webnovel

CHAPTER 77 - NOT JUST ONE BUT TWO ;)

CHAPTER 77 - NOT JUST ONE BUT TWO ;)

--------

ETHAN SMITH POV

Tatlong araw na ako dito sa U.S pinag usapan na namin lahat dahil tuluyan na ngang nag pull out ang dalawa sa lima kong business partners. Napag alaman namin na may nang blockmail pala sa dalawa. Hanggang ngayon ay iniimbestigahan pa ang nasa likod ng pang bablock mail na ito. Pero kahit na ganun ay tiwala pa din kami na magiging succesful ang business namin na to.

Apat nalang kaming natitira at ngayon ang huling meeting namin. Nasa San Diego, California kami. Sa mansyon ni Mr. Griffin na isang tanyag na businessman dito sa U.S

"I can't believe that there's already someone who wants to sabotage us, we're not even launching the business yet. Unbelievable."

wika ni Engr. Victor Silvers sa tatlong ka-meeting nito habang umiinom ng wine.

"Ethan has a huge market, the time he announced the media about the Auto Paradise our social media got a ton and tons of followers." wika naman ng may ari ng mansyon at tanyag na businessman na si Mr. Davidson Griffin.

"Actually Ethan you won't believe this. Apart from 6 confirmed automakers, there are 5 more who want to collaborate with us."

masayang ibinalita ni Ex Mayor ng San Diego na si Atty. Steven Walton.

"Wow, I love the trust dude. But I still felt bad for Wahib and Solomon. I hope they will change their minds and not listen to the fake news." wika ni Dr. Ethan Smith habang umiiling iling sa pagkadismaya.

"Don't worry Ethan, I know they will get back soon." habang tinatapik ni Mr. Griffin si Ethan sa may balikat,

"Yeah, the door is always open for them. Right gentlemen?"

And we rise the glass and cheers after that.

Right after the meeting, nag tour muna kami sa napakalaking mansyon ni Mr. Griffin at tsaka nag uwian.

Habang nasa hotel ako, hindi ko nanaman mapigil na matulala ng bahagya at malungkot dahil namimiss ko na ang asawa ko. Alam kong nagtatampo pa din siya dahil hanggang ngayon ayaw niya pa din ako replyan sa messenger namin. Ayaw din sagutin ng tawag kaya kay Mommy Patricia lang ako nakikiupdate. Lagi lang naman daw nasa bahay ang asawa ko. Ang kinakabahala ko lang ay nag file ng leave ang asawa ko. Ayaw din naman daw sabihin ni Penelope kung bakit.

Buti nalang talaga at bukas ng umaga pauwi na ako, hahatid pa din ako pauwi gamit ang private jet ni Mr. Griffin.

PENELOPE THOMPSON POV

Time Check: 6:00 am

Tatlong araw nang wala si Ethan kaya tatlong araw na din akong nandito sa bahay nila Mommy. Ako lang mag isa dito sa bahay kasama si Ate Isay dahil nasa hospital pa sila Mommy, inaalagaan si Daddy. Hindi din ako masyado lumalabas ng kwarto dahil lagi akong nahihilo at parang pagod.

Katulad ngayon hindi ko na kayang tumayo at para bang matutumba ako. Hindi na nga pala nakatira dito sina Kuya at Ate Bella pero halos magkalapit bahay lang naman sila. Sabado ngayon, at wala akong mapaghingan ng tulong dahil busy Ate Isay paglalaba ng mga damit. Alam ko din na walang pasok si Kuya kaya siya ang tinawagan ko.

Calling Kuya Patrick...

Ring! Ring!

"Oh baby girl napatawag? kamusta kana ilang araw ka nang tinatanong sa akin ni Mommy. tawag daw ng tawag yung asawa mo nag aalala siya sayo, Nasaan kaba?" pag aalala ng kapatid.

"Kuya dito ako sa bahay nila mommy nasa kwarto ko sa taas. Kuya puntahan mo nga ako dito Nahihilo kasi ako e." wika ni Penelope habang nakaupo sa may kama at nakahawak sa malapit na lamesa.

"Okay pupunta na ako jan" pagmamadali ni Patrick.

Call Ended...

Nakadating na agad si Kuya, hindi ko maiwasan umiyak kaya niyakap ko agad siya paglapit niya sakin.

"Oh bakit? Alam mo dapat magbati na kayo ng asawa mo. Tignan mo naiistress ka na."pag aalala ni kuya patrick

Umupo na muna si Kuya sa may tabi ko.

"Bakit ba kayo nag away na dalawa?" Tanong ni Kuya patrick.

"Kasi kuya naabutan kami ni Ethan na nakahawak sa mukha at kamay ko si Jacob habang nasa mall. Tinatakot niya kasi na sasaktan niya ako." wika ni Penelope na napahagulgol nalang habang nagkkwento.

At habang naiyak ako bigla naman may naramdaman akong masakit sa may bandang puson ko.

"ARAY KUYAAAA!!" namimilipit sa sakit si Penelope at nakahawak sa may sikmura.

"Ohh bakit baby girl?" gulat na gulat na sinabi ni Patrick at hindi maiwasang mataranta.

Gulat na gulat si Kuya lalo nang makita niya ang dugo sa may hita ko.

Kaya binuhat agad ako ni Kuya at dali dali at nagpatulong na din siya kay Kuya Dennis na driver namin at sinakay na ako sa kotse niya.

Naalala ko nalang na huling nasabi ko kay kuya ay

"Iligtas mo ang Baby ko Kuya." habang napatak ang luha.

At nawalan na ako ng malay.

PATRICK THOMPSON POV

Grabe takot ang naramdaman ko nang makita ko yung dugo sa hita ng kapatid ko. Kaya agad ko siyang binuhat at dinala agad sa kotse ko. Si Kuya Dennis na ang nag drive para sa amin. Malapit lang naman ang Twin Tulips Hospital dito kaya dun na namin siya naisip na dalhin.

Lalo akong nabahala nang nawalan ng malay ang kapatid ko mas lalo nang sabihin niya sa akin na iligtas mo ang baby ko?

Naiintindihan ko na ngayon kung bakit siya nagkaka ganito. Buntis pala si Penelope. Hay talagang nilihim pa nilang mag asawa ito sa amin. Pero wrong timing din ang pag aaway nila. Sana hindi na nakipagtalo si Ethan lalo alam naman niya na buntis ang asawa niya.

Napailing nalang ako, pero buti nalang malapit na kami. Pinanatili ko ang sarili ko na kalmado.

Dinala agad namin siya sa may Emergency Room.

After 1hr nilipat na ang kapatid ko sa may private room at sa awa ng Diyos ay hindi na daw dinudugo ang Kapatid ko. Salamat naman at naagapan. Nagpa sched din ako ng ultrasound to check kung ano ang lagay ng baby niya.

Walang kaalam alam ang asawa ko na ang kapatid ko ang magpapaultra sound. Sinabi ko lang na meron akong sinamahan na humihingi ng tulong sa akin. Gusto ko lang makita ang reaksyon niya kapag nalaman niya na buntis na ang kapatid ko.

After 1hr tinawagan na ako ng asawa ko para dalhin na si Penelope sa Room kung saan naroon ang asawa ko para magpa ultrasound.

Wala pa ding malay ang kapatid ko nung time na nagpa ultrasound kami. At pagpasok na pagpasok pa lang namin, gulat na gulat siya nang malaman niya na si Penelope ang iuultrasound niya.

"Is she?" tanong ni Bella habang sinesenyas sa kamay na kung buntis ang kapatid ng asawa nito.

"Yes!" nakangiti na tugon ni Patrick.

Nanlaki ang mga mata niya at maluha luha nang tumugon ako sa tanong niya.

Habang nag aantay, naisipan ko namang tawagan si Ethan thru video call. Dahil malamang, hindi naman siya ma-update ng asawa niya. At para hindi na din mag alala.

"Hello Ethan Kamusta kana dyan?"

"Eto kuya malapit na ako makauwi matatapos na namin lahat ng problema dito sa U.S. Actually, akala ko nga makakauwi ako agad ehh medyo magulo din kasi kausap itong iba kong business partner eh. Oo nga pala Kuya, kamusta na si Penelope? tsaka bakit ka pala napatawag kuya?"

Huminga muna ako ng malalim bago sabihin kay Ethan.

"Nagka emergency kasi si Penelope dinugo siya. Buti nalang naagapan. Nandito kami sa Hospital ngayon para magpaultrasound at para malaman kung okay ba yung Baby--" naputol ang pagsasalita ko dahil biglang sumingit si Ethan.

"Wait kuya Baby? Buntis ang asawa ko?" hindi mapakaling sabi ni Ethan.

"Oo buntis. Huh? Teka hindi mo din alam??" gulat na sabi ni Patrick.

Pansin ko na naluha agad si Ethan nang malaman niya.

"Oo kuya, kung hindi kapa nga tumawag sa akin wala akong ka alam alam na buntis pala ang asawa ko. Wait diba sabi mo nasa Hospital kayo? Anong dahilan tsaka kamusta yung baby ko?" nag aalalang tanong ni Ethan habang nagpupunas ng luha.

Hanggang sa sinenyasan ako ng asawa kong si Bella na tignan ko na daw yung baby sa may monitor. Kaya naisip ko na maipakita din kay Ethan.

"Wait Ethan look. Ayan ohh" nakangiting sabi ni Patrick habang nakatapat ang phone sa monitor.

Habang pinapakita ko kay Ethan ay bigla naman akong hinampas ng asawa ko dahil kambal daw ang anak ng kapatid ko. Yun nga lang ay mahina daw ang kapit ng baby kaya kailangan daw mag bed rest ni Penelope at advice din na hindi siya pwede mag work.

Naiyak si Ethan nang malaman niya nakambal ang anak nila ni Penelope. Di niya din maiwasan na sisihin ang sarili niya dahil napag salitaan niya daw ng masasakit si Penelope kaya daw napasama ang lagay ng anak nila.

"Ano ka ba Ethan, tsaka una naman sa lahat gaya nga ng sabi mo kanina na wala ka naman idea na buntis pala ang asawa mo. Tsaka alam mo, ang tama mong gawin eh suyuin mo siya tapos bumawi ka nalang pag uwi mo. Mangako ka nalang na hindi na mauulit yun. Ganun naman talaga tsaka hayaan mo sa susunod dalawa na tayong sasapak dun. Hahaha." biro ni Patrick kaay Ethan.

"Hahaha. Pero Kuya Maraming salamat ahh, wag ka mag alala tatapusin ko agad yung mga kailangan kong tapusin dito para makauwi na ako sa mag ina ko. Hindi na nga ako makapag hintay. Hahaha. Siguro papapuntahin ko na muna din dyan sila Mommy at Daddy para may makatulong kayo sa pag aalaga sa asawa ko. Salamat ulit kuya ha." Iyak tawa na sinabi ni Ethan.

"Sige Ethan, Ingat dyan. Salamat. Bye."

Videocall Ended...

ETHAN SMITH POV

Wow! Hindi ako makapaniwala sa binalita sa akin ni Kuya Patrick. Nakahiga lang ako ngayon sa kwarto ko at iniimagine ang sarili ko bilang ama. Grabe, naeexcite na ako. Tapos kambal pa.

Hindi ko maiwasan maiyak gusto ko na din umuwi para makasama ko na ang asawa ko na sobrang namimiss ko na.

Habang nakahiga ako at nagiimagine, naalala ko na tatawagan ko nga pala sila Mommy.

Calling Mommy Isabel..

"Hi mommy I miss you"

"Oh anak, I missed you too. Pogi pogi mo naman."

" Aba syempre anak mo ko e. Hahaha. Pero Mommy favor naman, pwede niyo bang alagaan or kahit punta-puntahan lang ang asawa ko. Kung di kayo busy ha?"

" Aalagaan? Pwede naman, kaso bakit aalagaan? kulang pa ba yung tatlong maids na inassign ko sa bahay niyo? Magpa-audition pa ba ako?" biro ni Madam Isabel.

"Haha. Kalokohan talaga ni Mommy e. Nasa Hospital kasi siya Mom. Dinugo, buti nalang at naagapan. Maigi nga na okay si Bab--"

hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang sumigaw si Mommy.

"Ayyyy!! Wowww naman anak! Talaga ba? May apo nako?" Pasigaw na tanong ni Mommy at narinig ko sa background na sinabihan niya din si Daddy.

"Hoy Alberto, may apo kana! Hahaha! Diba sabi ko sayo effective ang soundproof na bedroom!" wika ni Madam Isabel kay Don Albert sa bakcground habang katawagan ang anak.

"Ohh really son? Thank you, Lord. I am so excited! Alam mo ba na sa Mommy mo talaga na idea yang soundproof bedroom niyo?Hahaha. Magaling son, tinesting mo agad! That's my boy! Hahaha." pag agaw ni Don Albert sa phone.

"Hahaha Daddy talaga eh. Excited din ako Dad, tsaka alam mo ba? Kambal ang magiging apo mo!" masayang ibinalita ni Ethan sa Daddy niya,

"Ayy kambal daw! Tsk! Albert my love akin na! Ako ang kausap ng anak mo, bumalik kana dun mag inom kana!." pag agaw din ni Madam Isabel sa phone niya na kinuha ni Don Albert.

"Ah, Hello. Sorry Anak. Eto kasing Daddy mo lasing. Ayun oh sasayaw sayaw wala namang tugtog. Mabalik tayo anak, kambal kambal kamo ang apo ako?" nakangiting pagkumpirma ni Madam Isabel.

"Opo mommy Kambal kaso mahina ang kapit nila dahil daw sa stress. Kailangan niya mag bedrest kaya bawal muna siyang mag work." tugon ni Ethan.

"Okay sige anak. Bukas na bukas din ay pupuntahan namin ng Daddy mo ang manugang namin. Kami muna bahala sa kanya, basta mag iingat ka dyan iloveyou anak."

"Salamat Mommy. I love you too po. Mahal na mahal ko po kayo ni Dad. Bye."

Videocall Ended...

Pag tapos ng tawag ko kay mommy inayos ko na lahat ng mga damit ko. Para kung sakaling pwede nang umuwi at masettle na lahat uuwi na agad ako. Wala nang pahinga pahinga. Siguro dalhin ko na tong maleta ko sa pag memeetingan namin.

PENELOPE THOMPSON POV

Nang mamulat ko yung mata ko puting kwarto ang nakikita nilibot ko yung mata ko nakita ko si Kuya nasa sofa. Naalala ko bigla yung baby ko kaya tinawag ko siya para itanong kung kamusta na ang lagay ng baby ko.

" Okay naman ang mga baby. Don't worry."

"Mga baby?"

"Haha. Oo babygirl. Kambal ang anak ninyo ni Ethan, Lahat nga kami nagulat kahit na si Ethan"

"Ethan? Alam na ni Ethan na buntis ako Kuya?" gulat na tinanong ni Penelope.

"Oo babygirl, tumawag ako sa kanya dahil sa pag aalala ko sayo. Tsaka para ma-update siya. Akala ko nga na alam na niya na buntis ka. Kaya nung nasabi ko sa kanya nagulat din siya. Oo nga pala nagtataka ako, bakit hindi mo naman sinasabi sa kanya na buntis ka?" Tanong ni Kuya Patrick

Napabuntong hininga na muna ako. Naalala ko naman.

"Eh kasi kuya nung time na nag away kami, duon ko lang din nalaman na buntis ako. At sa sobrang stress ko hindi ko na din nasabi sa kanya hanggang sa makalipad siya sa U.S malay ko din naman na may meeting pala siya nun. Eh sakto naman na umalis ako at napagdesisyunan ko na maglagi muna sa bahay nila Mommy. Nag off ako ng phone para maka iwas sa stress. Kaya hindi ko din tuloy nasabi maging sa inyo. Sorry Kuya ha." naluluhang kwento ni Penelope.

Niyakap ako bigla ni Kuya para i-comfort.

"Wag kana umiyak babygirl makakasama yan sa babies mo. Oo nga pala, sabi nga Ate Bella mo na mahina pa ang kapit nila kaya kailangan mo munang mag bed rest. Bawal ka daw muna mag work at bawasan muna ang mga stress dahil nakakasama yan sa kanila." paalala ni Kuya Patrick.

"Ilang weeks na pala sila kuya?"

"7 weeks na sila baby girl."

Parang mapapaiyak nanaman ako dahil namimiss ko na talaga ang asawa ko. Hindi ko na mapigilan kaya nakisuyo na ako sa Kuya ko.

"Kuya pwede mo ba tawagan ang asawa ko? miss na miss ko na kasi siya." sabay hagulgol matapos sabihin sa kanyang kuya.

"Okay tatawagan ko na sandali lang siya wag kana umiyak. Eto mag video call muna kayo."

Habang nagriring ay lumabas muna na si Kuya para daw makapag usap kami ng maayos.

Calling Ethan Smith...

Pag answer niya ng call ay nagulat siya na ako ang nasa may camera at kausap siya.

"Ohh Hon?" gulat na tanong ni Ethan nang makita ang asawa.

Tinitignan ko lang siya. At pansin ko na naluluha na agad siya. At bigla nalang ulit siyang nagsalita.

"Hello Hon I missed you so much and I'm so sorry. Sana mapatawad mo ako sa mga salitang nabitawan ko sayo nang mag away tayo at sorry din dahil hindi ako nakapag paalam sayo ng personal nang umalis ako kasi nataon naman na tinawagan ako ni Mr. Griffin at nagkakaproblema nga ang mga business partners namin. Pero wag ka mag alala malapit na ako umuwi aalagaan ko kayo pag uwi ko. Babawi ako. Sorry ulit hon a, di na mauulit promise." Umiiyak sinabi ni Ethan kay Penelope.

"Pero gusto ko din humingi ng tawad sayo dahil nasampal kita nang mag away tayo. Yun din kasi yung araw nang malaman ko na buntis na pala ako nun. Kaya din ako pumuntang mall para bumili ng PT. Dahil kung sakali isusurpresa sana kita, tapos nung bibili na sana ako sa may foodcourt ng type kong pagkaen kaso, hindi ko naman inaasahan na biglang susulpot yung ex ko. Hindi ako makapalag nun dahil binubulungan niya ako na sasaktan niya daw niya ako pag pumapag ako. At dahil alam ko nga na buntis ako nun kaya hinayaan ko nalang. Nag aantay lang naman ako ng tamang timing para sumigaw at humingi ng tulong pero buti nalang dumating ka. Di ko nga lang inaasahan na aawayin mo agad ako sa office mo nun. Kaya nasaktan ako at nasampal kita. Umalis ako at pumunta sa bahay nila Mommy. Dun ako naglagi. In-off ko ang phone ko nang mga ilang araw para makaiwas sa stress dahil hindi ko na kinakaya yung pagkirot ng ulo ko tuwing naaalala ko yung mga nangyare tapos wala ka pa sa tabi ko. Kelan kaba kasi uuwi? Miss na miss na kita." labis na pag iyak ni Penelope.

"I'm so sorry hon. Hayaan mo malapit na akong umuwi. Wag kana umiyak o malungkot. Hindi na nga ako makahintay na makasama kayong tatlo e. I love you so much Hon and thank you dahil sayo magiging Daddy na ako hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang malaman ko na magkakaanak na tayo. Alagaan mo sila habang wala pa ako sa tabi ninyo. Pag uwi ko, ako mismo mag aalaga sa inyo. Susndin ko lahat ng gusto mo. I love you hon." wika ni Ethan na barado na ang ilong kakaiyak.

"I love you more hon, alam mo nga nang malaman ko buntis ako hindi pa ako makapaniwala dahil isang gabi lang naman may mang yari sa atin diba? Kaya akala ko nga nung una gawa lang sa vitamins kaya ang takaw ko kumaen at matulog. Hindi ko naman alam na sharpshooter ka pala at dalawa pa talaga ang binuo mo hahaha." masayang pagkasabi ni Penelope kay Ethan.

"Hahaha. Syempre naman hon. Ako pa ba? Hahah. Pero alam mo, sa pag tawag mo yan sa pangalan ko eh kaya yan nabuo hahaha." Tawang tawa na sabi ni Ethan.

"Hahaha, ganun ba? Sige, hindi ko na ulit tatawagin ang pangalan mo at baka maging apat pa haha." pagbibiro ni Penelope kay Ethan

"Hahaha. Kulit ng hon ko e. Oh siya sige na magpahinga kana muna alam kong bawal ka pang magtutok sa phone e. Tsaka oo nga pala, mamaya pupunta diyan sila Mommy para kamustahin ka. Sila din mag aalaga sayo. Makikihingi nalang ako ng balita kina Kuya Pat. Sige na hon, ilove you at iloveyou my little buddies. See you soon.

Videocall ended...

Chapitre suivant