugo ay hindi na mabilang.

Ang grupo ng mga tao na nakatayo sa ilalim ng makapal na hamog at lubos ang paghingal ay

tinitingnan ang bawat isa sa ilalim ng ilaw na itinapon mula sa Spirit Fire Globes na hawak ng

kanilang mga kamay ay nakipaglaban sa isang matinding digmaan.

Ang pangkat ng mga tao at mahigit isang-daang kabayo, na ang katawan ng bawat isa ay

napapalibutan ng purple glow mula sa kanilang spirit powers. Ang mahusay na labanan kanina

ang dahilan upang maubos ang kapangyarihan at ngayong tapos ito, magkakaroon na sila ng

pagkakataon na makahuli ng breather.

"Isinusumpa ko sila. Soul Return Palace, Flame Demons Palace… Maaaring sila ay nahihibang,

nagpadala sila ng isa pang pangkat matapos magpunta ng unang pangkat sa Lower Realm at

kumikilos na parang walang nakakaalam kung ano ang kanilang iniisip." Galit na sinabi ng

pinuno ng pangkat habang siya ay na nakatingin sa kanilang paligid na puno ng mga bangkay

ng tao. Ang kaniyang pangkat ay kabababa lamang mula sa Heaven's End Cliff nang bigla

nilang masalubong ang iba't ibang pangkat mula sa ibang palasyo. Ang magkaikaibang pangkat

ay naglaban laban at malinaw ang kanilang mga hangarin na hindi na dapat pang banggitin.

"Ang Lower Realm ay tulad ng isang kumukulong kaldero na puno ng kaguluhan at digmaan sa

mga nagdaang panahon. Napakinggan ko na ang pawns na itinanim ng iba pang mga palaces

sa Lower Realm ay binunot ng isang tao at ang mapa na nakabaon dito ay nawawala. Paanong

hindi sila nabalisa?" Sinabi ng isa pang lalaki na hinihingal.

Kung ito ay nasa karaniwang sitwasyon at nakatagpo nila ang ibang mga tao mula sa Twelve

Palaces, sila ay magpaparinig ng masasakit na salita at magbabato ng pang-iinsulto sa kanila

bago sila makahanap ng isang dahilan upang hayaan ang lahat ng mga pangkat na ipagpatuloy

ang kanilang mga misyon.

Kahit na iisa ang kanilang mga layunin, nakabatay pa rin sa kanilang kakayahan ang

paghahanap sa libingan ng Dark Emperor.

Pagkatapos ng lahat, ang iba't ibang palasyo sa Twelve Palaces ay nagtataglay ng magkatulad

na antas ng kapangyarihan at maliban na lang kung nangangailangan ng pagsulong sapagkat

kung hindi, ay hindi sila magkakasundo.

Ngunit nagbago ang kasalukuyang kalagayan.

"Heh, naaalala mo kung gaano kayabang ang mga nasa seven palaces nang makuha nila ang

mapa? Iniisip na nakahanap na sila ng isang malaking palatandaan, iniiisip nila na sila ang

unang makakahanap sa libingan ng Dark Emperor. Ngunit ilang taon ang na ang lumipas at

ano ang kanilang nahanap? Ang mapa na ibinigay nila sa Lower Real ay nawawala at

pinaghihinalaan ang bawat isa sa atin. Ito ay nakakatawa. Kung wala silang kakayahan, hindi

nila dapat idamay ang ibang tao. Iniisip nila na kahit sino ay maaari nilang ituro. Sa tingin ba

nila ay hindi sila matatalo?" Sinabi ng pinuno ng pangkat ng kalalakihan habang siya ay

dumudura na may kasamang dugo. Nakamit nila ang tagumpay dahil sa dami ng kanilang

pangkat ngunit ang kalaban ay mga tao mula sa ibang mga palaces at ang kanilang

kapangyarihan ay hindi maaaring amuyin. Kahit na sila ay nanalo, marami ang sugatan at may

pinsala.

"Masuwerte kami sa mga oras na ito dahil sa pangitain ng Elder na humiling na magdagdag

kami ng maraming kasama. Kung nagpunta kami dito tulad ng nagdaang pangkat, maaaring

napabagsak na kami ng kaaway." Sinabi ng isa pang lalaki na may pangungutya.

Nagmula sila sa Flamboyant Palace ng Twelve Palaces at sa Twelve Palaces, sila ay nasa

gitnang hanay pagdating sa kapangyarihan at sila ang uri na hindi masyadong kilala. Sa mga

nagdaan na panahon, hindi sila tumigil sa pagsisiyasat sa paghahanap ng libingan ng Dark

Emperor at katulad ng mga ibang palasyo ay natagpuan nila ang ilang mga pawns sa Lower

Realm upang isakatuparan ang mga gawain nila dito. Ngunit sa kalagitnaan ng taon, ang Lower

Realm ay bumagsak sa magulong digmaan. Ang hawak nilang mga pawn ay nilipol at at wala

silang magagawa kundi isagawa ang kanilang misyon.

Sa nagdaan na tatlong buwan, nagpadala sila ng maraming pangkat ng kalalakihan sa ilalim ng

Heaven's End Cliff upang hanapin ang lokasyon ng Dark Emperor ngunit walang nakabalik

kahit isa.

Mlinaw sa kanila na ang Heaven's End Cliff ay lugar na puno ng panganib at lagi silang nag-

iiwan ng isa o dalawang tauhan sa itaas ng Heaven's End Cliff upang magbantay. Kapag hindi

pa rin sila nakatanggap ng balita pagkatapos ng kalahating buwan, ang mga nakabantay sa

itaas ng bangin ay maghahatid ng balita sa kanilang pagbalik.

Ngunit sa tatlong magkakasunod na buwan, ang mga ipinadalang pangkat ng Flamboyant

Palace ay sunud-sunod na nagpadala ngunit ni isa man sa mga iyon ay walang nakabalik.