webnovel

Chapter 20: Bayan ng Lombis

"Sigurado ka bang hindi muna tayo babalik kay Tiyo Lando bago tayo pumunta sa norte?" tanong ni Sinag sa dalaga.

Kasalukuyang inihahanda ni Mina ang kanyang mga dadalhin nang mga sandaling iyon.

"Kuya, maiintindihan ni Itay ang desisyon kong ito. Magpapalipad hangin na lamang ako at magbibigay utos sa mga engkantong kasangga natin sa Maasil upang ipagbigay alam ang ating gagawin." wika ni Mina. Alam niyang kahit papaano ay sasama ang loob ng kanyang ama, ngunit ito lamang ang tanging alam niya upang mailigtas ang mga kaluluwang kinuha sa kanila. Pakiramdam niya ay kapag ipinagsawalang-bahala niya ang pagkakataong ito ay lubos niya itong pagsisisihan sa bandang huli.

"Ikaw ang bahala. Alam mo namang kahit saan ka magpunta ay susunod ako dahil iyon ang aking tagna." Wala nang nagawa pa si Sinag kundi ang hayaan ito sa desisyong niya. Alam din naman kasi niya kung gaano ikinalungkot ng dalaga ang pagkawala ng kanyang ina.

Matapos maihanda ni Mina ang kanyang mga gamit ay siya namang pamamahinga nila.

Kinabukasan, pagputok pa lamang ng bukang liwayway ay nasa daan na sila. Magkahiwalay na daan ang tinatahak nila sa mga antinggero nilang kasama. Hindi na sila gumamit ng lagusan dahil madali silang matutunugan ng mga kalaban kapag doon sila dadaan. Magiging pabor din sa kanila ang paglalakbay sa lupa dahil makakapag-insayo sila habang nagpapahinga.

Sa bawat araw na dumaraan at patuloy lamang sila sa pagtahak ng daan patungo sa norte. Kapag sumasapit ang gabi ay nakikituloy sila sa mga baryong kanilang nadadaanan o di kaya naman ay sa kagubatan na sila ngapapalipas ng kadiliman. Hindi naman nila alintana ang mga mhihinang nilalang na nagpaparamdam sa kanila dahil hindi din ito lumalapit.

Isang araw nagawa na nag nilang marating ang isang pamayanan di kalayuan sa bundok ng Sarong. Mula sa bayang iyon ay kitang kita nila ang mayabong na kabundukan na may napakagandang tanawin na hindi mo aakalaing isa pa lang pugad ng masasamang nilalang.

Doon nila napagdesisyunang manatili habang naghihintay sa dalawang ermetanyo at sa mga kasama nito.

Upang kahit papaano ay magkaroon sila ng kita ay namasukan si Sinag sa isang mayamang nagmamay-ari ng isang pabrika ng tabako roon. Ang bayan ng Lombis ay di tulad ng mga baryong nakagisnan nila. ang mga bahay roon ay gawa na sa bato ang iilan na lubhang ikinamangha ni Mina at Isagani. Noon lamang sila nakakita ng mga bahay na gawa sa bato at may mga yero.

Hindi naman nabigo si Sinag. Pinahintulutan siya ng may-ari na magtrabaho sa kanya at ito pa ang nagbigay ng bahay sa kanila malapit lamang sa pabrika. Ang pabrikang iyon ay may kalakihan at marami din ang nagtatrabaho roon.

"Ikaw ba si Sinag? Ako nga pala si Berto, nasabihan na ako ni Manong Ricardo. Siyanga pala, doon ang magiging bahay niyo, katabi naman niyan ay ang bahay namin, kasama ko diyan ang aking asawa at mga anak." pakilala nito at nginitian ito ni Sinag.

"Kinagagalak kitang makilala Berto, ako nga su Sinag, ito naman ang kapatid kong si Mina at ito naman si Isagani anak ng isang kaibigan. " wika ni Sinag.

Masaya silang nag-usap bago nila tinungo ang bahay na tutuluyan nila. Gawa iyon sa bato at pawid. Matitibay din ang kahoy na ginamit dito at ang bubing naman nila ay gawa sa yero na may pawid ding kisame. Napakaaliwalas din ng looban ng bahay, bagaman may kaliitan ay saktong sakto lamang sa kanilang tatlo.

"Nagulat ka no?"

"Ganyan din ako noong unang beses ko dito. Hindi ko akalaing ganito ka komportable ang aking tutuluyan. Mabait na tao si Manong Ricardo, mukha lang yun masungit pero sa mga trabahador niyang may pagmamahal sa trabaho ay sobrang bait. Mabait din ang maybahay nitong si Manang Celia, may isa silang dalagang anak na babae, Si Cristy. Naku pinaglihi yata sa kabaitang ang pamilyang yun." may pagmamayabang na wika ni Berto na halatang natutuwa ito sa mga amo nila.

"Talaga ba. Pagpapalain talaga ang may mga mabubuting puso kaya naman siguro patuloy sa pag unlad ang kanilang mga negosyo. "

"Aba, oo. Kaya nga napakaswerte natin dahil si Manong Ricardo ang ating amo, at hindi tayo napunta doon sa kabilang hasyenda. Balita ko napakalupit ng amo nila roon. Kung gaano kabait si Manong Ricardo ay ganoon din kalupit ang amo nilang si Don Juanito. Kaya kayo, huwag kayong gagawi sa kabilang hasyenda baka mapagdiskitahan kayo ng mga tauhan ni Don Juanito. Baguhan pa naman kayo. " kwento pa ni Berto sa kanila, habang nagpapaalala.

Tumango naman silang tatlo bilang pagsang-ayon. Matapos maiayos ang kanilang mga gamit sa loob ng kanilang bahay ay sumama muna sila kay Berto sa bahay nito para makilala ang pamilya nito. Doon nila nakitang buntis pala ang asawa nito. Matapos iyon ay nilibot naman nila ang buong lugar maging ang pabrika upang kahit papano ay maging pamilyar sila sa lugar.

"Dito ang magiging trabaho mo Sinag. Itong si Isagani kasama mo bang magtatrabaho dito?"

"Kasama po Manong Berto." agarang sagot ni Isagani na ikinatuwa naman ni Berto. Kahit papaano kasi ay marami na silang magtutulong tulong sa trabaho doon sa pabrika ng tabako. madali lang naman ang trabaho nila. Aayusin lng nila ang mga gawang tabako sa iisang kahon at hahakutin iyon sa bodega kung saan naman iyon kukunin ng mga pahinanteng mag-aangkat sa malalaking bayan sa kabihasnan. Bukod sa trabaho nila sa pabrika ay nariyan din ang mag-gagapas sila ng mga mais, palay, kakao at monggo sa bukirin ni Manong Ricardo. Si Mina naman ay doon mamamasukan sa bahay ng kanilang amo upang tumulong maghanda ng pagkain para sa mga trabahador. Ikinatuwa naman iyon ni Mina dahil kahit papaano ay meron siyang gagawin upang makatulong sa kaniyang kapatid.

"O, ayan bukas magsisimula na kayo. Ang mabuting gawin niyo ngayon ay magpahinga ng maayos. Para bukas buong-buo ang inyong lakas sa pagtatrabaho. Sa Susunod pa naman na linggo ang gapasan ng mais kaya itong linggong ito at itutuon natin ang atensyon natin sa mga tabako. " Paalala pa ni Berto bago sila tuluyang makabalik sa kanilang bahay. Matapos silang maihatid nito ay siya namang pagbalik ni Berto sa bahay niya. Halos pasapit na rin kasi ang gabi nang makauwi sila galing sa pag-iikot ng hasyenda ni Manong Ricardo.

Kinaumagahan ay maaga pang nagsipunta sila Isagani at Sinag sa pabrika habang si Mina naman ay tumungo sa bahay ni Manong Ricardo. Naabutan pa niya itong kausap ang anak nito sa bukana ng bahay nila.

Agaran naman niyang binata ang mga ito ng magandang umaga na agd din naman nitong tinugon. Napangiti lang si Mina at nagpaalam na tutuloy na sa kaniyang trabaho.

"Mina, sasabay na ako sayo." tawag ng anak ni Manong Rivardo habang mabilis na tinutungo ang kinaroroonan niya. " Ako nga pala si Christy, mas matanda ako sayo, dinig ko ay labin-limang taon ka pa lang ngayon. Napakabata mo naman para magtrabaho." wika ni Christy.

"Opo Ate, nahihiya naman po kasi akong maiwan sa bahay habang si Isagani at Kuya Sinag ay nagtatrabaho. Mabuti na din po itong may ginagawa ako." sagot naman ng dalag. Magaan ang loob niya dito dahil ramdam niya ang kabusilakan ng loob nito.

"Ganun ba, Kung hindi mo mamasamain itatanong ko sana, wala na ba kayong magulang?" tila nahihiyang tanong ng dalaga.

"Ang itay ay nasa malayo po. Si Inay naman ay matagal ng patay. Si isagani ay matagal na din pong ulila." tipid na sagot ni Mina. Natahimik naman si Christy na tila ba naubusan na iyon ng itatanong hanggang sa marating nila ang malawak na kusina sa likod ng malakaing bahay ni Manong Ricardo.

Doon ay nakita ni Mina kung gaano talaga kayaman ang mga magulang ni Christy. Doon lamang siya nakakita ng ganoon karaming bigas na nakaimbak, meron ding mga prutas, gulay, samo't saring isda at mga karne na siyang gagamitin nila sa paghahanda ng pagkain.

Tunay ngang napakabuti ng pamilyang kumupkop sa kanila dahil hindi nito ipinagdadamot sa mga tao ang mga ganitong klaseng pagkain.

Lumipas pa ang mga araw at linggo ay tuluyan na ngang nasanay sila Mina sa kanilang mga trabaho sa hasyenda. Naging magaan din ang pamumuhay nila dahil bukod sa libre ang pagkain at bahay nila ay may buwanang sahod din silang natatanggap mula sa amo nila. At dahil wala naman silang gaanong pinagkakagastusan ay iniipon nila ito upang kung sakali ay mayroon silang mapagkukunan.

Isang araw, habang nag-gagapas sila ng mais ay may nasipat na isang nilalang si Isagani na nagkukubli di kalayuan sa kanilang pinag-gagapasan. Tila ba may hinuhukay ito at inililibing sa lupa. Nang makita iyon ng binata ay agad naman niya itong nilapitan at sinita. Nang makita nitong papalapit na si Isagani ay agad itong tumakbo papalayo. Hindi na niya ito hinabol pa dahil mas gusto niyang malaman kung ano ang inililibing nito sa lupa.

Kumuha siya ng maliit na patpat at muling hinukay ang lupang pinaglibingan ng nilalang. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita ang bagay na inilibing nito. Mga tuyong dayami na may halong pulang bato na napapaloob sa itim na tila na may nakaukit na hindi mawari ni Isagani. Dinala niya ito at ipinakita kay Sinag.

"Namukhaan mo ba ang taong yun?" tanong ni Sinag habang sinisipat ang bagay na nakita ni Isagani. " Isa itong lason, ginagamit ito ng mga mambabarang upang lasunin ang mga lupa upang pamahayan ito ng mga peste. Kailangan maipaalam natin ito sa may-ari." Wika pa ni Sinag.

Agaran nilang hinanap si Berto upang makasama nila ito sa bahay ng may-ari. Pagdating doon ay naabutan nila si Mina na na oapalabas ng bahay.

"Kuya, bakit kayo naririto?" tanong agad ni Mina nang masipat sila Sinag.

"May mahalagang bagay kaming ilalahad sa may ari. Nandiyan ba siya?" tanong ni Berto at tumango naman si Mina bilang tugon.

Paglapit niya kay Sinag ay agad nitong ilinakita sa kanya ang itim na tela at ang laman nito.

"May mambabarang sa lupain ni Manong Ricardo?" gulat na tanong ni Mina at napakunot ang kanyang noo. "Kuya hindi lang ito basta sumpa sa lupa, ang sino mang makaapak sa pinaglibingan nito sa oras na itong mapagana na ng mambabarang ay paniguradong kakapitan ng sakit."

"Yun din ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko ang mga simbolong ito. "

"Kuya Sinag, hindi natin pwedeng hayaan lang ito. Napakabuti ni Manong Ricardo sa atin at napakabait din ng buo nilang pamilya."

"Alam ko, pero kailangan mo din mag-ingat. Hindi pwedeng malaman ng mga nilalang sa bundok ng Sarong na nasa malapit ka lang. " paalala ni Sinag.

"Alam ko Kuya. Huwag kang mag-alala, hindi nila malalaman na nandito ako. " wika ni Mina at pumasok na nga sila sa bahay para sumunod kay Berto.

Chapitre suivant