webnovel

6

"Sorry po tita." Sabay nasabi ng dalawa na ani moy mababait na tupa.

Kinabukasan nag patuloy sa pag hahanap sina vhong at Zeus. May mga poster paper narin silang dala.

"Baka na kita nyo."iniabot ni Zeus ang papel namay larawan ng kapatid.

"Zeus bro ikaw ba iyan?" Sabi nang lalaking na abutan nya ng poster. Inalis nito ang sunglasses.

"Ronnie bro."pinag dikit nila ang ng kamao at niyakap ang isat isa.

"Kamusta na kayo ni kid?" Kahit parang masakit sa dibdib ang tanong.

"Bro 4 years ago na pa yun. Wala na kami. Si McCoy na boyfriend ko."-ronnie

(Pasensya na sa hashtag story lang toh)

"Maccoy? As in yung nerd na si McCoy?" Tumango lang si Ronnie. "Eh si kid nasaan na sya?"

"Ayun natupad nya na ang pangarap nya. Sya na ang bagong taga make up ni isay ngayon."-Ronnie

"Ang haba na ng kwentuhan nyo wala kabang balak tulungan ako." Sabi ni vhong.

"Ay sorry kuya. Ahmm... Kuya si Ronnie kaibigan at ka teammate ko sa basketball. Ronnie kuya vhong ko. Saka tong nasa picture yung ex ni coco. Yung sa kalaban nating team. Kuya ko din."-Zeus

"Talaga? Eh ba't sayo nagalit nung natalo sila coco?"-Ronnie

"Di kasi namin kasundo yan." Pag singit ni vhong. "Tara na at ng maubos nanatin to."

"Tulong na ako."-Ronnie

"Wala ka bang trabaho?"-Zeus

"Ako ang may ari ng company kaya ok lang kahit di ako pumasok ngayon."-Ronnie

-

-

-

"McCoy may problema ba?"

"Ma'am isay nag text po si Ronnie. Nag papatulong saamin ni kid na mag hanap sa kuya ni Zues. Itatanong ko ho kung pwede kaming mag day off ngayon."- McCoy

"Ikaw nalang makoy may pupuntahan pa ako eh."-kid

"Saan kanaman pupunta?"-McCoy

"Shempre aasikasuhin ko si ma'am isay then i will go to the mall. To see my text mate." May pagkamalandi sa tinig nyang sambit.

"Tama nayan. Sige na McCoy balitaan mo nalang ako kung sino yang nawawala para makatulong ako." Sabi ni isay

Pagkatapos ng ginagawa nila ng ginagawang music video. Dumiretso si isay sa condo kung saan niya inilipat ng tirahan si vice.

"Maghapon mo na akong sinamahan dito. Pero di ko parin alam pangalan mo."dinig nyang sabi ni vice.

"Di mahalaga ang pangalan ko. Ang mahalaga mapasaya kita. At maging masaya ka kahit wala ako." Yon ang tinig na narinig niya noong gabi.

"Vice sinong kausap mo?" Ngunit ng makita nya itong naka upo sa sofa.

May dalawa ring baso ng ice cream na yung isa lang ang naubos at yung isa natunaw lang.

"Wala akong kausap kurba baka guniguni mo lang." Tumayo siya at kinuha ang dala nitong gamit. "Kumain ka na ba? Nag luto ako kanina ng sinaing na tulingan."

"Mukang masarap yan ah. Buti nalang di ako sumama kila billy mag dinner."

"Shempre ako nag luto. Dyan kalang muna kurba maghahain lang ako." Nag tungo siyang kusina.

Umupo siya sa sofa at napatingin siya sa nakapatay na tv. Halos manlaki ang mata nya ng makitang may katabi syang lalaki sa reflection niya sa tv. At ng matitigan itong maige nagbagsakan ang kaniyang mga luha.

"Kuya."

"Kurba naka- bat ka umiiyak." Tarantang sabi. At mabilis itong nilapitan si isay para punasan ang mga luha ng dalaga. "Baka magalit yung lalaki nyan eh." Mahinalang ngunit dinig ni isay

"Sinong lalaki?" May hinala na sya. Ngunit nais nyang makasiguro.

"Basta. Diko kilala ayaw nyang sabihin pangalan nya eh. Buti pa kumain nalang tayo."

Nag tungo silang kusina at may ngiti sa labi habang kumakain sila.

"Pwede nasiguro akong tumawid. Mukang masaya na sila" sambit ng lalaki sa kasamang lalaki namay pakpak.

"Hindi pa. Hanggat di kapa nagkakapakpak para saating pag lipad patungo kay ama." Sagot nito.

Lumabas sila ng gusaling iyon at nag lakad lakad sa labas. Iniwan nila ang dalawang kumakain lang.

"Ano ba ang dapat kong gawin? Alam ko namang masama akong tao kaya sa ibaba ako patutungo." Sabi niya.

"Di ko maaaring ipa alam sayo ang iyong misyon. Subalit ang tanging masasabiko lang minsan mas mabuting nilalang ang kriminal kesa sa taong ang hawak ay bible. Kahit ang diablo pwedeng hawakan at basahin ang bible. At gaya ng tao marunong silang magmahal. Dahil tulad din namin sila noon nanagnais mag mahal. At dahil ipinag babawal yon ni ama nag rebelde sila at napunta sa kinailiman." Sabay ngiti.

"Pero saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

Pag katapos mag hapunan nag pahinga na si isay. At hinugasan ni vice ang pinggan bago natulog sa tabi ni isay.

Nasa malalim na pag kakahimbing si vice at napapanaginipan niya ang masasayang alaala. At tila bigla itong naging bangungot. Tila may humihila sa lalaki palayo sakanya. Pilit nya itong hinahabol pero tila napakabagal ng kanyang takbo.

"Jhong!" May luha sa matang sabi niya nang magising sa pag kakahimbing.

Alas kwatro iyon ng umaga. Tinignan nya si isay na tulog parin. Tapos non ay umilaw ang cellphone nito. Dahil wala namang password nabuksan nya ang mga mensaheng laman nito.

McCoy: ma'am isay sensya na ngayon lang ako nag text Jose Marie Viceral yung buong name na kapatid ng kaibigan ni Ronnie.

Pamilyar skanya ang pangalang nakalagay doon.

"Ahh... Kaya pamilyar magiging JM din pala yung jose marie pagshinorkat." Sambit niya.

Binuksan niya ang ikalaeang mensahe.

Yael:babe pabalik nako ng pinas see you soon.

Text na naging rason para ibato nya ang cellphone sa pader. Gusto nyang malaman kung sino iyon. Gusto nya tong patayin. Para lang sakannya si isay.

"Walang ibang lalaki ako lang isay. Kung kinakailangang subukan ulit kitang patayin wag kalang mapunta sa iba." Mga katagang lumabas sa labi nya ng di alam ang rason.

Nag tungo siyang kusina para ipag luto ng almusal si isay. Nag hahain nasya ng biglang sumakit ang ulo niya

'Ma ayoko syang maging kapatid.'tinig iyon ang isang batang lalaki.

'Bakit? Mabait na bata si karylle jm. Mag kakasundo kayo bilang kapatid.'mahinahong sabi ng babae.

'Ayoko! Papatayin ko nalang sya kesa maging kapatid ko!'sigaw nya sa ina.

Tumakbo siya patungo sa silid nila ni isay at nilock iyon.

'Kung magiging kapatid kita. Di kita mapapa kasalan kaya dapat mamatay kanalang.'sabi nito sa natutulog na batang babae at saka ito sinubukang patayin gamit ang unan.

Naputol iyon ng may galit na babaeng sumigaw ng pangalan niya

"JM!!! Bat mo sinira ang cellphone ko!" Galit nitong sabi.

"Karylle ang sakit ng ulo ko." Mahinang sabi at biglang nawalan ng malay.

Chapitre suivant