Now playing: Can I Be Him (her) - Nester Alahakeni Cover
Elena's POV
Katatapos ko lamang makatanggap ng tawag mula sa pamilya ko sa Palawan. Binati kasi ako ng mga ito. At ito rin ang kauna-unahang birthday ko na magce-celebrate ako ng mag-isa at malayo sa kanila.
Sinabi nila na maghahanda rin sila ng pwede nilang maihanda roon para sa munting salo-salo ngayong kaarawan ko, kahit na malayo ako sa kanila.
Pagkatapos ko ay kaagad na naligo na rin ako at nagbihis, balak ko kasi sanang lumabas na muna kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan pupunta ngayong araw na ito.
Gusto kong pumunta sa Hospital at subukan kung makakapasok na ba ako sa loob. Pero alam ko rin sa sarili ko na malabong mangyari na makalapit ako kay Kassandra at makita siya.
Isang napakalalim na paghinga at pinakawalan ko. Hindi ko kasi talaga alam kung paano makakalapit sa kanya.
I want to be there with her but I can't. Siguro hihintayin ko na lang talaga ang araw na tuluyang magising s'ya.
Paalis na sana dapat ako nang biglang may mag-door bell kaya napatalon ako sa gulat.
At sino naman kaya ang pupunta sa akin ng ganitong oras?
Magtatanghaling tapat na kasi. Imposible namang bumalik si Luna dahil alam ko kung gaano rin iyon ka-busy na tao. Isama mo pa na tiyak akong abala rin iyon sa pag-asikaso ng mga needs ng kaibigan niya. Ni Kassandra.
Mabilis ang mga hakbang na lumapit ako sa maindoor at binuksan ito.
"HAPPY BIRTHDAAAAYYYY!!!"
Halata ang gulat sa mukha ko nang biglang sumulpot sa harapan ko ang magjowa na sina Mae at Cybele habang merong hawak na choco-strawberry cake. Meron din itong toppings na fresh strawberry.
Kinakantahan nila ako ng happy birthday with smile on their faces.
They are really trying to be there for me. Para mapasaya ako at kahit paano ay gumaan ang loob ko ngayong araw na ito.
"Happy birthdayyyyy, bes." Pagbati sa akin ni Mae pagkatapos nila akong kantahan. Lumapit siya sa akin, binigyan ako ng beso at niyakap ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, alam mo na 'yan." Dagdag pa niya bago kumalas.
"Happy birthday, Elena." Nakangiting pagbati sa akin ni Cybele bago napakamot sa may batok niya. "I didn't get a chance to greet you before dahil sa pambu-bully namin sa'yo. But who knows, right? Look at us now, friends na tayo." Tuloy-tuloy na pahayag niya bago ini-abot sa akin ang dalawang paper bag na alam kong gift nila ni Mae para sa akin.
"T-Thank you." Nahihiya na pasasalamat ko bago kinuha mula sa kamay niya ang paper bag. "Nag-abala pa talaga kayo pero sobrang na-appreciate ko, thank you." Maluha-luha ang mga mata at buong puso na pasasalamat ko sa kanila.
"So, let's go?" Biglang pag-aya ni Cybele.
"Huh?" Nagtataka ang mga mata na nagpalipat-lipat ang mga tingin ko sa kanilang magjowa.
"Kakain tayo." Sabay pulupot ni Mae ng kanyang braso sa akin. "Syempre magce-celebrate tayo ng birthday mo at hindi ka pwedeng mag-isa ngayong araw. Kundi malalagot kami kay Kassandra kapag nagising 'yun at nalamang hinayaan ka naming mag-isa sa araw ng birthday mo." Pagpapatuloy pa niya.
"Of course we're doing this for Kassandra, bukod sa friend ka na rin namin." Slang na dagdag na pagsang-ayon naman ni Cybele.
Napangiti na lamang ako dahil ang sweet nila pareho. And knowing that they are doing it for Kassandra like what Luna did last night, napahanga na naman nila ako sa pagiging solid ng friendship nila.
Eh teka nga? Bakit ba bigla na lamang sumingit si Luna sa isipan ko?
Oo nga! Pagsang-ayon naman ni inner self.
Pero nasaan nga ba ngayon si Luna? Bakit hindi nila kasama? Tanong ko sa aking sarili.
At bakit ko rin kaya hinahanap 'yung taong wala naman dito pero nasa isip ko. Hmp!
Baka masyado lang akong natuwa sa effort na ginawa niya kagabi kahit pa nabasa siya ng ulan. Pangungumbinsi ko sa aking sarili.
Pagkaraan ng ilang minuto ay umalis na kami at kaagad na nagtungo sa isang chinese restaurant kung saan nagpa-reserve na ng table sina Mae at Cybele.
Masayang nagkwentuhan lamang kami habang kumakain. Naisingit din namin nung high school days namin kung saan muntikan nang awayin ni Mae ang girlfriend niya dahil naalala niya kung paano ito kamaldita noon.
Mabuti na lang talaga at kasama nila ako, merong taga awat sa kanila.
Hayyy. Ganito pala ang pakiramdam ng isang third wheel, taga awat sa magjowa na nag-aaway.
Hindi mo alam kung sino ang kakampihan ko sa dalawa, dahil tama naman si Cybele sa mga pinagsasabi niya at may punto, habang iyong isip bata naman niyang girlfriend ay best friend ko.
Hmp!
Kaya ayun, bumiyahe kami muli mula sa restaurant patungong amusement park nang wala masyadong kibuan. Ang awkward na tuloy. Ito kasing si Mae ang hilig ibalik ng mga bagay na tapos na.
Medyo madilim na nung makarating kami ng Enchated Kingdom. Yes, dito kami pumunta dahil masarap mag-long ride plus masarap din kapag naiiba ang place paminsan-minsan.
"Oo nga pala, bes. Nakapag-driving lesson ka na? Aba! Galaw-galaw dahil nabubulok na 'yung sasakyan na binili para sa'yo ni Kassandra." Wika ni Mae nung makababa na kami ng kotse.
"You want me to teach you?" Bigla na lang akong napalingon mula sa aming likuran noong marinig ang pamilyar at kilalang-kilala ko na boses na iyon.
"L-Luna...you're here." Utal na pagbanggit ko sa pangalan niya dahil hindi ko ini-expect na makakasama namin siya rito.
Tinignan niya ako at binigyan ng isang ngiti. Iyong ngiti at mga tingin niyang nakakailang at nakaka-intimidate kaya mabilis akong nagbawi ng aking mga mata mula sa kanya.
"Of course, wala naman sigurong magbabawal. Right? Lalo na at birthday mo." Sagot niya.
"Oh, siya! Halika na kayo nang makapagsimula na tayo." Excited na wika ni Mae habang napapapalakpak pa.
"Babe, pwede bang kayo na lang? Ayokong sumakay sa mga rides." Rinig kong pakiusap ni Cybele kay Mae.
"Hindi pwede. Inaway-away mo'ko kanina tapos ngayon hindi mo ako sasamahan?!"
"Tss! Fine." Halatang napilitan na tuluyang pagpayag ni Cybele.
"Nangangamoy under." Rinig kong wika ni Luna mula sa likuran ko habang naglalakad kami papasok ng entrance ng EK.
Habang iyong dalawa naman ay nauuna sa amin.
Pigil ang tawa na napakagat ako sa aking labi noong lingunin kami ni Cybele at tinignan nito ng masama si Luna.
"Well, at least may girlfriend. Hindi katulad ng isa d'yan, single pa rin." Ganti naman ni Cybele sa kanya sabay akbay kay Mae.
Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang matawa. Lalo na nung makita ko kung paano tumirik ang mga mata ni Luna dahil sa sinabi ng kaibigan.
"At least may peace of mind. Hindi katulad ng isa riyan, matutulog na lang, may kailangan pang suyuin." Muling ganti ni Luna kaya palihim ko siyang siniko nung si Mae na naman ang tumingin sa kanya ng masama.
"Bakit? may problema ka ba kay Cybele kapag nanunuyo siya sa'kin?!"
Maang-maangan naman na nagpalinga-linga sa paligid si Luna.
"Bakit? Sinabi ko ba?" Pamimilosopong sagot nitong muli kaya inirapan lamang siya ni Mae.
Noong makapasok na kami sa loob ay naglibot-libot muna kami. Kinukondisyon pa kasi ni Mae si Cybele dahil baka raw sumuka ito kapag nasa rides na.
Hindi ko alam na sobrang mahihiluhin pala sa ganito ang jowa niya.
Nauuna sa amin ang magkaibigang Cybele at Luna. Habang kami naman ni Mae ay nakasunod lamang sa likuran nila.
Nagtatawanan kaming apat nang bigla na lang napahinto sa paghakbang si Mae habang nakayuko na animo'y may nakitang hindi dapat sa sahig.
"Mae, are you okay?" Tanong ni Cybele sa kanya.
Kunot noo na may kinuha ito mula sa lapag at ibinigay sa akin ang isang two by two ID picture...ko???
Wait, ID picture ko?
Two by two ID picture ko noong high school pa ako. Yes, noong ubod pa ako ng itim, mataba, tadtad ng tigyawat at talagang napaka-haggard.
At tandang-tanda ko kung kailan ako nagpa-picture nito. Iyon 'yung bago magsimula ang school year, iyon din 'yung time na bago pa kami maging close ni Kassandra.
Napalunok ako ng mariin. Papaanong...
"Luna, bakit may ID picture ka ng best friend ko?" Diretsahang tanong sa kanya ni Mae.
Habang ako naman ay dahan-dahan na nag-angat ng mga mata para tignan si Luna na ngayon ay diretsong nakatingin lamang kay Mae, ngunit agad ding nagbawi ng kanyang mga mata hanggang sa dumapo ang kanyang paningin sa akin.
Her eyes were telling me something that I couldn't figure out what. Ang tanging nababasa ko lang ay natatakot siya.
Bakit naman siya matatakot?
"Luna...p-paanong...I-I mean where did you get---"
Ngunit hindi ko na naituloy ang gusto kong itanong sa kanya nang mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa akin, basta na lamang niyang hinablot ang ID picture atsaka mabilis na nag-walk out.
"Luna!" Pagtawag ko sa pangalan niya at susundan pa sana siya nang mabilis akong pigilan ni Cybele mula sa aking braso.
"Let her go. Mas mabuti kung huwag mo muna siyang susundan." Wika ni Cybele.
"Teka nga sandali, may alam ka ba kung bakit meron siyang ID picture ni Elena?" Tanong ni Mae kay Cybele.
Napahinga lamang ng malalim si Cybele bago ako tinignan.
"I'm sure she already told you, right?" Tanong nito sa akin.
"She told her what?" Naguguluhan na tanong ni Mae. Pero para bang hindi siya naririnig ni Cybele.
"I remember how happy she was when she met you that day. The first day she saw you at Kassandra's apartment, she even told me that she recognized you right away even though your appearance had changed." Dagdag pa niya.
*Flashback*
"You're that chubby girl in high school, right?" Noong marinig ko pa lamang ang sinabi niyang iyon ay pakiramdam ko naiiyak na ako sa sobrang pagkadismaya. Dahil sa akalang hindi niya ako makikilala ngunit nagkamali ako.
"Yung binu-bully namin nina Annia before! I knew it! Ikaw 'yun!" Hindi ko mapigilan ang mapapikit ng mariin.
"Wow! As in, WOW! I mean..." Napapailing ito habang amazed ang mga matang nakatingin sa akin. Iyong tingin na nahanap na niya 'yung matagal nang nawawalang best friend niya. "Look at you now. Mas maganda ka pa at sexy sa akin, huh? Muntikan na kitang hindi nakilala." Pagkatapos ay marahan na hinawakan ako nito sa baba ko at pinisil iyon.
Pero bakit tila ba kusang nawawala 'yung takot ko kay Luna? Para bang biglang naging maamong tupa siya para sa akin.
And the way she smiles at me now, is different. Para bang naging thankful pa siya na nakita niya akong muli ngayon, samantalang binu-bully lang naman niya ako noon.
"Kaya naman pala ikaw 'yung kinuhang Chef ni Kassandra dahil---"
"Please, don't tell her, Luna. Nakikiusap ako." Putol ko sa kanya at pakiusap na rin.
This time, nagkaroon na ako ng lakas ng loob na tignan siya.
Naguguluhan ang mga matang nagbaling siyang muli ng tingin sa akin.
"W-W-Wait...what do you mean..." Pagkatapos ay nanlalaki ang mga matang napatakip siya sa kanyang bibig. "No way! Don't tell me hindi ka niya nakilala?"
Napatango ako bilang sagot.
"You mean...hindi ka niya namukhaan?"
Muling napatango ako.
"She doesn't even remember your full name? Kasi ako personally, hindi ko makakalimutan ang pangalang Elena Jade Chavez. Tsk. Tsk." Wika nito habang napapailing at sinimulan na ngang buhayin ang makina ng sasakyan bago ito tuluyang pinasibad.
"Baka iniisip niya kapangalan ko lang?" Patanong na sagot ko sa kanya.
This time siya na naman ang napatango.
"Well, you have a point. Marami nga namang magkakapangalang tao sa mundo." Pag sang-ayon naman niya.
Sandaling binalot kami ng katahimikan. Walang may gustong magsalita. Habang siya ay abala sa pagmamaneho, ako naman ay diretsong nakatingin lamang din sa daanan.
Napalunok ako. Hindi ko kasi kaya na nasa loob ng isang sasakyan pero ganito ka-awkward kaya ako na ang nagpasyang magbasag ng katahimikan.
Muling iniharap ko ang aking sarili sa kanya.
"So, paano mo ako nakilala? I mean---"
"Your eyes." Mabilis na sagot nito na animo'y hinihintay lamang din niya na ako ang maunang magsalita.
"M-My eyes?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya.
Napatango siya.
"Ah huh?" Sagot nito bago gumuhit ang maliit na ngiti sa gilid ng kanyang labi. Sandaling napasulyap siya sa akin bago ibinalik ang kanyang mga mata sa kalsada. "Your eyes... hinding-hindi ko 'yan makakalimutan." Pag-amin niya.
"I recognized you because of your eyes. Kasi para sa akin wala nang gaganda pa sa mga mata mo, Elena. Sa true lang." Dagdag pa niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paggalaw ng panga niya at simpleng paglunok niya.
"Ahem!" Napatikhim ako.
Para kasi akong kinikilabutan sa mga pinagsasabi niya ngayon. Sobrang nakakapanibago marinig ang mga salita niya dahil isa siya sa mga nambu-bully sa akin noon.
"To be honest, crush na crush kita noon kaya kita binu-bully eh." Biglang pag-amin nito sa akin.
Dahil sa sinabi niyang iyon ay hindi ko mapigilang mapaubo kaya aksidenteng naapakan niya ang preno ng sasakyan dahil maging siya ay nagulat ko rin.
"Gosh! Are you okay?!" May concern sa tono ng boses niya bago ito may iniabot na isang bottle ng tubig sa akin. "Here, drink this." Dagdag pa niya bago muling ibinalik ang atensyon sa pagmamaneho at muling pinatakbo ang sasakyan.
"Pfft!" Pigil ang tawa nito nang muling binabaybay namin ang daan. "Nagulat ba kita dahil sa confession ko? Well, believe me or not crush kita noon, Elena." Pagpapatuloy niya. Napapikit ako ng mariin.
"Nalungkot kaya ako ng sobra nung nalaman kong wala na kaming ibu-bully. Nalungkot ako kasi sa pambu-bully lang naman namin sa'yo ako nagpapapansin. Torpe ako eh." Sabay tingin nitong muli sa akin.
"Hindi lang si Kassandra ang nasaktan nung nawala ka sa St. Claire, ako rin?" Pagpapatuloy niya.
"A-Ano bang pinagsasabi mo d'yan?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako sanay sa mga ganitong bagay o confession kaya nakakailang para sa akin. Isa pa, seryoso ba siya? Feeling ko pinagti-tripan niya lang ako eh.
"Kaya sinabi ko noon sa sarili ko na oras na magkita tayong muli. Hinding-hindi ko na hahayaan na hindi masabi 'to sa'yo." Napapangiti na wika niya habang nagmamaneho.
Napalunok ako. Mukhang seryoso nga siya.
"I told myself that no matter what happens, I will tell you how I feel. Alam mo bang I've been preparing for this day for a long time? And I've practiced this confession many times, so I'm thankful that I was finally able to say it to you today..." Pagpapatuloy niya na animo'y matagal na nga niya itong napaghandaan.
*End of flashback *
"Yes." Tipid na sagot ko kay Cybele.
"Sinabi ni Luna na matagal na niya akong gusto. Noon pa. At sa pambu-bully niya nagagawang magpapansin. At matagal na niyang gustong sabihin sa akin pero wala siyang pagkakataon until that day came. She even recognized me right away." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.
Habang si Mae naman ay napapanganga lamang in disbelief dahil sa narinig.
"ANOOOOOO???!!!" Halos mabasag na ang eardrums ko sa lakas ng boses nito.
Muling napalingon ako sa direksyon kung saan dumaan si Luna kanina.
I need to talk to her.
I have to.
Ayaw ko siyang umasa o bigyan ng false hope. Dahil mula noon at hanggang ngayon, iisang tao lang ang pwede at kaya kong mahalin. At iyon ay walang iba kundi si Kassandra.
Wala nang iba.