webnovel

CHPATER 35

Now playing: Padaba Taka - DWTA

Elena's POV

"Tulog pa kaya sila?" Pabulong na tanong ko kay Kassandra.

"I don't know." Ganting bulong naman nito sa akin.

"Teka, sisilipin ko." Sabi ko bago tumayo mula sa higaan.

Dahan-dahan na binuksan ko ang pintuan ng kwarto ni Kassandra bago mala ninja na nagtungo sa may sala para silipin sina Roxanne at Mae kung natutulog pa ba.

Madaling araw na kasi. At dito nila naisipang matulog kagabi matapos nilang ma-witness ang mga naging kaganapan kagabi. Mga siraulo talaga at hindi nila pinalagpas 'yung mga natuklasan nila.

Puyat na puyat tuloy kami ni Kassandra dahil kinailangan naming magkwento sa kanila ng mga nangyari lalo na kay Roxanne dahil manager niya ito. Hindi naman pwedeng wala siyang alam o ideya sa mga nagiging ganap sa alaga niya, lalo na sa love life nito.

Alam na rin ni Roxanne na ako at si Piggy ay iisa. Gulat na gulat nga siya dahil ang layo raw ng itsura ko noon at ngayon. Nagtataka pa ako nung una kung paano niya nalaman 'yung itsura ko noon.

"Wala lang, nai-imagine ko lang na ang chaka mo noon, girl." Iyon talaga ang pagkakasabi niya. Kahit ako natawa sa tono ng boses niya.

Anyways, back to reality. Mag-ingat na muling bumalik ako sa loob ng kwarto ni Kassandra nung madatnan kong mahimbing pang natutulog ang dalawa.

Si Mae 'yung nakahiga sa pahabang sofa, habang si Roxanne naman ay sa ibaba natulog. Carpeted naman kasi ang sahig pero syempre meron siyang kumot, ang lamig kaya dahil naka full ang aircon. Mamaya magkasakit pa siya kung hindi siya magkukumot, ano?

"Tulog pa?" Kaagad na tanong ni Kassandra the moment na makapasok akong muli sa kanyang kwarto.

Tumango ako bilang sagot.

"I think kailangan na nating umalis habang tulog pa 'yung dalawa. Come on!" Nagmamadaling pagyaya nito sa akin.

Kaagad naman na inayos namin ang aming mga gamit na kagabi pa naman nakahanda.

Tatakasan kami namin iyong dalawa habang tulog pa.

Ayaw na ayaw ko nga itong ideya ni Kassandra, pero wala naman akong magagawa. Gusto ko rin kasi siyang makasama. Atsaka alam ko na gusto niyang mag-relax muna. Syempre, hindi ko naman hahayaan na mag-isa siya, ano? Kaya sasama talaga ako.

Maingat at dahan-dahan lamang ang aming mga hakbang na naglalakad palabas. Mala pigil hiningang mga hakbang na hindi makakagawa ng anumang ingay dahil ayaw naming magising iyong dalawa.

"Pwew! At last." Nakahingang maluwag na wika nito pagdating namin sa parking lot.

"Are you okay?" Natatawa na tanong ko sa kanya. Katulad ko ay natawa rin ito bago ako binigyan ng isang matamis na ngiti.

Hindi na kami nagsayang ng oras. Kaagad na ipinasok na namin ang aming mga gamit sa sasakyan bago bumiyahe na.

Papunta kaming Zambales ngayon. Sinabi sa akin ni Kassandra na may nirentahan siyang bahay doon kung saan dalawa lamang kami ang titira sa loob ng isang linggo.

I mean, of course meron kaming makakasama na care taker ng bahay. Ngunit bukod doon ay wala na.

Sinigurado rin ni Kassandra na walang mga kapitbahay masyado upang walang makakakilala sa kanya. Para na rin daw malaya kaming makakapag-date at walking, safe at malayo sa media.

Lunch time na noong makarating kami sa Zambales. Medyo chill ride lamang ang ginawa namin buong biyahe, kaya ang apat na oras na travel ay naging anim na oras.

Pagdating namin sa bahay ay kaagad na sinalubong kami ng care taker na ang pangalan ay si Tay Nestor.

Alam niya raw na tatanghaliin kami kaya nagluto at naghanda na siya kaagad ng aming pananghalian.

Nagluto lang naman siya ng tinolang native na manok, pinakbet na galing pa ang mga gulay sa harden nilang mag-asawa, meron itong halong pork at piniritong isda na sariwa pa raw talaga dahil namingwit siya kaninang umaga. 

Noong makita ko ang nakahaing pagkain ay awtomatikong umingay ang tyan ko, sinyales na nagugutom na ang alaga ko.

"Hindi ba masyadong marami po itong inihanda niyo para sa aming dalawa, Tay Nestor?" Komento ni Kassandra.

"Eh kung saluhan niyo na lang ho kaya kami." Dagdag ko naman.

Nahihiya na napakamot lamang si Tay Nestor sa kanyang batok.

"Naku ma'am! Kumain na ho kayo d'yan, para sa inyo talaga 'yan. Isa pa, busog na po ako. Katatapos ko lamang ding mananghalian." Paliwanag naman nito.

"Ah, ganun po ba. Thank you po ah. Sakto nagugutom na rin talaga 'yung sawa ko sa tyan." Pabirong sabi ko pa habang napapahaplos sa aking tyan, kaya nagtawanan silang dalawa ni Kassandra.

"Oh siya ma'am, kumain na ho kayo." Muling sabi nito. "Kung may kailangan ho kayo ay nasa likod lamang ako ng bahay."

"Salamat ho Tay Nestor." Pasasalamat naman ni Kassandra.

Pagkatapos naming kumain ay naligo na rin muna kami. Nagpahinga at umidlip.

Alas kwatro na nang hapon noong magising kami ni Kassandra. Noon naman namin naisipan na maglakad lakad sa town.

Kahit na walang suot na cap or face mask si Kassandra ay hindi siya pinagkakaguluhan ng mga tao. They will simply ask for a picture with her and that's it. But you can see in their eyes and smiles a lot of admiration for their idol.

Nakakatuwa lang. Ang safe lang na magpagala-gala sa lugar na ito. Iyong tipong ramdam mong hindi ka mapapahamak at ligtas si Kassandra mula sa mapangahas na banta ng mga basher.

Isama mo pa 'yung simple at payak na pamumuhay ng simpleng tao sa bayan na ito. Napakatahimik.

Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mamiss ang Palawan.

Sa labas na lamang din kami nag-dinner ni Kassandra upang hindi na rin mapagod pa sina Tay Nestor sa paghanda ng aming hapunan. Bago kami umalis kanina ay sinabihan na rin namin ito na baka sa labas na lamang kami kakain.

"Piggy ko?"

"Piggy kooo."

"Are you asleep na?"

Hindi ako sumasagot kasi namiss kong tawagin ako ni Kassandra sa ganoon. Gosh! Kinikilig ako na ewan.

"Piggy ko?" Muling pagtawag niya sa akin.

Lumapit siya at niyakap ako sa beywang ko. Naramdaman ko naman ang paghalik nito sa ilong ko.

Juice colored! Bakit naman ganito ka-sweet ang isang Kassandra na binigay sa akin? Nakakatunaw palagi ng puso.

"Alam ko gising ka pa." Rinig kong sabi niya.

Hinawakan nito ang kamay ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang paglapat ng labi niya sa likod ng palad ko.

"Wag ka nang aalis ah. 'Wag mo na akong iiwan ulit ha?" Malambing ang boses na pakiusap nito sa akin. "Kasi...malungkot ang buhay 'pag wala ka sa tabi ko eh." Dagdag pa niya.

Hindi maitago sa tono ng boses niya ang sobrang pag-aalala na baka mawala akong muli. Na baka umalis akong muli.

"Kapag iniwan mo ako ulit---"

"Hindi na ako aalis ulit." Mabilis na putol ko sa kanya bago tuluyan na muling iminulat ang aking mga mata. Lihim na napasinghap ako dahil pagmulat ng mga mata ko ay nakatingin na siya sa akin.

Napalunok ako ng mariin.

"I want you to sleep peacefully every night with a smile on your lips at wala nang kailangang ipag-alala." Sinasabi ko iyon nang nakatitig sa mga mata niya. Bago marahan na inabot ang pisngi n'ya at marahan na hinaplos halos iyon. "I won't go anywhere without you...Zoe."

Gosh! It feels so good to say her second name again. Para bang nakabalik ako sa dating ako.

Inabot nito ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya bago hinalikan iyo. Hindi ko naman mapigilan ang mapapikit para damhin ang paglapat ng labi niya rito.

"Thank you..." Nakangiting pasasalamat niya. "That's all I want to hear." Dagdag pa niya na animo'y na-assure siya sa sinabi ko.

"Kaya please, matulog na tayo. Kasi dito lang ako. Hindi na ako mawawala ulit. At bukas pagising mo, nasa tabi mo pa rin ako, nakayakap at nakasiksik sa'yo." Muling pagbibigay ko ng assurance sa kanya.

Napatango siya bago ako hinalikan ng may katagalan sa aking labi.

"Thank you."

"Good night, my Zoe." Nakangiting sabi ko.

"Good night...my girlfriend." Ganting sabi naman niya.

G-Girlfriend?

A-Ano daw? Tama ba 'yung dinig ko?

"What did you just say?"

"My girlfriend."

"Girlfriend... g-grilfriend mo na ako? At kailan pa?" Namimilog ang mga mata na tanong ko sa kanya.

"Simula ngayon, girlfriend na kita." Sagot naman niya. "At magiging ex-girlfriend lang kita kapag kasal na tayong dalawa." Dagdag pa niya na siyang nagpalakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa sobrang tuwa at galak na nararamdaman.

Dahil sa kilig na aking nadarama ay hindi na ako nakasagot pa. Sa halip ay basta ko na lamang isiksik ang mukha ko sa leeg niya na merong himpit na tili na pinipigilan, habang parang bata na nagpapadyak pa ang aking mga paa.

Pakiramdam ko rin sobrang namumula na ang buong mukha ko.

"Oh siya sige, mabuti pa matulog na tayo g-girlfriend ko." Kinikilig na wika ko bago tuluyang napatili na.

Hindi naman napigilan ni Kassandra ang matawa ng malakas dahil tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko, bago ako muling ikinulong sa mga bisig niya.

Enebe yern! Nekekeleg nemen. Hahahaha!

Ang isang Superstar ay girlfriend ko na.

Nobya na ako ng isang Kassandra Moreno.

Hayyy, thank you, Lord. Hinding-hindi ko talaga sasayangin ang chance na binigay niyo sa akin.

---

Kinabukasan, nagising na lang ako na wala na si Kassandra sa tabi ko.

Hmp. Hindi man lang siya nag-abalang gisingin ako para sana sabay kaming bumangon o nakita ko man lang siya bago umalis sa higaan.

Ang daya lang.

Pero hindi na bale. Biglang bawi ko naman sa aking sarili bago gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi.

Masaya pa rin ako dahil magkasama kami ngayon at walang ibang gagawin kundi magkwentuhan, mag-take ng pictures together, mag-rides at kung anu-ano pa. Actually, kahit nga wala kaming ginagawa masaya na ako eh. Basta kasama ko siya, masaya na ako.

At isa pa...girlfriend ko na siya!

GIRLFRIEND KO NA SI KASSANDRA ZOE MORENO! Accckkkk!

Hindi ko mapigilan ang muling kiligin habang nagpapagulong-gulong sa higaan.

"Hayyyy! It's a beautiful dayyyy." Masiglang wika ko sa aking sarili. "Good morningggg!" Dagdag ko pa bago himpit ang tili na nagpapadyak ng aking paa sa ere.

Hindi nagtagal ay bumangon na rin ako para mag-prepare ng aming breakfast.

Ang sabi kasi ni Tay Nestor, may laman na raw ang ref at pinuno niya raw talaga iyon para sa amin. Iyon na na rin ang magiging pagkain namin para sa loob ng isang linggo, pwera na lang kung gusto naming kumain sa labas ni Kassandra.

Hayyyy. Nasaan kaya 'yung girlfriend kong maganda? Tanong ko sa sarili.

Hindi ko kasi siya nadatnan sa labas eh, wala sa sala at wala rin kahit sa paligid ng buong bahay.

Hayyy. Hindi na bale. Baka andyan lang 'yun.

Baka nag-jogging? Ani ng aking isipan.

Tama, baka nag-jogging lang 'yun. Pagsang ayon ko naman.

Kaya lang alas syete na ng umaga eh. Hindi pa rin siya umuuwi. Pero naisip ko rin naman na baka tinanghali siya ng gising kaya ipinagwalang bahala ko na lamang at muling bumalik sa loob ng bahay para masimulan na ang pagluluto.

Nagsisimula na ako sa pagluluto nang maisipan kong tawagan ang ibinigay na number ni Tay Nestor. Dahil ang sabi niya kung may kailangan o gustong itanong ay tawagan lamang siya.

Baka kasi nagkaabutan silang dalawa ni Kassandra kanina noong tulog pa ako.

Hindi kasi talaga ako mapakali na hindi malaman kung nasaan siya.

Kanina ko pa rin tinatawagan ang number ni Kassandra pero ring lang ng ring, hindi sumasagot. Hmp!

"H-Hello? Magandang umaga ho. Tay Nestor. Si Elena ho ito."

"Oh, Ma'am Elena, magandang umaga rin ho. Napatawag po kayo? May kailangan po ba kayo?"

Napakamot ako sa batok ko.

"Pasensya na ho kayo at napatawag ako ng ganito kaaga, Tay Nestor. Itatanong ko lang ho sana kung napansin ninyo si Kassandra kaninang maagang-maaga? Hindi pa ho kasi siya umuuwi eh." Diretsahang tanong ko sa kanya.

"Ah si Ma'am Kassandra ho ba? Ay opo ma'am, lumabas ho siya. Ang sabi niya sa akin kanina eh pupunta lamang siya sa bayan. Hindi pa ba siya nakakauwi? Naku! Baka nalibang lamang mamili iyon ma'am. Huwag na kayo mag-alala dahil safe naman po sa lansangan."

"G-Gano'n ho ba. Oh siya, salamat ho Tay, Nestor."

Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang tawag.

Hayyy! Ayoko na lang mag-alala. Alam kong safe siya. Baka nga naging abala lamang ito sa kung ano mang dahilan kung bakit siya pumunta ng bayan.

Muling ibinalik ko na lang ang aking atensyon sa pagluluto. Para naman pagdating niya eh kakain na lang. Sigurado akong gutom na 'yun.

Pagkatapos kong magluto ay nilinis ko na rin kaagad ang kusina, nagbukas ng emails na hindi ko pa nabubuksan at syempre nag-check ng ibang social media accounts ko.

Ang dami ko nang nagawa pero itong si Kassandra...hindi pa rin umuuwi. Malapit nang mag tanghalian pero hindi pa rin siya bumabalik.

Sinubukan ko nang tawagan muli ang number niya, pero cannot be reach na ito. Hindi katulad kanina na nagri-ring pa.

"Ano ba Kassandra, nasaan ka na ba?" Nag-aalala na tanong ko sa aking sarili habang pumaparoon at parito dahil talagang hindi na ako mapakali sa kaba na nararamdaman.

Hanggang sa wala na akong naging choice kundi tawagan Roxanne. Pero hindi rin ito sumasagot. Nakakatatlong missed calls na ako.

Hanggang sa nakita ko ang pangalan ni Luna sa contact list ko.

Hayst! Bahala na nga.

Ngunit iyong tanong ko eh hindi niya sinagot. Sa halip ay sinagot niya ako ng isa ring tanong.

"Are you alone? Where are you? I'll go and get you. Hindi ka dapat iniiwang mag-isa ni Kassandra, lalo na kung hindi ka familiar sa isang lugar. Pa'no kung may nangyari sa'yo?"

"Luna, hindi ko sinabing sunduin mo ako. Gusto kong malaman kung alam mo ba kung nasaan si Kassandra---"

"Just give me your address or send me your location. Papunta na ako."

"M-May nangyari ba?"

Ngunit hindi na ako nagawa nitong sagutin dahil pinatayan na niya ako.

Shit! Hindi ko mapigilan ang mapamura.

Kahit naiinis ako kay Luna dahil binabaan niya ako ng telepono eh sinunod ko pa rin ang sinabi niya. Nag-share ako ng location kung nasaan ako ngayon.

Makalipas ang halos dalawang oras at kalahati, nagulat na lang ako noong may biglang nag-park ng sasakyan sa labas ng bahay kaya dali-dali akong nagtungo rito.

Inaasahan ko na sasakyan na ni Kassandra ang makikita ko ngunit bigo ako.

Saktong kalalabas ko lamang ng entrance nang bahay noong sinasalubong na ako ni Luna.

What? Ang bilis niya naman! Reklamo ko sa aking isipan.

"What the! Luna? Lumipad ka ba?" Agad na bungad ko sa kanya habang sinasalubong siya sa paglakad.

Sa halip na sagutin ako ay basta niya na lang akong hinawakan sa aking braso at parang nagmamadali na hinila papalapit sa kanyang sasakyan.

"Of course, I drove as fast as I could just to get here. Come on! We don't have time. Let's go!"

"What? NO!" Pagmamatigas ko bago pwersahang tinanggal ko aking braso ang pagkakahawak niya.

"Dito lang ako. Hindi ako aalis nang wala si Kassandra. Hihintayin ko siya---"

"Well, wala ka nang hinihintay. Dahil hindi na siya darating." Mabilis na putol nito sa akin habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Kaya whether you like it or not, sasama ka na sa akin pabalik ng Manila."

"At bakit naman ako maniniwala sa'yo? Bakit ko iiwanan si Kassandra? At sino may sabing hindi ko siya pwedeng hintayin?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib.

Hindi kaagat nakasagot si Luna at maiging tinitigan ako sa aking mga mata.

"Elena, please." Pakiusap nito na tila ba nagpipigil na huwag akong masigawan o pagtaasan ng boses. "Kahit ngayon lang...pagkatiwalaan mo ako. because I won't do stupid things to hurt you." Dagdag pa niya bago napaiwas ng tingin mula sa akin.

Nakikita ko rin sa mga mata niya na para bang nasasaktan siya na hindi ko mawari kung ano.

"Don't make me mad, go pack your things pati na rin 'yung mga gamit ni Kassandra. Iuuwi na kita ng Manila and I will explain everything once we get there." Pagpapatuloy niya bago ako tinalikuran para bumalik sa kanyang sasakyan.

Explain everything?

At ano namang dapat e-explain ni Luna sa akin?

Wait... don't tell me na sadyang iniwanan talaga ako rito ni Kassandra. Knowing na mag-isa lang ako.

But why???

Chapitre suivant