"Balang Araw mapagtatapos ko rin ng Pag-aaral ang tatlo kong Kapatid at Makakaahon din kami sa Kahirapan. " *Nagnakaw sa Mall
"Ate, Nagugutom na'ko. Kailan pa ba tayo kakain nito? Magta-tanghali na oh"
Reklamo ng bunso naming si Aeron na Anim na taong gulang pa lang pero maagang namulat sa kahirapan.
Eto kami ngayon pansamantalang nanirahan sa ilalim ng tulay dahil napalayas kami sa inuupahan kong maliit na bahay dahil 'di ko na nabayaran pa.
Nakakapagtiis naman ang Dalawa ko pang lalaking kapatid dahil malalaki na ang mga Ito. Si David ay labing-apat na taon na at Si Owen naman na pangalawa sa'kin ay Labing-Pitong taon na, kaya di na ako masyado nawo-worry sa dalawa.
Ang iniisip ko lang talaga ay si Aaron, awang-awa ako sa bunso namin. Kay bata niya pa para makaranas magutom at maghirap.
"Tiis lang muna bunso, okay? Maghahanap kami nina kuya mo ng bakal nang mabenta at may pang kain na tayo. Pasensya na ha." Sambit ko sa bunso kong kapatid na kalaunan ay namumutlang Himas-himas na ang tiyan sa gutom. 'Di ko mapigilang mapaluha habang nakatalikod ako sa kanila. Ang hirap! Tangina.
Kung 'di lang kami iniwan ni inay at itay edi sana Nakaka-kain pa kami ngayon ng tatlong beses sa isang araw at nakapag-aral pa.
Malas pa dahil natanggal ako sa pinapasukan kong work kaya di ako nakabayad agad sa inuupahan naming house na chaka. Plus, pinapaaral ko pa ang dalawa kong kapatid except kay Aaron na ako lang ang nagtuturo dahil matalino naman ako at maganda.
Hanggang 3rd year college lang ako sa Kursong education. Natigil lang kasi ang hirap na wala na ang inay at itay kaya kumayod na lang ako at tumayong ama at ina para sa mga kapatid ko. Lahat ng pwedeng maging trabaho pinasok ko puwera nalang sa pag bukaka at pagbenta ng katawan, Jusko.
Mamatay nalang ako sa gutom kesa sa ma hardfock ng maling tao, Eme.
Ang hirap mga beh! Puro pa mga lalaki 'tong binubuhay ko. Malalakas kumain pero keri lang kaya ko pa naman.
____
"Ate Helena, May tumatawag sa phone mo oh. Si Bernie ata yung baklang GGSS" Ay! Nanlait pa 'tong si Owen ha. Pagka-tanggap ko ng phone ay agad kong sinagot si bakla at ayun trabaho offering na naman daming ino-offer puro naman palpak si bakla.
By the way baka kasi magtaka kayong mga oa na readers na may phone ako kahit hirap na sa buhay. Pwe!
I have my phone because binigay to sa'kin ng manliligaw kong hapon na nakilala ko sa restaurant na pinapasukan ko last year, Gift niya raw. Pero 'di ko siya sinagot kasi diko siya bet. Sa pagkaka-alam ko gusto lang ako i-hardfock non.
Pati foreigner 'di nakaligtas. Namingwit din ako kung saan-saang online dating apps pero walangya! pinagja-jackstonan lang ako ng mga bastos. Gusto ko ng true love at afam na bubuhay sa'min di yung on-call ipapakita ang nota at didilaan ka pa. Like ewww!
May naging jowa naman akong Afam at nag promise sa'kin na pupuntahan raw ako sa pinas nung afam at pangangasawahin at Si Gaga muntik nang mabaliw sa saya dahil sa wakas ay aahon na kami sa Hirap. Yun pala ay sumabit ang afam ko sa airport pa lang, kasi ibang babae ang sumundo.
•••
Tatlong Araw na kaming nasa ilalim ng tulay kasama ang mga gamit namin. Tatlong araw na rin absent sina Owen at David dahil nagbakal nalang muna kami may pang kain lang. Malalaki naman ang katawan ng mga guwapo kong kapatid kaya Keri na sa Pagbabakal.
"Owen, Ilang taon ka na nga ba?" Tanong ko kay Owen na busy sa pagkalkal.
"Wow, Amnesia yarn? Seventeen na 'ko Ate at Mag Eighteen na ako next month" Masigla nitong Sagot. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sobrang pait lang na Wala akong mabigay at kahit pang handa man lang sa darating na kaarawan ni Owen.
"Owen, Ang Gwapo mo" Out of the blue kung Papuri. "Mamakla ka nalang kaya?" Dugtong ko pa.
"Gago ka pala eh, Ang panget mo namang maging Ate pinapamigay mo'ko sa mga bakla. Dami pa namang nagkakandarapa na bakla sa'kin at gusto akong tikman, Yuck!"
Honestly, guwapo talaga 'tong si Owen. Lalo na't binata at Hulma na ang Katawan nito. Tumangkad rin ito nang todo. Parang kailan lang Uhogin pa tong mga ito.
"Joke lang po, basta kahit maghirap tayo at magutom ng Sobra. Huwag niyo talagang Gawin ang pagbenta ng katawan, okay? Kayong dalawa, tandaan niyo yan" Pagbawi ko sa biro ko. Baka kasi gawin talaga ng mga tanga.
Isang Linggo na kaming nasa ilalim pa rin ng tulay. Ganon pa rin kalkal there bakal everywhere. Pinapasok ko na rin ang dalawa sa Eskwela, Baka kasi di maka graduate si Owen at bumagsak si David. Ma behind pa sila sa lessons.
Nagliligpit ako ng mga gamit namin nang may narinig akong Chismis sa mga ka tulay liners na balak raw nilang magnakaw sa mall. Syempre certified pakialamera ako kaya lumapit ako sa kanilang mga chaka sila.
"Huy, Sure kayo magnanakaw kayo? What if mahuli kayo?" Tanong ko habang naka-taas ang kaliwang kilay.
"Syempre magpapahuli rin ba kami? Mamamatay ka sa gutom Helena kapag di ka kumapit sa Knife, Myghad" Sagot naman ni Margot na mukhang maggot sa labi nitong sobrang pula at eyeshadow na kulay violet, Certified Borikat si Gaga.
"Okay, Sige. Pwede makahingi ng Grocery Items pag balik niyo? Tingin ko kasi talaga gagapang na kami anytime dagil sa gutom" Wala na kasi talagang natira sa'kin. Kanina nga lang ay pumasok sa Eskwela ang dalawa na gutom.
"Aba'y gurl kapal muks ha? Syempre kung want Mo edi sasama ka samin. Mag Grocery ka nang sa'yo!" Banat naman ni Margot. Syempre wala na akong choice.
Isang gabi muna akong nag decide kung sasama ba ako.
Lord, forgive me. Isang beses lang Grocery at Uniform lang ni David huhu.
Buo na talaga ang desisyon ko, Sasama ako sa Tulay liners na magnakaw sa Enrico Mall of the Universe. Go na 'to Isang beses lang Pag nahuli, It is what It is.
Mamayang gabi na kami sasalakay upang gawin ang plano namin. Salakay talaga? Basta magsisinungaling nalang ako kay owen na may raket ako mamaya, yun pala'y magnanakaw ang peg ko later at ihahabilin ko sa kanya ang dalawa habang tulog.
"Huy bakla ano na, Ready ka na? Lima tayong aatake sa Mall. Huwag kang magpapahuli ha, pag kami talaga nadamay pag nahuli ka. Mananagot ka talaga" Kuda na naman ni Gaga Margot.
"Akala mo sa'kin Shunga? Malamang kalerki kaya pag nahuli ako. May mga kapatid pa akong umaasa sa'kin." Sambit ko naman.
Base sa Plano ng Tulay liners. For sure maraming tao ngayong gabi sa mall dahil holiday. 8 pm na pero di pa nagsasarado ang Mall. Sobrang dami pang tao kaya di pa nagsasarado. Ang plano namin ay 'yong typical na pang bobo na plano lang. Kumbaga Acting like nago-grocery lang, yun pala'y kung ano-anong bagay na ang pinagsasaksak sa damit. Syempre maluluwag at malalaki ang mga suot namin at maraming paglalagyan. Keri lang siguro 'to dahil tatlong bakla at dalawa lang kaming babae ni Margot. Total of Five kaming kawatan ang andito.
Magkahiwalay kami sa loob at done na ako sa Grocery na part. So, sa uniform at mga damit muna ako Uniform para kay David at Pantalon for Owen kasi kupas na Pantalon niya. Yass slay bitch kinakabahan pero push lang para mabuhay si bakla.
Teka nga, Anong tawag sa Pinag-gagawa namin. Shoplifting? Budol? Krimen? Robbery bob? Trespassing? Holdap? Basta Wrong doings 'to pero Push na.
Nakalabas na ang mga Kasamahan ko na hindi nahuhuli. Palabas na ako at kinakabahan kasi nahuli akong lumabas. Apaka choosy ko pa kasi. Pero ang weird lang 'di ba ako halata? Feel ko kasi ang halata ako na hirap na hirap sa paglakad dahil sa bigat. Pakengshet din na Margot iniwan na ako. What if kanina pa ako nahuli di lang ako sinita at aantayin na ako sa labas ng gate ng mga pulis, Oh no. Nakapagtataka rin kasi di ako pinapansin ng mga staffs at gwuardya, Baka sa Ganda ko lang 'to. Psh! Makalabas na nga lang sa Fockin' mall na 'to.
Nasa basement na ako ng mall ngayon at Kunti nalang makakatakas na ako. Hirap na hirap ako sa suot ko pero go lang si Helena na maganda.
Nagulat ako habang hirap na naglalakad nang may hot na boses na nagsalita sa likuran ko. "Hey, Miss. Kawawa ka naman inwan ka ng mga kasamahan mo" Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa takot. Pero ayokong magpatinag sinagot ko pa ito "Wala kang pake!" At nagpatuloy sa paglalakad.
"Oh, Sorry for Interfering your pagnanakaw. By the way I was watching you kanina pa habang busy ka sa Pag shoplift ng mga Products sa Mall ko." Nanlaki ang mga mata ko, like hello? Legit siya may-ari? Ayoko nang humarap grabe ang pawis ko pati hita ko namawis na sa takot. " Gano'n ka na ba talaga kahirap para gawin ang magnakaw? I pitty you." Ang Laki ng boses niya jusko. Feel ko kumakain soya nga taong buhay. Halimaw ba 'to? Lord help me. Ayokong humarap.
"Anong gagawin namin Sir?" Sabi nung kasama niyang Gwardya yata. Nakaharap na ako pero sa floor lang ang tingin ko. Hiyang-hiya ako at takot na takot. Patawarin niyo ako Owen, David at Aeron. Sino nalang ang Bubuhay sa mga kapatid ko? Napatulo na ang luha ko. No joke, Huwag kayong tumawa. Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko sa Kaba. "Tanggalin niyo ang mga ninakaw niyang bagay sa Damit niya! " Sigaw nung lalaking may-ari yata ng mall. Lagot ako nito. Katapusan ko na itey. Magagaling na palang magnakaw ang mga pakshet dahil modus na nila 'yon, samantalang ako? First timer na nga tanga pa.
"Sir Juan Enrico na Pogi at Yummy, Ang Overall total po ng nanakaw niya ay One-hundred thousand. Eighty-thousand worth groceries at Twenty-thousand worth Na mga damit. Mga school supplies at Mamahalin at branded na mga damit kasi ang kinuha, Sir."
Galit na galit ang mukha nung Juan na may-ari pala ng Mall. Nakahilata ang mga ninakaw ko sa Semento ng basement habang nakalagay ang dalawa ko g kamay sa kikuran ko at hawak ako ng gwardya.
"Hindi ka ba nahiya sa Ginagawa mo? Miss." Tanong niya. Hindi na ako nagsalita pa. "Ka babae mong tao! Pinapanood kita kanina pa sa cctv habang kung ano-ano pinagkukuha mo. Ang mga kasama mo Naka mask at bonet habang nagnanakaw tapos ikaw parang wala lang. Kitang-kita ang mukha mo sa cctv footage. Kaya Hindi na kita pinadakip pa para di na kumalat at mapahiya ka sa maraming tao." Dagdag pa niya.
•••
Nandito ako ngayon sa City Jail pansamantalang nakakulong. Pinakulong talaga ako ni Juan Enrico for real. Kahit nagmaka-awa na ako at lumuhod sa kanya. Dalawang araw na tuloy ako ritong Sabog.
Biglang nawala ang Lungkot ko nang makita ko si Bernie sa labas ng selda habang salubong ang kilay.
"Bakla ka! Ang bubu mo talaga Helena! Bakit mo ginawa yon? Ha." Galit si Bernie pero deseve ko naman.
"Okay lang ba sina Owen? Kamusta sila?" Umiiyak na ako dahil namiss ko na ang mga kapatid ko.
"Inampon ko na ang Tatlo, diko na rin sila sinama pa rito. Ikaw kasi bat di kana humingi ng tulong sakin?" Sinisi talaga ako ni Bernie Santos which is truelala naman. "Nakakahiya na kasi sayo Bakla, Dami ko nang utang" sagot ko kay Bernie. "Oa, mo teh. Ayan tuloy kriminal ang peg mo ngayon"
Natigil lang lang ang drama naming mga bakla nang dumating si Juan Enrico.
Wala na akong nagawa pa nang nagpaalam na si Bernie na umalis na dahil dumalaw si Juan Enrico sa Selda ko.
"Let's talk" Sabi nito habang Nakatingin lang sa Phone.
"Para saan pa? Sir, Palabasin mo na ako please lang. May binubuhay pa akong tatlong kapatid" napa iyak na talaga ako for real. No over acting talaga.
Pinalabas na ako sa Selda at Nagkaroon kami ng time mag talk. Infairness Ang guwapo ni Enrico. Hunk talaga siya legit!
"Napag-alaman kong nangungupahan ka lang pala sa Pangit na bahay at sa mabahong lugar lang kayo nakatira. May tatlong lalaking kapatid ka na binubuhay. Napalayas ka rin at Kasalukuyang naninirahan na sa Ilalim ng tulay. Nagpa Invistigate ako and that's it! Napag-alaman kong you're so Poor pala talaga. Kaya yung mga ninakaw mo ipapadala ko nalang sa mga kapatid mo. Dahil good mood ako at may awa pang natitira sa katawan " Ang haba ng pinagsasabi nitong hudas na 'to pero since matalino ako. Na gets ko agad.
"Sure ka? Billionare ka ba? O baka Acting lang 'yan." Paninigurado ko pa.
"Then, Ayaw mong maniwala? Okay madali lang naman akong kausap. Di ka na makakalabas dito if ever" Agad naman akong natauhan.
"Joke lang naman, Sir. Palabasin niyo na ako miss ko na ang mga kapatid ko."
"Oh, I forgot to tell you this. Since nag piyansa ako sayo at bibigyan ko kayo ng pang kabuhayan products. In exchange, Magiging Private Labandera kita. Mga damit ko lang ang lalabhan mo sa mansyon ko. Deal? Or Dito ka nalang at mamatay sa gutom ang mga kapatid mo?" Di ko gusto yung magiging labandera niya ako pero no choice beh, kaya ko naman yan basic lang sa'kin.
"Okay, yan lang pala eh, Basic. Thank you satanas." Saka ko siya niyakap at nakita kong ngumiti siya after non, Gusto niyang tintawag siyang satanas. Like hello? Nag-aadik ba 'to? Or baka Want niya akong I hardfock kasi ang ganda ko sa cctv footage. Kaya crush niya na agad ako. Baka happy lang siya na may taga laba na siya ng Briefs at boxers niya.
"Tuwing Sabado lang ang schedule mo. Alangan namang araw-araw kang maglaba kahit walang labahin, diba?"
Legit nga naka drugs talaga 'to.
"Yes sir, type mo nalang here sa phone ko number mo. Exchange number na tayo like magjowa hihi"
Agad nagsalubong ang dalawang kilay niya kaya binawi ko nalang ang sinabi ko.
"Wag mo akong tawagan, Miss. Dapat ako lang ang tatawag sa'yo kung papupuntahin kita sa Mansyon ko."
May diin talaga? Yabang much naman neto.
"Sir, Napaka Guwapo mo. Pwede araw-araw nalang akong pumunta?"
Yes, malandi mode on.
"Sige, Ipapalapa kita sa mga Aso"
Katakot naman bakla.
Syempre ang Helena Pamintuan na Sobrang ganda at Sexy. Labandera na ngayon ni Juan Enrico na may-ari pala ng Enrico Mall of the Universe na ninakawan ko.
~