webnovel

Chapter 8

Ano nga ba ang laban ko sa kanya?

Kung siya ang una mong nakasama.

Isa siyang maganda at sexy na dalaga.

Samantalang ako ay kabaligtaran niya.

Mababaliw na talaga ako ditong mag-isa.

Nag-iisip dahil kayo ngayon ay magkasama.

Tama bang ako ay umasa?

Kahit alam kong masaya ka sa piling niya.

Pero ikaw ay nagsalita, "Relax ka lang, huh!"

Kaya ako ay nagkaroon ng mumunting pag-asa.

Pero ang hirap pala itong aking nadarama.

Ang maiwan sa ere samantalang kayo ay maligaya.

Ha'ay, tama bang ako ay magpakatanga sa taong mahal ko na.

O dapat ay tumigil na at ibigay ka na sa kanya.

Ano ba talaga, kuya?

Puntahan na lang kaya kita at paalisin siya.

---Arrette---

"Are you sure you're ready to face him?" Seryosong tanong ni Logan kay Billie. "Siguro." Maikling sagot ng dalaga na nakatingin sa anak na si Lucas habang nilalaro nila Angela at Lyza. "We can back out naman sa deal." Dugtong naman ni Oliver. "No, I don't think that's a good idea. You are known na hindi sumisira sa usapan. A deal is a deal." Ramdam ni Billie ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. "Then, we're going to accompany you." Sabi naman ni Elijah na sinagot ng isang malalim na buntong-hininga ni Billie.

"I'm sorry, napasubo ka pa ngayon ng wala sa oras." Ngumiti si Billie sa sinabi ni Logan. "You've tried everything. One second, imagine that!" Sabi ng dalaga. "Still, talo pa din ako and you will be talking to that asshole." Inis na sabi ni Logan. "Look at the brighter side. Tutulungan niya pa din ang Pascual Motors financially and you knew we badly needed that." Pilit na inayos ni Billie ang sarili para hindi na mag-alala ang mga pinsan sa kanya.

Habang abala ang magpipinsan sa pagliligpit ng kanilang mga gamit ay lumapit sa kanila si Bo na kinakunot naman ng noo ng mga Pascual.

"Ahm, Billie, pasensya ka na pero pinasasabi ni James na kung pwede ay sa ibang araw na lang kayo mag-usap. May emergency meeting kasi sa kanilang kumpanya at kailangan ay nandoon siya." Panimula ni Bo. Para namang nabunutan ng tinik si Billie sa nadinig. "Okay." Maikling sagot ng dalaga. "Pinasasabi din niya na bukas na bukas din ay pupunta siya sa Pascual Motors para mapag-usapan n'yo na ang tungkol sa partnership." Nakatuon ang tingin ni Bo kay Logan. Nang tumango si Logan ay nadako ang tingin ni Bo kay Lucas.

"Ilang taon na siya?" Nagulat si Billie sa tanong ni Bo pero bago pa siya nakasagot ay nagsalita na si Lucas. "I'm five years old." Sabi ni Lucas. Tumango-tango si Bo bago nagpaalam sa kanilang grupo saka tuluyang umalis.

.....

"Mommy, wake up, I'm not feeling well." Nagulat si Billie sa nadinig mula sa anak na katabi niya sa pagtulog. Nag-alala siya dahil ng kapain niya ang noo nito ay tiyak niyang mataas ang temperature nito. Mabilis niyang kinuha ang thermometer at hindi nga siya nagkamali, 40 degrees celsius ang lagnat ng kanyang anak.

"Okay, honey, magluto lang si Mommy ng favorite mo then, you'll take your medicine, okay?" Malambing na sabi ni Billie kay Lucas pagkatapos ay binigyan niya ito ng halik sa noo. "Go back to sleep, I'll call Tito Logan to accompany you while I'm cooking, okay?" Nang tumango si Lucas at humigang muli ay mabilis na tumayo si Billie at pumunta sa kwarto ni Logan na katabi lang ng kwarto nila.

"Logan? Logan?" Sabi ni Billie habang kumakatok sa pinto ng kwarto ng pinsan. Hindi naman nagtagal at bumukas na ang pinto. "Nilalagnat si Lucas." Sabi ni Billie. "Ano'ng nangyari? Dadalin na ba natin sa ospital?" Kahit nag-aalala sa anak ay nagawa pa din matawa ni Billie. "Doctor din ako, Logs, remember? Magluluto lang ako then painumin ko siya ng gamot. Kapag within 24 hours hindi nawala ang lagnat niya, saka ko dadalin sa ospital. Samahan mo lang kasi alam mo naman yun kapag umalis ako sa tabi niya." Nang tumango si Logan ay pumunta na siya sa kusina para magluto.

"Honey, wake up." Malambing na hinaplos ni Billie ang mukha ng anak. Dahan-dahan naman minulat ng bata ang kanyang mga mata. "Dalin na kaya natin sa ospital. Ang init-init niya eh." Sabi ni Logan. "Hindi pa kasi siya nakakainom ng gamot. Besides, wala pa ding magiging focus ang mga labs niya kasi ngayon lang siya nag-fever." Sagot naman ni Billie. "Admit lang natin para ma-hydrate siya." Patuloy ni Logan na halata ang pag-aalala sa pamangkin. Halos siya na ang tumayong ama sa bata kaya close silang mag-tito. "Relax, Logs, ano ka ba? Imbis na ikaw magpalakas ng loob ko eh ikaw pa 'tong hindi mapakali." Sabi ni Billie. "Ang mabuti pa ay mag-ayos ayos ka na. Gisingin mo na din sila Elijah at Oliver pati na din sila Angela at Lyza. Remember, may importante kayong meeting ngayon." Dugtong ni Billie. Pagkatapos halikan ang pamangkin ay lumabas na ang binata sa kwarto ng mag-ina at tinunton ang kwarto ng mga pinsan.

.....

"Sigurado ba tayo sa gagawin natin?" Tanong ni Oliver. Magkakaharap sila sa opisina ni Logan at iniitay ang grupo nila James. "May choice ba tayo?" Dugtong naman ni Elijah. "Ang isipin na lang natin maganda ang magiging epekto ni James sa Pascual Motors." Sabi ni Angela. " Hindi lang financially pero madami din siyang connections na pwede din makatulong sa atin." Sabi naman ni Lyza. Tahimik lang si Logan habang nakikinig sa pinag-uusapan ng kanyang mga pinsan na naputol dahil pumasok ang kanilang secretary.

"Sir, dumating na po sila Mr. Oliveros." Ang lahat ay tumingin kay Logan. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Logan saka nagsalita. "Sige, pakihatid muna sila sa conference room at susunod na kami." Pagkasabi niyon ay lumabas na ang secretary. Si Logan naman ay kinuha ang phone at dinial ang number ni Billie.

"Kamusta si Lucas?" Tanong ni Logan. "Bumaba naman ng konti ang lagnat. Natutulog siya ngayon." Sagot ni Billie sa kabilang linya. "Nandito na siya." Biglang tumahimik ang kabilang linya matapos madinig ang sinabi ni Logan. Pagkatapos ng ilang sandali ay saka nagsalita si Billie.

"It's for the company. It's for the better. Don't mind me, I'll be alright." Pero alam ni Logan na hindi okay ang pinsan pero sa panahon ngayon, tama ito. Kailangan nila ang tulong ni James para makabawi ang Pascual Motors. Nadinig ni Billie ang buntong hininga ni Logan bago ito tuluyang nawala sa linya.