Jacey
It's Saturday today and the previous days was good... as usual tssh. After nung incident namin ni clumsy rugged woman nung Tuesday ay hindi na kami nagpansinan pa sa mga sumunod na araw, naging neutral naman ang lahat. Pero hindi pa din maiiwasan na may makasagupa akong masasama at malalanding espiritu tssh. Syempre hindi mawawala si Cedrick tssh, hatid sundo kasi siya kay clumsy rugged woman tsk.
At si Primo? ayun tssh, mukhang unggoy padin tsk. Siya lang naman nakakausap ko sa school kaya pinatulan ko na tsk, inaya pa nga ko mambabae eh bwiset.
Andito ako ngayon sa Orphanage, namimiss ko na kasi sila Sister Lily at yung mga bata. Sobrang stress nalang kasi ako nung mga nakaraang araw tssh.
"Jacey anak, buti naman at napadalaw ka, sobrang namiss ka ng mga bata, lalo na ako" masayang sabi ni Sister Lily sa kin. Nginitian ko siya saka niyakap.
"Namiss ko din po kayo sister lily pasensya na po kung natagalan ako sa pagbisita" sabi ko sa kanya.
"Naku ayan ka na naman, isang buwan ka lang hindi nakabisita Sister na naman uli ang tawag mo sakin saka ok lang alam ko naman na busy ka na sa pag aaral mo eh nabalitaan ko na nalipat ka na daw sa Main ng school na hawak ng daddy mo." sabi niya saka naglakad na kami.
"Haha sorry po nay, opo nilipat na po ako ni dad. Mas nakakastress nga po eh kasi syempre nandun po yung mga anak ni dad. Hindi po natatapos yung araw ko ng hindi sila nakakasagupa." iling na sabi ko sa kanya.
"Hay nako, hayaan mo nalang sila anak, ang mahalaga naman wala kang ginagawa sa kanila eh. Saka nanjan naman ang dad mo para ipagtanggol ka sa kanila hindi ba?" tanong naman niya.
Napabuntong hininga nalang ako, bukod kasi kay Marcus, si Nanay Lily ang nasasabihan ko ng mga problema ko.
"Hindi naman po lagi nanjan si Dad para ipagtanggol ako. Pero iniiwasan ko nalang po sila hanggat maaari." sabi ko saka bumuntong hininga.
Naupo kami sa isang mahabang upuan na gawa sa bato at tanaw namin ang mga bata na naglalaro. Nakita naman ako ng mga bata kay agad silang lumapit sakin.
"Kuya Jacey! namiss ka po namin!" masiglang bati sakin ng mga bata, agad ko naman silang nginitian at isa isa silang hinaplos sa ulo.
"Namiss ko din kayong lahat" masayang sabi ko. Hayss ngayon nalang uli ako ngumiti ng totoo. Sila lang kasi yung dahilan ko para sumaya eh. Nakikita ko kasi yung sarili ko sa kanila, and I hope someday magkaroon din sila ng pamilyang maayos at mamahalin sila.
"Ate Jacey ang ganda ganda at ang gwapo gwapo mo po padin po" nakangiting sabi sakin ni Paulo, siya yung pinaka paborito ko sa lahat kasi napaka cute at ang taba taba niya haha.
"Oo nga po Kuya Jacey, sana po ganyan din ako sainyo. Siguro po madami nagkakagusto sainyo po noh" sabi naman ni Kayla bestfriend siya ni Paulo.
"Hay nako kayo talagang mga bata, lahat kayo magaganda at gwapo ok walang pinanganak na pangit ang diyos kaya lahat tayo pantay pantay" nakangiting sabi ko sa kanila saka tumabi sila sa akin agad naman umalis si Nanay Lily.
"O siya jan muna kayo sa Ate kuya jacey niyo, wag niyo siya kulitin ha alam ko excited kayo pero wag kayo masyadong malikot." paalala naman ni nanay lily na sinangayunan naman ng mga bata. Mga lima lang sila dito siguro yung iba nasa loob lang.
Ate kuya ang tawag nila sakin kasi gwapo at maganda daw kasi ako basta yun tssh.
"Ok lang po nay lily saka namiss ko din po sila, ang tagal na po naming hindi nakakapaglaro eh, diba?" sagot ko naman habang tumitingin sa mga bata agad naman silang tumango na ikinangiti nalang ni nanay lily.
"kayo talaga o sige na, jacey puntahan mo nalang ako sa garden kung may kailangan ka ha." sabi niya
"Sige po nanay" ngiting sagot ko naman kaya umalis na siya.
"Kuya namiss ko po yung ngiti ninyo, napakaganda niyo po kasi eh tapos yung dimples niyo po sobrang cute hehe" sabi sakin ni Kayla siya yung may crush sakin haha, sinabi niya sakin dati nung 9 years old siya. Lahat sila dito ay 10 yrs old na.
"Gusto mo bigyan kita dimples kayla?" ngiting tanong ko sa kanya.
"Edi mawawalan po kayo saka mababawasan na po yung kapogian niyo" sabi naman niya sakin na kinailing ko nalang.
"Aya jacey, naguusap pa po ba kayo ni ate kaycee?" tanong naman sakin ni Orly yung bunso sa kanila, Aya means Ate kuya bale pinagsama lang.
Sinama ko na din kasi si kaycee dito medyo pinilit ko lang siya nun kasi hindi naman daw siya gaanong mahilig sa bata kaya isang beses lang siya napunta nun dito.
"Oo naman, magkaibigan naman kami Orly" nakangiting sabi ko sa kanya.
Yeah, at least sa tingin ko naman magkaibigan parin kami
"Buti po nag uusap kayo kahit po hindi niyo na siya Girlfriend" sabi naman ni Hannah, same sila ni Kayla may crush sakin... actually halos lahat sila haha mga bata nga naman tsk.
"Oo naman hannah syempre kahit ganun yung pinagdaanan namin dapat maging mabait padin kayo sa isat isa" nakangiting sabi ko naman sa kanila.
"Aya namimiss na po namin maglaro ng Archery, pwede po turuan niyo kami ulit" masayang sabi naman ni Lory.
"Saka po pwede kwentuhan niyo kami ulit ng nakakatawa, nakakamiss na po kasi yung bonding natin eh." sabi naman ni Tory na kakambal ni Lory.
"Sige ba tutal namiss ko kayo at matagal nadin tayong hindi nakapag laro, ano tara!" nakangiting sabi ko sa kanila at agad naman silang napasigaw sa tuwa kaya nagsimula na kaming maglaro.
»»»»»Nandito na ako ngayon sa may Garden ng Orphanage, kasama si nanay lily. Tapos na kaming maglaro ng mga bata at ayun nakatulog sila isa isa kakakwento ko at sa sobrang pagod. Ngayon nalang uli kasi ako naglaro ng archery at nakakamiss din sobra hays.
"Namiss ka talaga ng mga bata, nakatulog agad sila sa sobrang pagod. Ngayon nalang uli sila naging masaya ng ganyan." nakangiting sabi ni nanay lily.
"Oo nga po eh, hayss namiss ko po talaga kayo nay pati na po ang orphanage." sincere na sabi ko sa kanya.
"Kamusta naman ang pagaaral mo anak, masaya ka naman ba?" tanong sakin ni nanay.
"Ok naman po nay, pero hindi ko po masasabing masaya ako. Ewan po, hindi ko po mahanap yung saya ko eh. Feel ko po kasi napakadaming kulang sakin." malungkot na sabi ko kaya lumapit siya sakin.
"Wag ka mag alala anak, darating din yung panahon na lahat ng kalungkutan mo ay mapapalitan din ng saya. Basta buksan mo lang yung puso mo, at tanggapin lahat ng biyaya at saya na dadating sa buhay mo. Alam ko galing ka sa madilim na simula at hanggang ngayon ay nakakulong ka padin sa dilim ng buhay mo pero alam ko, kaya mo pading makawala sa dilim na yan at mahahanap mo din ang liwanag mo." nakangiting sabi sakin ni Nanay lily kaya niyakap ko siya.
Napaluha nalang ako ng di inaasahan dahil sobrang namiss ko talaga ang pagkalinga ng isang ina. Nanjan nga si daddy pero hindi naman niya ako nakakausap sa mga gantong bagay eh.
"Salamat po nay, salamat sa lahat lahat. Kahit po lumaki ako ng walang magulang, kayo ang nagsilbing ina ko at tinuring niyo po ako na parang tunay na anak. Utang ko po sayo ang lahat nanay" sabi ko sa kanya habang nakangiti, pinunasan naman niya yung luha ko.
"Mahal kita anak, at kahit sino sa mundong ito, mamahalin at tatanggapin ka. Tandaan mo nandito lang ako lagi para sa iyo ha." nakangiting sabi niya kaya niyakap ko uli siya.
"Haha nako nay natuluan ko na po yung damit niyo, pinaiyak niyo po kasi ako eh haha" nakangiting sabi ko naman habang pinupunasan yung luha ko.
"Ikaw talagang bata ka, ang cute cute mo padin pag umiiyak. Hmm, hula ko, ngayon ka lang uli ngumiti ano? tignan mo yang ngiti mo oh halatang isang buwang hindi lumabas" turo niya sakin.
"Haha kayo lang naman po ang dahilan nito nay eh, kayo pong mga nagmamahal sakin ng tunay." sabi ko naman habang nakatingin sa paligid.
"Hay nako, napaka ilap mo talaga sa iba. Sana anak sa susunod, sumaya kana uli sa iba, o sa piling man ng iba at gusto ko pagbalik mo dito eh magniningning na ang mga mata mo sa tuwa at pagmamahal." nakangiting sabi sakin, alam ko malabo hay pero malay ko nga naman diba tssh.
"Sana po nay, pero hindi ko pa po kasi alam kung kailan ako magiging handa eh. Lalo po na, masakit padin po para sakin yung lahat." sabi ko saka hinawakan naman niya ang palad ko.
"Anak, may mga bagay na hindi nalang natin namamalayan na mangyayari, lahat ng tao may tamang oras para sumaya at umunlad. Kaya naniniwala ako sayo anak, buksan mo lang ang isip at puso mo." ngiting sabi niya sakin kaya nginitian ko na din siya.
"Ang ganda ganda gwapo gwapo mo talaga anak, hindi ko akalain na mapapadpad ang isang tulad mo dito sa ampunan. Pero ang alam ko, ang lahat ay may dahilan, masama o mabuti man ngunit alam kong ginawa iyon para lamang sa ikakabuti ng taong pinaglalaanan niyon." sabi ni nanay habang nakahawak sa pisngi ko. Kaya nginitian ko lang siya, hindi ko alam kung ano ang iisipin pagdating sa mga magulang ko, basta ang alam ko lang, galit ako at kinamunuhian ko sila dahil naging ganito ang buhay na kinagisnan ko.
"Nga pala anak, may mga kaibigan ka ba o ibang kakilala na mayayaman o taga ibang bansa?" tanong sakin ni nanay kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot.
"Hmm wala naman po nay, alam niyo naman po diba hindi ako marunong makipag kaibigan." sagot ko kaya napaisip naman siya.
"Sigurado ka ba, kasi nung nakaraan lang ay may naghahanap sayo. Sinabi pa nga niya na Jacey yung hinahanap nila eh, akala ko naman mga kaibigan o kamag anak niyo iyon ng Villamonte." sabi naman niya.
"Hmm baka ho kapangalan ko lang nay, ano po sinabi niyo sa kanila?" tanong ko.
"Wala anak, isa din kasi sa habilin ng dad mo na wag ipaalam kung may maghanap sa iyo. Hindi ko naman alam kung bakit lalo't paano kung tunay na mga magulang mo ang maghanap sa iyo diba?" sagot naman niya. Wait pero bakit? hindi ko alam na ayaw ipaalam ni dad ang tungkol sakin. tssssh ewan!
"Ganun po ba, ahm a-ano po bang itsura nila? matanda na po ba?" tanong ko, baka sakali kasi... baka lang.
"Hindi anak eh, mukhang bata pa sila mukhang magkasintahan na mga nasa edad 20 lang hindi ko nga alam kung anong pakay nila dun mukhang mayayaman naman sila at mukhang hindi nila magagawang magpaampon ng bata." sabi niya na ikinalungkot ko... hayss wag ka na umasa jacey hayaan mo nalang...
"Ah ok po nay, siguro nga po ibang Jacey lang yung hinahanap nila." sabi ko nalang habang nakangiti.
※※※※※
Serene
Nandito kami ngayon sa mall at mag goGROCERY lang kami. Ayaw kong gumala ngayon dahil wala lang tinatamad ako tss. Ako na kasi nagpresenta kay nanang dahil wala din naman akong gagawin ngayon at kakatapos lang din namin ni Bestfy kaninang umaga mag gym.
Hapon na kaya medyo madami dami na din ang tao dito. Kasama ko sila Bestfy at syempre si Cedrick hays sabi ko nga wag na sumama eh tsk. Andun lang siya sa labas nag aantay samin sabi ko kasi kaya naman namin tss.
"Bestfy dun muna ako sa drink section, kukuha lang ako ng alak—este juice tubig ganun hehe basta!" sabi naman niya sabay alis tsk may balak pang magwalwal yung bruhang yun tsk.
Naglibot ako para kunin yung last na item sa listahan ko and at last kumpleto na.
"Chili sauce, Check!" hmmp mahilig kasi ako sa maanghang saka dati napagtripan ko na si bestfy, nilagyan ko lang naman ng chili sauce yung chocolate cake niya, tsk akala nga niya honey syrup eh HAHA!
Pagkatapos ay naglakad na ako dahil naalala kong kukuha nga pala ako ng paborito kong fibisco cookies, Yum!
Nilagay ko muna sa gilid ko yung cart saka mabilis na hinablot yung cookies pero bago ko makuha ay may mala the grudge na kamay ang dumapo sa hawak ko at nilingon ko naman ang salarin at agad na uminit ang ulo ko.
SHIT BAT BA NANDITO TO!!
"I went first" walang emosyon na sabi niya. Aba't ang kapal talaga ng kumag na to tssk!
"Nauna ako kaya akin to!" agad ko namang kinuha pero hindi padin niya binibitawan.
"No, get your own!" medyo inis na sabi niya. tsssk!
"Hindi mo bibitawan?! akin na!" sabi ko habang hinahablot yung cookies, poor cookies sorry kung lamog lamog kana mamaya.
"NO! I said get yours!" nakakunot na sabi niya, kaya napalakas ang hablot ko pero napigilan niya ako at napasubsob ako sa kanya habang hawak padin namin yung cookies.
SHIT! BAKIT BA LAGING GANITO NALANG YUNG ENCOUNTER NAMIN! ARRGHHH!
Napalunok ako nung mapatitig na naman ako sa mga mata niya, I don't know kung reflection ba ng mata ko yung nakikita ko sa kanya coz...
Her eyes were sparkling and lustrous habang salitan ang pagtitig nito sakin, I don't know kung natural lang ba dahil may kung anong Gold fleeks ang nakapaligid sa mga mata niya which makes it more... stunning
Maya maya ay nakita ko sa peripheral ko na hinulog niya sa cart niya yung cookies na naagaw niya sakin pero nanatili pa din akong nakatingin sa kanya. Lumaki ang mata ko nung mapangisi siya sakin ng tipid.
Oh my god! She has deep dimples
Hindi masyadong malalim yung kanina pero siguro kung ngumiti ay mas lalabas yun ng maayos... ARGHH! ano ba iniisip mo SERENE!! inagaw niya yung cookies moo!!!
With that thought, tinignan ko siya ng matalim saka huminga ng malalim at bagsak balikat akong humarap sa mga cookies saka padabog na kumuha ng dalawang balot nun at inis na nilagay sa cart habang matalim padin ang tinging umalis sa harap niya at kinuha ko ang cart sa gilid niya at naglakad na sa likod niya. TSKKK!! BWISET TALAGA!!!
Tinawag ko na si Andy para makapagbayad na kami at makauwi na kami agad, tsk!!
"ANDY! BILISAN MO JAN! KUNG AYAW MONG MAPUKPOK KO SAYO YUNG MGA BOTE JAN!" bwiset isa din to, ayun nakikipaglandian pa siya dun sa lalaking nakaassign dun sa drink section tssk!
Nakarating na kami sa Counter at si Andy na yung pinag alis ko ng mga binili ko sa cart habang ako nakatalikod lang at naka cross arms.
"Bestfy anyare na naman at ganyan ang mukha mo, mukha kang naagawan ng jowa eh—ay wala ka nga pala nun hehe" sinamaan ko naman siya ng tingin tssk! isa pa to eh bwiset!
"Andito kasi yung Bonnet freak na yun eh, ayun naka agawan ko jan sa Cookies na binili ko hayst! nakakairita talaga siya kainis!" natapos na siya sa pagaalis ng mga binili namin saka humarap sakin.
"WHAT!—" agad ko namang tinakpan ang bunganga niya tskk!
"Hinaan mo nga yang boses mo kung makareak ka naman parang hindi mo siya nakita kahapon tsk nakakasawa na nga pagmumukha nun eh tsss."
Weh? talaga ba serene?
SHUT UP!!
"Eh bestfy nasan na siya? di mo ko tinawag—" "Gaga ka talaga! pano kita tatawagin kung nandun ka sa drink section at inaakit yung mala espasol na lalaki dun ha!" inis na sabi ko sa kanya. Kaya napakamot naman siya tsssk.
"Eih bestfy wele leng ehe kes—" "Sige ituloy mo yan at ipapasok ko tong bote ng suka sa bunganga mo!" sabi ko na ikinatikom naman niya tss.
"Oo nga pala bestfy, may sasalihan ka na ba dun sa Sportsfest bukod DOON sa you know" napaisip naman ako tsk nung nakaraan kasi kasali ako sa Billard and Archery, sa Billard lang ako nakapasa sa Elimination at hindi sa Archery, kaya isa ako sa naging representative sa Billard.
"Ewan ko, pagiisipan ko pa tsk. Pero baka sa Billard nalang dahil wala akong pag asa jan sa Archery." bored na sabi ko naman sakanya habang nakatalikod padin sa counter.
"Sus wag mo na pag isipan, alam mo namang TAYO ang Best weapon ng Main VU sa Billard eh" sabi naman niya.
Dalawa kasi kaming nirepresentative sa Billard nun dahil unti lang yung naging nominees and so far kami ang napili, dalawa lang kasi ang maglalaro sa finals.
"Tsk sabagay, for sure sa Swimming sila Karen and Fiona." sila din kasi dalawa yung tandem sa Swimming. Kaya medyo may pagka fame na din kami sa school eh dahil dun.
"Yunn! Yess! bestfy bayaran mo na" sabi naman niya, nakabalot na kasi yung mga binili namin.
"2,465 po lahat maam" sabi nung cashier sakin... ohh ang baba naman? anyare?? tssk bahala na nga, atlis naka discount HAHA o baka mali lang ng bilang tssk napangisi nalang ako.
Binigay ko nalang at agad naman binalik ang sukli sakin.
Nagsimula na kaming magbuhat at maglakad pero maya maya ay may narinig akong bote.... Wait.. BOTE??! wala naman akong.. hmmm —_—!
"Bestfy sandali nga, lapag mo muna yan. Magtapat ka nga, bumili ka ng alak noh!" nakapameywang na tanong ko sakanya agad naman syang nagtaka.
"Huh? eh diba nga wala akong kinuha dun kasi nga nagpacute lang ako! tsk" sabi naman niya. napaisip naman ako at kinuha yung Plastic na may bote...
wait...
Non-alcoholic Red Grape Juice
What?? grape juice?? San galing tooo!!
Nanlaki naman ang mata ko nung maalala ko SHIT!! kay bonnet FREAKK!!
"Is this yours?" malamig na sabi naman ng taong nasa likod ko. Napapikit nalang ako dahil sa inis.
SHIT YOUR'E REALLY A DUMB CLUMSY GIRL SERENE!!!
Pagkaharap ko sakanya ay agad naman niyang inangat ang mga plastic na hawak niya.
SHIT KAYA NAMAN PALA ANG KUNTI NG HAWAK NAMIN!!
Napangiwi naman ako habang siya ay nakataas lang ang isang kilay. Agad ko namang binaba ang mga hawak ko saka dahan dahang kinuha sa kamay niya yung mga plastic habang nahihiya akong tumingin sa kanya.
Tssk!! YOU'RE SO EMBARASSING SERENE!
Agad naman siyang yumuko para kunin yung mga dala namin kanina at bago pa siya makaalis ay may binulong muna siya.
"Tssh, kung saan saan kasi nakatingin" sabi niya saka naglakad na palayo. Bago pa ako makareak ay nagsalita na si Bestfy.
"Oh my god bestfy! Ang Gwapo niya talaga sa malapitan!!" kinikilig na sabi niya tsskkk! BWISET ANG BIGAT NAMAN NETO.
"HOY TULUNGAN MO NGA DITO TSKK! BAKA GUSTO MONG ISUBO KO TONG BOTE NG TOYO SAYO HA!" agad naman niyang kinuha yung tatlong plastic.
Wait lima to ahh! ANDAMI NAMANN!! NAKAYA NIYANG BUHATIN TO!! UNBELIEVABLE!
Agad ko namang tinignan yung resibo at nanlaki ang mata ko nung makita yung total
5,380 php!!!! WUTDAAAA!! BINAYARAN NIYA LAHAT TOOO!!
"Pambihira din talaga yung bonnet freak na yun eh, ang laking halaga neto tas hindi man niya ako sinabihan para dito tsk bahala siya! tara na ngaa!" aya ko kay bestfy.
Nakita kami ni Cedrick kaya agad niyang kinuha yung mga dala namin.
"Ang dami naman neto, dapat pala sumama nalang ako para ako nalang nagbuhat" sabi ni cedrick habang nilalagay yung mga binili namin.
"Ok lang Ced, may nagbuhat naman kanina eh diba Bestfy" sabi niya sakin habang winiwiggle yung kilay niya tssk Inirapan ko nalang siya.
"Manahimik ka Andy ha!" sabi ko naman kaya napahawak siya sa bibig niya saka sumakay na kami sa loob.
"Sino naman yun?" nakakunot noong tanong ni Ced.
"Wala, nagmagandang loob lang kaya ganun" TSK!! Hindi ako maka get over Depotaaaa. Buti nalang hindi na siya nagtanong pa at nagdrive nalang.
"HAHAHAHAHA HINDI KO TALAGA MAKALIMUTAN BESTFY, BIRUIN MO SA PANGALAWANG PAGKAKATAON NAPAHIYA KA NA NAMAN TSK! HAHAHA" natatawang sabi naman ni Bestfy sa likod tsk!
"ANDY, IREADY MO NA SARILI MO HA. MAY MAGAGANAP NA WRESTLING MATCH MAMAYA KAYA BETTER BE READY" sabi ko sakanya sabay kindat. Hmmp! Ayaw mong tumigil ha... evil grin*
"A-ahm bestfy, pede namang pagusapan natin diba. Bestfy? Be—oo be ready din bestfy" nagaalangan namang sabi niya nung tinaasan ko siya ng kilay. Hmmp!