Kabanata 10
Cool
"Isama mo rin kami sa libre mamaya, Lilly," Hector joked while munching a spinach on the table. Uminom siya ng tubig para bumaba iyon pagkatapos nguyain saka nagtuloy ulit magsalita.
Katatapos ko lang magtanghalian. Kaonti ang kinain ko dahil bukod sa walang gana, hindi rin naman ako gaanong nagugutom. Ramdam ko rin kasi na sa bawat subo at lunok ko sa pagkaing dinadala sa bibig ay nakatingin si Nate mula sa kabilang side ng mesa, pinagmamasdan ang kilos ko.
Mula noong makabalik kami sa sala kanina at makaupo sa table ay hindi na siya tumigil sa mapanuksong mga tingin. Every time I looked in his direction, I could catch him glaring at me with that same smirk pasted on his little, obviously moistened lips.
At ang mas nakakairita pa roon ay hindi man lang siya nahihiyang gawin ang mga bagay na 'yan kahit paniguradong aware na nahuhuli ko siya.
He looked so smug that it annoyed me. Feel ko hindi lang iyon dahil sa pagkapanalo nila at noong malaman na sa kanila kami pumusta, imbes na sa mismong kapatid. May mas malalim pa na dahilan na ayaw kong isipin.
Naiinis ako!
"Ang kapal naman ng mukha mo? Nagpustahan lang kami at hindi kayo kasali roon."
Hector giggled. "Kami ang nanalo kaya dapat kasali rin kami, hindi ba Ares?"
Hindi nakasagot ang tinapik niyang kaibigan dahil kumakain ito at nakatuon sa plate ang buong atensyon. Nagtawanan sina Kuya Alaric sa pagiging maingay ni Hector habang si Nate…
"Tigilan mo nga kami, Hector. Si Remi at Andre lang ang ililibre namin. Hindi ka kasali o kahit sila Ares." Lillian spat.
"Damot mo masyado!"
I looked away when I caught him gazing. Kabado noong maramdaman ang pamilyar na lamig doon kahit bahagya pa siyang nakangisi. Sinulyapan ko ulit siya ng isa pang beses at agad ding nag-iwas noong nasa akin pa rin ang mga mata niya.
Ang gago nito ah! Akala niya yata masisindak ako sa ganyang mga titig.
Tumayo ako at nagpaalam sa mga kaibigan saka walang lingon-lingon na nilisan ang mesa. Susunod pa sana si Eloise dahil sumabay siya akin sa pagtayo ngunit hindi ko na siya inintindi. Dumiretso ako sa kuwarto.
I grabbed my phone and then recklessly laid on my bed. Nagtipa ako roon ng message kay Colleen bago binaba habang hinihintay na magsend. Ilang minuto lang may reply na siya. Noong ibalik sa dating ayos ang kamay para makita iyon ay napasinghap ako.
Colleen Malquesto:
I say you got served! But I'm sure you know about it too. Send pics na lang para makumbinsi akong sumama sayo next time.
Damn this girl. Gusto kong murahin siya kahit sa phone noong marinig ang boses niya habang binabasa ang chat. Mali talagang kumonsulta rito. Kung may choice lang ako, for sure hindi siya ang kakausapin ko.
Pagod akong bumangon sa kama.
Nakita ko ang soft-sided bag na itim sa left corner at bigla ay nakaisip ako ng pagkakaabalahan. I wrote some melodies in Manila earlier this year kaya kung susubukan, madali na siguro para sa aking makasulat para ituloy iyon.
Tutal wala rin naman akong ibang naiisip magawa bukod doon. Baka pa may mapuntahan ang susulatin ko kahit papaano.
Kinuha ko ang gitara at hinawakan ito sa fretboard gamit ang isang kamay habang ang isa ay muling hinagilap ang phone na binitawan kanina, pati iyong earbuds ko. Nagtungo ako sa baba noong makuha ang kailangan at dumiretso sa poolside.
Kuya Alaric and his friends are on the living area. Naroon din yata si Eloise at nagtitiis kasama ang best friend niyang si Remi. Kung ako iyon ay uuwi na lang ako. Hindi ko alam kung paano niya natitiis na kasama si Remi samantala dati bihira naman sila mag-usap.
Naupo ako sa malilim na bahagi ng patio. Sa bandang dulo kung saan mayayabong ang mga puno at presko ang ihip ng pang hapong hangin. Pinatong ko sa ibabaw ng wooden table ang phone pati iyong notepad saka ipinasak ang earbuds sa dalawang tainga.
I recorded the melodies I wrote using my phone. Kapag nakakaisip ng magandang sequence na pwedeng pagtuonan ng pansin ay nirerecord ko agad iyon sa takot na malimutan, lalo makakalimutin ako. Most of the melodies I wrote, though, were the verses and outros.
Sa hindi ko kasi matukoy na dahilan ay hirap akong mag-isip ng magandang hook na siyang pangunahing kailangan sa pagsusulat ng chorus o bridge. Minsan, sinusubukan ko naman. But I was just really struggling to do it well. Siguro kaonting pagsasanay pa.
"When I feel the time slowly slipping… away…" Marahan kong sinabayan ang melody noong isang recording na ginawa ko.
Kumbinsido na angkop at maayos na nag sync ang naisip na lyrics sa musika, yumuko ako at isinulat ang mga salitang iyon gamit ang lapis. Madaling umisip ng mga salita na tutugma pa roon pero ewan ko ba, wala talagang pumapasok sa isip ko bukod sa naunang mga words na nasabi.
I let out a deep sigh.
Bumaba ang paningin ko sa gitara. I started losing interest playing it when I hit adolescence. Mukhang kasabay noong paglinang ng pisikal kong pangangatawan ay unti-unti ring nawala ang interes kong sumulat o bumuo ng awit.
Hindi ako natigil magsulat ng tula, kahit ganoon. It's just so hard for me to give it up as well. Lalo iyon ang nauna kong nakahiligang gawin noong medyo bata pa. Siguro ngayon, hindi na masyadong madalas, pero paminsan minsan ay bumabalik pa rin ako sa paggawa ng mga tula.
I gently strummed the strings before it progressively turned into light plucks to make a simple minor chord. Malungkot ang tunog noon na sa tingin ko ay babagay sa naisip kong lyrics kanina. It's just a common chord progression in E minor.
Pumikit ako habang dinadama ang nagagawang tunog ng gitara. Kalmado at payapa.
"When I feel the time slowly slipping away, I'm certain I will also crumble into dust…" I sang in a very low voice.
Huminto ako para isulat ulit iyon saka muling nagpatuloy. Medyo masigla ngayong ituloy ang nasimulan. Ilang minuto akong natulala sa harapan ng notepad kahit tapos ko ng isulat iyon. Sinubukan kong mag focus para madugtungan pa ang nagawa.
Sa huli ay sinulat ko ang naisip saka muling pumosisyon upang maitugtog ulit ang gitara.
"… like a sand castle after meeting the wild waves, like futile shackles that got damaged by a cold embrace…"
Huminga ako ng malalim at ngumiti. So far, maayos iyong pakinggan at mukhang maganda ang daloy. Inulit ko ulit sa umpisa ang pag-awit hanggang sa mabuo ko ang first verse.
"like futile shackles that got damaged by a cold embrace. I know, I know, I know, it's quite inevitable…"
It fit perfectly. Masaya akong nagawa iyon ng ganoon kabilis, kahit medyo distracted sa iba't ibang bagay na naglalaro sa isipan.
"What a lovely voice," Mula sa kabilang panig ng patio ay sumungaw si Nate. Ngumiti siya noong magtama ang paningin namin.
I frowned at him.
"Anong ginagawa mo rito?"
Nagpatuloy siya hanggang sa makalapit. Hinatak niya ang katabi kong silya kaya bahagya akong umurong paatras para hindi magtama ang mga tuhod namin kapag umupo siya roon.
"I thought you were on your room. Buti naisip kong dito ka muna hanapin bago umakyat." he answered when he sat down.
Ngumisi siya noong magtagal ang mga mata ko sa kanya.
"Were you writing a song?"
Hindi ako sumagot. Halata naman iyon sa inabutan niyang ginagawa ko kaya bakit niya pa tinatanong. Bobo yata ito eh. At bakit ba siya nandito?
Sumulyap siya sa naisulat kong mga salita. Pinagmasdan ko siyang pasadahan ng mabilis na tingin ang mga iyon, na parang nababasa ang hindi ko maintindihang handwriting, hanggang sa muling ibalik ang mga mata niya sa akin.
Nate chuckled. "What?"
Napansin niya siguro ang nakakunot ko pa ring noo at nakataas na isang kilay kaya natawa siya. Hindi naman nakakatawa.
"What are you doing?" I asked, my voice full of restraint.
Gusto kong ipakita kahit papaano na hindi ko talaga maintindihan ang ginagawa niya. Nilinaw niya kahapon ang mayroon sila ni Remi, nalungkot ako roon at ayokong isipin ulit.
At kanina, umakto siya na parang walang mabigat na ginawa kahapon lang. Na parang hindi ko sila nahuli na naglalaplapan!
What the fuck is he seriously doing?!
"Are you mad at me?"
Mas lalo yatang nagdilim ang paningin ko habang nilalabanan ang titig niya. If looks could kill, his soul would be begging for tears from me, because I surely wouldn't weep on his wake!
Seryoso ba siyang tinatanong iyan? Para ano? Para maiwasan ang obvious kong tanong din sa kanya?
Gago pala talaga ito e!
"Remi and I are no longer… hanging out." he said it like it's the one thing I truly wanted him to say since yesterday, when I came back.
Umaasa yata na iyon din ang gusto kong marinig na sagot noong itanong kung ano ang putanginang ginagawa niya ngayon. Tumikhim siya noong walang makuhang reaction sa akin.
Sinubukan kong kalmahin ang sarili. Sumandal ako sa likod ng silya habang nananatili pa rin ang paningin sa kanya. I licked my lips when I felt them slowly getting dry. Napansin kong napatingin siya roon at bahagyang gumalawa ang adam's apple sa paglunok.
"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan ngayon?" Tanong ko makalipas ang ilang segundo.
Nag-iwas siya ng tingin.
"I don't know…"
I sneered at him. Bumuntong hininga siya at muling sumulyap sa akin. Tinitigan niya ako na parang may gustong sabihin pero umiling lang sa huli.
"Never mind." Tumayo siya at sa mabilis na kilos ay pumanhik pabalik sa poolside at papasok muli sa bahay.
I think I know exactly what he's doing. Nanggugulo at susubukang balikan ako ngayong wala na sila ni Remi. Akala yata bibigay ako ng ganoon lang. Natawa ako noong maisip na baka katulad ko noong una, wala rin siyang ideya sa kung anong ginagawa niya.
What an asshole.
Hindi ako naiirita dahil doon. Naiirita ako dahil sa mga sinasabi niya. Siguro medyo iritado rin noong ma realize nga pero hindi iyon ang original. Mas iritado ako kasi tingin niya, patay na patay ako sa kanya na hahayaan kong bumalik ulit kami katulad ng dati.
Hindi 'no. Lalo pagkatapos noong nakita ko kahapon.
Nagpatuloy ako sa ginagawa kahit distracted na. I recorded the first verse with a guitar accompaniment, para mas dama iyon kapag pinakinggan ko sa susunod. Noong matapos, nag play ulit ako ng kahawig na chord progression bilang paghahanda na rin sa pagsulat sa melody ng chorus.
I ended up writing another set of lyrics for the first verse, though. Kaya humaba iyon. Hindi ko na nilagyan ng pre-chorus dahil maayos iyong kumokonekta sa naisip na melody ng chorus.
Inubos ko ang oras doon hanggang abutan ng dilim. Pumasok ako sa loob noong nasa alas sais na para mag half bath at makapaghanda sa gala mamaya.
Nang makababa ulit, naabutan ko sina Kuya Alaric at Eloise sa living area. Mukhang nag-uusap kanina pero hindi ko rinig. Umayos sila ng upo noong mapansin akong bumababa.
"Hindi ka pa nakauwi mula kanina?" I asked my best friend.
She shook her head before glancing at Kuya Alaric. Napatingin din ako rito bago muling ipako ang mga mata sa kanya.
"Buti hindi ka hinahanap ng Mama mo?"
"Nag text naman ako, pati kay Brie." Ramdam ko ang pag-aalangang sabihin iyon sa harap ni Kuya kaya bahagyang humina sa dulong pangungusap.
"Okay." I nodded. "Anong oras ang balik nila Erwan?"
"Nauna na sila. May dadaanan din kasi yata bago pumunta roon. Magkikita kita na lang tayo kapag alis natin mamaya." Si Kuya Alaric saka marahang tumayo sa couch.
Tumango ulit ako sabay upo sa tabi ni Eloise. Iniwasan niya ang nang uusisa kong tingin.
"What was that?" I asked her when Kuya Alaric walked away after a short while. "Nag uusap kayo?"
Naninimbang ang itsura niya at tila sinusukat pa kung ano ang nararamdaman o mararamdaman ko. I raised an eyebrow.
"May tinanong lang siya," sagot niya.
Hirap akong paniwalaan iyon for some reason. Siguro dahil kanina pa man ay napapansin ko na ang ikinikilos ni Eloise noong nanonood pa kami ng game nila. I think she still likes Kuya Alaric. Ayaw lang umamin.
Ganoon man ay pinigilan ko na lang ang kagustuhang mang usisa. For sure hindi rin niya sasabihin kung totoo nga. Pero halata naman at kitang kita ko iyon sa mga mata at kahit sa kilos niya.
Bumalik si Kuya makaraan ang ilang minuto kasama si Nate. Dumapo agad ang mga mata niya sa akin na parang alam na alam ang hinahanap sa sala. Tumikhim ako at naunang mag-iwas ng tingin.
Ano ito, sasabay siya sa amin?
Dapat sumama na siya kila Erwan kanina noong tumulak ang mga ito sa Tim's. Nananadya rin talaga e.
"Let's go?"
Hindi ako sumagot habang tumango naman si Eloise. Nauna siyang tumayo bago ako pero sabay kaming lumabas kasunod ng dalawa.
Walang imik si Nate kahit nasisiguro kong sumusulyap sulyap sa akin. Hindi na ako sumusubok tumingin dahil alam kong magkakatinginan lang din kami kung sakali. Baka mas lalo akong mawala sa mood.
"You looked tired. Ganyan ba ang mukha ng ililibre?" Biro ni Lillian noong makarating kami sa tapat ng pick up ni Craig. Tipid akong ngumiti.
"Gutom lang," sagot ko.
Pumasok kami sa loob habang naiwan namang nag-uusap sina Kuya Alaric at Craig sa harap. Hindi naman seryoso pero mukhang importante. Sinulyapan ko si Nate mula sa rear view.
Napagigitnaan ko sila ni Eloise habang siya ay nakatunghay lang sa labas. Wala namang interesting doon kaya paniguradong iniiwasan lang niya akong pansinin o tingnan siguro.
Ewan ko. Pero mas okay na 'yon dahil malinaw na pareho lang kami ng gustong mangyari.
I guess he's not really lying about him and Remi after all. Hindi naman siguro siya sasabay rito kung kasinungalingan iyon. I wonder why, though. Baka nagtalo sila o hindi nagkasundo sa isang bagay. O baka rin katulad ng sa akin na bigla na lang nawala na parang hindi kami nag…
Ah basta, wala naman akong pakialam kahit alin pa man d'yan ang dahilan. Napaisip lang ako kung bakit. At syempre, medyo curious.
Though malakas ang pakiramdam kong dahil ulit iyon kay Nate kaya sila huminto. Nainip siguro sa mayroon si Remi. Ayoko ngang isipin pa na baka bago si Remi, may isang linggo rin siyang ka-fling, at isa pa bago iyon.
That idea is not actually that far-fetched, to be honest. Hindi rin ganoon kahirap paniwalaan kung sakali. Ngunit hindi ko iisipin iyon kasi ayokong madumihan pa lalo ang reputation niya sa akin.
Pumasok sina Kuya Alaric at Craig pagkatapos nilang makapag usap. Nasiksik kami ni Nate sa left side dahil sa backseat din naupo si Kuya Alaric. Pero wala kaming angal dahil pinipilit ko ring huwag siyang pansinin. Ganoon din yata siya sa akin.
Tahimik ang byahe.
Malapit lang naman ang Tim's mula rito. Puwede ngang lakarin kung maliwanag ang kalsada. Kaso dahil gabi, at wala masyadong dumadaan na sasakyan, mahirap maglakad lalo madilim ang daan at tanging mga street lights lang na makulimlim ang mga bumbilya ang tumatanglaw sa kalsada.
"Umurong ka sa akin ng kaonti," Nate whispered.
I looked up and met his obsidian eyes. Nangungusap ang mga iyon kahit mapupungay habang nakatingin sa akin. Kumislap pa nga noong masinagan ng ilaw mula sa headlights ng nakasalubong naming sasakyan.
Hindi ako nakakilos kaagad kaya noong ma realize iyon ay mabilis na napakurap kurap. I moved my butt closer to him and then quickly looked away.
Kahit gaano ko ipakitang galit o walang pakialam sa kanya, hindi ko talaga kayang patagalin ang mga tingin sa pagmumukha niya, lalo sa mga mata. That pair of eyes is so unsettling that, when I look at them, I know I couldn't stare at them for long.
It's like my eyes would dramatically transform into a highly reactive tool of observing that could perhaps be hurt if I forced them to stay at that specific portion of his face. Na parang kung hindi mag-iiwas ay ako lang din ang mahihirapan.
I let out a low sigh when I realized I'm thinking about his eyes a little too much. I'm supposed to be, like, pissed at him. Or at least looked like I was incredibly pissed off.
Naiirita naman talaga ako sa kanya pero siguro… hindi na kasing intensed katulad kanina. Pero iritado pa rin ako.
Bumaba kami noong huminto ang pick up sa tapat ng restobar. Nauna akong pumasok dahil medyo kabisado naman ang loob noon. Nakasunod si Eloise at siguro si Nate sa likod ko.
Namataan ko agad ang table nila Erwan dahil bukod sa magugulo, sila din yata ang pinakamaingay na naroon. Mas maingay pa sa mga regulars. Dumiretso ako sa kanila noong makita ako nila Ares.
"Ang tagal niyo!" si Hector.
"Hinintay pa yata sina Craig."
"Palagi namang huli ang dalawang 'yon, kaya ayoko sumabay sa kanila e!" si Ares naman.
Ngumiti ako saka hinila ang bakanteng upuan malapit sa kanila. Marami pang vacants doon at mukhang inilaan talaga para sa mga kasama na kararating lang.
Nakita kong naupo na rin sina Nate, Eloise, at Kuya Alaric sa gilid ko. Nahuli sina Craig at Lilly na sa katapat kong silya naupo.
"Dami niyong alam kapag magkasama kayo." Kuya Alaric joked.
Nagmitsa iyon ng gantihan sa pagbanat hanggang sa magdesisyon ang nakararami na umorder na. I ordered a cheeseburger and fries with fruit juice. Noong tumayo para magpunta ng restroom ay nagkatinginan ulit kami ni Nate.
Tumuloy ako noong mag-iwas ng tingin. Kanina, hindi na nga sila masyadong nagpapansinan ni Remi. I think they did not even greet each other. O baka may hindi lang ako nakita dahil nga panakaw lang ang mga sulyap ko sa kanila.
But that further confirmed the tea that they really stopped hanging out. Wala pa rin akong pake. Sadyang naiintriga lang sa biglang pag-usad ng one week fling nila.
"So you like cheeseburgers too?" Yosef asked.
Tahimik lang naman ako dapat kakain pero hindi siya tumitigil sa kakatanong na parang interesado sa buhay ko. Tumango na lang ako para maisubo ang pangalawang cheeseburger.
Hindi ko siya gaanong naririnig at ipinagpapasalamat ko iyon. Kapag nagtatanong, tumatango lang ako o kaya umiiling. Depende sa gusto ko. Mukha namang tinatanggap niya iyon dahil walang anumang bakas ng 'di pagsang-ayon sa tuwing sasagot ako.
"Paborito ko rin 'yan kaysa hamburger. Kaso medyo nakakaumay kapag masyadong napaparami. Buti hindi ka nauumay?"
"Ha?"
Nilunok ko ang pagkain sabay inom sa fruit juice. Nakita ko ulit si Nate. This time hindi siya nakatingin sa akin at abala yata sa kausap na si Hector. Tinuloy ko ang kinakain.
"Ang sabi ko-"
"Oo, mas gusto ko ang cheeseburger." Agap ko.
Natigil siya at bahagyang nagtagal ang paningin sa akin. Sa huli ay tumango pa rin siya bago bumaling sa sariling pagkain. Sa wakas.
Hindi ko pansin na habang kumakain, masyado yatang tahimik si Eloise. Mukha namang masaya siya habang kausap si Remi pero parang hindi na ako masyadong kinakausap. Though I won't really blame her.
Kung ako ang tatanungin ay ayoko ring kausapin ang sarili ko.
Pinanood ko ang isang hindi gaanong kilalang band sa taas ng entablado na kanina pa kumakanta. Their songs were not familiar but some of them were catchy. Hindi ko lang maunawaan ang konsepto dahil siguro sa ingay at sa paraan nila ng pag-awit.
Nginuya ko ang fries habang nakatunghay sa banda. Kung masyadong focused ay baka hindi ko napansin na tumayo si Nate sa upuan kasabay halos ni Remi. Sinundan ko sila ng tingin noong makatalikod na at hindi na ako nakikita.
"Marami ka na kasing sapatos! Kung ako sa 'yo, itatago ko ang iba bago manghingi ng panibago sa Papa mo." Nangibabaw ang boses ni Ares kahit sobrang ingay sa loob.
Tumayo ako kahit hindi pa ubos ang pagkain. Wala mang pake ay gusto kong makita at malaman kung ano ang ginagawa ng dalawang iyon. Parang ako lang din kasi ang nakapansin na sabay pa silang umalis ng table!
So, I think I'm doing this on behalf of my homies. Lalo kay Erwan para sa mapusok niyang kapatid.
Dimmed ang lights kaya mahirap makita kung nasaan sila. Marami ring tao dahil mukhang dinadayo ang bandang tumutugtog. Bukod syempre sa pagkain sa Tim's.
Nagpatuloy ako sa left corner kung saan paliko ang daan patungo sa restroom. Bago pa ako makarating doon ay nakita ko na si Nate. Nadismaya ako ng kaonti noong makitang siya lang ang naroon at wala si Remi.
Baka nasa banyo iyon at hinihintay siyang sumunod? Para hindi halata sa mga tao rin malapit doon.
"Andre…" Nate called.
Balak kong lampasan siya at dumiretso sa restroom kaso hinarang niya ako. Marahan akong umatras para matapatan siya. Ang hirap kasi kung hindi na nga kami magkatapat, medyo nakatingala pa ako dahil mataas siya sa akin ng kaonti.
Nagtaas ako ng isang kilay.
"Ano 'yon?"
"You wanna go outside? Let's, uh, go somewhere a little more quiet."
"I don't. Sa banyo ang punta ko."
"You wanna do it inside the restroom?"
Kumunot ang noo ko.
"Do what?"
Nahirapan siyang sabihin agad. Alam ko naman na iyon pero gusto ko lang na lumabas mismo sa bastos niyang mga labi at direktang marinig sa kanya.
He licked his moistened lips and chuckled lightly.
"I wanna talk to you, so I'm suggesting elsewhere. Pero kung gusto mong sa restroom mag-usap…" Nate trailed off.
I pursed my lips. Okay, iyon din ang nasa isip ko. Hinintay ko lang sabihin niya. Ayoko rin kasing nangunguna lalo kapag siya ang nagsasalita.
"No, of course not. Ayokong kausapin ka."
"Except that we're technically talking," he smirked.
I scowled. "And you're iritatingly practicing sarcasm. Na hindi bagay sa 'yo, kung sakaling hindi mo alam."
"Ano pala ang bagay sa akin?"
Umigting ang panga ko. Bobo yata ito e, ang pangit bumanat. Kaya siguro umayaw rito si Remi o ang iba pa niyang naging fling dahil sa gasgas na mga banters niya.
"Bagay sa 'yong manahimik. Umalis ka nga riyan, dadaan ako!" asik ko.
"Kausapin mo kasi ako…"
"We're technically talking." Ulit ko sa pamimilosopo niya.
Lumapad ang ngisi niya. Napatingin ako roon at sa namumula niyang mga labi kaya hindi ako agad nakabawi noong hatakin niya ako palayo roon.
Nanlaki ang mga mata ko noong matanto kung gaano kapuwersa niya akong nahila mula sa daanan patungo sa restroom hanggang sa likod. Sa isang exit door kami dumaan kung saan mas maliit kaysa sa exit na nasa harap st katabi ang entrance door. Bihira ang dumaraan dito.
"Bitiwan mo nga ako, Nate!"
Nagpadala na lang ako imbes masaktan. Huminto lang siya sa kakahatak noong makalabas kami at bahagyang makalayo. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tangina mo ah!"
"I'm sorry…" Mahina niyang sinabi. Mas pumula yata ang mga labi niya noong pasadahan iyon ng dila pagkatapos bumulong. "You know I had to do it."
"Wala akong pake. Ano bang gusto mo?"
Hinihingal pa siya noong umastang magsasalita pero hindi tumuloy. Pagod akong umupo sa pavement habang hinihintay siyang sumagot kahit hindi iyon kaagad nangyari.
Tahimik sa paligid at tanging gangis lang ang gumagawa ng malakas na tunog. Mas madilim din dito dahil ang ilaw lang sa tapat ng exit door ang nakasindi at kulay dilaw pa. Sa kaliwanag bahagi sa gawi ko ang daan pabalik sa bahay habang sa kanan naman ang sa tingin ko ay patungo kina Eloise.
Hindi ko nga lang kabisado ang daan na iyan kaya hindi riyan dumadaan kapag nagbibisikleta.
"I want us to be… to be cool about it." Nate answered.
Naupo siya katabi ko at diretso rin ang mga mata sa harapan na parang iisa kami ng tinitingnan. Tumikhim ako at pinatagal ang katahimikan, pinoproseso ang sinabi niya.
"Bullshit."
"I know you're pissed. Ayaw mo rin siguro talaga akong makausap, kaya gusto kong sabihin 'to."
"What were you doing, then?" Tanong ko. "Ngayon ba na tapos ka na kay Remi at nandito na ako, babalikan mo ulit dahil mas masarap?"
His chiseled jaw clenched. Hindi ko gusto ang tono at ginamit na salita pero wala iyon sa nakapilang thoughts para isipin ko.
"I just want us to be friends again."
"We can't!"
Nilingon niya ako. Pumungay ang mga mata at handang tagalan ang titig kung hindi lang ako umiwas.
"I knew you'd take this seriously so I tried to… Goddamn it!" Mariin niyang sinabi.
Tumingin ulit ako sa kanya. Mukhang hirap siyang sabihin ang gusto kaya napaisip ako ng kaonti kung bakit. Tumigil din ako noong maisip ang mga posibleng gusto niyang sabihin.
"Aminin mo na lang na gusto mo ako ulit. Mas madali iyon." Bulong ko. "That you're getting bored with your ex-flings, and since I'm here, you couldn't help but ask if we could still sleep around like we used to."
"Gusto ko lang na magkaayos tayo…"
"Bullshit, that's fucking bullshit."
Natahimik siya ng ilang sandali. Akala ko nga hindi na siya magsasalita at hihintayin na lang na umalis ako. But he shifted his position after a while and looked at me directly.
"I was just exploring. Ganoon din ang ginagawa mo, hindi ba?" Namaos ang boses niya sa huling mga salita.
Umiling ako.
"Ikaw lang naman ang gumagawa nyan."
"Then why were you asking me back then about fuck buddies? You even begged for me to help you find one!"
Ako naman ang hindi nakapagsalita. Ano naman kung ganoon ang sinabi ko? Hindi ibig sabihing iyon din ang nasa isip ko noong ginagawa namin iyon!
"So what?"
"So we became fuck buddies. It's a little bit sweet but it's like a normal situationship! I thought you're enjoying it too."
Gago nga ito, kumpirmado.
Akala niya siguro papaniwalaan ko ang sinasabi niya. Ni hindi ko na nga siya itinuring na ganoon. Tapos sasabihin niyang ganoon nga ang tingin niya sa akin?
Kung sabagay, mas madaling magdahilan na lang ng kung ano kaysa amining naglalaro lang talaga siya.
"Huwag mo sabihing hindi, dahil nasisiguro ko 'yon. You even moaned louder than me. Imposibleng hindi ka-"
"Fuck you and your bullshit excuses! Mas madaling paniwalaan na nagsawa ka lang talaga! Pero sige, if you really wanna get us back, walang problema. Let's do it!"
"Hindi iyan ang gusto kong mangyari. Hindi mo ba ako naririnig?"
Tumayo ako dahil hindi ko na talaga kayang tagalan pa ang nakakainis niyang mga sinasabi. Bobo talaga yata para isiping maniniwala ako.
"Okay, you know what? We're good, we're beyond cool about that. If that's all your concerns here are about."
Tinalikuran ko siya at mabibigat ang bawat hakbang na pumasok sa loob. Hindi ko siya narinig na sumunod kaya mas nakahinga ako nang maluwag.