I want to congratulate myself kasi successful sa pagmove on. I finally knew what's in my heart.
Finally, totally wala na yung pain sa puso ko dahil kay MineShine. Technically, hindi naman kasi ako dumaan sa break up kay Mineshine pero dahil unrequited love ung nangyari, ako ang nasaktan.
Let me repeat my question in Chapter 3, how to delete the person who indirectly mentored and influenced you a lot in life? Deleting him is also like saying deleting who am I? Guess what I realized, hindi naman natin kaya idelete yung tao sa buhay natin kasi naging parte na sya ng buhay na tinahak ko, yung mga memories na meron at nabuo ay nagsilbing aral, inspirasyon, motibasyon ko sa buhay para mas maging masaya at matuklasan ko at makilala pa ng higit ang sarili ko.
I came to a conclusion na mali lang yung pagtanggap ng puso ko sa katotohanang mentor ko sya at dahil sa akala kong nakita ko na ung ideal man ko kasi lahat ng qualities na gusto ko nasa kanya. God showed me na hindi lang dapat sa qualities o sa physical looks, dapat yung puso. Nagkataon na iba ang melody ng puso nya kaya hindi nagtugma sa ritmo ng puso ko, kaya nasaktan ako. At nang matutunan ko yun, God allowed me to connect with him again, hindi para sa anumang romantic relationship pero para ipakita sa akin na mas nag improve na yung pagkatao ko. Sabi nga ng isang director, "ang lalim mong tao, pinalalim ka ng buhay."
Good job di ba, kasi natuto ako na mahalin muna sarili ko, pagbutihin mga nais kong gawin.
I can't delete those people na nagging heartaches ko pero sobrang pasasalamat ko sa kanila dahil pinatatag ako ng mga heartaches nay un lalo yung journey with MineShine. Hay, MineShine will always be my sunshine pill. An inspiration indeed.
MY MANTRA
Ngayon pwede ko na sabihin na single ako kasi choice ko. Yes, it is my choice to be single. Pero may tanong na may plan ba ako magpamilya someday?
My answer is Yes, kung kailan, ONLY GOD KNOWS. I still believe that God is busy writing my love story fit for me and my ideal man whom God is preparing by now.
But right now, habang hinihintay ang the one, I want to spend my time encouraging people, I want to inspire people, ikaw, oo, ikaw na nagbasa nito, salamat, kung nakarelate ka at hanggang ngayon naghihintay ka rink ay the one, never lose hope, pag may nagtanong bakit ka single, pwede mo sabihin na "God is busy writing my love story".