webnovel

Ang Ika-limang Mapa (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Mga guwardiya, ikulong ang tatlong ito sa piitan at parusahan." pagod na ang Empress

Dowager. Tinapunan niya ng tingin ang Empress, Prime Minister at si Lei Fan na nasa

bulwagan. Bagaman sinunod at tinupad ang kautusan ng First Emperor sa pamamagitang nang

pagpapababa ng Emperor sa kaniyang trono, ngunit hindi niya makapa sa kaniyang sarili na

patawarin ang tatlong walang utang na loob na nagtaksil sa kagandahang-loob ng Emperor!

Ang Empress Dowager ay isinama si Lei Xi at ang Emperor at naghanda para sa pagbaba ng

Emperor.

Sa loob ng Imperial main hall, nakatayo si Qu Ling Yue at blankong nakatitig sa kaniyang

puwesto, ang kaniyang mata ay medyo nanlaki, nakatitig sa pintuan na patungo sa labas, ang

kaniyang tingin ay tila hindi naalis sa direksyon na iyon kung saan lumabas si Jun Xie.

"Miss Qu?" tawag ni Wen Yu, nakatingin siya sa mukha ni Qu Ling Yue na tuliro.

Biglang nagbalik sa kaniyang sarili si Qu Ling Yue. Kahapon ay dinala siya ni Lei Chen sa Grand

Adviser's Mansion at hiniling sa Grand Adviser na lihim na ipasok siya sa Imperial Palace, at

imbitahan ang Empress Dowager na pumunta sa bulwagan. Bagaman lahat ng salitang iyon ay

sinabi ni Lei Chen, ngunit mariing sinabi ni Lei Chen na lahat ng iyon ay plano ni Jun Xie.

"Lord Grand Adviser, nasaan si Uncle Xiong at ang iba pa ngayon?" kumislap ang mata ni Qu

Ling Yue habang sabik na nagtanong.

Ngumiti ang Grand Adviser at dinala siya kung nasaan si Xiong Ba at ang iba pa. Ang

pamahalaan ng Fire Country ay biglang nagbago ng araw na iyon.

Nang makita ni Xiong Ba at ng iba pa si Qu Ling Yue, ang mukha nila ay biglang nagliwanag at

madali na silang nagpaalam sa Grand Adviser bago umalis ng Imperial Palace.

Nang makabalik sila sa bahay-tuluyan, nakaramdam si Qu Ling Yue nang pagkabalisa. Kaya

bagabag niyang inimbitahan si Xiong Ba at ang mga kasama sa kaniyang silid.

"Uncle Xiong, sa Imperial main hall kanina, nakakita ako ng hindi kapani-paniwalang mga

pangyayari."

"Ano iyon? Gumawa na naman ba ng gulo ang Jun Xie na iyon? Sinabi ko na, hindi dapat tayo

pumayag sa hiling ng batang iyon. Huwag mo isipin na ang batang iyon ay isang paslit lamang,

ang kaniyang utak ay kaya gumawa ng labis na kasamaan." saad ni Xiong Ba habang inaalala

niya ang pagtungo nila sa Imperial Palace ng araw na iyon, nagpasiya na kailangan nilang

dumistansya kay Jun Xie sa hinaharap.

Nakikita niyang gusto ni Qu Ling Yue si Jun Wu Xie. At dahil iyon sa mga sinabi niya tungkol sa

mga nangyari sa pagitan nila ni Jun Xie at Lei Fan sa Imperial Garden.

Pinakinggang maigi lahat iyon ni Qu Ling Yue. Sa Imperial main hall ngayon, ay malinaw na

nakita niya sa kaniyang isip ang nangyari noong araw na iyon, at alam niya na ang perpektong

plano na iyon ay inilatag lahat ng kaakit-akit na bata.

Sigurado siya na nang sila ay unang imbitahin ni Lei Chen sa Crown Prince's Residence, ang

batang iyon ay naplano na ang lahat.

"Uncle Xiong! Sa pambihirang talino ni Jun Xie, sa iyong palagay ay matutgulungan niya si

ama…" nagningning ang mga mata ni Qu Ling Yue dahil sa pag-asa.

Nang marinig ni Xiong Ba ang tinuran nito, ay madali niyang naintindihan kung ano ang ibig

nitong sabihin, ang ekspresyon niya ay mabilis na nagbago at naging masungit ang boses niya.

"Young Miss, ang tungkol sa Chieftain ay hindi larong pambata. Bagaman matalino si Jun Xie,

ngunit ang mga taong tulad niya ay lubhang mapanganib bago matiyak kung sila ba ay

kaibigan o kaaway."

Tumugon si Qu Ling Yue: "Ngunit… Hindi dapat natin siya ituring na kaaway, dapat ba?"

Sumimangot si Xiong Ba at sinabi: "Nakipagtulungan siya sa atin ngayon dahil pareho ang ating

hangarin. Nais nating makamit ang ituwid ang kawalan ng katarungan na ginawa sa atin ng

Fire Country at nais niyang makamit ang pansarili niyang hangarin. Dahil iyon ay sang-ayon sa

parehong panig, hindi tayo nakakasiguro sa relasyon natin sa kaniya."

"Ngunit… kung mayroong bagay na aayon sa layunin niya sa atin?" tanong ni Qu Ling Yue, ang

puso niya ay bahagyang napatalon, inisip niya ang eksena kanina kung saan si Jun Xie ay

hiningi ang kahong brokado mula sa Emperor.

"Uncle Xiong, nasa kamay ng Emperor ng Fire Country ang isang mapa na katulad ng mayroon

tayo. Kailangan ni Jun Xie iyon. Kung sabihin ko sa kaniya na ang Thousand Beast City ay

mayroon din, maaari kayang…" sabik na tanong ni Qu Ling Yue.

Bigla ay nanlaki ang mata ni Xiong Ba.