Now playing: They Don't Know About Us - One Direction
Elena's POV
Kinabukasan, maaga akong nagising para mag-prepare ng breakfast nina Kassandra. I was humming while cooking until the doorbell rang.
Nagtaka pa ako kung sino ito ngunit hindi na ako nagdalawang beses na pagbuksan ng pinto ang kung sino mang nasa labas dahil may naiwan akong niluluto sa kusina nang...
"Good morning!" Masiglang pagbati ni Annia habang merong malawak na ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko naman mapigilan ang magulat dahil sa magiliw na bungad nito. Ngunit mabilis ding nawala ang malawak na ngiti sa kanyang labi noong makitang ako ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.
"Hindi na pala GOOD ang morning ko." Sabay irap nito sa akin at itinulak ako. "Tabi nga riyan!" Pagkatapos ay tuluyang pumasok na sa loob at nilampasan lamang ako.
Iiling-iling na lamang akong bumalik sa kusina. Habang si Annia naman eh dumiretso sa kwarto ni Kassandra. Si Roxanne naman eh kasalukuyang naliligo na ngayon at hinihintay na lamang din na matapos si Kassandra sa kanyang pag-prepare.
Habang kumakain kami eh panay ang pagbanggit ni Roxanne kay Kassandra ng mga appointment nito ngayong araw. At sa dami ng mga binaggit niya, wala na akong matandaan sa dami mga ito at wala na ring ibang masabi kundi, grabe! Siya na ang may pinaka-busy schedules na taong nakilala ko sa tanang buhay ko.
At ako? Heto, tahimik lamang na kumakain. Hindi rin ako makatingin kay Annia dahil panay ang pagtapon nito ng mga matatalim na tingin sa akin.
Ke aga-aga eh daig na naman niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Kalma, wala pa naman akong ginagawa ah.
Pagkatapos naming kumain eh nagmamadali na si Roxanne na ihanda ang iba pang kailangan ni Kassandra para sa araw na ito.
At habang nagliligpit din ako ng at nag-aayos ng mga pinagkainan namin sa kusina eh biglang may humila sa buhok ko.
Napa-aray pa ako nang mahila nito ang pinakahibla ng buhok ko. Ang sakit kaya no'n, kaya naman kaagad na tinignan ko ng masama si Annia.
"What? Inis ka? 'Wag kang mag-alala the feeling mutual." Sarkastikong sabi nito sa akin bago ako mataray na tinignan mula ulo hanggang paa.
"Talagang hindi ka marunong makinig, ano? Hindi ba malinaw ang pagkakasabi ko sa'yong---"
"Uhh, excuse me girls? We need to go." Awtomatikong napahinga ako ng maluwag noong biglang sumingit si Roxanne sa eksina. Naputol ang gustong sabihin ni Annia kaya ako naman eh mabilis na lumapit kay Roxanne.
"Pinapasabi ni Kassandra na isasabay ka na namin pauwi sa apartment mo." Saad ni Roxanne bago ibinaling ang mga mata sa iritableng si Annia habang bwisit pa rin na nakatingin sa akin.
"What about you, Annia? Will you join us in the interview this morning?" Tanong nito kay Annia.
"Of course, that's why I'm here to support MY Kassandra." May diin na sabi nito sa dulo bago ako nginisian.
Iyong ngisi na pinapamukha niya sa akin na sa aming dalawa palagi siyang may access na makasama si Kassandra even in the near future.
Kung makapag-asta naman siya akala mo talaga jowa siya ni Kassandra. Nakakainis lang at napaka-unfair lang minsan ng buhay. Bakit si Annia pwedeng pumunta kung saan man si Kassandra, hindi na rin kailangan pang i-question ang pagkatao niya dahil kilala rin ng buong bansa na best friend siya nito samantalang ako...hayst!
Buong biyahe iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko kaya wala rin akong kibo kahit pa dinadaldal ako ni Roxanne.
Pagdating namin sa tapat ng apartment ko ay hindi pa rin ako umiimik, nagpaalam lamang ako kay Kassandra at Roxanne at pagatapos noon ay kaagad na tumalikod na ako.
Hindi ko kasi mapigilan ang hindi malugmok. Nanlulumo rin ang mga tuhod na naupo ako pahiga sa couch pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa apartment ko. Hindi ko alam kung may ilang minuto akong nakatitig lamang sa kisame habang panay ang pagbuntong hininga.
Hindi ko mapigilan ang mapalunok noong tumama ang mga mata ko sa malaking portrait poster ni Kassandra na naka-display dito sa may sala ng apartment. Atsaka padabog na muling bumangon ako.
"Edi si Annia na ang may access palagi sa'yo." Naiiyak na wika ko at parang tanga na kinakausap ang picture niya "Siya na! Lamang na lamang na siya roon. Samantalang ako, hanggang kusina mo lang." Dagdag ko pa bago muling huminga ng malalim.
Hopeless na kinuha ko ang remote ng TV at binuksan ito at kung sinu-swerte ka nga naman eh sumakto pa talaga ito sa Channel kung saan guest si Kassandra mula sa isang morning show at naka-live sila ngayon.
Napapatitig na lamang ako sa screen. Iyong inis na at yamot na nararamdaman ko kanina ay kusang nawala noong makita muli sa TV si Kassandra. Naisip ko kasi, dati nakikita ko lamang siya sa ganitong mga interview at never in my life na naisip kong makakasama ko pa siyang muli, pero ngayon, nangyari iyon.
Kaya kahit papaano eh nai-comfort ako ng thought na 'yun. Kasi, oo nga 'no? Hindi man ako katulad ni Annia na maraming access sa buhay at career ni Kassandra, eh isang malaking pagkakataon naman para sa akin ang muli siyang makasama. At kailangan kong maging kontento roon. Dahil kahit sa ganitong paraan man lang at least nakakasama ko na siya.
"So, since the one and only Kassandra Moreno's birthday is coming up," Natigilan sandali ang interviwer noong mas lalong magtilian at umingay ang mga manonood nang banggitin nito ang nalalapit nang birthday ni Kassandra.
"The one event in your life na pinakahinihintay ng mga fans mo, pwede ba naming malaman kung saan ka magse-celebrate ng iyong birthday? And who will you be with that day?" Pagpapatuloy na tanong nito kay Kassandra.
Awtomatiko naman akong napatampal sa aking noo. Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan. At sa makalawa na iyon.
Hayst! Hindi ko na hinintay pang matapos ang interview. Nagmamadali na pinatay ko ang TV at dumiretso sa aking kwarto para maligo. Naisip ko kasing pumunta ng mall at maghanap ng pwedeng mairegalo sa kanya. Hindi man kasing mamahalin ng mga ireregalo sa kanya ng ibang tagahanga niya, at least alam ko sa sarili kong galing sa aking puso ang ibibigay ko, right?
Lunch time na noong makarating ako sa mall. Naglibot-libot muna ako at pumapasok sa bawat store na pwede kong pasukan. Hindi ko pa kasi alam specifically kung ako ba talaga ang ireregalo ko sa kanya eh.
Hanggang sa mapadaan ako sa isang jewelry store, agad na nakuha ang atensyon ko ng isang silver necklace na hugis half moon at merong white diamond sa loob nito.
Ang ganda nito kaya sobrang napatitig ako habang merong malawak na ngiti pa sa aking labi.
Si Kassandra kasi ang unang pumasok sa aking isipan noong makita ko ito. Tiyak akong bagay na bagay sa kanya ang kwentas na ito.
Pero agad na sumimangot din noong makita ko ang presyo. Grabe! Ang ganda, ang ganda ng presyo. Hindi ko afford mga mare. Napakamahal!
Sana all na lang afford ang ganung presyo.
Hindi ako mayaman at hindi rin mahirap, pero hindi sasapat ang pera ko para sa ganoong pang regalo. Kaya bago pa muling sumama ang loob ko ay lumabas na lamang ako ng store na iyon. Sa iba na lang siguro ako maghahanap.
Habang naglalakad ako eh bigla na lamang may sumabay sa akinng mga hakbang, hanggang sa maunahan niya ako at awtomatikong huminto ito sa mismong harap ko. Sabay abot nito ng paper bag na merong logo ng jewelry store na pinanggalingan ko ilang minuto lamang ang nakararaan.
"For you." Mahina ang boses na sabi nito.
Tinignan ko lamang ang kamay nitong nakainat na may hawak ng paper bag. Kunot noo na tinignan ko siya sa kanyang mukha, naka-mask ito at baseball cap. Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago sandaling tinanggal nito ang kanyang facemask at nginitian ako.
Hindi makaimik at namimilog ang aking mga mata noong makita ang kanyang mukha. Habang siya naman eh mabilis na muling isinuot ang kanyang mask at hinawakan ang kamay ko para ibigay sa akin ang paper bag na kanina pa niya inaabot.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Natataranta na tanong ko sa kanya dahil jusko, ang dami-daming tao ngayon dito sa mall at baka pagkaguluhan siya kapag may nakahalata sa kanya.
"K-Kanina nasa interview ka lang. Atsaka nasaan si Roxanne?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya dahil bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malamig.
Kapag pinagkaguluhan siya sa mall na ito, wala na. Finish na mga bes!
"Atsaka 'di ba? Puno ang schedule mo para ngayong araw? Papaanong---"
"Ssshhh. Pina-cancel ko na muna lahat at tumakas ako."
"Ha? Pero bakit?"
"Para ituloy 'yung naudlot nating date last last night." Bigla akong natigilan sa sinabi niya.
Magsasalita na sana akong muli noong basta na lamang niyang kinuha ang kabilang kamay ko at walang sabi na hinolding hands ako bago ito nagsimulang maglakad.
Aba! Teka naman sandali! Bakit naman may paganito? Hindi na naman ako makahinga sa kilig mga mare!
Atsaka paano na ako nito makakabili ng regalo para sa kanya kung kasama ko siya? Aber?
Walang imik na hila-hila lamang ako nito hanggang sa makarating kami sa mismong parking area ng mall at huminto kami sa tapat ng kotse niya. Tahimik na pinagbuksan niya ako ng passenger seat. Hindi naman na ako umarte pa at kaagad na pumasok sa loob.
Noong nasa loob na ako ng sasakyan ay saka lamang ako nakahinga ng maluwag. Papatayin yata ako ni Kassandra sa kaba at takot. Hayst!
"Papatayin mo ba ako sa kaba?" Saway ko sa kanya at hampas na rin sa kanyang braso noong makapasok na ito sa loob ng kanyang kotse. Tumatawa lamang na binuhay nito ang makina ng kanyang sasakyan.
At nakuha pa niyang tumawa samantalang ako hindi na alam ang gagawin.
"Chill! Daig mo pa si Roxanne kung nerbyosin eh!" Saad niya bago ako muling tinignan. "Nag-iingat naman po ako." Dagdag pa niya.
Nag-iingat raw eh sumugod talaga siya sa mall kahit na maraming tao. 'Yun ba ang nag-iingat para sa kanya?
Girl, relax. Ayaw mo ba no'n, she's willing to take a risk for you. Ani ng aking isipan kaya lihim na nangingiti na lamang ako sa aking sarili.
Oo nga 'no? Risk ang tawag doon, Elena. Risk.
"Where are we going?" Tanong ko sa kanya noong napansin kong kalahating oras na kaming nagbibiyahe na walang kibuan.
"Basta."
"Basta?"
"Just...trust me. Okay?" Wika nito bago nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa kalsada. Tumikhim siya bago dahan-dahan na inabot ang kamay kong nakapatoong sa lap ko atsaka basta na lamang na ipinagdikit ang aming mga palad at daliri.
Lihim na napasinghap ako bago lumunok. Mabilis rin na napatingin ako sa kanya bago sa kamay naming magkahawak na ngayon. Parang wala lang sa kanya at normal lamang ang ginawa niya habang ako halos mahimatay na sa sobrang kabog ng dibdib.
Holly shit! Napapakagat na lamang ako sa aking labi at pagkatapos ay napapabuga ng hangin.
What is really happening right now?
Ramdam ko na rin na pinagpapawisan na ang noo ko at pati na rin 'yung nguso ko. Naka-full naman 'yung aircon pero ang init pa rin sa pakiramdam.
"Is it okay?"
"H-Huh?" Parang tanga na sagot ko sa kanya dahil hindi ako makapag-concentrate.
Hindi ko alam kung paano ilalabas ang kilig ko at baka bigla ko na lang siyang mahalikan mga bes. Pero ayoko naman mamatay kami pareho dahil sa kalandian ko.
"Holding your hand like this?" Pagpapatuloy nito sa tanong niya. Muling napatingin ako sa kanya at kamay naming magmagkahawak.
Mabilis na tumango-tango ako habang siya naman eh binigyan ako ng pamatay na ngiti niya.
"Good." Iyon lamang ang tanging sinabi niya bago kami muling binalot ng katahimikan.
"Pasensya ka na ah." Biglang paghingi nito ng tawag.
"B-Bakit naman?" Ayt! Anak ng tokwa! Bakit ba panay ang utal ko ngayon? Hanuba self! Pahalata ka masyado.
Paano ba naman hindi mag-function ng maayos ang isip ko, eh kanina lang magkahawak kamay kami tapos ngayon, nakapatong na ang kamay niya sa legs ko. Lalong kumakabog ang dibdib ko sa kaba at parang lalong nang init ako mga mare. Huhu.
Parang ayaw ko nang huminga. Bakit bigla siyang naging ganito na naman? Nakukuryente ako sa init ng palad niya.
I can't think straight! Lalo pa't naalala ko na naman ang eksina namin kagabi noong bigla na lang akong naging ubo't hubad sa harap niya. Nagiging-wild ang imagination ko mga beshy.
"Hindi tayo pwedeng pumunta o mamasyal sa mga mataong lugar." Sagot nito.
"A-Ano ka ba, okay lang 'yun!" Pilit na pinakakalma ko ang boses ko. "Atsaka mas gusto ko naman na malayo sa ingay ng bayan." Dagdag ko pa.
Ngunit malungkot na binigyan niya lamang ako ng ngiti.
"Hindi man lang tayo makapag-sine like what normal couples do."
Halos mabulunan ako sa sarili kong laway noong mapaubo ako nang banggitin niya iyon.
Ba't naman ihahalintulad niya sa mga couple pa?
Eh pa naman kami mag-ON ah.
"Ayos ka lang ba? " Concern na tanong nito atsaka ako chineck sa aking noo.
"Hindi ka naman mainit pero mukhang pinagpapawisan ka." Tinignan din nito ang aircon. "Naka full din ang aircon at---"
"O-Okay lang ako." Biglang putol ko sa kanya bago napabuga ng hangin, dahan-dahan, para i-release ang kaba na aking nararamdaman.
Magkahalong kaba at kilig na hindi ko maintindihan.
"P-Pero kasi..." Sabay yuko ko sa kamay nitong nakapatong sa legs ko. Kahit naka-pants ako ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya.
Napa-O lamang ang bibig nito bago inalis ang kamay sa ibabaw ng aking legs.
"Thank you." Para bang nabunutan ng tinik na pasasalamat ko sa kanya.
Hindi na kami muling nag-usap pagkatapos noon pero si Kassandra panay ang pag-hmmmm habang sinasabayan ang kanta na naka-play sa radyo.
Bakit sobrang good mood niya yata ngayon?
Ano ba talagang meron?
Atsaka pansin ko magdadalawang oras na kaming bumibiyahe. Hindi ko pa rin alam kung saan ba talaga niya ako dadalhin? Don't tell me, magpapalipas kami ng gabi na magkasama at kaming dalawa lang?
Napalunok ako muli ng mariin.
Juice colored, nawa'y mapigilan ko pa rin ang sarili ko dahil the last time na dinala niya ako sa malayo noon, napaka-romatic niya, iyong nanood kami ng fireflies at kami lamang ding dalawa. And this time...I don't know what will happen, baka tuluyan akong lamunin ng nararamdaman ko at mabuko na talaga ako.