"You can't go back and change the beginning, but you can start where you are and change the ending."~ C.S Lewis Kilala si Feira sa pagiging palaban sa kanilang lugar. Pero ang hindi alam ng mga tao ang kanyang pinagdadaanan sa kamay ng kanyang pamilya at kahit na palaban sya ay sa loob ng kanilang pamamahay ay hindi siya makalaban. PAMILYA parin bang matatawag kung pagbuhatan ka ng kamay ay ganon ganon na lang. Para siyang si Cinderella na inaapi ng kanyang madrasta at stepsister, yung nga lang pamilya nya talaga at wala din syang stepsisters. Masakit para sa kanya pero wala siyang magawa. Hanggang sa dumating sa buhay nya ang isang Ryder Gibson, na mabait, matulungin, at higit sa lahat pinaramdam nito sa kanya kung paano mahalin kahit na hindi maganda ang unang pagkikita nila. Iyon ay kung totoo nga ba ang mga ipinapakita nito sa kanya? Totoo ng ba ang isang Ryder Gibson? Makakaramdam pa ba kaya si Feira ng pagmamahal ng isang pamilya? At paano kung may malaman si Feira na ginawa ng magulang nya na ikasisira ng buhay nya?
SYNOPSIS
Kilala si Feira Tolentino Sy sa pagiging palaban sa pinapasukan niyang eskwelahan ang G. University. Pero ang hindi alam ng mga tao ang kanyang pinagdadaanan sa kamay ng kanyang pamilya at kahit na palaban sya ay sa loob ng kanilang pamamahay ay hindi siya makalaban. Para siyang isang tigre na nagiging pusa sa harap ng mga magulang niya.
Pamilya parin ba na matatawag kung pagbuhatan ka ng kamay ay ganon ganon na lang. Kung sampal samaplin, suntukin, sabunutan, at ikulong sa madilim na bodega ay para hindi ka anak at kadugo.
Para nga siyang si Cinderella na inaapi ng kanyang madrasta at stepsister, yung nga lang magulang niya talaga ang gumagawa niyon at wala siyang stepsisters.
Masakit para sa kanya pero wala siyang magawa. Kailangan na tiisin niya lahat ng hirap na pinagdaraanan niya. Gusto man niya bumalik sa Lola Nita niya ay hindi niya magawa dahil inilayo siya ng mga magulang niya dito.
At nang makilala niya ang isang Ryder Gibson ay naiba ang ikot ng mundo niya. Hindi man maganda ang unang pagkikita nila ay naging masaya naman siya pagkasama niya ito.
Pero tila gumuho ang mundo niya nang may malaman siya na ikinatatago ng binata. Masakit pero initindi niya ito. Hanggang kaya niya intindihin ang lalaki ay iintindihin niya ito.
Hindi naman niya kasalanan pero bakit kailangan ay siya ay magbayad. Minsan ay tinatanong niya ang sarili niya, ano ba ang maling ginawa niya para pagdaanan ang lahat ng ito.
Pero mararanasan pa rin ba ni Feira ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang pamilya? Kung paano alagaan at pahalagahan ng mga magulang.