Dahil sa nagawa na silang atakihin ng mga kalaban ay wala nang nagawa si Isagani kundi ang magpalit ng anyo na lubha naman ikinagulat ng mga mambabarang. Hindi pa kasi lumulubog ang araw nang mga oras na iyon kung kaya gulat na gulat ang mga ito nang masilayan ang tunay na anyo ni Isagani.
Nasa anyong aswang na lakat noon si Isagani at kapansin -pansin ang malaking pagbabago sa buong kaanyuan nito. Mabilis na kumilos ang binata at agarang dinakma ang lalaking naghagis ng palakol sa kanyang uoang makitilan ito ng buhay. Akamng pupugutan na niya ito ng ulo ay isang lalaki naman ang pumalo sa kanya mg isang malaking kahoy. Marahas iyong nilingon ni Isagani at binigyan niya ito ng isang malakas na suntok. Nagbuno sila ng lalaking iyon matapos nitong mapatumba ang unang lalaking kanyang inatake.
Dahil sa napakabilis ng mga pangyayari ay walang nagawa ang mga kasama nito kundi ang sumigaw na lamang dahil sa galit at hinagpis habang patuloy na inaatake ito ni Isagani.
"Alam naman siguro ninyo na ang ipinunta namin dito ay hindi maayos na pag-uusap. Walang maayos na pag-uusap amg makakapaglinis ng inyong mga kasalanan. " Wika oa ni Mina habang sinisipat ang buong paligid. Lubos na nasasaktan ang kanynag damdamin sa pagkasira ng gubat dahil sa mg apestend alaga ng mga mambabarang. Bitak-bitak na ang lupa dahil sa panunuyo nito, puro patay na rin ang mga puno at halos wala nang damong tumutubo sa gawing iyon.
"Mga pangahas kayo. Hindi niyo ba alam, dahil sa ginawa niyong ito, tuluyan nang magkakaroon ng pagkakataon ang mga insekto naming sirain hindi lamang ang kagubatang ito, maging ang kalapit na bayan dito?" Natatawang wika ng matanda habang nanlilisik na tinititigan ang grupo ni Mina.
"Walang makakalabas. Walang makakapasok. Sa oras na tumuntong angga paa ko sa isang lugar na nais ko, magkakaroon ito ng harang na kahit mga engkanto ay hindi magagawang sirain. Sa tingin mo, malakas kana para sirain ang harang na iyon?" Tanong ni Mina habang tahimik na tintawag ang kampilan ni Mapulon.
Nanlaki naman ang mga mata ng matandang mambabarang dahil mabilis niyang nakilala ang kampilang iyon. Ang buong akala niya ay magagawa niyang malinlang at magapi ang grupong dinala ng kanyang pamangkin, ngunit nagkamali siya.
"Ikaw ang itinakda? Anong ginagawa mo rito, bakit ka nandito?" Tarantang tanong nito. Hindi niya kubos maiisip na bigla niyang makakaharap amg itinakda sa mismong pugad nila. Kung gayon ay nagsisimula na din itong kumilos. Sa isip-isio niya ay hindi maglalaon ,agkakaharao na din sila ng babaeng iyon.
"Nandito ako para wakasan ang kasamaan ninyo. At muling bigyang buhay ang kagubatang ito. " Wika pa ng dalaga ang mabilis na iwinasiwas sa hangin ang kampilan. Kasabay niyon ay ang pagdagundong ng lupa at pagyanig nito.
Iyon ang magung hudyat ng lahat para simulan ang laban kontra sa mga mambabarang.
Pisikal laban sa pisikal, usal laban sa usal. Hindi matawaran ang mga gamit na usal ng mga mambabarang. Tapon ng sumpa rito, tapon roon. May mga laosn din silang ipinapalipad hangin na kaagaran din namang napupuksa ni Amante.
Si Amante at ang kaalaman nito bilang isang manggagaway ang siyang naging proteksyon nila laban sa mga mapaminsalanag lason na ibinibigay ng mga mambabarang. Idadag pa ang bago nitong kaalaman sa aral ng kanan na siyang naging pangontra naman nito sa kakayahan ng kanyang mga kaangkan.
"Taksik ka Amante!!!" Sigaw ng isa nilang kasama. Nang makita nito ang dahan-dahang pagkatumba ng iba pang mga mambabarang.
"Taksik? Sini ba ang unang nagtaksil? Pinahirapan ninyo ang mga magulang ko dahil sa pagkaganid ninyonsa kapangyarihan. Tahimik at masaya tayong naninirahan dito noon, nuunit dahil sa inyong mga ambisyon, nagawa niyong kitilan ng buhay at pagnakawan ang aking mga magulang, sabihin mo sino ang taksil sa ating dalawa. Naniningil lamang ako." Galit na wika ni Amante. Ipinagpag nito ang kanyang suot na damit at nagsilabasan doon ang mga kulisap nitong mga alaga.
Kakaiba ang mga kulisap na iyon ni Amante dahil sa tagal ng pag-aalaga at pagtuturo niya rito at nagkaroon na iyon ng sarili nilang isip na lubhang maaasahan ni Amnate sa mga laban. Ordinaryo lamang kung titingnan ang mga insektong iyon ngunit kung ito ay iyong sisipating mabuti, makikita mo ang anyo nitong maihahalintulad mo na sa mga lambanang may mga pangil.
Habang nakikipaglaban sila sa mga mambabarang ay walang ginawa si Gorem at ang kanyang engkantong aso kundi ang sirain ang lahat ng mga kubong naroroon. Sa bawat pagkawasak ng mg kubo ay siya naman paglabasan ng mga pesteng namamahay roon. Dahil sa pagkabulabog ng kanilang tirahan ay wala nang nagawa ang mga ito kundi magpulasan at lumayo sa kugar na iyon.
Dahil dito ay walang nagawa ang mga mambabarang kundi muling tawagin ang mga ito ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi na nila ito matawag-tawag.
"Wala nang silbi ang inyong mga usal. Lahat ng naririto ay nasa ilalim na ngayon ng kapangyarihan ko. Sino man na may bahid ng kasamaan ay mapapawalang bisa ang kani-kanilang mga kakayahan."
"Huwag niyo na din pagkaabalahang tawagin ang mga insketong iyon dahil sa oras na lumabas sila at lumayo sa lugar na ito kusang magiging abo ang kanilang mga katawan dahil sa iniwan kong usal sa hangin. " Wika ni Mina.
"Hindi lang naman kmi ang mambabarang dito. Iyang si Amante isa rin yang mambabarang." Sigaw ng matanda na animo'y nais nitong isama si Amante sa hukay.
"Si Amante? Matagal na niyang napatunayan ang kanyang sarili. May basbas siya ng mga diwatang aking kasangga. Walang kasamaan sa puso niya kundi kabutihan lamang. Kahit nasa kaliwa ang kanyang aral ay hindi niya ito ginamit sa kasamaan. " Sagot naman ni Mina habang tumatawa.
"Sa ngalan ni Bathala, sampo ng kanyang mga diwata, ako ang itinakda at iginagawad ko sa inyo ang inyong parusang kamatayan." Wika ni Mina habang nag-uusal. Sa paglalim ng kanyang pagdarasal ay unti-unting lumalakas ang pag-ihip ng hangin sa buong paligid . Nagliliwanag ang buong katawan ni Mina maging ang mga mata nito. Ang boses naman nito ay tila ba napakaraming sumasabay sa kanya.
Maging si Isagani, Gorem at Amante ay tila ba naaapektuhan sa lakas ng mga usal na binibitawan ng dalaga. Napapatakip na sila ng kanilang mga tenga.
Kitang kita nila kung paano bumitak ang lupa at lumabas roon ang mga baging na animo'y may sariling buhay. Walang awa nito pinuluputan ang katawan ng mga mambabarang hanggang sa tuluyan na itong makulong sa loob ng mga baging. Patuloy lamang sa pag-uusal si Mina hanggang sa tubuan ng mga dahon ang mga baging na iyon at maging puno sila.
Rinig na rinig nila ang pagsisigaw ng mga mambabarang sa punong iyon. Buhay na buhay silang nilukob ng isang sumpa na magtatagal ng panghabang buhay. Ito ang magiging kabayaran sa lahat ng kanilang mga kasalanang ginawa sa lupa.
"Mina hindi ba sila makakawala riyan?" Tanong ni Amante na may pag-aalala.
"Hindi, makawala man sila, wala na din silang silbi dahil, kinain na ng lupa ang lahat ng kanilang aral. Lahat ng kasaman nila ang siyang magsisilbing pataba sa lupang ito. "Wika pa ng dalaga habang pinagmamasdan ang mga punong naroroon.
"Tara na, ang parteng ito ay maglalaho na sa mundong ibabaw. Dadalhin na ito ng mga diwata sa mundo ng mga engkanto upang doon ito mabantayan. " Wika pa ni Mina sabay talikod. Mabilis naman nitong tinungo si Isagani at nilapatan ng paunang lunas. Nagdurugo na kasi ang tenga nito dahil sa mga usal na kaniyang binitawan.
"Ayos ka lang? Pasensiya na kung hindi agad ako nakapag-abiso sa iyo." Wika pa niya habang nilalapatan ng usal ang tenga ng binata.
"Walamg problema, masyado pa talaga akong mahina kaya hindi ko agad napaghandaan ang ginawa mo. " Wika naman ng binata at ngumiti lang si Mina.
Tuluyan na nga silang umalis sa kagubatang iyon ay pansamantalang bumalik sa tanahan ni Amante. Magpaoahinga muna sila roon ng ilan pang araw bago nila tuluyang ipagpatuloy ang kanilang paglalakabay.
Sa paglipas ng mga araw, walang iabng ginawa si Mina kundi ang patuloy na pag-aralan ang pagkokontrol sa mga hayop at mga insekto. Ganon din naman sila Isagani at Amante, habang si Gorem naman ang nagsisilbi nilang bantay habang wala silang kamalay-malay sa kanilang paligid.
Sumapit na nga ang araw ng kanilang muling paglalakbay. Bago paan din sumikat ang araw ay tinahak na nila ang landas palabas ng kagubatan ng Sierra. Masaya silang nag-uusap habang maglalakbay sila. Dahil na din sa nadagdagan ang kanilang grupo ay naging mas maingay naman sila dahil na din sa kakulitan ni Amante. Hindi naging alintana sa kanila ang pagod at pagtarik ang daang kanilang tinatahak. Kabisado din kasi ni Amante ang daan kaya hindi naging mahirap sa kanila ang maghanap ng angkop na daan upang hindi sila gaanong mahirapan.
Sa pagsapit ng tanghali ay tuluyan na nga nilang natanaw ang isang bayan di kalayuan sa kanila. Ayon kay Amante, yun ang bayan ng Bayumbon, maari silang magpalipas mg gabi roon dahil may mga kakilala siyang nakatira roon.
Sumang-ayon naman agad si Mina dahil kailangan pa niyang muling tingnan ang sugat ni Isagani sa kanilang huling naging laban.