webnovel

Prologue

Nasa isang yungib kami na nababalot ng kadiliman, ang tipo na mahirap maaninag ang mundo kahit dilat na dilat ako. Pawang nakagapos at nangangatog ang parehong kamay at paa hindi nakapagsalita sa sobrang takot. Iniisip ko pa lang ang maaring gawin sa amin ng taong ito, hindi na ako mapakali.

Iyon ay kung matatawag pa ba silang tao.

Walang kahit anong bakas ng awa at simpatya ang nilalang na naririto. Ang tanging makikita lamang sa mga mata niya ay ang matinding bakas ng pagnanasa na mapasaya ang tinuturing nilang (panginoon).