webnovel

CHAPTER 13

MAINE'S POV

It's been a year na rin simula ng lumuwas ako ng Maynila para makipagsapalaran.

Nagkaroon ako ng chance na makita sa TV through Ms. Millennial ng Eat Bulaga. At sa maniwala kayo o hindi nagging first runner up ako at Ms. Friendship pa.

The experience was amazing at marami akong natutunan mula sa mga babaeng nagmula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas. Lalo na ang representative ng Cebu dahil ka-batch ko pala siya nung elementary kaya medyo pamilyar ang hilatya ng mukha niya.

And syempre, hindi ko pinalagpas na makapa-picture sa lahat ng mga hosts ng EB. Childhood dream ko kaya 'yun so go na agad.

Napag-alaman ko din na manager pala ng Alden na 'yun 'yung Ms. Delubio na kung makasigaw ay parang signal number 5 na bagyo ay manager pala niya.

Grabe ang liit lang pala talaga ng mundo eh no.

Mag-iisang taon na din akong private school teacher sa high school. Maganda na ang trabaho ko ditto kaya mas Malaki na rin ang naipapadala ko kay Tit Liezel para sa mga gastusin nila sa bahay at kay Kyline na din.

Gustong-gusto ko sanang pasunurin na siya ditto pero tuwing tatawag ako kay Tita sasabihin niyang ayaw pa rin makipag-usap sa akin ang kapatid ko dahil nagtatampo pa rin sa'kin.

Hindi na rin ako nakakauwi dahil sa sobrang busy lalo na nung kasagsagan ng pageant. Ilang months din kasi kaming nasa rehearsals at after ay nagkaroon pa ako ng adbokasiya dito sa pagiging beauty queen ko kuno.

Sana lang talaga magiging okay kami pag nagkita ulit kami na tulad pa rin ng dati.

Hays buhay parang life.

"Good morning ma'am!"

Bati ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.

Nginingitian ko sila at binabati na rin.

"Good morning class!"

"Good morning Ms. Ganda este Ms. Mendoza!"

Bungad sa akin ng mga estudyante sa una kong klase ngayong umaga. Malalapad ang mga ngiti nila habang nakatitig sa aki.

Napapahid ako sa mukha. Baka kasi may dumi ako sa mukha. O baka naman baka hindi pantay ang foundation ko. Or else, sobrang putok ng blush on ko.

Hindi naman ah. Nasisiguro ko 'yun.

Magkasalubong ang kilay kong tumingin sa kanila.

"Class what's with the stare?"

Ngunit mas lumapad lang ang mga ngiti nila at halos ikapunit na 'yun ng kanilang mga labi.

"Nothing Ms. Mendoza!"

At sabay pa talaga silang lahat na para bang kinabisado nila 'yun ng ilang ulit.

Kinunutan ko sila ng noo at nagsimula nang ikabit ang HMDI sa laptop ko.

Tok!

Tok!

Tok!

Dahil busy ako sa pag-aayos ng mga powerpoints at PDF file na gagamitin ko sa klase ay hindi na ako nag-abala pang lingunin ang kung sino man ang kumakatok.

"Come in."

"Am I too early for the next class Ms. Mendoza?"

Napuno ng mahinang sigawan ng mga estudyante ko ang buong silid at nang napatingin ako sa kanila ay binigyan lang nila ako ng nanunuksong ngiti.

PUSO KO.

Umayos ka.

"SIR R-RD!"

Pause. Smile.

"What brought you here this early?"

Ngumiti muna siya habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Hindi na bago sa akin ang pagbisita niya sa mga klase ko tuwing bakante siya at walang schedule. Pero iba ito ngayon dahil umaga-umaga ay nandito na siya. Kadalasan kasi ay tuwing hapon lang niya ako pinupuntahan.

"To make you smile perhaps, if I can't have your heart... yet?"

Halos tumalon palabas ng katawan ko ang kaluluwa ko sa pinaghalong gulat at kilig nang makitang nasa harap ko na pala siya bitbit ang isang bouquet ng carnations in red, blue, pink and of course, yellow colors.

Naka-wrap ito na kulay yellow at puno ng yellow din na ribbons.

"Flower delivery for Ms. Mendoza."

Kalmado at nanunuyo ang boses na usal niya sabay abot ng bouquet. Muli naming umingay ang buong classroom sa sigawan at panunukso ng mga mag-aaral ko.

"Sana lahat sweet!"

"Sana lahat may pa-carnations!"

"Sana lahat door-to-door delivery!"

"Sana lahat may Sir RD!"

Sigaw nila ng sabay.

Hindi ko na napigilang matawa sa reaction nila. 'Yung tipong parang sila ang dinibisita at binibigyan ng bulaklak araw-araw.

Mga bata talaga ngayon puro na lang 'sana lahat' ang nalalaman. Kung alam lang din sana nila kung paano humarot edi sana sila naman 'yung pinagsisigawan ng ganun.

Pero for the record, hindi ako humaharot ah. HAHAHA! Medj lang mga mars.

Hindi ko naman talaga hinarot 'tong si RD na pinaghahabol ng mga babaeng estudyante dito sa school. Kusa siyang na-fall sa tulad kong maganda na, humble pa. Choss.

Sa charot ko siya nahulog at hindi sa harot. Ganun ang kamandag ng isang Maine Mendoza.

"T-thanks.."

'Yun lang ang nasabi ko dahil sobrang umiinit na ang tenga ko sa hindi ko makipaliwanag na pakiramdam tuwing binibisita niya ako.

Pagkatapos niya ngumiti ng halos ikapunit na ng bibig niya ay nagpaalam na siya sa akin at sa buong klase ko.

Sinundan Ko lang siya ng tingin habang unti-unting nawawala sa paningin ko ang nakatalikod na pigura niya.

Maganda ang pagkaka-build ng katawan niya. Kahit hindi masyadong macho pero hindi chubby. 'Yung katawang tama lang para mahimatay ka kapag lumapit siya sa'yo at kausapin ka. Isama na rin natin ang pagsusuot niya ng eye glasses na lalong nagpapa-hot sa kaniya tingnan at lalog natu-turn on ang mga babae sa pagiging matalino niya tingnan at the same time, pagiging cute pero manly.

Nung unang araw ko ditto sa school ay siya ang unang lumapit at nakipag-usap sa akin. Sabi niya na-love at first sight nga ata siya sa akin.

Ewan ko na lang talaga pero almost 8 months na rin siyang nanliligaw sa akin. At ang lagi ko lang sagot sa kaniya?

'Career muna bago love life.'

Pero kahit ganun pa man, sa walong buwan na 'yun ay consistent pa rin talaga siya sa pagbibigay sa akin ng paborito kong bulaklak araw-araw. Walang palya.

"Mine asan ka ngayon?"

Tanong niya sa akin mula sa kabilang linya.

"Nandito ako ngayon sa mall nago-grocery para sa week na 'to. Nakasanayan ko nang sa hapon na mamimili after ng klase dahil kakaunti na lang ang namimili at hindi na ganun ka-hassle."

Napatawag si RD at mine ang tawag niya sa'kin. Ayaw ko talaga noon kasi ang laswa pakinggan at parang naduduwal ako 'pag naririnig ko 'yun sa kaniya. Pero nag-insist siya dahil Maine naman daw pangalan ko so parang slang lang na pagkakasabi at sa tawag lang na 'yun daw niya mararamdamang may puwang siya sa akin.

Ang corny 'di ba? Kaya nga ayaw na ayaw ko talaga. Pero wala na akong magagawa dahil Mine siya ng Mine sa akin eh kaya napapasagot na lang din ako kapag tinatawag niya ako.

Hays buhay. Hirap maging isang Mendoza talaga.

"Mine?"

Napabalik ako sa sarili nang marinig ang muling pagtawag niya sa akin.

"Ahh.. sa mall. Naggo-grocery ako ngayon eh."

Sagot ko sabay abot ng pera pambayad sa cashier.

"Ganun ba. Perfect, daan ka muna dito sa Romulo Café sa may Tuason Corner Drive. Nandito ang pinabibigay ni Ma'am Ness sa'yo eh."

After ng tawag niya ay dumiretso na ako sa address na binigay niya.

Iniwan ko na muna ang mga binili ko sa scooter kong naka-park sa gilid.

"Papunta ka na ba mine?"

Tawag ulit niya sa'kin sa phone nang makababa ako ng scooter.

"Andito na 'ko sa labas. Wait, papasok na 'ko."

Tinulak ko ang glass door at bumalik sa tawag.

"Nasa loob na ako. Saang banda ka ba?"

Inilibot ko ang paningin sa kanang side ng café pero wala siya dun. Inisa-isa ko naman ang nasa kabilang side pero wala pa rin siya.

"Okay, nakikita na kita. Stay put ka lang diyan pupuntahan na kita."

Usal niya sa kabilang linya kaya napatango na lang ako't naghintay sa kaniya dumating.

"Hi Mine! Buti nakarating ka agad. Tara punta muna tayo sa table namin kasi nandun ang envelop eh."

Kumunot ang noo ko.

"Table niyo so it means may kasama ka?"

Ngumiti siya at may Nakita akong ningning sa mga mata niya na ikinabog ng dibdib ko bigla.

"Absolutely. Tara?!"

Hindi na ako nakapalag pa nang hawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa may likurang part ng café.

Medyo nasa isolated na mesa kami papunta and to my surprise, mas bumilis pa ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba nang makitang marami pala sila sa mesa.

"Hi everyone! This is Maine, 'yung kinukwento ko sa inyo."

Bati agad niya pagkarating naming sa mesa nila. Nagsilingunan silang lahat sa akin nang may malapad na ngiti.

Buti na lang talaga nagdamit ako ng maayos dahil kung hindi, hiyang-hiya ako 'pag nagkataon. Mga sosyal pa naman sila tingnan lahat.

Mukhang mga yayamanin ang pormahan eh.

Ang nasa isang dulo ang pinakamatanda sa kanila na siguro'y nasa late 40's. Sa right side niya ay may isang babae na kasing edad ko lang at katabi niya ang isa pang babaeng mas bata sa kaniya.

Sa kabilang side naman ay isang lalaki na mga nasa edad 15 pa siguro.

Pero bigla akong naubusan ng hininga kasabay ng dahan-dahang paglingon ng isa pang lalaking katabi niya. Para akong naistatwa habang binubuhusan ng nagyeyelong tubig.

'At tumigil ang mundo

Nu'ng ako'y ituro mo

Siya ang panalangin ko'

Ganda naman ng timing ng tugtog nila dito.

Parang tumigil talaga ang mundo ko paglingon niya akin eh, literally.

Tabang mga langit!

"Hija?"

Nahimasmasan ako nang marahan akong hinila ni RD papalapit sa mesa.

"Tinatanong ka ni daddy kung saan ka daw nakatira."

Bulong pa niya sa akin.

Napaatras ang ulo ko ng kaunti nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa gilid ng leeg ko na kumiliti sa akin. Sobrang bumilis ang pagpintig ng puso ko.

Para akong mahihimatay na ewan. Nauubusan na ng oxygen ang katawan ko.

PUSO KO.

Magtigil ka na.

"P-po? Ahh.. s-sa.. sa Infina Towers po diyan sa Aurora."

Nauutal na usal ko.

Nailibot ko ulit isa-isa ang paningin ko sa mga kasama niya. Huminto talaga ang mga mata ko sa lalaking matalas na matalas ang titig sa akin.

Nagpang-abot ang mga mata namin ngunit bigla siyang umiwas ng tingin at kunwari'y nagpatuloy sa pagkain.

Feeling ko ay biglang uminit ang ihip ng hangin sa buong café kahit pa may naglalakihang ceiling fan naman sa paligid.

Mas hindi pa ako naging komportable nang pinaghila ako ni RD ng upuan sa tabi mismo ng lalaking 'yun.

Left with no choice, ngumiti na lang ako sa kanilang lahat saka naupo. Bale nasa kanan ko 'yung lalaking ang sama-sama ng titig sa akin habang sa kaliwa ko naman si RD na panay ang ngiti sa akin.

Para akong natatae na naiihi na ewan. Hindi ko na alam.

Hindi ko inaasahang mapapasabak ako ng ganito ngayong gabi. Kainis 'tong si RD eh. 'Yung pinapabigay lang naman kasi pinunta ko talaga dito. Hindi 'tong kakain pa ako kasama ng pamilya niya.

"Huwag kang mahihiya sa amin hija. Kumain ka pa ng marami."

Sabi ng daddy ni RD habang nginunguya ko ng mabagal ang kinakain kong beef kaldereta.

"H-hindi naman phow ako ganun kherami kumain S-shir. Hehehe."

Dahil sa may laman pa ang bibig ko nang sumagot sa kaniya ay may sarsa ng kaldereta ang tumulo sa bibig kaya napapahid agad ako.

Nakita ko kung paano sila nagtinginan kaya nag-peace sign agad ko sa kanila.

AAAAAAAHHHH!!! Napaka-awkward talaga.

Lupa bukaaaaaaa!

Pero nanlaki ang mga mata ko nang dali-daling kinuha ni RD ang table napkin sa tabi niya at marahang ipinahid 'yun sa gilid ng labi ko.

Napatitig akosa kaniya ng ilang segundo at halos maduling na ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Kahit pagkurap ay hindi ko magawa.

Sobrang nag-aalburoto ang mga hayop sa tiyan ko na para bang bulkan na malapit nang sumabog sa sobrang kilig.

MGA PASHNEA.

Magtigil kayo utang na loob.

"Ahem.. Ahem.."

Napaayos ako ng upo nang tmukhim ang daddy niya at sabay kaming napatingin sa kaniya.

Nakita kong may panunukso ngunit pagpipigil sa mga titig niya. Pati rin ang ibang mga kasama namin ay medyo napangiti pa sa ginawa niya.

"Everyone, why don't you introduce yourself sa bisita natin."

Usal ulit ng daddy niya na sobrang magkamukha ditto sa isang katabi ko na parang suplado at nangangain ng tao.

"Hi I'm Nathalie, RD's first cousin."

Pagpapakilala ng babaeng kasing edad ko lang sabay ngiti.

"Hello po ate Maine! I'm Riza, kuya RD's sister. Nice meeting you na po, finally."

Binigyan ko lang din siya ng malapad na ngiti. Mabait at kwela ang kapatid niya kaya feeling ko magkakasundo kami.

"Ako naman po si Jonathan but you can call me Nate, ate. Cousin ako ni kuya RD and kapatid ako ni ate Nathalie."

Pakilala nung bagets na may magandang ngiti at mapuputing ngipin.

Ilang segundong katahimikan.

"I'm Richard, your boyfriend's younger brother. It's nice to see you... again."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y nang-iinsulto siya o ano.

Basta naiinis at kumukulo ang dugo ko sa hambog na 'to. Baka nakalimutan na niya 'yung mga pinagsasabi niya dun sa fan greeting sa Cebu.

Juskoooo! Bakit ba kasi sa lahat pa ng artista sa mundo, itong hambog na 'to pa ang nagustuhan ng sobrang hard ng kapatid ko?

Anong nakita niyang kapuri-puri sa isang to na sobrang sarkastiko at antipatiko naman?

Ayy ambot!

"At sino namang nagsabi sa'yo na jowa ko 'tong kapatid mo ha?"

Pigilan niyo 'ko. Baka kung anong masabi ko sa isang 'to eh.

"Bakit hindi ba?"

Sarkastikong tanong niya pa.

"Bakit may pruweba ka?"

Aba, aba, aba. Balatan ko na kaya 'to ng buhay.

"Bakit may babae bang makikisalo sa pagkain ng pamilya ng lalaki kung hindi niya 'yun boyfirend?"

Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at umiling-iling.

Nakuuuu! Masyadong kang judgemental.

Expert ka ghorl?

"Richards.."

Pumipigil na tawag ng daddy niya kaya napa-tsk lang siya at bumalik na sa pagkain.

Nagkatinginan na rin ang iba pa naming mga kasama.

Bitter ang ampalaya. Wala siguro 'tong love life kaya ganito na lang kung mag-react.

Attitude ka ghorl?

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi na talaga ako nagsalita. Nato-trauma na ako eh.

Tsaka ayoko nang makausap pa ang isa diyan na sobra kung makapag-judge.

Nakakakulo ng dugo eh. Kala mo kung sinong sobrang gwapo.

Tinapos ko na lang agad ang pagkain at nagpaalam na sa kanila.

"We'll be expecting you for another dinner soon then hija."

Nakangiting sabi ng daddy niya pagkatayo ko.

Nginitian ko lang siya.

Actually, okay naman ang daddy niya. 'yung isang kapatid lang talaga niya ang may attitude problem.

"Thanks for tonight Mine."

Malapad ang ngiting sabi niya pagkaabot naming sa tapat mismo ng scooter ko.

"You never know how you make me happy tonight."

Nginitian ko din siya. Happy nga talaga siguro siya dahil sobrang kumikinang ang mga mata niya.

Hindi ako nakailag nang bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. Tinapik at hinaplos ko ng mahina ang likod niya.

May problem aba 'to o sadyang masaya lang talaga siya?

"Pasensya na. Hehehe. Super happy lang kasi ako na finally nakilala ka na rin ng pamilya ko. Especially si daddy."

Flattered ako ng sobrang-sobra sa sinabi niya na medyo maluha-luha pa ang mga mata.

Who would not fall for someone like this man?

Binigyan ko siya ng sobrang lapad na ngiti at inilapat ang dalawa kong palad sa magkabilang pisngi niya.

"I'm so happy to finally meet your daddy too. Kaya huwag ka nang magdrama diyan okay? Nagmumukha kang Shrek kapag umiiyak eh."

Halos humagalpak naman siya ng tawa, which I expected already.

Ganyan na ganyan siya palagi sa mga corny jokes ko na para bang ang lakas ng tama ng jokes ko sa kaniya at relate na relate siya.

"Oh siya, siya. Mauuna na ako medyo gumagabi na. Tsaka may dinner ka pang babalikan sa loob."

Niyakap ko pa siya ng isang beses at sumakay na sa scooter saka ini-start.

Pero napatigil ako nang may tumawag at lumapit sa kaniya na sobrang pamilyar na naman sa akin.

Kumulo ulit bigla ang dugo kong kanina pa umiinit.

"Daniel! How are you hijo?"

Bati agad niya at bumeso.

"Sobrang okay po Tita. Kayo po?"

Sagot naman ni RD.

"Heto maganda pa rin. By the way, kanina pa kayo?"

Hindi ko alam kung bakit naiinis talaga ako sa babaeng 'to na sa pagkakaalala ko ay sobrang maldita at mata-pobre.

Napaikot na lang ang mga mata ko sa sobrang inis.

"Medyo po. Hinihintay ka na nga po ni daddy sa loob."

Mas lumapad pa ang ngiti ng Ms. Delubiong 'yun nang banggitin ni RD ang daddy niya.

Hay ewan. Ke-tanda-tanda nang babae lumaladi pa. Juskooo!

Nagulat naman ako nang Makita kong tumingin siya sa gawi ko sabay taas ng kaliwang kilay.

"Oh hello dear."

Maldita talaga kahit kelan. Tsk.

Akala ko ba sosyal ang babaeng 'to, bakit parang Arabo kung makabati.

Buti pa ang aso may breeding.

"Hello po."

Hidi ko talaga kayang makipagplastikan sa mga taong hindi kasing kulay ng budhi ko.

Peke ang ngiti ko pati pagkakabati ko sa kaniya. Kasing peke ng mga pilik-mata niya.

Mabaog na mapanlait pero nagsasabi lang talaga ako ng totoo.

Tinitigan niya lang ako mula ulo hanggang paa na para bang ang baho-baho ko at sobrang taas niya. Kung tutuusin ay siya itong walang class at cheap ang ugali.

Isa ka pang may attitude ghorl!

Sinundan muna siya ng tingin ni RD papasok saka muling tumingin sa akin.

"Pagpasensyahan mo na si Tita Storm ah. Makilatis lang talaga 'yun ng tao."

Hindi ko talaga napigilang tumawa sa sinabi niya. Akalain mong sobrang lupit pala talaga ng buong pangalan nung matandang 'yun.

Storm Delubio? Tapos sagad pa sa signal number 5 ang ugali. Ayyy iba ka teeee!

Lodi na kita.

Hindi ko na lang din sinalaysay sa kaniya ang una naming pagkikita ng Storm na 'yun dahil baka ano pa ang masabi ko. Ayokong magmukhang masama kahit hindi naman talaga ako masamang tao.

Winagayway pa niya ang kamay habang papalayo na ako. Tiningnan ko na lang siya sa side mirror.

See you sa school! I love you Mine!

Napangiti ako sa mga huling sinabi niya. Parang hinaplos ang puso ko at idinuyan ako sa malamig na simoy ng hangin.

Ganito pala talaga kasarap sa pakiramdam kapag alam mong may taong nagpapahalaga at labis na nagmamahal sa'yo. 'Yung feeling na sa sobrang dami ng love na natatanggap mo mula sa kaniya ay gusgustuhin mon a ring ipamahagi ito sa iba.

Ngunit nagdilim talaga ang paningin ko sa biglang pumasok sa isip ko.

Biglang nag-flash ang mukha nung Richard na 'yun sa isip ko. 'Yung matatalim niyang mga titig at nang-iinsultong mga tanong.

Aaaay! Patawarin na ako ng Diyos dahil 'pag nagkataon baka masapakko 'yun ng sobrang hard.

Tapos dumating pa 'yung isang bruhildang Delubio na malakas na hagupit lang ng kamalditahan ang dala sa buhay ko. Kotang-kota na talaga ako sa inis ngayong araw.

Pero in all fairness, kapag magkatuluyan 'yung Delubiong 'yun at ang daddy nila.. ay naku, perfect combination 'yun ng stepmother at step son. Isang malditang ina-inahan at isang antipatikong anak-anakan.

Perfect combination nga. TSK.