Now playing: Tahanan - Adie
Elena's POV
"Kas?"
Patawag ko kay Kassandra dahil nagising na lamang akong wala na siya sa buong silid.
Nakakahiya.
Gusto pa naman sana niyang manood ng movie pero ako naman itong nakatulugan siya kaagad.
"Hello?" Lumabas kasi ako sa kanyang kwarto para i-check siya rito sa may lobby at kusina pero wala rin naman siya rito at kahit na anino niya ay hindi ko maaninag.
Asan kaya iyon?
"Kassandra?" Muling pagtawag ko sa pangalan niya.
Hanggang sa makarating ako sa may terrace ng kwarto niya kung saan natatanaw ang buong City at mga nagtatayugang gusali mula sa may unahan.
"Wow!"
What a perfect view. Hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa aking nakikita habang pinagmamasdan ang buong tanawin.
Ngunit agad ding natigilan nang mahagip ng aking paningin ang abala sa pagbabasa na si Kassandra. Halatang busy ito na sa tingin ko ay script niya ang kanyang binabasa. Nakaupo ito sa pahabang sofa habang may nakatakip na headset sa kanyang magkabilaang tenga.
"Kaya naman pala hindi niya ako naririnig kanina." Bulong ko sa aking sarili.
Noong mag-angat ito ng kanyang ulo ay mabilis na nagsalubong ang aming mga mata. Malawak ang ngiti na kumaway ako sa kanya ngunit noong lalapitan ko na sana ito ay biglang binawi niya ang kanyang mga mata na animo'y hindi niya ako nakita.
Pero nakita niya ako, hindi ba?
Bakit hindi niya ako pinansin? Hmp!
Baka masyadong focus lamang ito sa kanyang ginagawa kaya hahayaan ko na lamang muna siya. Ayaw ko na rin muna siyang istorbohin upang makapag-concentrate siya.
Tatalikod na sa sana ako sa kanya noong marinig ko itong natawa ng mahina.
Awtomatikong napakunot ang noo ko. Pinagtitripan lang ba niya ako?
"Wait! Wait! Wait!" Paghabol at pagpigil nito sa akin bago ako mabilis na hinawakan sa aking braso at iniharap sa kanya.
Lihim na napasinghap ako noong maamoy ko na naman ang pamilyar na pabango niya. Nakasuot lamang ito ng crop top shirt kung saan sumisilip ang nagyayabangan niyang abs at nakasuot lamang ng cotton short-shorts na mas lalong ikina-sexy niyang tignan dahil sa napakakinis at puti nitong legs.
Gosh! Ba't ba palagi ko siyang sinisipat? Napapalunok na tanong ko sa aking sarili.
"Sorry." Paghingi niya ng tawad.
"Wala naman akong pinakikinggang kanta." Paliwanag niya bago tinanggal ang suot na headset.
Kaya naman mabilis na napataas ang kabilang kilay ko.
"Ahem!" Napatikhim ako. "So, you're just ignoring me? Ganun ba?" I teased her again.
Mabilis naman na nagbawi ito ng kanyang paningin mula sa akin. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang agad na pangangamatis ng kanyang buong mukha kaya mas lalo akong napangiti ng nakakaloko.
"What? No! Of course not. I uhh--- never mind." Biglang putol nito sa kanyang sinasabi na animo'y hindi rin siya mapakali. 'Yun bang para siyang may nagawang kasalanan at ayaw niyang aminin kung ano.
Hmmmm. Napaisip tuloy ako ng disoras. Okay lang ba talaga siya?
"What about you? Do you want to go somewhere? I'll be your tour guide." Biglang pag-iiba nito ng usapan at para na rin mawala ang awkward ng atmosphere.
Sa halip na sagutin agad ang tanong nito ay mataman na tinitigan ko muna siya sa kanyang mukha. Iyong titig na seryoso habang naka-cross arms.
"No. Thanks!" Pagkatapos ay mabilis ko na itong tinalikuran. Ngunit ayaw pa rin niya akong tigilan.
Muli niya akong sinundan, hinablot ang aking braso at muling pinigilan.
"What about coffee?"
"You are not ALLOWED to go anywhere." May diin na sabi at pagpapaalala ko sa kanya.
"At sinong may sabi?"
"Me?" Sabay turo ko sa aking sarili.
"Ano na lang sasabihin ng mga fans mo, ng media---"
"I know a place where I'll be safe to go." Putol nito sa akin.
Kusa na lamang napapikit ang dalawang mga mata ko ng mariin. Hindi ko alam na mas may ikukulit pa pala ang Kassandra noon.
"Really?" Medyo may pagkasarcastic na tanong ko sa kanya bago muling napahalukipkip.
"Yeah?"
"No no no no."
"Why? I thought you'll say yes."
"Malalagot ako kay Roxanne." Pagdadahilan ko sa kanya.
Pero totoo namang malalagot ako ah. Dahil ako ang kasama niya ngayon. Papaano kapag napahamak siya? O pagkaguluhan ng mga tao?
"I'll call her now." Sambit niya sabay kalikot ng kanyang hawak na cellphone.
"Fine!" Biglang pagpayag ko ng disoras.
Awtomatiko namang gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi habang hindi naman maitago ang sigla sa kanyang mga mata noong marinig ang simple word na binitiwan kong iyon.
"T-Talaga? Pumapayag ka na?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin at pagkukumpirma na rin.
Napatango ako bilang sagot.
"Okay! Come on. Let's go!" Atsaka ako muling hinawakan nito sa aking braso at hinila na palabas ng terrace ng kanyang kwarto.
Napapailing na lamang ako sa kakulitan ni Kassandra.
---
Pagdating namin sa Coffeehouse na sinasabi ni Kassandra, wala akong ibang masabi na naman kung hindi ang word na, 'Wow!'
Paano naman kasing hindi eh, starbucks naman pala kasi ito. Ngunit ang exterior and interior design ay gawa sa nipahut, kahoy at kawayan.
Medyo may kalayuan mula sa City pero may mangilan-ngilan pa rin na dumadayio pa talaga. Good thing is meron siyang private rooms na pwedeng magpa-reserve kaagad bago pa man makarating dito.
Iyon ang ginawa ni Kassandra. Ngunit ipinangalan niya ang reservation sa akin. Syempre, hindi rin naman ako papayag na i-under sa name niya ano? Dahil baka bago pa lamang kami makarating eh marami na agad ang nakaabang sa amin.
Este, sa kanya lang pala.
Naka-disguise si Kassandra ngayon upang walang makakakilala sa kanya. Nakasuot ito ng baseball cap, wig para matakpan ang signature na kulay ng buhok niya ngayon na kulay orange, fake eyeglasses, and denim jacket. Isang itim na fitted shirt naman ang pang loob nito at fitted leather pants naman ang kanyang pang ibaba at rubber shoes.
Literal na umorder lamang kami ng kape at black forest cake na rin. Tig isang slice lamang kami pero 'yung kanya hindi niya naubos, parang dalawang subo lang nga yata ang nabawas kaya ako na lang ang nag-ubos ng natira niyang pagkain.
Pagkatapos kong maubos ang natirang cake ni Kassandra ay niyaya naman niya akong maglakad lakad. Dahil meron daw garden ang Starbucks na isa gustong-gusto niyang spot sa lugar na ito ngunit hindi ko pinagbigyan ang gusto nito.
Awtomatikong napanguso ito na parang bata na hindi napagbigyan sa kanyang gusto.
At dahil hindi kami pwedeng lumabas sa apat na sulok ng private room na ito kaya inilabas ko na lamang ang phone ko at nanood sa youtube ng mga latest vlogs.
Ngunit maya-maya lamang ay napasulyap ako sa nananahimik na si Kassandra na ngayon ay nakatingin lamang ng masama sa akin at hinihintay pa rin na pagbigyan ko siya sa gusto niya.
Hindi ko napigilan ang mapatawa ng malakas dahil sa itsura niya.
"Nagpapaawa ka ba?" Natatawa na tanong ko sa kanya. "Stop it. Bcause no matter what you do, I will not let you go out there." Muling wika ko at ibinalik ang mga mata sa screen ng aking cellphone.
Rinig kong napahinga ito ng malalim.
"Fine! Kung ayaw mo akong samahan, ako na lang ang lalabas mag-isa." Sabay mabilis na tumayo ito. Dahil doon ay agad namana kong nataranda at mas mabilis pa kay Flash na pinigilan siya.
Ngunit huli ang lahat dahil nabuksan na nito ang pintuan.
Agad na bumungad sa amin ang gulat na mukha ng tatlong teenager. Isang babae at dalawang lalaki. Na ngayon ay nakatutuk ang kanilang mga mata kay Kassandra.
"K-Kassandra?" Utal na tanong ng isa habang titig na titig sa naka-disguise na si Kassandra.
"What do you mean Kassandra?" Tanong naman nung isang medyo nerd sa kaibigan niya.
"Kassandra Moreno!" Pagkukumpirma naman ng isa.
"WAAAAAAHHHHH!! Kassandraaaa!!!" Biglang nagtititili na sigaw ng mga ito.
Kaya bago pa man sila tuluyang marinig ng iba at makaagaw ng pansin ay mabilis na akong nag-isip ng paraan para mawala kaagad sa isipan na hindi si Kassandra ang nakikita nila ngayon.
"Zoe!" Biglang pagtawag ko sa second name niya na hindi alam ng nakararami. Pagkatapos ay mabilis na nilapitan ko ito.
Mabilis naman na napalingon sa akin sa Kassandra noong unang beses ko pa lamang na tawagin ang pangalan niya.
Para itong napako sa kanyang kinatatayuan at hindi na magawang alisin pa sa akin ang kanyang mga mata noong hinawakan ko siya sa kanyang kamay at binigyan ng pinaka-sweet na ngiti ka pwedeng ibigay sa kanya. Kahit na ang totoo ay sobrang nenenerbyos ako dahil sa kakulitan niya.
"Zoe? Akala ko pa naman si Kassandra na."
"Oo nga! Medyo hawig niya po kasi."
"S-Sorry po. Akala po kasi namin si Idol na eh. Hehe." Sabay kamot sa batok na sabi naman ng isang lalaki.
Binigyan ko lamang ng ngiti ang mga ito bago napatango at muling hinila pabalik sa loob ng private room si Kassandra.
"Oh my gosh! Parang nakalimutan ko yatang huminga sa loob ng ilang minuto dahil sa mga batang 'yun." Pagmamaktol ko bago muling naupo sa aking silya kanina.
Hindi pa rin nawawala ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Dahil kung sakaling narinig sila kanina ng iba at talagang nakaagaw ng pansin, hindi ko alam kung papaano ko itatago si Kassandra.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Kassandra noong mapansin na hindi ito kumikibo at hindi man lamang magawang alisin ang kanyang mga mata sa akin.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan niya dahil hindi naman ako mind reader. Pero makikita sa kanyang mukha na para bang naguguluhan ito at hindi nagugustuhan ang mga nangyayari.
"Why did you call me, Zoe?" Diretsahang tanong nito sa akin. "Do you know my second name? How?" Sunod-sunod pang tanong niya habang nakatitig lamang sa buong mukha ko.
Napalunok ako ngunit pinipiling kalmahin ang sarili bago siya sagutin. Isang pormal na ngiti rin ang iginawad ko muna sa kanya bago sinalubong ang kanyang mga mata.
"Nakita ko lang sa frame na nakasabit sa kwarto mo kanina." Pagpapaliwanag ko. Ngunit isang malaking kasinungalingan na naman ang sinabi ko. Dahil ang totoo, matagal ko na talagang alam na may Zoe ang pangalan niya.
"P-Pasensya ka na. Pero ayaw mo bang tinatawag kang Zoe?" Patay malisyang dagdag na tanong ko pa.
Hindi ito kaagad nakasagot at tahimik lamang na muling naupo sa silya na nasa aking harapan kung saan siya nakaupo kanina.
"Please, next time don't call me by my second name without my permission." Wika nito na halatang hindi nagustuhan ang pagtawag ko sa kanya gamit ang pangalan niyang Zoe.
"I never let anyone call me by my second name." Dagdag pa niya. "Isang tao lang ang hinayaan kong tumawag sa akin no'n." Pagpapatuloy pa niya.
"O-Okay. I understand." Pagpapakalma ko sa kanya.
Muli itong napahinga ng malalim.
"Hatid na kita?" Sabay tingin nito sa kanyang suot na relo.
"Sakto pagdating natin sa apartment mo time for dinner na." Dagdag pa niya.
Walang nagawa na napatango na lamang ako. At lihim na sinisisi ang sarili dahil mukhang pinasama ko pa ang loob niya sa halip na pasayahin siya.
Pagdating namin sa apartment ko, akala ko aalis na rin kaagad ito ngunit ang pinagtataka ko ay nakabuntot pa rin siya sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng unit.
"May kailangan ka pa ba?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.
"Because I---"
"I am going to sleep here." Putol nito sa akin.
Kaagad namang napakunot ang noo ko at naguguluhan na tinignan siya ng maigi sa kanyang mukha.
"Yes!" Dagdag pa niya. "You heard me." Pagkatapos ay mabilis na tinalikuran na ako at agad na tinahak ang direksyon patungo sa kwarto niya na nandito sa unit ko.
"Please, cook us dinner." Pahabol na utos pa niya bago tuluyang makapasok sa kanyang kwarto.
"W-What dinner? I mean, what do you want to eat?"
"Ikaw."
"H-Ha?" Bigla naman akong namutla sa sinabi niya. Nagkakamali lang naman ako ng pandinig 'di ba?
Natawa siya ng mahina.
"I mean, ikaw. Ikaw nang bahala." Sagot nito habang may sumisilip na ngiti sa kanyang labi.
Napapikit ako ng mariin.
Fuck! Ano bang nangyayari sa'yong Elena ka? 'Di uso maging assumera at tatanga-tanga ngayon ha? Ikaw rin, mahahalata ka sa ginagawa mo eh! Dagdag na singhal ko sa aking isipan.
Pero teka nga, moody ba siya?
Kanina lang bigla na siyang nawala sa mood, tapos ngayon naman... hay ewan!
But knowing Kassandra, alam ko na kung anong comfort food ang iluluto ko para sa kanya. Napapangiti na lamang ako sa aking isipan at agad na itong sinimulan. Sana lang magustuhan pa rin niya gaya ng kung paano niya magustuhan ang pagluto ko noon.