webnovel

CHAPTER 7

Now playing: My Stupid Heart - Walk off the Earth

Elena POV

Lunes na naman. Kung para sa iba ay ayaw na ayaw nila ang araw na ito, ako naman ay gustong-gusto ko. Sa dahilang makikita at makakasama ko na namang muli si Zoe.

Hindi ko maitago ang malawak na ngiti sa aking labi habang naglalakad papasok sa gate ng University. Ang saya-saya ng puso ko lalo na ngayon na alam kong lalong nagiging malapit na kami ni Zoe sa isa't isa.

Ngunit nakapasok na ako sa gate nang mapansin na walang Zoe ang nag-aabang sa akin tulad ng nakasanayan na niyang gawin. Wala ring mga estudyante ang nag-aabang sa akin para ako ay muling i-bully.

Weird. Napapailing na wika ko sa aking sarili bago nagpatuloy sa aking paglalakad.

Nagsawa na ba silang i-bully ako? O ayaw na ba nila?

Pero bakit naman gano'n lang yata kabilis?

Dahil ba alam nila na kaibigan ko na si Zoe or should I say, Kassandra?

Pero kilala ko kasi ang mga kaibigan niya. Lalo na si Annia na hindi na ata magsasawa na gawing miserable ang buhay ko araw-araw.

Hayst! Hindi ko mapigilan ang hindi mag-isip lalo dahil may pakiramdam akong hindi magandang mangyayari. Mas nakakatakot pa yata ang ganitong araw na kalmado kaysa ang araw-araw na binu-bully ako.

Papasok na ako sa loob ng classroom para sa first class ko nang biglang may humigit sa braso ko.

It's Cybele.

"Look who's here. Siguro masaya ka na walang nang bully sa'yo sa gate ngayon, 'no?" Nakangising wika nito sa akin.

Alam kong may kailangan siya o may binabalak na hindi maganda kaya nagsalita na ako kaagad.

"A-Anong kailangan mo sa'kin?" Tanong ko sa kanya. Ngunit kunwaring nagulat pa ito at napatakip ng kanyang bibig.

"Aba naman talagang tumatapang ka na ha? Nagkaroon ka na ng confidence magmula nung kaibiganin ka ni Kassandra." Sarcastic na pagpapatuloy niya.

"Well..." Napahinto ito sandali at biglang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. "Don't be so comfortable, Elena. Because you are..." Sabay turo nito sa noo ko gamit ang kanyang hintuturo, "still ugly." Pagpapatuloy niya.

"Wag ka nga masyadong maging proud. Nagmumukha ka lang pwet ni Kassandra. And besides, the friendship you fantasized about with her will end today." Pagkatapos ay inilabas nito ang kanyang cellphone.

"The truth is pumunta talaga ako rito para sunduin ka. Kasi may naghihintay sa'yo para iligtas mo." Dagdag pa niya bago ipinakita sa akin ang isang video.

Awtomatikong napatakip ako ng aking bibig noong makita ko si Mae na nakagapos at nasa may pool area, kasama sina Annia at Luna at iba pang mga bully na estudyante.

Nagtatawanan ang mga ito habang ang kaibigan ko naman ay walang ibang magawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa takot.

Magsasalita na sana akong muli nang maunahan ni Cybele.

"At 'wag kang magkakamaling magsumbong kay Kassandra. Kundi alam mo na ang mangyayari." May pagbabanta na dagdag pa nito.

"Sa ayaw at sa gusto mo, you have to come with me. Or else... alam mo na ang mangyayari sa kaibigan mo." Kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang sumama kay Cybele hanggang sa makarating kami sa pool area kung saan naghihintay sa akin ang reyna ng mga bully na si Annia.

"Well, well, well. Good for you at pumayag kang sumama kay Cybele." Pumapalakpak na wika nito noong makarating kami.

Mabilis naman na napako ang aking mga mata kay Mae na ngayon ay nanginginig na sa lamig at takot na baka ihulog siya ng dalawang estudyanteng lalaki sa pool habang nakagapos ang dalawang kamay.

"Alam mo 'yung ayaw ko sa lahat? 'Yung hindi tumitingin sa akin kapag kinakausap ko." Ramdam na ramdam ko ang panggigil na naman ni Annia sa akin. Kaya mabilis na nagbaling ako ng tingin sa kanya.

"Annia please. S-Sa akin ka may galit 'di ba? Please, p-pakawalan mo na si Mae. Andito na ako!" Lakas loob na pakiusap ko sa kanya. Dahil hindi ako sanay na nakikitang nahihirapan ang kaibigan ko.

Hindi bale nang ako na lang. Ako na lang ang i-bully at saktan nila.

Ngunit mariin na napailing lamang si Annia.

"No! Begging is not enough. You have to save your best friend." Maarteng wika niya habang naka-cross arms.

"Pero... ahhh!!" Bigla na lamang akong napasigaw dahil sa pagsabunot ni Luna sa buhok ko mula sa likuran ko.

"Hindi ko alam, kung anong pinakain mo kay Kassandra para kumain siya sa pipityugin na eatery ninyo at tumulong pa talaga sa'yo." Muling wika ni Annia habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Ni hindi niya nga magawa 'yun sa sarili niyang bahay! Tapos gagawin mo siyang katulong? Wala ba kayong pampasahod kaya siya ang ginawa mong alipin?" Pagkatapos ay isang malutong at nakakabinging sampal ang natamo ko mula sa kanya.

Sunod-sunod na tawanan naman ang narinig ko sa mga kasamahan niya pagkatapos.

"Putcha! Ang lakas no'n ah! Pero hindi man lang namula ang mukha."

"Ang itim kasi. HAHAHAHAHAHAHA!" Sabi nung isang lalaking kasama nila.

"Hahahahahaha! Gago!"

"HAHAHAHAHAHAHA!" Nagtatawanan ang mga ito pero nananatili akong kalmado kahit na ang totoo gusto ko na ring maiyak sa lakas ng pagkakasampal ni Annia sa akin. Plus the fact na nasa may gilid pa rin ng pool si Mae.

Napayuko ako na halos kulang na lang ay lumuhod ako sa harap ni Annia. Hindi naman talaga ako natatakot para sa sarili ko eh.

Natatakot ako para kay Mae.

"A-Annia. Hindi kasi ako marunong l-lumangoy." Nanginginig ang bibig at mga kalamnan na pakiusap ko sa kanya.

Bukod kasi sa hindi talaga ako marunong lumangoy, alam kong napakalalim ng pool. Ito kasi 'yung ginagamit ng mga swimmers athletes. Lalo at hindi naman ako lulutang diyan kahit gaano ako kataba eh.

"So? Is that my problem?" Sarkastikong tanong nito sa akin. Sabay senyas niya sa dalawang lalaki na may hawak kay Mae na itinulak na ito sa gitna ng pool.

Agad naman na sinunod siya ng dalawa. Hindi ko mapigilan ang mapasigaw at ang tuluyang maiyak na nang makitang nangingisay na si Mae.

Mabilis na napatakbo ako sa may gilid ng pool. Hindi ko alam kung anong gagawin.

Alam kong marunog lumangoy si Mae pero hindi naman niya makakayanang gawin 'yun ngayon kung nakagapos siya.

Paulit-ulit na nakikiusap ako kay Annia at sa mga kasamahan niya pero para silang mga bingi at tuwang-tuwa pa na umiiyak ako. Nagawa pa nilang i-video ang pangyayari.

Hanggang sa hindi nagtagal. Bigla na lamang lumapit sa akin si Cybele at ako naman ang sumunod na itinulak niya.

"Bye! Bitch! Magsama kayo total parehas naman kayong mga chaka!" Rinig kong wika ni Annia habang nangingisay ako kung paano maaabot ang gilid ng pool.

"Mae! Mae mdskfsfkgg! Ah huh! Ah huh!" Wala akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak dahil sa takot. Hindi ko alam kung ito na ba ang magiging huling hininga ko.

Naiiyak din ako sa katotohanang wala akong magawa para kay Mae. Wala nga akong magawa para sa sarili ko, ang mailigtas ko pa kaya siya?

Hanggang sa napaubo na ako dahil nakakainom na rin ng tubig. Nawawalan na ako ng lakas at unti-unti na ring nanlalabo ang paningin. Pakiramdam ko rin, palubog na ang katawan ko. Hindi na ako makahinga pa at nauubusan na ng hangin sa katawan.

Ngunit kahit na ganoon, rinig na rinig ko pa rin ang tawanan at ang mga boses nina Annia na tuwang-tuwa pa habang pinanonood kami ni Mae na mauubusan na ng hininga.

Hanggang sa naaninag ko ang isang pamilyar na awra ng babae at nagmamadaling inilapag ang kanyang bag at walang sabing tumalon rin sa tubig

"KASSANDRA, WHAT ARE YOU DOING?!"

Ang boses na iyon ni Annia ang tanging narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay...

---

Nagising na lamang ako noong sandaling maramdaman ko ang mainit na likido na gustong lumabas sa ilong at bunganga ko bago ako napaubo ng maraming beses.

Pagkatapos ay bigla na lamang may yumakap sa akin ng mahigpit na mahigpit.

"Thank God! You scared me!" Rinig kong wika ni Zoe habang yakap ako. Basang-basa rin ang katawan at ang suot nitong uniform kagaya ko.

Noong marinig ko ang boses niya. Hindi ko mapigilan ang muling mapaluha at ang maiyak dahil sa pasasalamat na buhay pa ako.

Noong kumalas si Zoe mula sa akin ay mabilis naman na hinanap ng mga mata ko si Mae. Nakaupo ito sa tabi ko, hinihintay din palang magising ako. Agad na lumapit ito sa akin bago niyakap rin ako ng napakahigpit.

Kahit na may mga estudyante at mga teacher ang nakapalibot sa amin, hindi namin sila pinapansin at nagpatuloy lamang kami sa aming iyakan. Para kaming mga tanga na ngumangawa.

Takot na takot pa rin ako at akala ko talaga iyon na ang huling sandali na magkikita kaming magkaibigan.

"You're safe now." Rinig kong wika ni Zoe pagkatapos niyang kausapin ang aming Adviser at Principal.

Lumapit itong muli sa akin at lumuhod sa harap ko para siguraduhin kung ayos na ba talaga ako. Maingat niyang sinipat ang buong katawan ko. Hindi maitago ang labis na pag-aalala sa sa kanyang mukha.

Lalo na noong tignan niya ako ng diretso sa mga mata ko. Para bang nangungusap ang mga ito at sinasabing pinag-alala ko siya ng husto.

"Sorry." Bigla na lamang iyong lumabas sa bibig ko.

Ngunit natawa lamang siya ng mahina.

"Babatukan kita kapag nag-sorry ka pa ulit." Wika nito bago ako muling niyakap. "Pinag-alala mo ako ng husto." Dagdag pa niya.

"I'm sorry. Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng mga kaibigan ko." Pagpapatuloy niya bago muling kumalas sa pagyakap sa akin. "Sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila sa'yo. Sa inyo ni Mae." Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang panga nito.

Halatang nagpipigil ng kanyang emosyon.

Napahinga siya ng malalim bago ako binigyan ng malambing na ngiti. "Halika na, para makapagpalit na rin tayo ng damit."

Tumango ako at agad naman niyang inalalayan sa pagtayo. Ganoon din si Mae.

Hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga tuhod at kalamnan ko. Pero sa tuwing napapalingon ako kay Zoe at sa tuwing binibigyan niya ako ng ngiti, alam kong safe na ulit ako.

Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil dumating siya kanina para iligtas kami ni Mae. Iniligtas niya kami kahit na nariyan ang mga kaibigan niya. Hindi siya nagdalawang isip na iligtas kami kahit na kagagawan pa iyon nina Annia.

"Thank you." Nakangiti at buong puso na pasasalamat ko kay Zoe noong makarating kami sa locker room.

Ngunit hindi siya agad nagsalita at mataman lamang na nakatitig sa mukha ko. Hanggang sa napansin kong unti-unting bumababa ang kanyang mga mata sa aking labi bago ito mariin na napalunok habang nakatingin ng diretso rito.

"Uhmmm...Zoe?"

Napailing ito bago napaiwas ng tingin mula sa akin.

"S-Sorry."

"Sorry?" Naguguluhan na tanong ko. "Sorry ang sagot mo sa 'thank you' ko?" Pagkatapos ay napatawa ako ng mahina.

"Just... forget it. Alright?" Pagkatapos ay biglang nag-walk out ito.

Noon naman bigla akong napalingon kay Mae na patawa-tawa sa may gilid.

"Nagso-sorry siya kasi hmmmm..." tapos bigla siyang napanguso sa akin na animo'y gusto ng halik.

"Ha?" Hindi ko ma-gets.

"Hayst! Ang slow mo this time, huh!" Sabay batok nito ng mahina sa akin. "Tanga kasi minouth-to-mouth CPR ka ni Kassandra kanina!" Paliwanag nito sa akin na siyang dahilan kaya awtomatikong namula ang buong mukha ko.

A-ANO RAW???!!

"Siguro na-temp siya na i-kiss ka kanina kaya napatulala siya sa'yo. Tapos nag-walk out na lang siya kasi baka masira pagkakaibigan---"

Mabilis na tinakpan ko ang bibig nito dahil sa kadaldalan niya at baka may ibang makarinig sa pinagsasabi niya.

Pero wait... ginawa talaga 'yun ni Zoe kanina? Nagugulantang na tanong ko sa aking sarili.

Pero bakiiiiiittttt? I mean, bakit siya mate-temp na i-kiss ako? Eh 'di ba friends lang naman kami? Atsaka parehas kaming...

Natigilan ako sandali bago mabilis na napatakip ng dalawa kong palad sa aking bibig.

Hindi kaya... may crush siya sa akin?

HAHAHAHAHA!

Isang malutong na tawa ang pinakawalan ko nang maisip iyon. Mukhang totoo nga ang sinasabi nilang 'Love is blind'. Paano naman siya magka-crush sakin, sa itsura kong ito?

Pfftt!

Chapitre suivant