webnovel

CHAPTER 3

Now playing: Superficial Love - Ruth B.

Elena POV

Preskong simoy ng hangin ang malalanghap mula rito sa may soccer field ng University.

"Hmmmm! Ang sarap mo talagang magluto, El. Pwede bang kahit isang linggo ampunin ka muna namin sa bahay?" Pambobola sa akin ni Mae.

Natawa lang ako sa sinabi nito habang napapailing. Ipinagluto ko kasi si nanay kaninang umaga ng beef steak kaya naman nagbalot na rin ako para sa baon ko ngayong tanghalian. Pinasobrahan ko na rin dahil alam kong kapag ganitong may baon ako ay nakikisabay sa akin si Mae.

Ang sarap kumain kapag ganitong may kasama ka na magana ring kumain. Lalong napaparami ang pagkain ko eh. Lalo rin akong mananaba.

"Alam mo kapag ikaw talaga ang kasabay ko sa pagkain, hindi uso talaga ang diet eh." Wika ko.

"Sira! Ikaw nga itong ang sarap kasabay sa pagkain. Paano walang arte sa katawan." Muli akong natawa.

"Halata naman sa katawan 'di ba? Kahit anong ihain mo d'yan, siguradong kakainin ko talaga." Dagdag na biro ko rin. Kaya naman sabay na nagtawanan kaming dalawa.

Hanggang sa may bigla na lamang na sumaboy ng tubig sa akin habang kumakain. Nadamay pa ang pagkain na kinakain namin ni Mae at pati na rin ang palda niya. Habang ako naman ay basa na naman ang uniform pang itaaas.

Napahinga na lamang ako ng malalim. Lalo na noong marinig ko na pinagtatawanan ako nung mga sumaboy ng tubig sa akin. Bago ito tuluyang nagsitakbuhan palalayo sa amin.

"Napakawalangya talaga ng mga tao rito!" Rinig kong reklamo ni Mae at napamura pa ng mahina sa dulo.

"Hayaan mo na! Magbibihis na lang ako mamaya." Pagpapakalma ko naman sa kanya.

Mabuti na lang at mayroon pa akong pamalit dahil kaninang umaga, muling sinabayan na naman ako ni Kassandra sa may gate kaya walang nang-bully sa akin.

"S-Sorry talaga, El. Hindi man lang kita magawang---"

"It's alright." Putol ko sa kanya. "Hindi mo naman kailangang gawin yun. Kaya ko namang magtiis." Dagdag ko pa. "Hindi mo ako kailangang ipagtanggol."

"Yun na nga eh. Tinitiis mo na lang."Sagot naman niya. "Ewan ko ba kung bakit hinahayaan lang din ng University na ito ang pangbu-bully. Wala naman silang ginagawang aksyon bukod sa pagagalitan at ipatatawag ang mga magulang nangbu-bully sa'yo eh. Pagkatapos no'n? Ano? Wala na! Kaya sila nasasanay eh. Porke't anak ng mayayaman kasi kaya hinahayaan na lang din nila." Pagpapatuloy pa niya.

"Sshhh. Ano ka ba! Baka may makarinig sa'yo." Saway ko sa kanya. Bago ito mahinang hinampas sa kanyang braso.

"Eh bakit? Totoo naman ah." Muling wika niya habang pinupunasan ang noo at ulo kong nabasa ng tubig.

"Ahem!" Sabay kaming napalingon ni Mae noong marinig namin na may napatikhim mula sa aming likuran.

Nanlalaki ang aking mga mata noong makita namin ang isang lalaki na seryosong nakatingin sa amin. Agad naman akong kinabahan, hindi para sa sarili ko kundi para kay Mae.

Paano kung dahil sa mga nasabi niya ay siya na ang susunod na i-bully?

Napalunok ako ng mariin. Lalo na noong humakbang ang lalaki palapit sa amin. At iniabot ang bitbit nitong paper bag na mayroong mukha ni Jollibee. Noon ko lamang napansin 'yung hawak niyang iyon.

Dahil walang may isa sa amin ni Mae ang kumuha nito mula sa kanya. Kaya siya na lang ang naglapag nito sa aming harapan. Sa lapag lang kasi kami ni Mae nakaupo. Sa mismong damuhan at naglatag lang ng manipis na tela upang hindi marumihan ang aming suot na uniform.

"P-Para sa inyo 'yan." Wika ng lalaki bago napakamot sa kanyang batok. Magsasalita na sana ako para tanungin siya kung bakit at para saan iyon nang magpatuloy siya.

"May nagpapabigay lang." Sabi niya.

"Sigurado ka? Baka naman may lason 'yan ha! Kanino naman galing? Aber!" Taas noo na tanong ni Mae sa kanya. Ngunit binigyan lamang siya ng ngisi ng lalaki.

"Tanga ka ba? Napag-utusan lang nga ako, 'di ba?" Supladong wika nito at tatalikod na sana nang mabilis siyang mahawakan ni Mae sa kanyang suot na uniform para pigilan.

"Hoy! Hoy! Kainin mo muna itong fries at baka mamaya may lason 'yan---"

"Mae, hayaan mo na." Saway ko kay Mae bago ito makahulugan na tinignan.

"Eh ba't ba? Gusto ko lang namang malaman kung kanino 'yan nanggaling." Sagot naman niya sa akin.

Pwersahan naman na nagpumiglas 'yung lalaki at inayos ang kanyang suot.

Noon naman ay napansin ko ang maliit na sticky note na nakalagay sa loob ng paper bag. Agad na kinuha ko iyon at tinignan.

"Paki balik yung panyo ko. 5pm sa likod ng gym." Ang sabi sa nakasulat.

Awtomatiko naman na gumuhit ang ngiti sa aking labi at tinignan si Mae.

"Kanino nanggaling? Anong nakalagay sa note?"

Napailing lamang ako bago itinago na ang sulat. Tinignan ko 'yung lalaki at binigyan ng isang ngiti.

"Makakaalis ka na. Thank you." Nakangiting pasasalamat ko sa kanya.

"Tss!" Iyon lamang ang tanging narinig namin sa lalaki bago ito tuluyang tumalikod.

"Hanip makangiti ha!" Panunukso ni sa akin ni Mae. "So, kanino nga kasi nanggaling?" Curious na tanong niya.

"Kay Kassandra." Tipid na sagot ko sa kanya.

Mabilis naman itong napahampas sa aking braso bago kilig na kilig na animo'y uod at nagpapadyak pa.

Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya.

"Gagi! 'Di nga?!" Namumula ang buong mukha na wika niya.

Noon ko lamang naalala na matagal na nga pala siyang obsessed kay Kassandra. Dahil girl crush niya ito.

"Ipakilala mo naman ako next time kay Kassandra, El. Mukhang nagiging close na kayo eh!" Muli akong natawa sa sinabi niya. Umuo na lamang ako para wala nang maraming usapan at kulitan pa.

Kahit na ang totoo ay hindi ko rin alam kung paanoo iyon mangyayari. Hindi naman kami close talaga ni Kassandra para humiling sa kanya ng mga bagay na ganoon eh. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talagang intensyon no'n bakit ang bait sa akin.

Kaya nung uwian na, pagkatapos na pagkatapos ng huling klase, bago pa man ako tuluyang pumunta sa aming eatery ay agad na dumiretso na ako sa likod ng gym.

Kung saan, hindi ko alam na naghihintay na pala siya sa akin.

Si Kassandra.

Prenting nakaupo ito sa bench kung saan kami madalas maupong dalawa. Habang nagbabasa ng libro. Hindi niya ako kaagad napansin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mapagmasdan siya mula rito sa aking kinatatayuan.

Grabe! Napakaganda niya talaga! Alam mo 'yung para siyang isang Prinsesa habang nagbabasa. Nakaayos at nakalugay ang mahabang buhok niya. Habang tinatangay ng ihip ng hangin ang ilang hibla nito. Naka-straight body na upo siya habang naka-cross legs pa.

Haaayyyy. Napapanganga na lamang ako habang tinitignan siya. Kaya bago pa man pasukan ng langaw 'yung bunganga ko ay nagpasya na akong lapitan siya.

"Kassan---"

"Just call me, Zoe." Mabilis na putol nito sa akin bago inalis ang kanyang mga mata sa kanyang binabasa at tuluyang ibinaba ito at isinarado.

"Zoe?" Kunot noo na tanong ko sa kanya.

Napatango ito bago tumayo. Humakbang din siya ng dalawang beses para mas makalapit sa akin. Hanggang sa isang dipa na lang ang pagitan namin.

Andiyan na naman 'yung mga mata niyang hindi inaalis sa mukha ko.

Hindi ba siya nasusuka sa pagmumukha ko? Tanong ko sa aking sarili.

'Yung iba kasi diring-diri na makita ako o pinagtatawanan ako, pero siya naman....para bang--- hindi naman sa nagiging assuming pero the way she looks at me, sa itsura kong ito, para bang ako ang pinakamaganda sa kanyang paningin.

Alam n'yo 'yung ganung tingin?

"Para unique. Ikaw lang ang papayagan kong tatawag sa akin using my second name." Paliwanag nito.

Dahil sa narinig ko ay kusang gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa sinabi niya o dahil masaya lang talaga akong kasama siya.

"Salamat nga pala." Sabay abot ko sa panyo na ipinahiram nito sa akin.

Ang tanging nag-iisang dahilan kung bakit narito ako ngayon sa harapan niya. Kung saan din nag-umpisang maging magkaibigan kaming dalawa.

Agad na kinuha niya iyon sa akin ngunit nasa mukha ko pa rin ang kanyang mga mata.

"Salamat?" Napangisi ito.

"Hindi ako tumatanggap ng thank you nang walang kapalit." Dagdag pa niya.

"H-Ha?"

"Nilibre kita ng jollibee kanina. Kaya ilibre mo rin ako." Diretsahan at taas noo na sabi nito sa akin.

Hindi ko tuloy alam kung anong i-re-react ako. Seryoso ba siya?

"A-Ano namang ililibre ko sa'yo?" Natataranta na tanong ko sa kanya. "Anong pagkain ba ang ma-a-afford ko para sa'yo?" Dagdag na tanong ko pa ngunit pinagtawanan lamang ako nito.

Nagwawala na ang isipan ko sa pag-aalala kung anong pagkain ang ibibigay ko sa kanya kapalit ng binili niyang jollibee. Tapos pagtatawanan lang niya ako.

Haler! Nag-o-overthink na kaya ako! Hmp!

"Kahit ano." Sagot nito.

Wala naman akong pera para lang ipang libre sa kanya ano?

Pero kaya mo siyang ipagluto ng masarap na pagkain. Biglang isang ideya ang biglang pumasok sa aking isipan. Agad naman akong nabuhayan.

"Ah! Alam ko na." Biglang nawala 'yung nerbyos ko. "Kaya lang baka sumakit tyan mo dahil hindi ka sanay sa mga pagkaing---"

"Let's go then!"

Hindi pa nga ako tapos sa pagsasalita nung bigla niyang hilain ang braso ko paalis, hanggang sa tuluyang makalabas kami ng campus.

Ba't ba ang hilig niya akong hilain sa braso? Ako naman itong ang taba-taba nagpapahila rin sa kanya. Hayst.

Nilakad lang namin 'yung eatery mula sa University kasi malapit lang naman. Pero si Kassan--- I mean, si Zoe. Para bang hindi man lang napagod.

Gano'n talaga siguro kapag nagwowork out. Ano? Isa pa, hindi ko alam ang daldal niya pala. Ang dami na niya yatang naikwento bago pa man kami makarating sa eatery.

Tapos 'yung mga pinagsasabi niya minsan ang we-weird. Tanungin ba naman ako ng...

"Paano umiihi ang manok?"

"Anong nauna sa itlog at manok?"

O kung hindi naman kaya...

"Bakit anxiety ang tawag tapos malungkot, hindi ba dapat daw masaya? Kasi ansaya-teh!"

HAHAHAHAHA!

Sumasakit 'yung tiyan ko katatawa sa mga pinagsasabi niya. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakarating na pala kami sa eatery.

Awtimatikong natigilan ako sa aking pagtawa nang makita si Mae habang napapatulala kay Zoe noong papasok na kami sa loob.

"Dito ka nga pala kakain. Welcome to our small business. Hehe." Paliwanag ko kay Zoe habang iginagala naman nito ang kanyang paningin sa buong paligid.

Errr! Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Zoe. Wala naman kasing tumatawag sa kanya noon eh.

Mabilis naman na lumapit si Mae sa akin at pasimple akong binulungan.

"At bakit kayo magkasama pa rin ni Kassandra?" Tanong nito na may halong pagdududa.

Nagkibit balikat lamang ako bilang sagot sa kanya.

"May utang ka na kwento sakin ha!" Bulong nito na may kasamang kurot pa sa tagiliran ko.

Aray ha! Ang sakit no'n.

At mabilis na lumapit ito kay Zoe para ipakilala ang kanyang sarili. Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Araw ng Biyernes ngayon kaya wala ang mga magulang ko.

At kapag Biyernes, ako at si Mae ang nagbabantay sa eatery sa hapon hanggang sa mag-close na kami. Depende rin kapag naubos na agad ang mga putahe na paninda namin.

Pagkatapos kong maayos ang mga putahe na para kay Zoe ay isa-isa kong ipinakilala sa kanya ang mga ito. Baka kasi hindi niya alam kung anong tawag sa mga ito. Ipinaghain ko siya ng inihaw na isaw, inihaw na atay ng manok, kwek-kwek, sinamahan ko na rin ng balut, chicharong bulaklak, fish ball, betamax, adidas, isang bowl ng bulalo na may isang cup ng rice, goto at pares.

Para mamimili na lang siya sa mga iyon. Hahaha.

Noong una ay para bang nandidiri pa siya. Lalo na sa isaw, betamax at atay ng manok. Ang itim daw kasi ng kulay. Hahahaha. Ngunit nung natikman na niya ay hindi na niya mapigilan ang sarili.

Nagustuhan din niya 'yung pares at bulalo na timpla ko mismo. Hindi ko mapigilan ang lalong matuwa sa kanya. Makita ko lang siya na busog na busog sobrang saya ko na.

Ngunit ang pinakanagustuhan niya ay 'yung kwek-kwek. Grabe! Naka 15 piraso yata siya bago niya ito tinigilan.

Para siyang bata na tuwang-tuwa at makikita rin sa mga mata niya na nagustuhan at na-enjoy niya ang mga pagkain na inihain ko sa kanya.

Dahil din kay Kassan---errrr, kay Zoe, ang agang naubos ng mga paninda namin.

Paano namang hindi eh halos lahat ng napapadaan sa eatery namin ay napapatingin sa kanya habang kumakain. Lalo na at ang ganda pa niya. May iba pa ngang napadaan na vlogger at kinunan siya ng litrato at video habang kumakain.

Na-promote tuloy ng wala sa oras ang eatery namin. Hehehe. Sigurado akong matutuwa talaga ang mga magulang ko kapag nalaman nila ang ibabalita ko ngayon.

Nagliligpit na ako ng pinagkainan ni Zoe nang ma-realize ko na siya ang kauna-unahang estudyante ng St. Claire na nakakain dito sa aming eatery.

Hindi ko mapigilan ang maluha kahit na pilit na pinipigilan ko dahil sa saya na nararamdaman. Sobrang nakakataba lamang kasi ng puso.

"Thank you sa pag libre." Nakangiting pasasalamat ni Zoe sa akin noong palabas na siya ng aming eatery. "Mukhang sobra-sobra ang ibinigay mo sa akin kaya nagbayad na lang din ako kay Mae."

"Ha?!" Gulat na bulalas ko. Babalik pa sana ako sa loob para kunin kay Mae ang bayad at maibalik sa kanya noong mabilis niya akong hawakan sa braso.

"It's your family business, piggy." Wika nito. "It's alright." Dagdag pa niya. "Thanks again." Muling pasasalamat niya at hanggang ngayon ay hindi pa rin nabubura ang ngiti sa labi niya.

Napaiwas ako ng tingin bago napatikhim.

"Wala 'yun. Ako nga ang dapat magpasalamat sa'yo eh. T-Thank you kasi dahil sa'yo naubos agad ang paninda namin." Nakangiting wika ko.

Napailing lamang siya bago ginulo ang buhok ko.

"I'll see you on Monday!" Nakangiting wika niyang muli. Awtomatikong naramdaman ko ang pang iinit ng buong mukha ko.

Kanina medyo nada-down na ako kasi baka ito na ang huling araw na magkakasama kami. Dahil naibalik ko na sa kanya ang panyo. Wala na siyang dahilan pa para sundan ako palagi o gustuhing makita.

Pero noong marinig ko sa kanya ang mga katagang iyon, muling sumigla ang pakiramdam ko.

"S-See you." Iyon na lamang ang tanging nasabi ko habang kumakaway sa kanya. Bago ito tuluyang sumakay sa itim na mamahaling sasakyan na huminto sa harap niya.

Hindi ko akalain na magiging ganito kami kalapit ni Zoe. Samantalang noon, para lang siyang hangin sa akin. I mean, ako pala. Para lang akong hangin sa paningin niya na hindi niya napapansin.

---

Nasa aking higaan na ako at handa na sa pagtulog nung tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong tinignan kung sino ang nag-text.

Si Mae lang pala.

"Hoy! Hindi kaya sumakit ang tiyan ni Kassandra dahil sa mga nakain niya?"

"Bakit naman?" Reply ko sa kanya.

"Sigurado akong hindi yun sanay sa ganoong mga pagkain. I mean, sa ganoong kainan. Eh alam mo namang rich kid yun eh."

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa aking sarili. Rich kid nga siya pero parang hindi halata. Hayyy! Ngayon ko napapatunayan na kakaiba siya sa mga kaibigan niya.

"Grabe siya! Hindi naman siguro. Atsaka isa pa, malinis naman yung mga pagkain natin ah."

Ngunit may pag-aalala na nabuo sa aking isipan. Sana nga hindi sumakit ang tiyan niya. Ang dami niya kayang nakain na isaw at kwek-kwek kanina. Baka naman maimpacho 'yun. Kawawa naman.

Chapitre suivant