webnovel

chapter 7

BATTLE OF TWO KINGDOM

ANG PAGDATING NG MGA DWARVES SA TARZANARIA

ISA sa mahigpit na kaaway ng teruvron ay ang mga maliliit at matatapang na dwarves, ang mga dwarves ay may matatalinong pag-iisip ngunit madaling mainip at magalit.

Ang pamumuhay ng mga dwarves ay nakasalalay sa ginto, nagmimina at nagpapanday ng magagandang rebulto o sandata na kanila namang ipinagpapalit sa kalapit nitong mga kaharian. Ginto kapalit ng tubig, Ang bundok ng mga dwarves ay walang tubig.

Sinasabi sa aklat ni aces tactirien of balandor na ang mga dwarves ay madaling maluko, madali silang magtiwala sa kahit sino man ngunit kapag ang tiwala na binigay ng mga ito ay nasira, habang buhay nilang kasusuklaman ang nilalang na sumira ng kanilang tiwala.

Naging bahagi ng age of evilder ang mga dwarves sa pakikipaglaban kasama ang mga elves, sinasabing mas nauna pang umusbong ang lahi ng mga dwarves sa nuhrim eartin bago ang lahi ng elves.

Ayon sa mga lumang kwento ang mga dwarves ay naninirahan sa ilalim ng lupa,mga bundok at matataas na bangin. ngunit makalipas ang ilang daang libong taon umusbong ang bagong panahon,ang age of god kung saan isa sila sa mga nakipaglaban at naatasang protektahan ang tarzanaria laban sa kadiliman.

"Bumagsak na ang dalawang tore sa harap ng tarangkahan!"

Sigaw ng isang kawal na natataranta na,kahit saan ito lumingon halos mga evilders at goblins ang makikita.

Natatakot at unti unting nawawalan na ng pag-asa ang mga kawal na nakipaglaban. Ang kanilang pag-asa'y unti unting nawawala.

"Haring reviin sel ang tore bumagsak na!"

"Kamahalan!tignan nyo!"

Kakaunti na lamang ang natitirang hukbo ng tatlong kaharian, ang iba'y nagugutom na dahil sa ilang araw na pakikipaglaban. Walang kapagurang digmaan at pagsalakay ang ginagawa ng mga kaaway.

"Hindi bibigay ang tarangkahan! Ngunit ilang araw pang pagpapalipad ng mga palaso at bolang apoy ay mauubos ang ating mga hukbo!" Saad ni haring lurril steil na kanina pang nakatingin sa paparating na mga evilders.

"Siyang tunay haring lurril! Kailangan na nating lumabas upang tapusin na ang digmaang ito!"

"Ngayon! ngayon na tayo lalaban sa tunay na digmaan!"

"Ito na ang tunay na labanan mga kaibigan!"

Nagsama-sama ang tatlong hari at saka nag-usap tungkol sa gagawing pagsalakay sa mga kalaban.

"Ang mga kabalyero ng randeror ang unang sasalakay saka susunod kaming mga elfs" Saad ni haring rieuin tiriin habang nakahawak sa balikat ni haring reviin.

"Sige!pauulanan namin ng palaso ang mga kalaban upang mabawasan man lang ang kanilang bilang" nakangiting wika ni haring lurril steil.

Noong mga araw na iyon ang mga hari ay nagkaisa. Ang alitan sa pagitan ng reviin tur at andican ay kanilang kinalimutan bagkos ang kanilang mga isip ay nakatuon sa digmaan.

Ang tarzanaria mountain ay walang sariling hari, Ang tahanan ng mga tao ay wala pang hari. Ang kanilang hari ay napatalsik noon dahil sa utos ni lord airin.

"Buksan ang tarangkahan!"

"Handa mga kabalyero! Ito na ang huling laban!"

*SIGAWAN*

"Para sa randeror! Mabuhay ang haring reviin!"

Dahan dahang nagbubukas paitaas ang tarangkahan ng tarzanaria, Ang tarangkahang gawa sa bakal ay gumagalitgit at yumayanig ang posteng nakakapitan nito.

Ang sigaw na may galit at pagmamahal sa isa't isa ang unang sumalubong sa mga kaaway. Sa kanilang paglabas maraming mga goblins ang bumagsak sa lupa habang ang mga evilders na tumatakas ay hindi pinatawad ng palasong may lason.

Makikitang nagliparan ang mga palaso sa kalangitan at tumama ang mga iyon sa kalaban. Libu-libong mga goblins at evilders ang lumusob sa kawal ng randeror ngunit ang mga kabalyero ay hindi nakitaan ng takot.

Ang kabayo nilang may baloti ay nakipaglaban din, kahit na sugatan patuloy ang pagkaripas upang protektahan ang kanilang hari.

Hanggang sa lumabas sa tarangkahan ng palasyo ang libu-libong elfs, kahit na may sugat ay pinilit pa rin nilang lumaban para sa tagumpay at kalayaan.

"Hahaha!ang ganda ng labang ito!" Saad ni haring rieuin habang nakasakay sa itim na lion, walang bakas ng takot sa mukha ng hari ng mga elfs.

Habang patuloy ang labanan sa harap ng tarzanaria kingdom ay siya namang nagkaroon ng hindi magandang nangyari sa puting bulwagan ni lord airin enirin.

"Paumanhin! ngunit hindi pinapayagan ni lord airin enirin ang mga nais pumasok sa kanyang kunseho!" Wika ng kawal ng white counsel.

"Ako si tamberow laurhim ang kaibigan nyang salamangkero, sabihin mo nais ko siyang makausap"

"Patawad! ngunit ang diyos ng puting bulwagan ay wala na sa sarili!!"

Nagulat si tamberow laurhim sa sinabi ng kawal ni lord airin enirin kaya't agad itong nakiusap na papasokin siya, hindi nagtagal ay agad ding pumayag ang mga bantay.

Chapitre suivant