webnovel

Ang Dugo ng Sundalo ay Mananatiling Buhay (1)

Éditeur: LiberReverieGroup

Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang pagmamartsa ng mga sundalo patungong Imperial City ng Qi Kingdom.

Sa kampo ng Rui Lin Army, sinunog ang mga military tent at kitang-kita sa kalangitan ang apoy noon. Sa gitna ng sunog, nanatiling makisig na nakatayo ang Camp Commander, walang bahid ng pag-atras o pagkatakot dito!

Nanatili itong nakatayo sa kabila ng napakaraming palaso na pinapatama sa kalasag nito. Nag-umpisang umagos ang dugo sa iba't-ibang parte ng kaniyang katawan. Nawala na rin ang ningning sa kaniyang mga mata. Hindi niya na makita ang lupang kanilang pinaglaban maging ang ihip ng hangin ay hindi niya na marinig.

Hanggang sa kamatayan, hindi siya natumba sa harap ng kaaway. Ang dugo ng sundalo ay nanatiling hindi sumusuko! Para siyang estatwang nanatiling nakatayo kahit na animo'y naliligo na ito ng dugo!

Kahit na naliligo na ng dugo ang Commander, nanatili pa rin itong nakatayo.

Unti-unti nang naglalaho at nilalamon ng apoy at sumasama sa hangin ang sibat na hawak nito. Nanatiling nakatayo ang katawan ng Commander. 

Mahigit sa tatlumpung Rui Lin Army ang namatay, isang-daang libo naman sa Qi Kingdom Army. Bumalot ang lansa ng dugo sa buong kalupaan.

Nagmartsa ang mga sundalo ng Condor Country sa gitna ng Qi Kingdom. Ilan pang mga siyudad ang nilinis ng apoy gawa ng Condor Country!

Dahil sa kawalan ng pagpoprotekta galing sa mga sundalo, ang mga mamamayan ng iba't-ibang siyudad ay nahihintakutang tumakbo. Nasaksihan nila ang walang-awang pagpatay ng mga sundalong ito sa kanilang mga sundalo. Sila ay mamamayan lang na walang kakayahang makipaglaban at sa ilalim ng tusong patalim ng mga Condor Country, wala silang mapagtataguan!

Mahigit sampung lungsod ang pinatumba ng mga ito, at ni isa doon ay walang nakaligtas!

Ang Condor Country ay palapit ng palapit sa Imperial City ng Qi Kingdom. Ang mga nakaligtas na nagtungo doon ay pagod na pagod.

"Bilis! Ilabas niyo ang lahat mula sa siyudad!" Utos ng Panginoon ng Siyudad sa hatinggabi bago makarating sa kanila ang Condor Country. Sa pader ng lungsod na iyon, ang mga sundalo ay mahigpit na nakabantay. Kumukulo ang kanilang mga dugo at aktibo ang bawat ugat sa kanilang mga katawan.

[Konti pa!]

[Konti pa!]

Patuloy ang kanilang pagdarasal na magkaroon sana sila ng sapat pang oras para makatakas ang kanilang pamilya sa lugar na ito.

Kahit na kaunti na lang ang pag-asang iyon, hinihiling nilang makaligtas man lang kahit ang kanilang pamilya.

Habang pinapalabas ang mga mamamayan, isang grupo ng sundalo ang pumasok mula sa gate sa likod.

"At kayo ay?" Tanong ng Panginoon ng Siyudad. Bakas ang pagkalito sa mukha nito habang abala sa paglilikas ng mga tao.

Humakbang palapit ang lider ng sundalo, nakasuot ito ng kalasag, may katandaan na ang itsura nito, ngunit katakot-takot ang itsura nito!

"Ako ang dating High General ng Rui Lin Army, Long Zhan! Nakatanggap ako ng balita na ang frontline ng kupunan ay naubos na kaya naman nagdala ako ng ilang tauhan dito para humarap sa mga kalaban!" Nagbabaga ang mga mata ni Long Zhan, bakas dito ang kagustuhan nitong tumulong sa kabila ng katandaan nito!

Nanlaki ang mga mata ng Panginoon ng Siyudad. Hindi ito makapaniwala. Sikat na sikat ang pangalang Long Zhan sa buong Qi Kingdom. Nagsimula iyon noong unang itinatag ang Qi Kingdom!