webnovel

Bakit Ako Single? (A Love Story of a Waiting Princess)

"Love is a beautiful thing, yet it can be a monster that can break you. They say that when you love someone you never want to let them go and you will do anything to stay with them." Sabi nila "true love waits" pero paano kung matagal ang paghihintay? Or paano kung nakita mo na pero hindi tama ang tugtugin at tibok ng puso nyo? Ang sakit di ba? Minsan naitatanong mo kung maganda ka ba kasi parang walang nagkakagusto sayo. At my age of 38 years old, most of my batchmates are all married and have their families na, dakilang ninang na nga ako ng iba sa mga anak nila. Madalas ayoko na tuloy pumunta sa mga okasyon kasi iisa ang tanong nila, "kailan k aba mag-aasawa?" "Wala ka bang boyfriend?" At madalas ko lang sagutin ng "Wait lang, darating din 'yan." ​Minsan tuloy napapaisip ako ng "Nasaan na nga ba si Mr. Right?" "Sobrang traffic na ba at hindi ako makita?" Pero kung nakita mo nga pero hindi naman pwede maging kami. Being single is sometimes a controversial issue in our young professional society. Always remember that true love waits. Every woman is worth the wait. We don't need to rush things. It will come. Everything has its own perfect time. Maybe God is still busy writing my love story.

iamprincessivy · Urbain
Pas assez d’évaluations
7 Chs

Chapter 1: The An Updated Version of Me

"Pag inlove ka, para kang nasa pelikula, minsan bida pero minsan kontrabida, pero anuman estado ng lovelife mo, lagi tandaan, ikaw pa rin ang bida sa pelikula ng buhay mo. Hawak mo ang script at camera at libre sumigaw ng "Cut" pag handa ng bumitaw."

Bata pa lang ako ay hopeless romantic na ako. As early as 8 years old, alam ko na yung gusto ko at hanap ko sa isang guy to be my partner, at dahil paborito ko ang mga Disney Princess at Prince, nangarap ako na magkaroon ng partner na malaprinsipe tulad sa fairy tales, mga knight in shining armor ika nga. Yung lalaki na handa ako ipagtanggol kapag may umapi o umaway sa akin, yung kahit ano mangyari, hindi ako iiwan.

I remember noong elementary years namin, uso ang slumbook, iikot yun sa buong klase at sasagutan mo. Isa sa tanong na paborito kong sagutin ay ang "What is your ideal guy/man?" Tapos excited akong isulat doon yung ideal man ko na "maputi, matangkad, smiling eyes, singkit na mata na kapag ngumiti wala ng makitang mata, killer smile, matalino, gwapo, mabait, at higit sa lahat maka-Diyos." Tapos lahat ng classmates ko alam agad sino crush ko kasi meron kaming classmate na lahat ng gusto ko sa guy ay andun sa katangian nya.

Nung nasa high school naman ako, same lang, uso pa rin ang slumbook, kaya pareho lang ng sinusulat ko dun, pero dahil nagdadalaga na ako noon, may isang guy na school heartthrob ang nahagip ng mata ko. Sa apat na taon ko sa high school, sya ung ultimate crush ko na naging first heart ache ko. Sobrang sakit nya. Hindi ko sya boyfriend pero sya naging unang heartaches ko, bakit? Kasi ang gusto nya ay ung close friend kong babae. Sakit no!

​So ayun nga, dahil naheartbroken, sinabi ko na "Cut" yung para akong director na gumawa ng script, akala ko ako at sya ang bida, pero ako pa pala naging kontrabida, kaya ayun, tinapos ko ung script sabay sigaw sa puso ko ng "Cut, move on."

​Hanggang sa graduation, then move to college, excited ako kasi malaking university, makakamove on ako, at nangyari nga, ginusto ko mag excel sa lahat ng bagay at dahil gusto ko ung course ko sa college, inenjoy ko, hindi ko namamalayan, andyan na naman si kupido. Ang makulit na pana.

​At first, natuwa ako sa guy, pareho kami ng hilig ang film, cinematography kaya naman sya ang partner ko at nagtuturo sa akin ng techniques sa filmmaking. Ahead sya ng batch pero naging close friend ko sya, pero dahil nahuhulog na puso ko sa kanya, bigla ko agad naisip ung heartbreaks ko noong high school kaya naman, bago pa ako tuluyang mahulog sa taong ito, tinawag ko na syang "kuya". Kuya ang naiisip kong itawag sa mga guys na nagugustuhan ko para maprotect ko ang heart ko sa upcoming dangers of heartaches. Hanggang isang araw, bigla syang nagtapat na he likes me raw, sa sobrang takot ko masaktan, pinanindigan ko ung tawag kong kuya sa kanya. Sabi nga nya "Kuya ba ung magic word mo sa pambabasted ng guy?"

​Then one day, I saw him with someone and introduced to me as his girlfriend. Ouch! Ang sakit beshy. Pero kailangan panindigan na kuya ko sya kasi hindi pwede ang pakikipagrelasyon noon dahil nag aaral pa ako.

​Many girls will probably relate to my stories while studying. Hindi naman kasi namimili ang pana ni kupido at ang pagiging broken hearted, kahit wala kang boyfriend o girlfriend, pwede tayo maheartbroken. Ang tanong lang eh kung kailan tayo pwede sumigaw ng "Cut"!

​Ang magmahal ay hindi masama, pero dapat alam natin yung boundaries para maiwasan ang broken hearted. Tayong mga girls, may mga standards, packages tayo na naiisip para sa relationships natin, even sa paghanap ng friends may package deal madalas. Pero ano nga ba ang mga package deals na ito? Eto kasi yung parang script guide natin sa relasyon. Alamin natin kung ano nga ba ang mga ito.

PACKAGE DEAL:  MY OWN IDEAL STANDARDS

​When I was young, I remember doing check list for my ideal man. May paborito akong kanta dati yung "Stay Forever" ni Joey Lawrence na lyrics na "I wanna stay forever with you, Feeling every heartbeat so close to mine, I wanna stay forever with you, Holding on to every breath, Stay forever with you" (grabe ang old na ng kanta, '90's song) pero yung kantang ito ung pinaghugutan ng standard ko sa quest for love.

​Isa sa standard or ideal character ko sa isang guy ay ung hindi ako iiwanan kahit ano mangyari. Sa kanta na iyan, feeling ko super kilig ako na para bang may prinsipeng hindi ako iiwan kailanman. Feeling ko lang naman na ganun dapat ang relationship, walang iwanan ika nga ng marami. Even sa mga friends ko, ayoko na may nawawala sa circle of friends ko. Ewan ko ba pero dahil siguro takot ako mapag isa. Ayoko ng walang group, I fear being alone. I'm scared of being left behind. So ang tendency, gusto ko nasa paligid ko lang sila. Ang selfish di ba?

Checklist #1: The Stay Forever Package

​Sino ba ang ayaw sa perfect relationship? Wala naman di ba? Ang gusto ko lang naman ay walang iwanan pero bakit kabaligtaran nangyayari. Marahil totoo ang kasabihan na "people come and go." Pero bakit nga ba? Siguro kasi need natin mag grow as an individual human being, hindi natin pwede ikahon sa mundo natin ang isang tao kasi may buhay silang dapat harapin din tulad natin.

​Madalas natin sinasabi "walang forever" pero sa totoo lang, hindi naman talaga nawawala ung mga taong minahal natin, nandyan lang sila, in fact, sa liit nga ng mundo, pwedeng nasa kabilang dulo lang pala sya. Nasasabi natin na walang forever everytime we broke up with someone, pero sa totoo lang, need lang naman huminga para makita ang iba pang ganda ng mundo. Ang forever kasi ay yung mga memories na nasa puso at isip natin.

​Hindi man sila bumalik sa atin after break up, yung memories na iniwan nila ang magsisilbing lesson natin para tayo maggrow pa. At yung memories un ang nag-sstay forever sa puso at isipan natin. Minsan may mga masasakit na memories pero anuman yan, sigurado, naging matatag tayo after. Mahirap minsan maintindihan kung bakit kailangan natin umasa tayo sa staying forever idea nay an pero ganoon ang buhay, sabi nga dapat may pinanghahawakan tayo.

​Naalala ko may isang guy ang lagi nyang sinasabi sa akin na "I will be with you forever." Nakakakilig marinig pero eto ung isang line ng lalaki na hindi ko pinaniniwalaan kasi meron at meron time sa life natin ang need natin maging mag-isa kasi need natin maggrow, madevelop sa iba pang aspeto ng buhay. Madalas nga may nauuna pa sa death di ba? Tulad ng guy na nagsabi sa akin nyan, ayun nauna pa syang bumitiw kasi nauna syang mahanap ung right one for him and I'm happy for him, imagine close friend ko pa sya ngayon. Pero yung memories na nabuo, minsan matatawa na lang kami kasi minsan sa buhay namin, pinangarap buuin yung forever.

A Danish philosopher Soren Kierkegaard once said; "Life can only be understood backwards; but it must be lived forwards." 

It is true enough that we can only understand things after it happened like sa nangyari, minsan after break up, saka natin marerealized na tama lang na bumitiw kasi kung hindi, wala tayo sa journey na meron ang present life natin.

Checklist #2: The Bestfriend Package

​'When you need a friend, that you can depend, you can count on me because, you're my best friend." One of my favorite songs about friendship. It's actually my song for my bestfriend. After my first heartbreaks, naisip ko ishield at protektahan ung heart ko, para bang ayaw ko nang masaktan. Kaya naman sa bawat crush ko na guy, kapag nahuhulog na loob ko, tatawagin ko na syang kuya. Malaki respeto ko sa kuya, kasi wala ako nun, naging panganay ako at walang kuyang kinagisnan kasi maaga sila kinuha ni God so ang tendency, I wanted to have an older brother. I longed to have someone na magtatanggol sa akin kapag inaway ako. A brother that can be a bestfriend to me.

​Noong college ako, may isang guy na sobrang close kami, as in walang araw na hindi kami nag usap, we treat each other as bestfriend, minsan, may report ako gagawin sa Philosophy class, habang nagrereport dumugo ilong ko, (well normal naman na nagdurugo ilong ko lalo kapag mainit), so my classmates were worried, at dahil kilala ng isang classmate si guy, nagdrop call sila (uso ang drop call dati sa cellphone). "Drop call ang tawag sa tawag na malatelegramang," So nang matanggap nya ang tawag, kahit nasa bahay sya kasi wala syang pasok nun, halos liparin ang byahe makapunta lang sa akin, he made sure na okay ako, dinala sa clinic, binantayan at hinatid pa sa bahay. Nakakakilig di ba?

​Eto yung time na naging crush ko sya at presto malapit na mahulog loob ko kaya isang araw nagtapat naman sya, mutual feelings ika nga, kaso tinawag ko syang "kuya". Syempre nasaktan ko sya. Pero buti na lang understanding sya at super bait, until now kaibigan ko pa sya. Sya kasi ung taong ayaw kong masaktan at itake risk ang friendship kaya I made him as my bestfriend.

​What I mean when I say Bestfriend Package? Isa sa standard or checklist na madalas magustuhan natin ay ung parang bestfriend lang natin si guy. Yung comfortable tayo na iexpress ang sarili natin sa kung anuman ang sitwasyon. Hindi tayo nahihiya sa harap nya. Tulad sa magbestfriend, Malaya kang maging ikaw kasi tanggap ka nya.

​Sa paghahanap ng makakasama habambuhay, kailangan natin maging bestfriend sa partner natin. We should learn that we can be a friend to him or her. Sabi nga di ba, special friend mo dapat yung taong mahal mo.

​Ang bestfriend hindi ka iiwanan nyan. My favorite classic author William Shakespeare once said, "A friend is one that knows you as you are, understands where you have been, accepts what you have become, and still, gently allows you to grow." So same thing with partner, someone who accepts me, understands me, knows me well, and allows me to grow individually. Parang hashtag sweetheart ko, bestfriend ko.

Speaking of having a bestfriend and being with forever idea, it means there is an unspoken bond with the person who knows us better than anyone in the world. The one you call on the phone at 3AM during a crisis; someone who knows what we are thinking before we say it; the only person who really, truly, 'gets' us. Everyone hears what you say. Friends listen to what you say. Best friends listen to what you don't say.

​Aminin natin na minsan sa sobrang dali ng standards natin mahirap mahanap. Siguro marahil madalas ang standards na meron tayo ay iba sa standard ng mundo at ng Maykapal.

"He who knows others is wise. He who knows himself is enlightened." -Lao Tzu

Checklist #3: The Prince Package

​As I said earlier, I grew up na ang idea about relationships ay malafairy tales. Yung ideal man ko since elementary ako until now na nasa late 30's na ako, yun pa rin sa checklist ko. Ewan ko kung weird ba yun?

​Bago pa man ako nahilig sa mga Korean drama at KPop, espesyal na sa puso ko ang mga may smiling eyes o chinito eyes, gusting gusto ko yung mata na nakangiti kahit hindi pa ngumiti ang tao. Yung mga killer smile na kapag ngumiti wala ng mata at super sweet ang ngiti, pati na rin ung kapag matalino at talented ung tao.  Mabilis makakuha ng attention ko ang mga guys na smart, matalino at super talented lalo sa music and arts plus factor kapag smiling eyes at may killer smile. Lalo na kung ang ugali ay malaprinsipe pa.

​Madalas sabihin sa akin, mahirap mahanap ung ganyan. I remember, may nagtanong sa Facebook ko kung sino ang guy na hanap ko. Sa sobrang kababawan, sinagot ko sya ng "utak ni Albert Einstein, tangkad at katawan ni Paul Walker, smiling eyes ni Song Joong Ki, killer smile ni Kim Rae Won, talented like Vincent Willem van Gogh and Wolfgang Amadeus Mozart at ung faith like David and Peter sa Bible." After I posted that, bigla trending ng comment na 'mahirap hanapin un at pagsama-samahin sa iisang tao, clone ba gusto mo?" Natawa ako at oo nga mahirap hanapin pero napaisip ako ng mahirap ba talaga hanapin at kung may nageexist ba talaga na ganung tao?

​Minsan nakakahon tayo sa idea na gusto natin pero paano kung hindi nageexist yung ideal na ganun kasi di ba nga may kasabihan "Nobody is perfect." Eh sabi ng iba, napakaperpekto naman ng hanap mo. Weh di nga? Perfect na ba un?

​May takot tuloy ako na parang what if hindi sya nageexist? Ano na mangyayari beshies?