Maria Eleonor's POV
Ganito pala pakiramdam, masaya na hindi, naguguilty ako para sa pamilya ni Anton pero nangingibabaw parin sakin ang galit, ang sakit! Sakit na iniwan ng panahon sa aking puso! Kulang pa iyan, kulang pa sa lahat ng ginawa nila.
Kasalakuyang nakaupo ako dito sa my balkonahe ng aming resthouse.
Kring Kring Kring Kring
"Goodmorning bes, napanood ko ang balita, tinuloy mo talaga?" paunang bungad ni Maan sa kabilang linya
"Oo bes, kulang pa iyon" sabi ko
"Pero kawawa naman ang naiwan niya diba?" sabi nito
"Oo pero mas maganda na din iyon kaysa lagi siyang niloloko ng kanyang asawa" sabi ko sakanya at iyon na din ang tinatatak sa aking isip para less guilty
"Sabagay, you have a point" sabi ni Maan
"So ano ang susunod mong gagawin?" tanong pa niya
Ilang minuto din na pumagitna ang katahimikan sa aming dalawa. Ano ng aba ang susunod kong gagawin?
"Bes, i need your help" sabi ko, pagbabasag ko sa katahimikan.
"Ano iyon?" sagot nito
"I need you to give 300,000 pesos to Mrs. Fuentabella, and please ayaw ko malaman ng ibang tao na ako nagbigay pati na din kay Mrs. Fuentabella mismo!" sabi ko
"What? 300,000 pesos?" sabi niya na medyo tumaas ang boses
"Yes" sabi ko
"Are you sure?" sabi niya
"Yes" sabi ko ulit
"Ok then, ako na bahala" sabi niya
"Ok thanks Bes" sabi ko
"Anak, kain na tayo" narinig kong sabi sa kabilang linya
"Is that tito Bert?" sabi ko,
"Yes" sabi niya
"Say Hi for me"
"Hello daw Pa sabi ni M.E" sabi niya
"Hi Maria!" narinig kong sabi nito, parang tatay at nanay na din namin ni Leila ang parents ni Maan.
"Sige bes, ikaw na bahala, i have to go" paalam ko
"Sige bes ingat ka parati and please agad mo akong tawagan pag my problema" sabi niya
"Yes bes" sabi ko saka binaba ang tawag
Binaba ko ang cellphone ko at kinuha ang folder na kanina pa sa harapan ko. Makapal ang folder na ito, my laman na mga bond paper.
"Dito mag uumpisa ang lahat ng kalbaryo niyong magkakaibigan!"bulong ko sa aking sarili.
Binuklat ko ang Folder at doon tumambad ang isang group picture, picture ng mga walong bata na my edad 7-8.
Nilipat ko ang pahina, litrato ni Anton ang nandoon at sa baba ng litrato ay my nakasulat na pangalan Anton Fuentabella, nilipat ko ulit, lahat ng pahina ay my litratong nakalagay at ang mga pangalan sa baba nito, Archie Estolas, Arjo Dela Fuente, Leonard Facundo, Randy Facundo, Peter Garcia, Norman Laurel. Nang ilipat ko ulit ang pahina ay nagtaka ako, nakita kong my natanggal na litrato at nabura din ang pangalan nito.
"Anong nangyari? Bakit kulang? sino ang pang walo nila?" sabi ko
Ililipat ko na sana nang bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Sinara ko muna ang folder at tinignan ang cellphone ko.
Video Call galing ito kay Leila.
Sinagot ko ito.
"Goodmorning Ate" bungad na sabi ni Leila
"Goodmorning! Kamusta kayo diyan ni Yaya?" tanong ko
"Ito ok naman po, tignan mo si Yaya medyo hindi kaya ang lamig, nakatatlong jacket" nakangiting sabi nito
"Hi Mam!" sabi naman ni Yaya Kirby habang kumakaway
"Hello yaya, hindi ba pasaway si Leila diyan?"
"Hindi mam, mabait si Leila, mana sainyo mam" sabi ni Yaya na dahilan kaya medyo nakaramdam ako ng guilt.
"Pasaway agad ate? Nung isang araw lang kaya ate eh magkasama lang tayo, Miss na kita ate" sabi nito na para bang naluluha na
"oh magdradramahan nanaman ba tayo? hayaan mo magkakasama din tayo diyan as soon as possible, tiwala lang" sabi ko sabay ngiti sakanya.
Hintayin mo Leila, matatapos din itong gagawin ko, bibilisan ko na para diyan na tayo maninirahan.
"Ate nakikinig ka pa ba?"
"Ah oo," sabi ko kahit hindi ko narinig mga sinabi niya dahil sa iniisip ko
"Ate, next time na lang ulit, ingat ka lagi diyan, mwah!" sabi niya
"ok, babye! ingat ka lagi diyan, laging makinig kay Yaya Kirby, pagbutihan mo pag aaral mo" sunod sunod na bilin ko sakanya
"Opo ate" sabi niya
"Ok bye!" sabi ko ulit saka pinatay ang video call
Nakakamiss ang kakulitan ni Leila, konting tiis pa Maria, magkakasama din kayo ng kapatid mo!
Kailangan ko na hanapin ang susunod kay Anton, kailangan ko na magmadali.
Binuklat ko ulit ang folder at napunta ako sa isang pahina na merong nakatape na isang memory card. My nakasulat sa baba nito.
Archie Estolas and Anton Fuentabella, the S*x Maniac.
Medyo kinabahan ako habang kinukuha ang memory card, binuksan ko kaagad ang aking laptop na nasa lamesa saka isinalpak ang memory card sa memory card slot na nasa laptop ko.
Bigla na lang akong kinabahan nang makitang nagloloading ang memory card.
Nang pwede nang buksan, nanginginig akong pinindot ang open.
Tumambad sa aking ang hindi bababa sa 10 na videos.
"Ano ang mga ito" sambit ko.
Pinindot ko ang unang video at plinay ito.
Naghalo halo ang aking emosyon nang makita ko kung ano ang video na iyon.
Video na kung saan my ginagahasa sila Anton at Archie na babae habang hawak ng mga kasama niya ang mga kamay at paa nito.
Naawa ako! Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng babae sa video.
Alam ko ang pakiramdam na kahit gusto mong manlaban ay hindi mo magawa dahil madami sila at malalakas sila.
Ang bawat paghiyaw ng babae ay naaalala ko ang aking ina.
Sigaw na humingi ng saklolo, sigaw na nakikiusap, sigaw na hindi nila pinagbigyan bagkus mas lalo pa nila ginawan ng masama, hindi tinigilan hangga't hindi mawalan ng hininga.
"Jenny Anak Tulong!"
Bigla na lang mukha ni Mama ang nakita ko sa video habang humihingi ng tulong, habang isinisigaw ang pangalan ko.
"Jenny! Tulong!"
"Jenny!"
Paulit ulit, palakas nang palakas, palapit nang palapit sakin.
Nanginginig akong tinitignan ang mga nangyayari sa video na iyon, bakit parang umiiba ang nangyayari? Bakit parang, parang iyong nangyari sa amin ang nakikita ko sa video.
"Jenny!"
"Jenny!"
"Tulong!"
"Tulong!"
"Tama na!" sigaw ko saka pabalibag na sinara ang aking laptop
Hindi ko mapigilang umiyak! Hindi ko mapigilang magalit! Nanginginig ako sa galit at sa pag iyak.
Paano nga ba makakamit nang aking pamilya ang hustisya? Hanggang kailan ko dadalhin ang galit dito sa aking puso?
Pag naghiganti ba ako, matatahimik na sila Mama? Pag natapos ang lahat ng ito, ano mangyayari? sasaya ba ako? sasaya ba kami?
Bakit kailangan mangyari sa amin ito?
Tama na Maria Eleonor!
Huwag ka nang mag isip ng kung ano ano!
Kailangan mong maging matatag para matapos na ang lahat ng ito.
Archie Estolas, maghanda ka na dahil malapit na kayo magkita ni Anton sa Impyerno! Hahahaha!
********************
"Hello Hon" sabi ng lalaki sabay halik sa babae
"Hon? Huwag mo nga akong tawagin sa tawagan niyo ng asawa mo" sabi ng babae
"Sorry Babe"
"Kailan mo ba balak hiwalayan iyang misis mo? Diba sabi mo ako mahal mo, sabi mo papakasal tayo" nagtatampong sabi ng babae.
"Kumukuha lang ako ng tiyempo babe" sabi ng lalaki
"Naku Archie ilang beses mo na sinabi iyan sakin, tiyempo tiyempo pero mag lilimang taon na tayo at hanggang ngayon kabit mo parin ako" sabi ng babae
"Babe, ano ka ba huwag ka na magtampo, halika nga" sabi ng lalaling tinawag na Archie ng babae, niyakap nito mula sa likod ang babaeng nagtatampo saka hinalikan sa pisngi
"Ano ba nakikilita ako hihihihi" sabi ng babae nang hindi siya tigilan ni Archie na halikan
Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala parin silang pakialam.
"dnxkdlsnizlxnccjfldmsxklcffild" nagbubulungan na din ang ibang nandoon
nang biglang . . .
Kriiiing Kriiiing Kriiiing
Tumunog ang cellphone ni Archie, kumalas siya sa pagkakayakap sa kanyang kasama saka kinuha nito ang cellphone at sinagot ang tawag.
"Hello" sabi niya
"Is this Mr. Archie Estolas?" tanong ng nasa kabilang linya, boses ito ng babae.
Nagandahan siya sa boses ng babae na nasa kabilang linya.
"Yes Speaking" sagot nito
"Ikaw ba iyong nasa Ilusyunada Cafe na my kasamang babae?" sabi ng nasa kabilang linya na ikanataka ni Archie
"Yes, how did you know?"
"Sino iyan babe?" tanong naman ng kabit niya
"Wait lang huh, punta lang ako sa Comfort Room" sabi ng babae
"Tingin ka dito sa kaliwa" sabi ng nasa kabilang linya, hinintay muna ni Archie umalis ang kasama saka tumingin sa kanyang kaliwa.
"Wow" nasambit niya nang makita ang babaeng kausap sa kabilang linya.
Sigurado siyang ito ang kausap dahil mag isa lang ito at my kausap din ito sa phone.
Ang ganda ng babae, bagay na bagay sakanya ang kanyang maiksing buhok, ang puti ng kanyang mga binti na nakikita dahil sa suot nitong maiksing palda. Ang kinis ng kanyang mga balat, nakaputi ito. Mahuhulog talaga ang loob mo mas lalo na sa mga ngiti nitong napakatamis.
Bigla na lang itong kumaway sakanya.
Magsasalita pa sana si Archie sa kausap sa phone pero binaba na ng babae ang tawag saka my nilagay sa kanyang lamesa habang nakikipagtitigan kay Archie.
Tumayo ang babae saka umalis.
Dahil sa kuryusidad lumapit si Archie sa lamedang iniwan ng babae saka tinignan ang nilagay nito sa lamesa.
Papel, isang maliit na papel ang nasa lamesa, nakatiklop ito.
Nakasulat doon ang pangalan ni Archie, my kiss mark pa ito.
"See you again - M.E" basa niya sa sulat
"Hon?"
Nataranta si Archien nang makita niya ang asawa, nasa harap niya ito, dali dali niyang nilagay sa kanyang bulsa ang papel.
"Ha-hon!" sabi niya
"Oh bakig parang nakakita ka ng multo, ano pala ginagawa mo dito?" tanong nito
"ah ano, napainom lang ng kape, kumain ka na ba? Tara kain muna tayo, punta tayo sa ibang restaurant kasi puro kape lang andito" sabi ni Archie na tagaktak na ang pawis
"Bakit pinagpapawisan ka, nakaaircon naman" sabi niya
"Ah wala masakit kasi tiyan ko kaya nga nagkape ako, tara na" sabi niya saka inakbayan ang asawa palabas ng cafe na iyon.
"Sino ka M.E, hayaan mo magkikita din tayo muli" sabi nito na nakangisi.
Samantala . . .
"Babe?" sabi ng kasama ni Archie kanina na galing sa CR
"Archie?" nagtataka ang babae bakit wala na si Archie sakanilang pwesto pero nainis siya nang makita si Archie na palabas ng cafe at kasama ang asawa nito.
"Archie!" sigaw nito sa kanyang isip. Iniwan nanaman siya nito sa ere.