webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
303 Chs

Chapter 63: Kidding

Paulit ulit nyang sinasabi sakin na pakasal na raw kami. Gusto nya na raw akong umuwi. Aba!. Kung madali lang ang lahat. Sino naman ako para di pumayag diba?. Pinangarap kong lalaki tapos aalukin ako ng kasal?. Game ako dyan. Oo, pareho naming mahal na mahal ang isa't isa. Kung pwede nga lang na madaliin ang aming edad. Matagal ko nang ginawa. Matali lang sa kanya.

Lunes nang papasok ako ng school. Sabay kami ni kuya. "Kinausap mo na sya?.." he asked while driving. Di ko pa nasasabi sa kanyang nakausap ko na si Jaden.

"Yeah.." nilunok ko muna ang kape na nasa aking bibig bago sya nilingon.

"Anong sabi nya?.."

"Pakasal na raw kami.." inapakan nito ang preno dahilan para muntik na akong mauntog sa dashboard. Salamat rin at walang ibang sasakyan sa likod namin. Dahil kung hinde, baka dumiretso na kami sa maingay na dagat.

"Bamby!!??.." biglang tumaas ang tinig ng kanyang boses. Nagsalubong rin ang dalawa nyang kilay. Hindi nagugustuhan ang narinig. "What did you just say?.."

Ngumuso ako. Huminga nang malalim bago umayos ng upo at humarap sa kanya ng seryoso. "Inalok na nya ako ng kasal.." seryoso ko pa ring sambit. Tignan natin kung anong sasabihin nya. Heck!.

"What the hell!!. Is he insane?.."

"No!.." maagap kong sagot. Bumuntong hininga sya saka nag-iwas ng tingin. Kinamot ang noo na para bang napakalaki ng problema nya.

Damn Bamby!!.. Gusto ng kumawala ang hagalpak sakin. Shit!!.

Dahil sa pagpipigil ng tawa. Namuo na ang laway saking lalamunan. Babe!. Lol!!.

"Jesus Bamblebie!!!.." ilang mura muna ang pinakawalan nya bago sya humarap sakin. "You're too young if don't see.. for God's sake.." namomroblema nitong himig.

"Kuya, nasa legal age na ako.. pwede na akong--.."

"Bullshit!.." nag-aapoy na nang galit ang ilong nya. Grabe!. Ayoko na talaga!. Di ko na kayang itago ang ngiti ko.

"Why are you cursing?.." mahina kong tanong. Kagat na ang labi ko upang wag nya lang mapansin ang nagtatago kong ngisi.

Matalim nya akong tinitigan. Binabasa ang aking mukha. Kaya pilit ko ring tinago ang kumakalabit na ngiti sakin. Tangina!.. Tahimik sya ng ilang minuto. Seryosong seryoso. Nakakatakot na sya tsong!!..

"You're kidding me right?.." ayaw nya pa ring maniwala.

Lalo rin akong nagmatigas sa pagpapanggap na totoo ngang inalok ako ni Jaden.

"Am I look like I'm kidding?.." again. He scanned my pretty face. Hinawakan ang aking pisngi. Sinipat pa ang noo ko.

"What are you doing?.." inis kong inalis ang palad nya saking noo.

"I'm checking if you are possessed..or something.." Damn!. Di ko talaga napigilan pa ang ngumisi.

"I'm not.."

Naging isang linya ang kilay nya sakin. Kumibot ang kanyang labi na para bang may gustong sabihin pero he refused tho.

"You're kidding.. don't make me mad.. I'll drop you here if you do.." hinagod nito ang buhok. Lihim ko syang tinignan sa gilid ng aking mata. He's sweating!. Gosh!. Galit na talaga sya.

"What if I'm not?.." good job Bamby!. Pwede ka nang maging artista. Suskupo!.

"Then go!. marry him now if you want too... Bahala ka sa buhay mo.."

"Why are you mad then?.."

"Sa tingin mo, nakakatuwa yang mga sinasabi mo?.."

"Hinde.. totoo naman kasi sinasabi ko eh.. bat ayaw mong maniwala?.." nagkamot na naman sya ng batok. He's frustrated now. Whoa!..

"Mahal ko sya.. Mahal nya ako.. anong problema kung magpapakasal na kami ngayon?.." patuloy ko. Muli nyang pinaandar ang sasakyan. Sa paraan ng pagpapatakbo nya rito. Mabilis. Halatang galit nga sya.

Tahimik sya hanggang makarating na ng school.

"Bahala ka.. malaki ka na di ba?.. anong magagawa ko.." pagod nyang himig. Akala ko may sasabihin pa sya pero puro buntong hininga lang ang ginawa nya.

"I'll go now.." paalam ko. Di pa rin sya nagsalita. Tulala. Parang ang daming tumatakbo sa kanyang isip na di nya masabi. Bumaba akong kulang nalang mapunit ang bibig kakangiti. Gosh!.. Sigurado akong di nya ako hihintayin mamayang pag-uwi pag nalaman nyang nagbibiro lang ako. Tumatango tango pa akong tinalikuran sya. At humakbang patalikod. Lumiko sa gawing kanan. Kung saan sya nakapwesto. Dahil sa tinted ang bintana nya. Di ko sya makita sa loob. Yumuko ako upang kumatok sa kanyang bintana. Ilang ulit pa muna akong kumatok bago nya akong pinagbuksan. "What?!.." inis nyang tanong.

"Oh, bat ka nagagalit?.." may ngisi na sa aking labi.

Suskupo Bamby!. Di pa rin maipinta mukha nya. Humanda ka nang tumakbo palayo sa kanya. Yeah!. I'm pretty ready!.

"Ano nga?.." di nya pa sinagot ang tanong ko.

"You're so serious...you know what?.."

"What?.." Kinindatan ko sya.

"I'm just kidding.. hahahaha.. bye!.." matapos kong sabihin na nagbibiro lang ako. Agad na akong nagpaalam. Sa pag-irap palang ng kanyang mata. May Balak na ito sakin. Kaya inunahan ko na.

"Bamblebie!?.." sigaw pa nito. Pinagtinginan tuloy ako ng ibang estudyante. Itinaas ko lang ang aking palad saka nagpeace sign sa kanya ng patalikod.

Nagbibiro lang ako pero parang kalahati sakin ay umaasang marinig kung papayag ba sila samin o hinde. Oo. Alam naman namin na bata pa kami. Masama bang mangarap?. Gumawa nang pangarap kasama sya?. Masama bang makita ko ang future life ko kasama ang lalaking hiniling ko kay Bathala?.. Hindi naman siguro, hindi ba?.

Hindi masamang magbiro. Isa pa nga itong way para malaman mo kung ano bang magiging reaksyon ng mga tao sa gusto mong sabihin pero sa paraan ng biro. Doon mo makikita ang sagot sa tanong mo na di kayang sagutin ng mga taong nakapaligid sa'yo. Lalo na ng pamilya mong, ang nakabubuti lagi ang gusto para sa'yo.