webnovel

Huling Sayaw [Filipino]

Sports, voyage et activités
Actuel · 10.4K Affichage
  • 7 Shc
    Contenu
  • audimat
  • N/A
    SOUTIEN
Synopsis

Clyde is one of the youngest and hottest Vice Mayor in town. Isang political protégé na mula sa angkan ng mga politiko at may sinabi sa buhay. A family of old money. Mula sa mga alta, pinapahalagahan ng mga ito ang apelidong inalagaan ng matagal na panahon. He is about to marry his long term fiancé, Kimberly Gozon. A famous newscaster from a well-known family. Match made in heaven, right? His friends organized a bachelor party for him and received a huge gift from them...a stripper. Tanya is a waitress by day, and a stripper by night. She dance on special events with special price. Isang normal na taong kumakapit sa patalim para mabuhay at magpatuloy sa buhay kasama ang anak. One night changed everything. Can love be enough reason to stay?

Chapter 1S I M U L A

"TANYA, may raket ka sa VIP 3 mamaya." Sabi sa kanya ni Mammy Tomy, ang nagsisilbing mamasang sa high end bar na pinagtatrabahuan nya.

"S-Sige po." Sagot niya dito.

Hindi siya pwedeng magreklamo, ito naman kasi talaga ang trabaho niya. Waitress kapag walang special event, at dancer kapag big night o private party. O di kaya isang angel kapag sobrang gipit. Kagaya nalang ngayon.

"Mammy Tomy ano... Baka pwedeng maka-advance muna? Bibili kasi ako ng gamot ni Ronnie, may hika kasi siya ngayon." Paki-usap niya dito.

Napabaling sa kanyang gawi ang tingin nito. Matingkad ang violet nitong eyeshadow, hindi na rin nito halos maidilat ang mga mata dahil sa nagkakapalan at naghahabaang eyelash extension.

"Galingan mo nalang ang pag giling mamayang gabi para malaki ang perang maiuwi mo. Hindi ko pa nga sinisimulang ikaltas yung perang hiniram mo noong naospital si Ronnie humihirit ka na agad."

Napahawak sa batok ang dalaga. Sanay na siya sa pananalita ng matanda. Isa pa ito na rin ang nagsilbi niyang sandalan ng nakalipas na taon.

"Nagbakasakali lang ho."

Tila nakunsenysa ang matanda. Mahirap maging isang dalagang ina, idagdag mo pa ang trabaho nito. Napabuntong hininga nalang ang matandang bakla.

"Oh sya! Pasensya na kung nasigawan kita. Wala rin kasi akong pera ngayon. Alam mo namang college na si Lorenz" Tukoy nito sa binatang pinag-aaral. "Malaki ang gastusin. Ganito nalang, bakit hindi ka magpa-take home mamaya? Balita ko mga batang mayayaman at politiko ang nasa VIP 3. Isang bachelor party." Suwistyon nito.

Napalunok ang dalaga sa sinabi ng matanda. Kailan ba ang huli niyang take home? 3 months ago, sa isang milyonaryong may bungangerang asawa. Sobrang gipit niya lang ng panahong iyon dahil wala siyang pambayad ng bahay.

Ayoko ng gawin iyon. Sabi ko last na 'yong sa matanda. Sabi niya sa sarile.

"Alam kong ayaw mo na. Pero... sayang din iyon." Dagdag po ng matanda bago tuluyang umalis.

Nagtagal ang tingin niya sa pintong nilabasan ng matandang mamasang.

Bago sumunod dito ay naglabas muna si Tanya ng isang buntong hininga. Tinignan nito ang sarile sa nakasabit na salami sa kanilang locker room.

Black leather mini skirt, sa sobrang ikli ay papasa na itong underwear. Net tube top, may suot lang siyang tube bra para pantakip sa malulusog nitong dibdib at 3 inches leather boots.

Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot lang ang dulo. Meron din siyang bunny white heaband. At ang muka ay punong-puno ng make up na halos hindi na niya makilala ang sarili.

Hindi ako ito.

Napailing ang dalaga sa sariling repleksyon bago lumabas at tuluyang lamunin ng mga nakakasilaw na patay-sinding mga ilaw.

Vous aimerez aussi

Broken Trust | Completed

"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))

Nick_Black02 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
71 Chs