webnovel

CHAPTER 100

The Continuation....

ANG NAKARAAN :

Dahil sa Mahiwagang kanta ni Margarita, Nakontrol nyang muli ang pag iisip ni Jenna. Habang sina, Jake, Raven, Ian at Charlie naman panay depensa sa mga atake ni Jenna sakanila.

Samantala, Anong koneksyon ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan sa Taga pag mana ni Olivia. Habang si Sandawa, ay di na sinamahan sina Katalina sa Kuta ni Sitan dahil sa Malakas na negatibong enerhiya na nakabalot sa lugar.

" Sandali, paumanhin.. ngunit di na ako makakasama sainyo sa Palasyo ni Sitan. Nang hihina kaming mga Di purong Diwata...pag mag tutungo kami sa lugar na malakas ang negatibong enerhiya." Sabi ni Sandawa.

" Naiintindihan namin.. salamat sa iyong tulong mahal na diwata.." Sabi ni Katalina.

"Mag iingat ka mahal na diwata.." Sabi ni theo sabay yuko.

" Walang anuman, Binabasbasan ko kayo.. gamit ang aking kapangyarihan. Naway manatili ang dalisay sainyung mga kaluluwa." Sabi ni Sandawa. at nag laho ito.

ANG KARUGTUNG :

"Sandali.. Bakit ba kayo inaatake ni Jenna?" Tanong ni Katalina.

" Ang harang Tai.." Utos ni Theo kay Tyler, at Gumawa naman si Tyler nang isang malaking harang.

" Hindi ko alam, Ate Kat.. Bigla nalang kaming inatake ni ate Jenna nung sandaling makarating na kami dito.." Sagot ni Tyler.

" Pero kanina, may naririnig daw syang Kanta.. pero di naman namin naririnig.." Sabi ni Raven. Habang si Jenna naman ay Ibinuklat nya ang Libro nya at nagsalita nang kakaibang mga lengwahe.

" Anong sinasabi nya?" Tanong ni Mia.

" Hindi rin, salita naming mga dalaket ang kanyang mga sinasabi.." Dagdag na sabi ni Raven.

" Mag iingat kayo dahil ang engkantasyon na yan. may....." Dina tapos ang sasabihin ni Katalina nang biglang Lumindol nang napakalakas.

" Jake, kaya mo bang pahintuin ang Lindol??" Tanong ni tyler.

" Susubukan ko..." Sagot ni Jake at sinubukan nga nyang pahintuin ang Lindol. Ilang sandali pa ay Huminto ang Lindol.

" Ang Galing..." Sabi ni Raven.

" Mag iingat kayo, dahil hindi talaga lindol ang mangyayari" Sabi ni Katalina. Nang biglang Libo-libong Bola nang apoy ang nagsibagsakan.

Habang sa Loob nang Kuta ni Sitan.

" Bakit di mo pa kinokontrol si Katalina..?" Sabi ni Sitan.

"Kanina ko pa ginagawa...pero bakit Hindi!!!" Galit na sabi ni Margarita sabay sabunot sa sarili nyang buhok. Hindi nya alam na may basbas si katalina ni Diwatang Sandawa.

" Maiwan ka dito sitan. dahil sasamahan ko ang alaga ko sa laban.." Sabi ni Margarita at agad syang naglaho.

" hindi magandang Idea yan..." Sabi ni Margarita.at agad itong nag laho.

Nang makarating na si Margarita, Nagulat sina Jake, Katalina, Theo at Tyler sa kanilang nakita.

"MM-Margarita? buhay ka?" gulat na sabi ni Katalina.

" Kamusta kana Dear, did you miss me?" Sabi ni Margarita.

" Papano ka nabuhay ?" Tanong ni Jake.

" Sino sya?" Tanong ni Mia.

" Good Question Dear, ako si Margarita...isang Masamang diwata, Yun ang sabi nila saakin. pero mabait naman ako diba Jenna?" Sabi ni Margarita at nagsalita naman si Jenna.

" Purihin si Donya Margarita, ang sino mang di susunod sa kanya ay paparusahan ko.." Sabi ni Jenna.

" Good Girl.. "Sabi ni Margarita sabay hipo sa buhok ni Jenna.

" Anong ginawa mo kay Ate Jenna?" Sigaw ni Tyler.

" Wala, dati ko naman talaga syang Laruan, nasira lang nung dumating kayong. kasama nung mga sister kung piste..!" Sabi ni Margarita.

" Inuutusan kita Margarita na Ibalik mo sa dati si Jenna.." sabi ni Theo.

" No No.. uh uh!

Katalina, Dear come to mama..." Sabi ni Margarita at Ginamitan nanaman nya nang kakaibang engkantasyon.

"Ano daw?" Sabi ni Mia.

" Sshhh! Tahimik... " Saway ni Raven. Pagkalipas nang ilang mga minuto ay, di parin na tablan ng Engkantasyon nya si Katalina..

" Papano nangyari ito?" Sabi ni Margarita.

" tila sumasablay kana...?" Sabi ni Katalina.

" Lapastangan...

Jenna parusahan mo ang mga kaaway !" Utos ni Margarita

" Masusunod Donya..." Sabi ni Jenna. Agad naman nyang ibinuklat ang kanyang Libro, Mula sa Libro Lumabas ang mga sinaunag sandata.

"Anong gagawin nya?" Tanong ni Jake. At umikot ikot muna sa ire ang mga Sinaunang sandata. at pagbagsak nito sa lupa, Ay naging isang Malaking Pana.

" Magaling Dear, Paslangin mo na sila.. Hahahahaha!! " Utos ni Margarita sakanya, at Itinutok nya ang palaso nito sa Kalangitan katulad nang naunang ginawa nya.

" Mag-iingat kayo dahil gagawin nanaman nya. " banta ni raven.

" Wala tayung magagawa kundi, protektahan ang isa't isa.. hindi naman natin pwdeng kalabanin si Ate jenna.." Sabi ni Jake.

" Oo nga ano bang magagawa natin upang, maibalik natin sa dati si ate jenna.? Tanong ni Tyler.

" Burning Bow!!" Bigkas muli ni Jenna, at Nagsibagsakan ang mga nag aapoy na palaso sa kinalalagyan nina Katalina.

" Jake, at Theo ang Kalasag...." Sabi Katalina. At pina-angat naman ni Jake ang Lupa at tinakpan silang lahat nag Lupa. habang si Theo naman ay gumawa nang malaking daluyong at sinalubong ang mga nag aapoy na Palaso ni Jenna. Samantala habang nasa loob sila..

" kelangan nating, mabali ang sumpa ni Margarita sakanya." Sabi ni Mia,

" Oo nga di ako makakalaban sakanya..." Sabi ni Katalina.

" May paraan lang, pero kelangan kung malaman kung anong tuno nang kanta ni Margarita. mababaliktad ko ang sumpa.." Sabi ni Theo.

"Kumakanta ka pala Theo?" Tanong ni Mia.

"Oo., magaling yan si kuya kumanta. isa pa Dj yan sa isang sikat na radio station.. Ganda nang boses nyan." Bulalas ni Tyler.

" Sandali parang naalala ko kung anong Tuno nang kanta" sabi ni Raven. At pinarinig nya ito kay theo. Samantala kitang kita ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan ang mga nangyayari sa kuta ni sitan.

" hindi ako nanghihina sa negatibong enerhiya na meron ang lugar na ito. Dahil Ipinanganak akong Purong diwata... Sa tingin ko mananalo ang mga kakampi natin. " Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. habang ang kausap nya ay nasa Kanlaon..

" kung gayun, maraming salamat saiyong pag tulong saamin Burigadang Pada Sinaklang Bulawan. " Sambit ni Bulan at sa tabi naman nya ay sina, Magayon, Dalikmata at Haliya.

" Mag-iingat ka Burigadang Pada Sinaklang Bulawan, Dahil maraming nakabantay na Kawal sa paligid nang kuta nya. " Paalala ni Magayon.

" Wag kayong mag aalala, kayang kaya ko sila.." Sabi ni Burigadang Pada Sinaklang Bulawan At nag laho ito sakanyang kinatatayuan.

Habang sina, Katalina ay nakaisip na nang paraan upang maibalik nila si Jenna.

" Ngayon na kuya, gamit ang hangin na gagawin ko maririnig ito ni ate jenna, ang Kanta mo.." Sabi ni tyler at biglang lumakas ang hangin sa paligid.

" protektahan mo silang dalawa.." Sabi ni Katalina. agad namang nilapitan nina Jake at Raven si tyler upang protektahan ito sa mga atake ni Jenna.

Si Raven ay inilabas nya ang kanyang itim na pakpak at itinago si Tyler doon. Habang si Jake naman ay pinagalaw ang mga Puno sa paligid upang mas lumakas pa ang hangin.

" Mga puno, gumawa kayo nang isang napakalakas na hangin.. " Utos ni Jake, At ang mga puno naman ay isa isang gumalaw at gumawa nang hangin.

" Sinabi kung protektahan ang dalawang magkapatid..." Sabi ni Katalina, at lumapit sya kay theo at gumawa nang Sampong Bolang apoy na umiikot ikot sa paligid nila ni theo.

At nang nagsimula na si Theo na kumanta, ay Lumakas din ang hangin na gawa ni tyler at ang mga puno.

" Papano nya nalaman ang kantang yan?" Sabi ni Margarita.

"Hindi ito maari.. paslangin sila...!!" Sigaw ni Margarita at lumabas ang mga maiitim na kawal ngunit nang humakbang sila papalapit. Isang napakalakas na Kidlat ang Tumama sa mga kawal na itim.

" Hindi mo kami, matatalo..." Sabi ni Mia.

" jenna ano ba.. paslangin mo na silaaaa!!!" Sigaw ni Margarita.

" Mma-susunod.. " Pautal utal na sabi ni Jenna ngunit unti-unti nang bumabalik ang dating jenna.

" Kamalasan nga naman... " Sabi ni Margarita.

"Oras na para tumakas.." Sabi ni Margarita. at tiningnan nya si Jenna na unti unti nang nagbabalik sa dati.

Nang Mag tatangkang maglaho si Margarita, may biglang gumapos sa kanya.

" Sabi ko sayo.. wag kang tatatakas..." Sabi ni Mia, habang iginapos nya si Margarita sa kanyang Lubid na kidlat. at sina Charlie at Ian naman ay , ginawang yelo ang kanyang Paa.

" Hindi kana makakatakas pa Donya??" Sabi ni Ian.

" yun ang Akala nyo..." Ngiting sabi Margarita. Nang hinila nya ang kidlat na tali ni Mia, at itinali nya ito kay Mia, Ian at Charlie gamit ang kanyang bilis sa pagalaw.

" kahit ginawa nyong yelo ang aking Paa. May kamay naman ako.. Mga bobo. bwaahhahaha.! " Sabi ni Margarita.

" Pakawalan mo kami Mia.." Sabi ni Ian.

"Sandali..." Sabi ni Mia. Ngunit Di pa na tatanggal ni Mia ang kanyang Lubid na kidlat ay agad silang inatake ni Margarita.

At isa-isa silang pinag sasaksak, nang itim na punyal..

" Ngayon kanino ang huling halakhak Dear?" Sabi ni Margarita.

ABANGAN ANG HULING 5 KABANATA. KAPIT LANG MGA MAHAL SALAMAT SA INYUNG PAGTANGKILIK. 

Chapitre suivant