webnovel

EPISODE 20

"ANG APAT NA ELEMENTO"

Sa pagpapatuloy...

"Mahal na prinsesa gumising ka!" Sabi ni Matilda habang ginigising si Sam.

Dumating naman ang kawal na tapat pa din sa dating pinuno ng Harte.

"Nana Matilda anong nangyayari kay Prinsesa?" Tanong ng kawal na kasing edad lang ni Sam.

"Tulungan moko Adrian, nasaktan ng Prinsepe Husua ang Prinsesa. Sandali ang Prinsepe Husua nagigising na sya!" Sabi ni Matilda.

"Ako nang bahala sa Prinsesa!" Sabi ni Adrian.

Nilapitan naman ni Matilda si Joshua upang tingnan Kung nagbalik naba ito sa dati.

Samantala sa Bulwagan ng trono kung saan naka upo si Hex at nakatayo naman sakanyang tabi si Via.

"Sandali parang may kakaiba!" Sabi ni Via.

"Anong ibig mong sabihin Via?" Tanong ni Hex.

"Nandito si ~" Pautal-utal na Sabi ni Via hanggang sa nawalan ito nang Malay.

"Via!! Mga kawal tulungan nyo sya!" Sigaw ni Hex at biglang sumulpot sina Aira at Liam. Pinatumba nila ang mga kawal na nakapalibot kay Hex.

"Kamusta Hex?" Sabi ni Aira.

"Aira! Ang prinsesa ng Aera. Ang lakas naman ng loob mong sumugod dito at mukhang Hindi ka yata marunong bumilang Prinsesa? Dalawa lang kayo. Kami marami!" Ngiting Sabi ni Hex.

"Ganun ba? Hindi ako natatakot lalo na't Alam ko Kung sino ka talaga! Wag kang magtago sa Maskara mo! Haring Gerald!" Sambit ni Aira.

"Sandali? Aira sigurado kaba? Papano? At bakit?" Nagulat na Sabi ni Liam.

Flashback >>>

Noong muntikan na syang mapaslang ni Via. Agad syang tinulungan ni Habagat ang diwata ng Hangin.

"Nasaan ako? " Tanong ni Aira nang magising sya.

"Sandali wag ka munang gumalaw! Hindi pa magaling ang mga sugat mo!" Sabi ni Habagat.

"Si-sino ka? Sandali si Liam, Si Joshua kelangan ko silang iligtas!" Sabi ni Aira.

"Prinsesa Aira ng Aera, narito ka sa tahanan ko. Ako Ang diwatang si Habagat. Tungkol sa mga prinsepeng mandirigma na kasama mo. Ang Alam ko ay ligtas ang Andromedian na kasama mo. Iniligtas sya ni Magindara. Diwata din katulad ko. Ngunit ang Lakurian na kasama mo. Nasa kamay ito ng isang sumpa!" Paliwanag ni Habagat sakanya.

Nanatili din ng ilang araw si Aira sa tahanan ng diwata at tinalakay nila ang tungkol sa pagkasira ng Jamais.

"Hex? Matagal ng patay si Hex Isa syang sinaunang diwata ng kadiliman. Ngunit sa pagkakaalam ko matagal ng natalo ni Bathala so Hex. " Sabi ni Habagat.

"Kung ganun sino ang nagpapanggap na Hex ngayon?" Tanong ni Aira.

"Sandali may Alam akong mahika ngunit kelangan ko rin ng tulong mo! " Sabi ni Habagat.

"Sige anong gagawin ko?" Sabi ni Aira.

Kinuha ni Habagat ang kanyang kamay at inutusan syang ipikit Ang kanyang mga mata.

"Tayoy maglalakbay sa nakaraan!" Sabi ni Habagat.

Sakanilang isipan nag balik sila sa sinaunang panahon kung saan mapayapa pa ang Jamais.

"Aira, Hindi tayo makikita ng mga nilalang na yan. Dahil Isa silang mga alala." Paalala ni Habagat sakanya at tumango lang sila.

Nakita nila ang pamilyar na mukha.

"Sino sya? Mukhang pamilyar saakin Ang kanyang wangis!" Sabi ni Aira.

"Siya ang diwatang si Herald. O hex, bakit?" Tanong ni Habagat.

"Herald? Haring Gerald?" Sya nga! Hindi ako nagkakamali!" Sabi ni Aira.

"Ano? Pero papano? Ganito ang nangyari sakanya noong natalo sya ni Bathala!" Sabi ni Habagat at ikinumpas ang kanyang mga kamay.

Sa eksenang nakita nila sinunong ng liwanang ng araw si Hex.

Ngunit may napansin si Aira.

"Hindi si Hex ang nasunog. Isa lamang ilusyon!" Sabi ni Aira at nang lingunin nya ang kanilang likuran nakita nila si Herald na nakatingin at nakangiti. Saka umalis.

"Naloko na?! Kung si Hex ang kalaban ninyo ngayon kelangan ninyo ng karagdagang kapangyarihan. Hindi kaya ng Prinsepe ng Harte mag Isa. Kung kelangan ninyo ng tulong naming mga diwata.ihipan mo ang plawta na ito. Ako nang bahala mag balita sa Kanlaon tungkol dito." Sabi ni Habagat.

Kanlaon - tahanan ng mga diwata.

"Maraming salamat habagat ngunit nais Kung Makita Kung anong nangyari pagkatapos ng panlilinlang ni Hex." Sabi ni Aira at ikinumpas muli ni Habagat ang kanyang mga kamay.

"Paalala Aira, tanging ang qpat na elemento lang ang makaka puksa sa itim na kapangyarihan ni Hex." Sambit ni Habagat.

Back to present <<<

"At nakakalungkot isipin na pati ang tiya Anya ko ay nilinlang mo! " Sabi ni Aira.

"Mukhang nangingialam na ang mga diwata! At Hindi ko na kayo papatakasin pa dito ng buhay." Sabi ni Hex at biglang nag alab ang kanyang mga kamay kasabay nang pag-ihip ng malakas na hangin.

"Maghanda ka Liam, itakas mo si Sam at Husua. Natatandaan mo ba ang lokasyon na sinabi ni Rosa saatin?" Sabi ni Aira.

At inalala ni Liam ang mga sinabi ni Rosa.

"Ngunit papano ka?" Pag aalalang Sabi ni Liam.

"Ako nang bahala, kaya kung makatakas! Umalis kana!" Sabi ni Aira.

Tumango si Liam at agad naglaho sakanyang tabi.

"Anong gagawin mo ngayon Prinsesa? Magpapakamatay ka!" Sabi ni Hex.

Nagising na din si Via at kita nyang si Aira nalang mag isa at pinalilibutan ng mga kawal habang si Hex ay handa nang itatapon ni Hex ang bolang apoy sakanya.

"Sandali panginoon! Wag! Ako dapat ang papatay sa kanya!" Sabi ni Via.

Itinigil ni Hex ang bantang pag tapon ng Bolang apoy.

Ngumiti si Aira sabay sabing..

"Dapat ituloy natin Ang mga Plano natin kapatid! Ngayon na paslangin mo na!" Sigaw ni Aira at nakatingin Ang mga kawal sa kinatatayuan ni Hex at Via. Nagulat Naman si Via sakanyang sinabi.

Agad namang tumakas si Aira at sinundan si Liam.

Nang makarating si Aira sa silid Kung nasaan si Joshua at Liam.

"Hindi pa din nagigising si Sam." Sabi ni Liam.

"Prinsesa Aira?" Gulat na Sabi ni Matilda.

"Nana Matilda? Ikaw ba Yan mabuti naman at ligtas ka!" Masayang sabi ni Aira at niyakap niya ang matanda.

Pumasok naman si Adrian sa silid sabay sabing.

"Parating na ang mga kawal dito umalis na kayo!" Sabi ni Adrian.

"Adrian? " Sabi ni Aira.

"Aira? Ikaw ba Yan kapatid ko?" Sabi ni Adrian.

"Oo kapatid ko. Mabuti naman at ligtas ka! Masaya ako dahil ligtas kayo ni Nana Matilda. Mabuti pa sumama kayo saakin!" Sabi ni Aira.

"Hindi pwde, kelangan naming bantayan ang Reyna Anya, buhay sya. Naka kulong sya ngayon! Ngunit Wala nang oras umalis kami na ni nana Matilda Ang bahala!" Sabi ni Adrian.

"Aira anong gagawin ko Kay Sam?" Sabi ni Joshua.

"Mamaya na!" Sagot ni Aira.

At nagpaalam si Aira kina Matilda at Adrian.

"Bilisan nyo na!" Sigaw ni Adrian.

Ikinumpas nina Liam, Aira at Joshua Ang kanilang mga kamay at agad sila nag laho.

Habang si Matilda naman ay umarteng nasaktan at inalalayan ni Adrian.

"Anong nangyayari sa Dama?" Tanong ng isang kawal.

"Sinaktan ng mga kawatan. Nakatakas si Prinsepe Husua. Sinaktan niya Ang Dama!" Sagot ni Adrian.

"Bilisan nyo hindi pa sila nakakalayo. Nakita ko sila doon sa hilagang bahagi ng Kastilyo sila dumaan!" Sabi ni Matilda.

At doon naman nagtungo ang mga kawal.

Itutuloy....

Chapitre suivant