webnovel

Chapter 18

Araw ng myerkules at kakatapos lamang ng english subject ni Mira. Kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa next subject na nang harangin siya ng tatlong babae.

"You're that girl na laging kasama ni Veronica? Sabihin mo, nasaan ang malditanng iyon?" Tanong nito.

"Ano ka ba Bea, don't be too harsh, baka magsumbong yan sa sugar daddy niya." Wika naman ng isa pang babae at nagtataka niyang tiningnan ang mga ito.

"Who cares? Sino ba ang sugar daddy niya, kalat na sa buong school na isang matandang mayaman ang sugar daddy nitong alaga ni Veronica. Nasa school forum ka girl, sikat ka na. Hindi na nakapagtatakang naging magkaibigan kayo ni Veronica. Pareho kayong malandi." Wika pa nito at nagtawanan ang tatlo. Hindi naman ito pinansin ni Mira at muli nang ipinagpatuloy ang kanyang paglalakad. Akmang lalayo na siya ay bigla naman siyang pinigilan ng babaeng nagngangalang Bea.

"Hindi pa kami tapos magsalitaa, napakabaatos mo naman para talikuran kami. Palibhasa laking squatter ka kaya ganyan ang ugali mo." Wika nito habang mariing pinisil ang braso ni Mira. Napahinto naman si Mira at napangiwi dahil sa sakit. Pakiramdam niya ay bumabaon sa kalamnan niya ang mga matutulis nitong kukong punong-puno ng kolorete.

"Aray." Sigaw niya at pilit na kumawala rito. Dahil sa sakit na nararamdaman ay hindi niya napigilan ang paggamit ng kanyang kakayahan. Isang paso ang nahulog at tumama iyon sa ulo ni Bea. Agad na natumba ito at nawalan ng malay dahil sa ulo nito tumama ang paso. Napasigaw naman ang dalawang kasama nito at nagsilapitan ang ibang estudyante sa kinaroroonan nila. Nataranta naman si Mira dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Ms. Torres, you are one of the students that I don't expect to create unnecessary troubles. Kabago-bago mo pa lang ay nasangkot ka na agad sa gulo. Do you know who you have hurt? Anak lang naman ng isang alkalde si Ms. Buencamino." Sermon ng Dean nang ipatawag sila sa opisina nito. Nagkaroon ng minor concussion si Bea dahil sa nangyaring aksidente. Mira didn't mean it to hurt her, she couldn't control her ability at hindi din niya maaring sabihin sa mga ito.

"Sorry po sir, aksidente po ang nangyari, hijdi ko po sinasadya." Wika ni Mira

"Hindi sinasadya? My daughter suffered a concussion at sasabihin mong hindi mo sinasadya? How dare you lie with a straight face." Wika ng isang ginang na kakapasok lang sa dean's office. Tarantang lumapit naman doon ang Dean at todo asikaso ito sa ginang.

"Mrs. Buencamino, hindi ka na dpaat magpunta, aayusin na namin ang gulong ito. "

"Aayusin? Mr. Dean, my daughter is hospitalized because of her, may importanteng recital ang anak ko this coming week at dahil dito at kailangan ipostpone iyon. How do you plan to punish this b*tch?" Galit na tanong ng ginang at napayuko lamg si Mira.

"Mrs. Buencamino, we can't punish her without proper investigation. Marami ang nakawitness na nalaglag ang paso mula sa second floor balcony habang nagtatalo sila sa baba. This incident happen by accident." Wika naman ng Dean ngunit lalong nag-init ang ulo ng ginang. Padabog na lumapit ito sa dalaga at inangat ang mukha nito bago pagak na tumawa.

"What a face. No wonder, my daughter told me you are being kept."

"Mrs. Buencamino, that was a baseless rumor." Pagtatanggol ng Dean na hindi naman pinaniwalaan ng ginang.

"What, isa ka rin ba sa mga pinatikim ng babaeng ito kaya ganyan na lamang ang pagtatanggol mo sa kanya. Mr. Dean, you know who my husband is at kayang-kaya kong patalsiki. Ka sa kinuupuan mo ngayon kung gugustuhin ko. And you, apologize to my daughter and get out of this school." Wika ng ginang at nanlaki ang mga mata ni Mira.

"Excuse me po, pero hindi naman tama na paaalisin niyo ako sa paaralang ito. Wala akong kasalanan at ang anak niyo ang nagsimula ng lahat. " Wika ni Mira at pinakita dito ang sugat na ginawa ng anak nito.

"Anak mo ang unang nanakit. Hindi dahil lumaki ako sa hirap ay hindi ako lalaban sa inyo. Your daughter is at fault also, nananahimik ako at sila ito ang kusang lumapit upang guluhin ako." Sambit ni Mira na pilit na pinapalakas ang loob. Hindi na rin kasi niya maatim ang mga pinagsasabi nito sa kanya at sa Dean.

"You are accusing me of being kept but where's your proof, you are running your mouth without filter, hindi ko alam na marumi din pala ang lumalabas sa bunganga ng mayayamang katulad niyo." Dagdag pa ni Mira at namula amg mukha ng Ginang dahil sa galit. Hindi na ito nakapagtimpi at malakas na sinampal si Mira na halos ikatumba ng dalaga. Nagkagulo naman sa loob ng Dean's office dahil sa pag-aamok ng nanay ni Bea. Makailang beses niyang sinampal si Mira at hinatak pa nito ang buhok niya. Hindi naman lumaban ng pisikala. Si Mira dahil alam niyang hindi iyon magdadala ng magandang resulta sa kanya.

Maya-maya pa ay tuluyan na ngang nailayo ng dean ang ginang kay Mira.

"Kahit ilang beses nyo pa akong saktan. Hindi nito mababago na ang anak niyo ang unang nanggulo."

"Shut up. You b*tch." Sigaw nito. Nang biglang bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa nito si Sebastian kasama si Dylan.

"What did you call her?" Dumadagundong ang boses na tanong ni Sebastian. Agad na pinagpawisan ng malamig ang Dean at tila nanuyo ang kanyang lalamunan nang makuta ang madilim na mukha ng binata.

"At sino ka naman? One of her man? Hindi mo ba alam na isa siyang kaladkaring babae?" Wika nito naningkit ang mata ni Sebastian dahil sa narinig. Tinanguan nito ang isang bodyguard na nakasunod sa kanya at walang pag-aatubili nitong sinampal ang Ginang. Gulat at agad na napaiyak ang ginang dahil sa ginawa ng bodyguard ng binata.

"Come here." Utos ng binata at agad na lumapit si Mira dito. Marahang inangat ng binata ang pisngi nang dalaga. At muling nandilim ang mukha niya nang makita ang malinaw na handprint sa maputing pisngi nito.

"How is it? Is it painful?" Tanong ng binata at marahang tumango ang dalaga.

"Aron, madam said its painful. You know what to do." Utos ni Sebastian at kambal na sampal ang muling natanggap ng ginang galing sa bodyguard ng binata. Umikot ang paningin nito sa impact ng sampal hanggang sa mapaupo na nga ito sa sahig ng opisina.

"My husband won't let you off for hurting me. Ikaw at ang babaeng yan. " Sigaw nito na agad na ikinairita ni Sebastian. Mabilis nitong binunot ang baril na nakatago sa tagiliran niya at walang pag-aatubiling itinutok sa ulo ng ginang. Napipilan naman ito dahil sa pagkagulat at halos naestatwa ito sa sobrang takot.

"How dare you threaten me." Gigil na wika ni Sebastian.

"Bastian, calm down. Don't do this. " Wika ni mira at mabilis na hinakawan ang kamay ng binata. "Pwede bang itago mo na iyan. Natatakot ako, pakiusap." Sambit ni Mira at doon lang natauhan si Sebastian. Ipinikit nito ang kanyang mata at humugot ng malalim na hininga bago pilit na ibinalik sa tagiliran niya ang baril.

"Pasalamat ka dahil nandito si Mira. Sa oras na malaman kung ginugulo niyo si Mira, hindi lamg ito ang aabutin niyo. Wala akong pakialam kung alkalde man ang asawa mo o kahit presidente pa. You better watch your daughter baka hindi ako makapagpigil at maipatapon ko siya sa impy*rno. " Pagbabanta ni Sebastian at nawalan ng malay ang ginang dahil sa takot.

"Let's go Mira. " Mahinahon nang wika ni Sebastian at hinatak na ang dalaga papalabas ng opisina. Napabuntong-hininga naman ang Dean dahil sa wakas ay natigil na din ang kaguluhan ngunit tumutulo pa rin sa noo niya ang mga gabutil niyang pawis dahil sa takot at kaba.

Agad na nilapatan ng icepack ni Sebastian ang pisngi ni Mira.

"Bakit hindi mo kaagad ako tinawagan? Mabuti na lang at nahanap ka ni Dylan. Mira, can you call me next time? Paano kung hindi ka kaagad nahanap ni Dylan?" Sermon ni Sebastian habang nasa kotse sila.

"Bastian, paano si Bea? Nasaktan siya dahil hindi ko nakontrol ang galit ko kanina."

"She deserved it. Kulang pa nga iyon. Dapat ay pinuruhan mo na. " Wika naman ng binata at napatanga lang ang dalaga dito.

"Don't mind me. Don't worry, everything will be okay. Wala kang kasalanan sa nangyari at tama lang na ipagtanggol mo ang sarili mo. This coming days, pupunta kayo sa gym ni Dylan. He will teach you self defense, okay."

"Okay. Sebastian, may mga kumakalat na rumors tungkol sa akin. Sana huwag mong paniwalaan yun ha. Hindi naman yun totoo. Hindi ako nakikipagkita sa kahit sinong lalaki maliban sa mga kapatid mo." Sambit ni Mira. Nag-aalala siya na baka ito ang maging sanhi ng pag-aaway nilang dalawa.

"I know. Don't worry, I will find out who spread these rumors about you."

Napangiti naman si Mira at yumakap sa binata. Hindi naman mahalaga sa kanya ang mga sinasabi ng ibang tao. Ang mahalaga ang pinaniniwalaan ni Sebastian. She doesn't want Sebastian to get the wrong idea about her.

Kinaumagahan ay naging usap-usapan sa buong paaralan ang expulsion ni Bea at ang misteryosong pagkawala ng pamilya nito sa Siyudad. Walang nakapagsabi kung lumipat ba ang mga ito ng lugar o bansa dahil sa kahihiyan. Maging ang alkalde nitong ama ay napatalsik sa trabaho dahil sa pagsiwalat ng mga illegal nitong gawain. Pumutok din ang usaping lahat ng ito ay nangyari dahil sa ginawang pananakit ng pamilya ni Bea kay Mira.

Chapitre suivant