webnovel

Ang Pamamaraan ng isang Emperador (2)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Noong ako'y maliit pa, lagi kong naiisip na masaya ang aking mga magulang sa pagkakaisa ng mga mag-anak. Kahit na napapalibutan ng magaganda ang lalaking iyon, mabuti at may respeto siya sa aking ina — iyon ay bago ko malaman ang mapangahas na ugali ng lalaking iyon. Nalinaw ang mga bagay matapos pumanaw ng aking ina, pinatay ang aking buong pamilya, at ang mga naiwan sa dati'y umuunlad na pamilya ay pinalayas sa malayong dako ng bansa. Katawa-tawa nalang na nang umabot lang sa ganun, habang ako'y nakakulong sa palasyo, at dahan-dahang linalason, ay napakasimple lang pala na mali ang aking pinagkatiwalaan. Galit ako sa kanya noon, at pakiramdam ko noo'y parang hindi ko na alam kung ano ba ang 'kabaitan'."

"Ngunit napatunayan na, na hindi ako tanga. Jun Wu Xie, malaki ang utang ko sa'yo. Sobra-sobra at mukhang hindi sapat ang buhay na ito para maibalik ito. Ang aking buhay, mula ngayon, ay iyo na. Anuman ang sabihin mo, ang gawin mo, hindi ako tatanggi." Malinaw na kay Mo Qian Yuan na, ang maging mahabagin sa iyong mga kaaway, ay pagiging malupit lang sa iyong sarili.

Hindi na niya maatim ang kalupitang ginagawa niya sa kanyang sarili. Hindi na siya magiging madaling kalasag na matagal na niyang ginawa ang kanyang sarili, at hindi na siya maghihintay na maligtas ng iba mula sa mga kahirapang siya rin ang may gawa.

Nang magsalita lang si Mo Qian na namamaos, ay nagpasya si Jun Wu Xie na biyayaan siya't magsalita.

"Hindi ko kailangan ang buhay mo, at hindi rin kailangang makinig sa akin ng Emperador ng buong Kaharian ng Qi."

Gusto sanang sumagot ni Mo Qian Yuan, ngunit ang tuyo niyang lalamunan ay hindi pumayag na maglabas ng kahit isang salita.

"Ang buong Kaharian ng Qi ay nasa iyong mga kamay, ang mga nais mong gawin ay hindi dapat galing sa utos ng iba, ngunit kailangan mong matutunan ang mga pamamaraan ng isang Emperador. Sa kamakailan lang pagsalubong sa Angkan ng Qing Yun, naniniwala akong alam mo na ang dapat at hindi dapat gawin. Wala ako sa susunod na buwan. Pwedeng maging tatlong buwan, o anim bago ako bumalik at iiiwan ko si Bai Yun Xian. Hindi siya mapagkakatiwalaan, ngunit ang mga kakayanan niya sa medisina ay mas mahusay kaysa sa mga manggagamot niyo. Iiiwan ko ang lunas para sa kanya sa aking tito, at ang resipe sa'yo. Ang baguhin si Bai Yun Xian para magamit mo, ang gawain na iiiwan ko sa'yo. Sinabi ni Jun Wu Xie.

Wala na siyang balak na patayin si Bai Yun Xian. Hindi na siya magaabala pa at kailangan na niyang maghanda para sa kanyang pagalis mula sa Qi. Ang mga kakayanan ng mga manggagamot ng Qi ay katawa-tawa, at kahit na malayo ang pagkakaiba ng mga kakayanan ni Bai Yun Xian sa kanya, malaki ang pinagkaibia nito sa mga manggagamot ng Qi.

Pwedeng sabihin, na sa pananatili ni Bai Yun Xuan, parang may hawak na espadang may dalawang talim. Ang kung magagamit ba ni Mo Quan Yuan ang espadang ito ang magpapakita kung marapat ba siyang Emperador.

Ang pangalang ng Emperador ng Qi ay Mo, at hindi Jun!

Natapos na niya ang pinunta niya para sabihin at tinuloy na ni Jun Wu Xie ang pagtingin sa mga pananakit ni Mo Qian Yuan. Maraming nais sabihin si Mo Qian Yuan kay Jun Wu Xie, at tanungin kung saan siya pupunta. Ngunit nang makita ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Jun Wu Xie, linunok niya ang mga salita at tinikom nalang ang bibig.

Nais ni Jun Wu Xie na hindi na umasa si Mo Qian Yuan sa kanya, at hindi rin niya nais na bale-walain ang tiwalang iyon.

Malala ang mga sugat ni Mo Qian Yuan ngayon. Maswerte siya't nakain na niya ang buto ng Snow Lotus dati, at naibsan nito ang pinsala sa kanyang katawan ng kaunti. Kasama ang mahusay na mga elixir ni Jun Wu Xie, nailigtas ang kanyang buhay.

Sa mga nagpapagaling na kamay ni Jun Wu Xie, maaaring sabihin na hindi na magdudusa si Mo Quan Yuan pagkatapos niyang gumaling, ngunit ang sakit at paghihirap na dadanasin niya sa kanyang paggaling ay hindi na maiiwasan.

Sa mga panahong nakaratay si Mo Qian Yuan, ang mga opisyal ng korte ay malaya mula sa pagdalo sa korte. At dahil hindi sila makadalo, nakahanap sila ng bagong dadalawin…..

**********

Ang Palasyo ng Lin.

Magmula ng sugurin ni Jun Wu Xie ang Imperyal na Palasyo para iligtas si Mo Qian Yuan, gumanda ang tingin ng mga opisyal ng korteng may matitigas na ulo kay Jun Wu Xie, at ang Palasyo ng Lin na matagal nang iniiwasan para hindi kumalat ang mga sabi-sabi, ay kanilang dinadalaw bilang isang importanteng parte ng kanilang mga gawain araw-araw!