webnovel

OGRE IN THE CITY

Masayang kumakain ang grupo ni Veronica sa loob ng hotel na tinutuluyan nila nang mga oras na yun. Ang hotel ay isang sikat na pahingahan sa lungsod ng Drakaya, na kung saan ay kadalasang pinupuntahan ng mga dayuhan galing sa ibang kaharian. Hindi lang ang Drakaya ang nag-iisang kaharian sa Terra Crevasse, marami pang iba. Subalit nananatiling ang Drakaya Kingdom ang kilala ng lahat dahil sa legendary story ng Kingdom.

"Hindi ko talaga maintindihan kung bakit galit na galit sa atin ang supladong hari na yun. Wala naman tayong ginagawang masama sa kanya. Siya na nga itong tinulungan, siya pa ang may ganang magalit." Nag-mamaktol na banggit ni Nika habang kumakain ng kanilang hapunan.

"Hindi lang naman siya galit sa atin, narinig mo rin siguro, galit siya sa buong huluwa." Sagot naman ni Rowel na busy mag talop ng malaking alimasag.

Ang pagkain sa Terra Crevasse ay hindi nalalayo sa kung anong meron sa Mundong ibabaw. Marahil siguro ay dahil sa mga taong napadpad sa lugar na may alam sa pag-gawa ng mga pampalasa sa Mundong ibabaw. Factory workers ba, kumbaga.

"That too! Ang pinag-tataka ko, bakit siya galit sa Huluwa? May ginawa bang hindi maganda ang Kuluwa sa kanya para umarte siyang nasaktan ng sobra-sobra?" Pag-sang ayon ni Nika sa sinabi ni Rowel.

"Maybe.. Ano sa palagay mo Ravi? Kanina ka pa kumakain, hindi ka man lang nag-sasalita." Nilingon ni Rowel siya Ravi na busy ang sarili sa pagkain.

"Huh? I don't know. Nagising lang naman ako after kong marinig ang iyak ni Master nung baby pa siya. This last 20 years naman wala namang nangyaring kakaiba sa kaharian so, wala akong alam." Sagot ni Ravi na kinagat pa ang ulo ng yellow fin na isda.

Napa-sigh na lang siya Rowel at Veronica sa kanilang narinig.

"Wait, you mean to say, nung hindi pa ako pinapanganak ay nananatiling tulog ka? Ilang taon kang tulog?" Kunot ang noo na tanong ni Veronica Kay Ravi.

Nilingon siya ng binatang dragon at nilinis muna ang gilid ng labi nito bago nag-salita.

"Ten thousand one hundred fifty six years." Walang emosyon na sagot ni Ravi bago kinuha ang baso ng alak sa may kaliwang bahagi ng lamesa.

Sabay na naihulog nina Rowel at Veronica ang hawak na pang-sipit ng alimasag sa narinig. Ten thousand years?! Ganun katagal siyang natulog?!

"Hindi ka gumising kahit isang oras?" Tanong ni Rowel.

"No." Casual na sagot ni Ravi.

"Then, paano mo narinig yung boses ko?" Tanong naman ni Nika.

"By Soul contract." Sagot ni Ravi na ngayon at naka-titig na sa kanya.

Napalunok si Veronica ng sunod-sunod. Parang sasabog ang utak niya sa dami ng mga bagay na pumapasok sa isipan niya. Kung Soul contract ang dahilan then, ibig sabihin, master na siya ni Ravi 10,000 years ago pa?!

"Impossible... Why can't I remember anything?" Bulong ni Nika sa sarili.

Narinig niya ang pag-tikhim ni Rowel sa kanyang harapan. Alam niya, hindi rin ito naniniwala at naguguluhan din. Umangat ang kanyang tingin kay Ravi at akmang magtatanong nanaman sana ulit nang makarinig sila ng malakas na sigaw ng babae sa ibaba ng terrace na kinakainan nila.

"Tulong!" Sigaw ng babae habang tumatakbo.

Nangalumbaba si Veronica habang nanonood sa nangyayari sa ibaba. Maraming sundalo ng palasyo ang naka-palibot sa lugar kaya hindi na nila kailangang mag-eksena nanaman na parang superhero. Nakita nila na bigla na lang nagtakbuhan ang mga sundalo papunta sa pinang-galingan ng babae kaya napa-kunot ang noo ni Veronica.

"Something's wrong." Usal niya.

"Yup." Sang-ayon naman ni Ravi.

Si Rowel ay nanatiling tahimik habang patuloy na kumakain. Ilang sandali pa ay nakita ni Nika na parang inihagis pabalik ang dalawa sa mga naunang sundalo na sumugod. Hindi nila makita ang nangyayari sa unahan dahil nahaharangan na ng bubung ng malaking bahay sa ibaba.

"Call the mages! Ogre is in the City!!" Sigaw ng isang sundalo na parang inihagis kanina pabalik.

Napa-taas naman ang dalawang kilay ni Veronica sa narinig. Ogre? Hindi ba na sa Black Fog Mountain yun? Malayo ang City sa bundok kaya paano nakarating ang Ogre sa kabayanan?

Ilang sandali pa ay hindi lang ang mages ang kanyang nakita na dumating. Mismong ang hari ng palasyo na naka-suot ng warrior outfit ay dumating. May hawak din itong isang mahabang espada na mukhang gagamitin sa pag-patay sa ogre.

"Kung hindi lang siya suplado, gwapo naman siya." Bulong ni Veronica sa sarili.

Huminto sa may tapat ng kanilang tinutuluyan ang grupo ng hari kasama ang anim na mages ng palasyo na naka-suot ng kulay puting coat na may guhit ng blue sa likod.

"What a perfect place. Mapapanood ko ang mangyayari." Sambit ni Veronica habang isinusubo ang isang slice ng inihaw na turkey.

"Ginawa mo pang live action movie ang nangyayari." Sambit ni Rowel na na-iiling.

"Bukas, dapat bumalik tayo sa Black Fog Mountain. Duda ako sa nangyayaring pagbaba ng mga halimaw dito sa kabayanan. Malakas ang kutob na may dahilan ang nangyayari." Seryosong sabi ni Veronica habang naka-titig sa lalake sa ibaba na ngayon ay naka-handa ng makipag-laban sa Ogre.

"As you ordered, Master." Sagot naman ni Ravi.

"Pero teka lang.. Bakit si Veronica lang ang tinatawag mong master?" Tanong ni Rowel kay Ravi.

Napa-lingon naman si Veronica sa kaibigan, pagkatapos ay kay Ravi na umayos pa ng upo.

"Because she is only my Master." Seryosong sagot ni Ravi.

Hindi na rin naman nag tanong pa si Rowel. Bagkus ay nag-concentrate ito sa pag-kain at pag-inom ng alak. Si Veronica naman ay napa-tango lang habang muling nanonood sa nangyayari sa ibaba.

Ang ilang mga sundalo ay inililikas ang mga civilians na walang kakayahang iligtas ang sarili. May mga ilang bisita pa nga sa hotel na tinutuluyan nila na gusto ng lumabas dahil sa takot na madamay sa magiging laban, subalit hindi na pinayagan pa ng mga bantay na makalabas.

"Here it comes!" Narinig ni Veronica na sigaw ng hari sa ibaba.

Ang tinutukoy nito ay ang Ogre na ngayon ay malinaw na rin sa paningin ni Veronica. Kakaiba ang Ogre na kanyang nakikita kumpara sa mga Ogre na nababasa niya sa libro at comics. Ang Ogre na nakikita niya ngayon ay may katawang tao na ang taas ay mahigit sa 7 talampakan. Ang itsura nito ay normal na may dalawang pangil na kahalintulad ng sa baboy ramo, habang ang mga mata ay tatlo.

"Scary.." Bulong ni Veronica.

Kung siguro ay ganito ang una niyang nakita sa Terra Crevasse, marahil ay namatay na siya sa nerbyos.

Napa-kagat siya ng daliri ng makita niya kung paano ihampas ng ogre ang hawak nitong malaking pamalo na parang galing sa katawan ng isang malaking puno. Mabuti na lang at naiwasan ito ng hari.

"He's quietly skilled.." She mumbled.

Sa bawat pag-atake ng Ogre sa hari ay patuloy naman nito itong naiiwasan. Katulong ang mga mages na nag-papabagal sa pag-galaw ng Ogre, malaki ang tyansa ng hari na mapatay agad ang Ogre. Ang pinag-tataka lang ni Veronica. Bakit ang hari lang ang nakikipag-buno sa Ogre at hindi tumutulong ang mga sundalo ng palasyo?

"I think it's because, he wants that Ogre to move slowly bago niya uutusan ang mga tauhan niya na tuluyan nang patayin ang halimaw." Si Ravi ang nag-salita.

Mukhang nabasa nito ang takbo ng kanyang utak. Hindi nga nagka-mali ang kanyang dragon, dahil ng bumagal ang pagod na Ogre sa pag-atake, malakas na rin na sumigaw ang hari.

"Archer! Shoot now!!"

Sa isang iglap, umulan ng palaso sa pwesto ng ogre na controlado din ng hari ang bilis ng pag-bulusok. And just like that, they successfully defeated their foe.

Napa-lagok si Veronica ng alak sa kanyang baso ng makita ang relax at proud na itsura ng hari, subalit nabulunan din siya ng bigla na lang ito tumingala at nag-tama ang kanilang paningin.

"I'm screwed." Bulong ni Veronica na mabilis pa sa alas singko na hinila ang dalawang lalake na ngayon ay mukhang lasing na.

"Where do you think you're going?"

Napa-tigil si Veronica sa ginagawang pag-eskapo ng marinig ang boses ng hari sa kanyang likuran.

"Fuck.." Namutawi niya bago dahan-dahang lumingon sa lalake na ngayon ay madilim ang anyong naka-titig sa kanya.

"How surprising, hindi ka tumulong sa pag-atake sa halimaw kahit nakikita mo ng nagkakagulo sa ibaba." Sambit ng hari na ang tono ay parang nang-iinsulto.

Nagpagting ang tenga ni Veronica kaya nai-hilig niya ang ulo pakanan.

"Sino ba ang nagsabi na ayaw niya ng tulong galing sa akin?" Aniya dito.

Literal na naningkit ang mga mata ng hari habang naka-titig sa kanya.

"And besides, we're just a visitor here, hindi kami myembro ng kaharian mo." Dugtong pa ni Veronica na napansin niya ang bahagyang pag-bago ng ekspresyon ng lalake.

Subalit ang kanyang atensyon ay nalipat sa di-kalayuan nang mapansin din niya ang tila liwanag, no, it's not just a light. Dahil mabilis itong lumalapit sa kinaroroonan nila.

"Damn it!" Ang hari na nagulat sa kanyang biglang pag-mumura ay napa-kunot ang noo.

Subalit mabilis itong hinila ni Veronica papunta sa kanyang likuran at isang malaki at makapal na water wall ang kanyang ginawa na siyang humarang sa fire ball na ibinato sa kanila ng kung sino.

"Ravi! Captured the one responsible for that." Maotoridad na utos niya sa dragon na mabilis ding nag-laho sa pwesto nito.

"You..."

"I've no time to talk to you, your Highness. Please go back to your palace."

Tumalikod si Veronica hila ang kamay ni Rowel na mukhang namanmanan na rin.

"Wait!" Sigaw ng hari na mabilis ding humarang sa kanyang daraanan.

Chapitre suivant