Habang naglalakad si Miah, biglang lumitaw sa harap niya ang babaeng tinulungan niya kanina. Napahinto sila, parehong nabigla sa kanilang nakita.
"S-sino ka?" tanong ni Miah, hindi makapaniwala, habang nanlalaki ang kanyang mga mata.
"Ikaw, who are you? Bakit… magkamukha tayo?" sagot ni Kiara, gulat din at tila hindi makahanap ng tamang salita.
She can't believe it dahil ang nasa harapan niya ngayon ay halos perfect na replica niya. Same height, same skin tone, parehas ng kurba ng katawan at higit sa lahat..magkapareho talaga sila ng mukha.
For a long suspended moment, neither of them spoke. Tinitigan lang nila ang isa't isa, tracing every familiar detail mula ulo hanggang paa.
Finally, one of them broke the silence.
"Are we twins?" asked ni Kiara with a smile.
"Iyan din ang tanong ko eh, Ilang taon ka na ba?" tanong ni Miah.
"I'm 24, ikaw?"
"26 anyos. So….imposibleng magkakambal tayo." sabi ni Miah habang pinapaypay ang sarili. Doble ang rason kung bakit siya pinagpapawisan ngayon. Una, dahil sa kakatakbo niya kanina at pangalawa, dahil sa pagkamangha niya at pagkabahalang may isang kapatid pa siya.
"Are we related ba? anong apilyedo mo? saan ka nakatira?" sunud-sunod na tanong ni Kiara sa dalaga.
"Teka lang muna ha…isa-isa lang. Yunno ang apilyedo ko at nakatira ako sa may isla"
"Hindi ka naman ampon right?" pagbabakasali ni Kiara thinking na baka may anak pa ang kanyang daddy sa ibang babae.
"Hindi…..kasi magkamukha naman kami ng nanay ko eh. 'Yung tatay ko rin, kuhang kuha ko ang baho ng kanyang paa."
Napahalakhak ang dalaga dahil sa sinabi nito.
"Totoo" nakangiting sabi ni Miah sa kanya.
"I guess, we're just doppelgangers right?"
"Ah….. di naman! mukha lang akong matapang pero, hindi ako miyembro ng gang"
Napasapok sa noo ang dalaga dahil sa sagot nito. Napatawa na naman ito.
"You know what, you made my day! ahm..wait, I'll give you my calling card, asaan na ba iyon.." ani ni Kiara.
"Ah…oo nga pala, ito ang wallet mo" iniabot ni Miah sa dalaga ang wallet nito.
"Oh yes, salamat Miah for helping me kanina" tapos iniabot nito sa dalaga ang kanyang calling card. Agad namang tiningnan ng dalaga ang nakasulat dito.
"Kiara Louie Zhi.... Ito ba ang pangalan mo? Hindi ko alam pero parang pamilyar ang pangalan mo"
Ngumiti ang dalaga.
"Yes that's my name. And if ever that you need something..just call my number. Ayt?" she said. She wants to know her better kaya umaasa siyang magkikita silang muli.
"Kunin mo na rin kaya ang number ko para kapag may kailangan ka rin sa akin eh kahit papaano, matulungan kita"
"Good idea. Just save it on my phone" tapos inilabas ng dalaga ang kanyang phone.
Matapos ang ilang minutong pagpapakilala at pag-uusap, nagpaalam na si Miah sa dalaga.
"Nice meeting you, Miah," ani ni Kiara habang kumakaway.
"Ako rin, Kiara" sagot ni Miah sabay kindat bago tuluyang naglakad palayo.
Naghiwalay silang dalawa, bawat isa'y bumalik na sa kani-kanilang landas.
Sa isla.....
Mabilis na naglakad si Miah pabalik sa flower shop na binabantayan niya, ngunit hindi niya maiwasang balikan sa isip ang kanilang hindi inaasahang pagtatagpo at ang damdaming tila may koneksyon silang hindi maipaliwanag.
"Nakaorder ka na?" bungad na tanong ni Tob nang mapakinggan nito ang pagpasok niya sa loob.
"Wala daw pong stock sir, kaya kinuha ko na lang po ang numero nila sa cellphone para tawagan na lang sila" sabi ni Miah habang may sinusulat sa maliit na notebook.
"Eh ba't ang tagal mo?" nakaekis na kilay'ng tanong ng binata sa kanya.
Naisipan tuloy ng dalaga na biruin ito.
"Ikaw naman sir, saglit lang akong nawala…namiss mo na ako agad" sabi niya habang nag-aayos ayos ulit sa loob.
"Tingnan mo naman kasi ako. Paano ko mae-entertain ang mga customers kung di ko naman makita ang bulaklak na gusto nila." paliwanag ng binata.
"Sa madaling sabi, kailangan mo ako sir..…..Tama di ba? Ayiieee. Haha!" pang-aasar nito sa binata. Ayaw na ayaw kasi nitong ginaganyan siya eh knowing na di pa rin ito makamove on sa kanyang ex.
"Tigilan mo ako Miah ha, kung ayaw mong mahampas ng stick na ito"
"Joke lang sir..ang seryoso mo kasi masyado" nakangiting banggit nito habang tinitingnan ang binata.
Bumuntong hininga ang binata at tumayo na.
"Uuwi na ako…make sure na nakasara ng maayos ang shop bago ka umuwi mamaya." mahinahong sabi nito.
Di pa man nakakalabas ang binata, nagsalita ulit ang dalaga.
"Ah sir…saglit lang, pwede po bang bumale ako ngayon? Pambili lang ng bigas at allowance sana ng bunso namin. Nagbubunganga na naman kasi si mama sa bahay, ramdam ko talaga kasing wala na siyang pera."
"Bumale ka pa lang nung nakaraan ah…sigurado ka ba dyan? Wala ka nang sasahurin sa katapusan" sabi ng binata.
"Okay lang po sir. Aanhin ko naman po yung pera kung patay na kami dahil wala nang makain" biro ulit nito.
Pero alam naman talaga kasi ng binata na kulang sa pamilya nila ang sweldo ng dalaga. Isa rin sa rason kung bakit gusto niyang tumaas ang benta ng flower shop ay para na rin, madagdagan niya ang sweldo ng dalaga't matugunan ang basic needs ng pamilya nito. Lasinggero kasi ang tatay nila kaya ang kita ng pangingisda nito ay napupunta lamang sa alak at pulutan.
"Sige, ganito na lang….. kapag nakabenta ka ng mga bulaklak ngayong araw, bibigyan kita ng bonus para may pambili ka ng bigas" sambit ng binata.
"Di nga sir? Seryoso?!" tuwang-tuwa na sabi ng dalaga.
"Do I need to say it twice?"
"Thank you sir! Huwag po kayong mag-alala, gagalingan ko ang pagbebenta ngayon." masayang-masaya na sabi nito. Yayakapin sana niya ang binata ngunit nauna na itong lumabas.
"Sayang" bulong ng dalaga sa sarili.
Habang pinapaganda ang mga display na bulaklak, nag-isip siya kung ano ang dapat niyang gawin para makahakot ng customers. Bibihira lang kasi ang mga taong dumadaan sa shop.
"Ah…kakanta na lang kaya ako"
Dahil doon, inilabas niya ang malaking speaker at nagpatugtog ng opm song. Sinigurado niyang mapapangkinggan ng mga tao ang kanyang boses kahit nasa baybayin sila ng dagat. Isa sa pinatugtog niya ay ang kanta na pinamagatang "Papahiram".
"Mga magandang binibini at nagwagwapuhang mga binata. Bili na kayo ng bulaklak at haharanahin ko kayo"
Dahil dito, nagtinginan ang mga tao sa kanya. Naghihintay na marinig ang kanyang boses.
(Instrumental is playing)
Sakto ang sandaling iyon sa bulong ng hangin at mga alon ng karagatan.
Payapa at kalma lang ang isla kaya lahat ng pumupunta doon ay talagang mag-eenjoy at marerelax.
"Iwanan mo munang saglit lahat ng 'yong tampo at galit" magandang bwelo ng dalaga sa pagkanta.
"Sa mundo..
Sa gulo…
At sarili…"
Ngunit, habang kumakanta ang dalaga.. nawalan na nang gana ang iba na makinig. Sa totoo lang kasi, walang talento ang dalaga sa pagkanta.
Pero mahilig lang siyang kumanta talaga.
"Halika dito't sakin tumabi….Sumandal sa pagmamahal…."
"Hoy! maawa ka sa tenga namin" iritang sabi ng lalaki nang mapadaan sa shop nila.
Nagpatuloy pa rin ang dalaga habang nakapikit pang dinadamdam ang kanta.
"Papahiram ko sa iyo ang aking dalawang mata
Para malaman mo kung paano kita nakikita_"
"Papahiram ko rin ang boses ng kasama ko sa iyo." biglang sabi nung bata ng mapahinto saglit sa harap niya. Dahil dito, huminto ang dalaga sa pagkanta.
"Che! palaaway kang bata ka ah. Gusto mong isumbong kita kay Aling Barbara? ha!" sabi nito habang nakahawak pa rin sa mikropono.
Natawa na lang si Tobias sa mga narinig.
Di muna kasi siya dumiretso sa tinutuluyan niya dahil naisipan niya munang magpahangin ulit sa may baybayin, kaya rinig na rinig niya ang boses ng dalaga kahit nasa malayo.
Nakangiting nasubaybayan niya ang mga nangyayari ngayon sa shop.
"Isumbong mo't isusumbong rin kita kay Kuya Tob. Sasabihin kong tumatawag ka ng mga bad spirits dahil sa boses mo"
"Ang sama talaga ng bunganga nitong bata na ito. Halika nga dito para makurot kita sa singit." hinabol niya ang bata kaya tumakbo ito ng mabilis.
Pinagtawanan lang tuloy siya ng mga tao doon.
Just posted it this morning. Need to re-read to minimize typos and errors. :)
Tara, kape muna.