webnovel

chapter 28

Natalo namin ang unang hanay ng mga orc ngunit nang alisin ko ang hamog sa dagat ay bumungad sa'min ang libu-libong mga barkong pandigma at may mga dala itong kanyon.

Napakarami ring mga orc sa kabilang pangpang ng dagat na nag-aabang.

"Sa bilang ko hindi na aabot sa walong daan ang mga mandirigma natin salamangkero! Paano natin lalabanan ang mga 'yan?" Si staider burin high ang siyang nagwika, nais nya sigurong umurong kami.

"Ngunit may mga kasama tayong matatapang na tigre at malalakas na mandirigma ng himpapawid! Hindi tayo aatras sa laban!"

"Kung gano'n ihanda na natin ang ating mga sarili sa kamatayan!"

"Balaan ang mga mandirigma at patunogin ang tambuling babala!"

Sunud-sunod na pinatamaan ng mga orc gamit ang malalaking tipak ng bato ang aming hanay.

Walong daang mandirigma laban sa libu-libong kawal ng nether land, kailangan naming talonin ang kanilang hukbo habang nasa dagat pa. Dahil sa oras na makatawid ang mga ito ay natitiyak kong katapusan na namin.

Unti unting nababawasan ang aming hanay hanggang sa makarating ang mga barko ng mga orc sa pangpang. Wala na kaming mapupuntahan maliban kung kami ay makikipaglaban ng harap-harapan.

"Wala na tayong mapagpipilian! May digmaan sa toretirim ang lupain ng mga dwarves! Alam kong nangangamba kayo ngunit bago tayo pumunta sa toretirim kailangan nating pabagsakin ang mga orcs!" Sigaw ng susunod na hari ng tarzanaria, ang matalas nitong espada ang naging lakas nya upang ipagpatuloy ang laban na hindi natatakot.

Pinaligiran kami ng mga berdeng orcs at hawak hawak nila ang kanilang matatalas na espada na pinanday gamit ang matitigas nilang mga kamay.

"W-wala kayong takas! Kayo ay aming gagawing haponan!"

"Masarap ang kanilang dugo!"

"Sa akin ang lalaking iyon! Masarap ang laman nya!"

"Tigil! tapusin na natin 'to! Patunogin ang trumpeta!"

Kinilabutan ang mga kasamahan ko nang patunogin ng orc ang kanilang tambuli, umalingawngaw ang tunog nito at dumagondong ang lupa dahil sa lakas.

"Hawakan nyo lang ang inyong mga espada at kalasag! Huwag kayong matakot!" Saad ni staider burin high ang matapang na hari ng mga tao.

Dahan dahang lumalapit ang mga orcs sa kinaroroonan namin, nakakorteng bilog ang aming hanay habang ang mga orcs ay nakapalibot.

Ilang hakbang na lang ay malapit na ang mga ito ngunit tatlong sunud-sunod na tunog ng tambuli ang aming narinig.

"Ang mga ocrs! Ang mahihinang kalahi natin!"

Ang kulay kayumangging orcs ay nagdatingan mula sa masukal na gubat, sakay sila ng mga malalaking kabayo at may mga dalang malalaking sibat.

Libu-libong mga kayumangging orcs ang nasa unahan namin kaya't ang mga berdeng orcs ay agad na nawala ang kanilang atensiyon sa kinaroroonan naming lahat.

"Dito ay walang maaaring makaapak na berdeng orc! Kayo ay dapat na mamatay!"

"Ang nether land ay ang lupain ninyo ngunit dito sa nether way ay amin!"

"Wala kayong lugar dito mababahong orcs!"

Nagsagupaan ang dalawang panig na kapwa orcs ngunit sa kulay at paniniwala sila'y magkaiba.

Nagapi nila ang berdeng orcs at ang mga barkong nasa dagat ay mabilis na naglaho at ang mga orcs na natitirang buhay ay kanilang ginawang alipin.

"Tao! dwarves! Elf's! Engkanto! Ano ang ginagawa nyo dito sa nether way?

Siya ang pinuno ng mga kayumangging orcs, tinatanong nya kami kung bakit kami nandito.

"Grael gehiner hari ng nether way! Matagal na tayong hindi nagkita!"

"Oh hahahaha salamangkero? Tamberow laurhim!"

Matagal ko ng kilala si grael gehiner dahil ang kanyang mga magulang ay minsan ng dumalaw sa tarzanaria.

"Nandito kami upang wasakin ang susi ng aklat pero tapos na iyon! Ngayon ay kailangan naming tapusin ang digmaan dito sa nether land upang hindi na makarating sa nuhrim eartin ang mga orcs! Kakailanganin ko ang tulong mo grael!"

"Maaasahan mo ako diyan kaibigan dahil matagal na noong sakupin nila ang maliliit na bayan dito sa nether way! Magbabayad silang lahat!"

-BATTLE OF TWO KINGDOM-

Chapitre suivant