Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.
Si Sillanah ay anak ng isa sa pinakamayamang tao sa kapital. Kabigha-bighani, matalino at walang inuurungan. Paano kung ang binibining matapang pa sa oso ng Gubat ng Sinayon ay mapiling asawa ng Rajah ng kanilang bansa? At ano ito.. may nakaraan pa yata ang dalawa? May digmaan sa hangganan ng kanilang lupain at.. may digmaan din ng puso sa palasyo? Ito ang kwentong magpapatunay na hindi lahat ng marupok.. ipinanganak no'ng 2000.
After the ministers invited the fourth prince, Prince Liu Xu, a significant event occurred that evening. His drink was spiked with opium, which led him to meet a stranger woman who stayed with him in the room the whole night. As a result, a child was conceived. After several years, the prince's life remained restless, so he searched for the woman who was with him all night, especially after learning that she carried his child. Will he be able to find his mother and child, or will this be the reason for him to be removed as a prince of the Yuan dynasty?
Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.
Yura Zhu. Ang bunsong anak ng Punong Heneral ng imperyong Salum. Sa labas ito ng tahanan ng kanyang pamilya lumaki at malayang nakakapaglakbay saan mang lupain nito naisin. Ang kalayaang hawak nito ay binawi ng isang kautusan. Ito ang napiling katipan ng Prinsesa ng imperyal. Paano niya pakakasalan ang prinsesa kung nagtatago lamang siya sa kasuotan ng isang lalaki?
Catalina's wish to enter the world of fiction just to escape the cruel real world came true after her younger brother died, giving her the opportunity to live with her dream main character and become part of the story. Will she resolve the story's conflict or remain stuck in sadness?
Nang magising si Leighana ay katabi na niya sa iisang kama ang isang estrangherong lalaki. Ngunit ang mas nakapagpa-hindik sa kanya ay ang malamang pareho silang hubad sa ilalim ng iisang kumot, ang isang kamay nito ay nakadantay sa isang dibdib niya habang ang mukha ay nakasiksik sa leeg niya. Kahit nananakit ang buong katawan ay pinilit niyang makaalis sa lugar na iyon ng walang ingay. Kasabay ang piping panalangin na huwag na sanang magtagpo ang landas nila ng estrangherong pinagkalooban niya ng isang bagay na kay tagal niyang iningatan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Paano kung abot-kamay lamang pala niya ang lalaking iniiwasan? Magagawa niya bang patuloy na iwasan ito kung pati sarili niyang puso at katawan ay tila alipin na rin nito? Lalo na at may isang bagay na siyang mag-uugnay sa kanilang dalawa. - RubyeGT
Révéler le spoiler