webnovel

CHAPTER 37

"Pagsubok ni Diwatang Sandawa at ang pagtitipon sa Aydendril "

Previously....

- Ikinuwento ni Celia ang Totoong Nangyari sa Lumang Kastilyo. At ibinigay ni Celia ang isang Mahiwagang Pamaypay na pagmamay-ari ng Lola ni Olivia.

Samantala magbibigay ng pagsubok ang Diwatang Sandawa sa mga tagalipon at Itinakdang Engkanto.

Right now...

Sa Bahay ng Diwatang Sandawa..

" Katulad ng magpapa Sex change ka. Kelangan mo munang dumaan sa Psychology Test.. upang malaman talaga na fit ka for Sex Change. At di nyo naitatanong Doctor din ako sa Mundo ng mga tao. Raket raket din pagmay time. " Salaysay Ni Sandawa. Tumawa lang sila sa kanilang narinig Mula sa Diwatang Sandawa.

" Mahal na Diwata anong Klaseng Doctor ka po ba ?" Tanong ni Tyler.

" Oo nga " dagdag sabi naman ni Raven.

" Dr. Jose Rizal ? " Biro ng Diwata at tumawa ulit silang Lahat.

" Teka may napansin ako. Ikaw raven, Jake at Tyler ano ba talaga ? " Tanong ni Sandawa.

" Huh anong Ibig nyo pong Sabihin.." gulat na sabi ni Jake.

" I mean, parang may Issue kayong Tatlo.?" Sabi ni Sandawa. At tumawa ang Tatlo sabay sabing...

" Wala naman po, Close nga kaming Tatlo diba ?" Sabi ni Raven. Sabay kindat sa Dalawa.

" Hehe, Oo nga po Wala kaming Issue.." dagdag na sabi ni Tyler at Inakbayan naman sya ni Jake.

" Okay pero sandali.. nakakaloka, may Naliligaw nanamang Hikers. Sumama kayo sakin. Dali!" Sabi ni Sandawa at agad nyang Ikinumpas ang kanyang mga Kamay at naglaho silang Lahat sa Silid. At pagdilat nilang Lahat nasa Labas na sila. At Nakita nila ang Ganda ng Paligid, Berdeng mga Damo, naglalakihang puno at Sariwang Hangin na malalanghap mo sa mga oras na yun.

" Nakakaloka na sila.. parati nalang may nabibiktima ang mga Mahiwagang Nilalang dito sa Bundok.nililigaw nila ang mga Hikers. " Sabi ni Sandawa.

" Bakit mahal na diwata, hindi po ba kaibigan nyo ang mga nilalang sa Bundok?" Tanong ni Jenna.

" Hindi... Sa katunayan para maging Balanse ang lahat. Minsan din kasi, may mga pasaway na mga Hikers na nag iiwan ng mga basura nila sa bundok. Nakakastress sa Ganda kung to gagawin pakong Taga linis. " Sabi ni Sandawa habang Palingon lingon sa Paligid.

" So ngayon mahal na diwata Tourist Guide na ang Peg mo..?" Biro ni Katalina.

" Sinabi mo pa...Ay yun nandoon Pala sila. " Sabi ni Sandawa. At agad nilang Pinuntahan ang mga Naliligaw na mga Hikers sa Bundok.

Samantala sina Olivia,Rica, Sierra At Lina ay naisipan nilang mag matyag sa Pagtitipon na gaganapin sa Bagong Kastilyo.

" Maghanda na kayo Sierra, At Lina tayong Tatlo ang Huling pupunta sa Pagtitipon ni Erol. Bibigyan natin sya ng isang Kasiyahan na Di nya malilimutan. " Sabi ni Olivia.

" Mahal na Reyna. Nasaan na si Rica ?" Tanong ni Sierra.

" Kasalukuyang nag lalakbay si Rica gamit ang kanyang kakayahang maglaho at Lumipat sa ibang Lugar. " Sagot ni Olivia.

Sa Palasyo.....

- Naunang dumating si Rica sa Palasyo upang mag matyag.

" Wow, Kapal ng Mukha ng Eron na yan. Binago nya ang mga Sagisag ng Aydendril. " Sabi ni Rica habang nagtatago sa isang Malaking Istatwang ibon.

Ilang Sandali pa ay Nakita nyang papalapit si Erol agad nyang ginamit ang kanyang Kapangyarihang maglaho. Katulad ng hangin ay di sya nakikita ng sinuman. Habang Dumaan sa kanyang Harapan si Erol narinig nyang nasa Bulwagan ng Palasyo si Sitan nakaupo katabi sa Trono.

" May Karapatan pa talagang syang gumawa ng sarili nyang upuan.." sabi ni Rica at agad syang nagtungo sa Bulwagan upang Tingnan.

Lumang Kastilyo ng Aydendril....

" Tayo na.. " sabi ni Olivia at Agad silang naglaho. Ngunit nakalimutan nya ang Mahiwagang Pamaypay na ibinigay ni Celia sakanya.

" Sandali Mahal na Reyna ang inyong Pamaypay.." sabi niCelia ngunit Huli na dahil naglalakbay na sila Olivia, Lina at Sierra sa mga oras na iyon.

" Nana Sela ?Ayus lang ho ba kayo?" Sabi ng isang Kasamahan nila.

" Oo, Ysa.. pero kelangan kung maibigay ulit Kay reyna Olivia ang Pamaypay ni Reyna Bertha. " Sagot ni Celia.

" Nako Nana Baka sa mga oras na ito ay nasa Palasyo na sila. At Hindi po ako papayag na magtungo kayo doon. " Sabi ni Ysa.

Si Ysa ay Isa sa matalik na Kaibigan ni Olivia.

Hindi lang sya Punong Dama sa Palasyo kundi ang turing ni Olivia sakanya ay Isang Kapatid kaya madalas sakanya iniiwan ni Olivia ang mahahalagang Bagay.

" Pero papano yan baka Mapahamak ang Reyna.. " pag aalalang sabi ni Celia.

" Wag po kayong mag aalala, naiintindihan ko kayo. Kayo po ang dating Punong Dama sa Palasyo kaya alam ko ang pakiramdam. Sumunod kayo saakin Nana Sela.. " sabi ni Ysa.

" Bakit saan Tayo pupunta.. " Tanong ni Celia.

" Hali na kayo. May naisip nakong paraan." Sabi ni Ysa.

Sa Palasyo...

Gamit ang kakayahan ng mga Sirena, ginamitan nila ng mahikang Sirena si Olivia upang may kakayahan din syang maging Invisible katulad ng ginawa ni Rica.

" Nandito na tayo.. at nararamdaman kung nasa Bulwagan si rica. Dali na.." sabi ni Olivia.

" Oo, nako nakakastress na.. " sabi ni Lina.

At agad silang nagtungo sa Bulwagan habang nasa pasilyo sila kapansin pansin na binago ni Erol ang Lahat mga Sagisag ng Aydendril Mula sa dragon ay ngayon ay pinalitan na ito ng isang Hayop na Mataas ang mga Sungay.

At nang marating nila ang Bulwagan nagulat sila sakanilang nakita..

" Babae na si Sitan ?" Gulat na Tanong sa Sarili ni Rica.

" Tama nga ang Sabi ni Jenna... At theo, Wala na sya sa katawan ng Lalaki. " Dagdag na sabi ni Olivia.

" Kayo Pala mahal na reyna.." sabi ni Rica.

" Anong nalaman mo dito sis?" Tanong ni Sierra.

" Wala pa... " Sagot ni Rica, Habang nagsasalita si Sitan sa Bulwagan may napansing kakaiba sa Likuran ng mga taga sunod nya.

" Alam kung nandyan kayo mga Pisteng Sirena... At kasama nyo ang Reyna Olivia. Bakit di kayo magpakita.." sabi ni Sitan habang nakatingin sa Likuran ng mga taga sunod nya 

" Mahal na Panginoon Sino po ang tinutukoy nyo Wala naman pong nakatayo sa Likuran namin.." sabi ng Isang taga sunod nya.

Habang sina Olivia naman ay Handa na sakanilang Plano.

" Anong Plano mo Olivia. Mukhang matalas talaga ang pakiramdam ng Sitan na yan.. " sabi ni Sierra.

" May naisip nako.. magpapakita ako at Ikaw naman Rica at Lina. Sugatan nyo sa Likud si Sitan.." Utos ni Olivia at Tumango lang ang dalawa.

" Tayo ang mag papakita Sierra. " Sabi ni Olivia.

Sa Lumang Kastilyo...

" Nandito na tayo.. Nana Sela.." sabi ni Ysa.

" Pamilyar ang Malaking Salamin na yan.." sabi ni Celia.

" Oo ito ang Salamin ng mga Lagusan.." sagot ni Ysa.

" Tama ka Ysa.. at Kilala ko Rin ang Ispiritong nangangalaga sa salaming yan. " Sabi ni Celia.

" Selena ba Nana Sela ?" Tanong ni Ysa.

" Hindi.. Siya Si Sara... " Pagbigkas ni Celia ng Ngalang Sara agad nagliwanag ang Mahiwagang Salamin.

" Celia Ikaw ba yan?" Sabi ng Salamin..

" Oo ako nga.." sagot ni Celia.

" Anong ipaglilingkod ko saiyo.?" Tanong ng Salamin.

" Nais kung Ibigay mo Kay Olivia ang Pamaypay na ito.. " sabi ni Celia.

Sa Palasyo.....

- Nagpakita sina Olivia at Sierra Kay Sitan habang sina Lina at Rica at Lumipat ng Pwesto.

" Pagdi ka nagpakita mapipilitan akong Sunugin kayo dyan sa kinatatayuan nyo. " Sabi ni Sitan at agad syang Gumawa ng Bolang Apoy.

" Hindi na kailangan pa Sitan.. hindi Naba kami imbitado sa Pagtitipong ito?" Sabi ni Olivia. Habang Si Sierra naman ay may nakapalibot na Tubig sakanya.

" Tandaan mo Sitan.. Walang laban ang Apoy sa tubig.." sabi ni Sierra.

" Reyna Sierra ng Oceana... Matapang kana ngayon. " Sabi ni Sitan.

" Well. I just realized nakakapagud maging Mabait sayo.. " sagot ni Sierra.

" Bravo Bravo! Napakatapang nyong dalawa..Di nyo ba alam na Mali ang inyong ginawa. Dahil para nakayong nagpakamatay sa inyong ginawa ?" Sabi ni Sitan.

" Alam namin Sitan.. " sagot ni Olivia at pinalutang nya sa Ire ang mga Espada at iba pang gamit na pandigma na nasa paligid ng Palasyo at sabay sabay itong itinutok sa Kinatatayuan ni Sitan.

" Mahal na Panginoon..." Sigaw ni Erol.

" Isang Maling Hakbang Erol.. mamatay ang Panginoon mo.." Banta ni Olivia habang Si Sierra naman ay pinalibutan nya ang buong Silid ng Tubig. Ayun sa kanilang pinagplanohan.

" Subukan mong Lumabas ng Silid.. Hindi yan ordinaryong Tubig. May Kuryente ito ng Limang milyong Electric Eel.. " sabi ni Sierra ng magtangkang lalabas si Erol.

" Walang Lalabas..." Sigaw ni Olivia. At agad namang tumahimik ang Lahat.

" Hindi nyo ko matatakot Olivia at Reyna Sierra... " Sabi ni Sitan.

Sa Lumang Kastilyo....

" Yan ang Mahiwagang Pamaypay ni Reyna Bertha.. at Napakalakas ng Pamaypay na yan.. " sabi ng Salamin.

" Oo Nais kung Ibigay mo na sa Reyna Olivia... " Pakiusap ni Celia.

" Masusunod Punong Dama..." Sabi ng Salamin at naglaho ang Pamaypay sa kanyang Kamay.

Sa Palasyo...

" Sa tingin nyo.. natatakot ako sainyong Apat?" Sabi ni Sitan at Sinakal Niya sina Lina at Rica.

" Rica... " Sabi ni Olivia.

" Akala nyo di ko kayo mararamdaman.. Mga Pipitsuging Sirena lang kayo...at Ako ang Hari at Panginoon ng Kadiliman...hahahaha. " sabi ni Sitan. habang Mas Hinigpitan pa nya ang pagkakasakal sa Dalawa.

" Lapastangan ka..." Sigaw ni Sierra. At gagamitin na Sana nya ang mga Tubig na nakapalibot sakanya ngunit pinigilan sya ni Olivia.

" Maghunos dele ka Sierra... " Sabi ni Olivia. " Sabi ni Olivia.

" Ngayon sumuko na kayo... Isang hakbang lang din Sierra At Olivia tatangalan ko ng Hininga ang mga Sirenang Ito. " Sabi ni Sitan.

" Waaagg kayong Makinig sa kanya Sierra at Olivia. Gawin nyo na.." sabi ni Lina habang namimilipit sa Sakit. Nang biglang sinaksak ng isang Kawal si Sitan Sa Likuran nya.

" Taksil!!!! " Sigaw ni Sitan habang sina Lina at Rica naman ay nakawala sa pagkakasakal.

" Isa akong Tapat na Kawal ng Aydendril. Nagsilbi nako sa Ina ng Reyna Olivia at ngayon sakanya.. Kelanman di ko pagtataksilan ang aking Kaharian.." sabi Ni Antonio.

Si Antonio ang Punong Kawal ng Palasyo. Tapat ito sa Dating Reyna na Ina ni Olivia..

" Dahil dyan. Kawal Mamatay ka!" Sabi ni Sitan. May Lumabas na Kidlat sa mga Kamay ni Sitan ng Sandaling gagamitin na nya ito ay Agad naging Yelo ang kanyang mga kamay.

" Mukhang kami nanaman ang Panalo..?" Sabi ni Lina. Ginawa nyang Yelo ang mga kamay ni Sitan.

" Katapusan muna haring Huwad..." Sabi ni Sierra. Agad nyang Inilipat Kay Sitan ang Tubig na nakapalibot sakanya. At Mula sa tubig na yun napakalakas na Kuryente ang Dumadaloy doon.

" Panginoon... " Sigaw ni Erol. Tutulungan na Sana ni Erol si Sitan ngunit ginamit ni Rica ang kanyang Boses upang mabangga si Erol sa Pader at mawalan ng Malay.

" At alam Kong Alam mo ang tungkol dito Sitan ?" Sabi ni Olivia at Ipinakita nya ang Pamaypay ni Reyna Bertha.

" Ang Pamaypay na yan.. Yan ang Nagkulong Saakin.. hindi maaring.. papano nasayo yan..?" Sabi ni Sitan.

Bumulong si Olivia sa Pamaypay at habang Si Sitan naalala nya kung papano sya Ikunulong ng Pamaypay na yan Dati Kay Reyna Bertha.

" Hindi pa tayo tapos.." Sabi ni Sitan at Agad syang Naglaho.

Balik sa Bundok Apo..

- Nilapitan nila ang mga Hikers kasama si Sandawa.

" Hi guys, parang naliligaw din yata kami." Sabi ni Sandawa.

" Oo nga po.. " sagot ng isang babaeng Hikers.

" Sya nga Pala ako si Michelle at ito naman mga kasamahan kung mga Hikers. Taga Davao lang Kami kayo taga saan kayo?" Tanong ni Sandawa.

" Ako nga po Pala si Sandy.. taga Luzon talaga kami naisipan naming mag hiking dito sa Bundok Apo. Pero nakaka- Sad. Kasi naliligaw na kami. " Sabi ng Babaeng Hikers.

" Ay nako total nawawala naman tayo. Pwdeng mag Help Help nalang tayo.." sabi ni Sandawa.

" Oo ba. Miss Michelle..sya nga Pala itong mga kasamahan ko. Sina Lyka, Andrew at Mike. " Pakilala ni Sandy sa kasamahan nya.

" Hi, sainyo.. Yes Fight Fight Lang diba..?? Well ito naman ang mga kasamahan ko. Sina Tyler, Jake, Theo, Katalina, Ian, Mia, Alpia, Raven at Jenna. Go go! Let's fine the Way there... Oh diba.. yes Whoah To-do nato!!" Sabi ni Sandawa nag Ala Rufa Mae.

" Rufa Mae???" Sabi ni Jake. At tumawa lang silang Lahat.

TO BE CONTINUE...

Chapitre suivant