webnovel

CHAPTER 19 - FOUR SEASON

CHAPTER 19 - FOUR SEASON

---------

ETHAN SMITH POV

Nag umpisa na akong mamitas ng mga bunga inuna ko na itong mango.

"Hmm. Siguro mga 3 pieces nitong mango. Grabe ang bango pa.

Perfect. Next itong dalandan naman. I think 3 pieces din nito. At isa nitong mmm. Ang bango naman ng guyabano na ito."wika ni Ethan habang inaamoy ang mga pinipitas na mga bunga sa puno.

Biglang dumating si Lucas. Nag presenta kasi sya na ikukuha nya ako ng pinya sa gawi roon.

"Bro, here's your pineapple."

"Thanks bro. Kumpleto na nag recipe."

Nagsimula na akong gumawa ng mixed fruit juice. Buti nalang merong small kitchen dito na gawa sa bamboo dito ako nag babalat ng mga prutas at maya maya ibeblender.

Meron ding honey na gagamitin ko bilang dagdag sa sarap ng mixed fruit juice.

Natatanaw ko din sila Penelope sa di kalayuan. Nag kekwentuhan sila ni Mica at mukhang okay okay na sya dahil nakikita kong naglalakad lakad na ulit siya.

"Wow, mukhang may bago tayong recipe ah. Sobrang talented mo talaga bro. Sobrang swerte ng magiging girlfriend mo dahil all in one kana e." wika ni Lucas habang masayang naka akbay sa kaibigan.

"Hahaha. Asan na nga ba yung maswerte na yan?" pabirong tanong ni Ethan.

"Hindi ba yung dalagang naka pula na yun(pointing at Penelope)?" tanong ni Lucas.

"Hahaha, Tama na nga yang kalokohan na yan" wika ni Ethan.

"But seriously bro, do you like her?" curious na tanong ni Lucas.

"Well, di mo naman din matatanggi bro, iba ang kinikilos mo kapag nakakasama mo siya. Para kang natataranta, di malaman kung anong gagawin. Basta I feel awkwardness kapag nakakasama mo siya.

So tell me bro, tama bako? Do you like her" pangungulit ni Lucas.

"Well, you've just said that it was pretty obvious. Maybe that answers your question bro." nakangiting tugon ni Ethan.

Dahil sa sinabi ko, nag apir kami ni Lucas

"That's ma boy! Finally bro. Finally! May nakapag patibok na din." tuwang tuwa na sinabi ni Lucas.

"Alam mo bro, the reason why us, your friends(the millionaire gang) keep pushing you to have a girlfriend ay dahil concern lang kami sayo.

We all witnessed all the hard work you put in sa profession mo para marating ang ganyang level.

Alam namin na hind madali yang ginagawa mo pero concern lang namin is maganda rin syempre na pag uwi mo meron mag aalala sayo, may magtatanong sayo kung kamusta ang work. Yung tipong papawi sa lahat ng pagod mo makita mo lang sya. Something like that bro. But don't get me wrong ha. We all respect yung decision mo to choose the right girl for you kaya right now umamin ka sakin na hmm.. hahaha.

you like my business partner. Go ahead bro. Ms. Thompson is a perfect choice. Trust me." pangungumbinse ni Lucas sa kaibigan.

Napayakap ako kay Lucas matapos ang sinabi niyang iyon.

"Salamat bro a. I can feel the sincerity. Di ako nagkamali sa pagpili ng kaibigan. Anyway bro, I am just curious. Paano kayo nagkakilala ni Penelope?" pag uusisa ni Ethan.

"Hmm. Okay, so you want a back story between us? Okay. But I'll make it short. Una kaming nagkita sa isang seminar about how to be a successful businessman sa US. And then we just found out na mag school mate lang pala kami nung magkita kami sa University na pinapasukan namin. Alam mo naman basta malaman mong may kababayan ka kakaibiganin mo na agad para hindi ka naman loner.

Actually marami pa kaming mga filipino sa university na yun pero kami kasi ni Ms.Thompson parehas kami ng views pag dating sa negosyo kaya napag isipan namin na eto mag invest at mag tayo nitong resort. Eventually, lumago ng lumago ang business." kwento ni Lucas tungkol sa kung paano sila nagkakilala ni Penelope.

"Ohh I see, I see. Business minded din pala si Penelope no." wika ni Ethan.

"How did you know her name bro? You already asked her?" tanong ni Lucas.

"No bro, yun nga e. Actually, the reason kung bakit ako naattract sa kaniya ay dahil sa matagal ko na talaga siyang kilala." pagbunyag ni Ethan.

"Really? But how?" curious na tanong ni Lucas.

"Actually, sya yung nakwento ko sa inyo dati na Childhood Bestfriend ko." tuluyang pag bunyag ni Ethan.

Nanlaki ang mga mata ni Lucas sa gulat.

"Ohh. Yung the one that got away mo? Bumalik?" wika ni Lucas habang gulat na gulat pa din ang mukha.

"Parang ganun na nga bro." nakangiting sagot ni Ethan.

"Kaya siguro naman naiintindihan mo na ako kung bakit ganun na lang ang reaksyon ko sa kanya nung muli kaming magkita, Di ko kasi inexpect na magkikita kaming muli."

Maya maya'y lumapit na si Mica sa amin at nagsasabing nagugutom na daw siya kaya agad na akong nagsalin ng mixed fruit juice na ginawa ko para kanilang tikman.

"Okay, but before we leave, please tikman niyo muna itong mixed fruit juice na ginawa ko." pag alok ni Ethan kina Lucas at Mica.

Nagsalin ulit ako para bigyan ang caretaker nitong lugar at si Penelope.

Tapos ko nang bigyan si ate na caretaker kaya itong huli ay para sa espesyal na babae para sa akin.

"Hi Ms.Thompson. Before we leave can you just taste this mixed fruit juice? And tell me how is it?" nakangiting tanong ni Ethan kay Penelope.

Agad din namang tinanggap ni Penelope at ininom.

---------

PENELOPE THOMPSON POV

Nagulat ako dahil biglang lumapit sa akin si Mr. Smith na may dalang juice.

Gusto niya daw na tikman ko at sabihin kung ano ang lasa.

Hindi ko alam kung para san at baket pero ininom ko nalang dahil ayaw ko naman maging kj at ayaw ko din masayang ang effort ni Mr. Smith.

Pagkatikim ko, napakunot ang mukha ko. Hindi dahil sa hindi masarap. Kundi dahil parang naka tikim na ako ng ganitong timpla hindi ko lang malaman kung saan at kelan.

Kung sa restaurant ba? o sa...

Aha! Parang kasing lasa ng recipe ng juice ng Mommy ni Ethan! Hmm? Bigla tuloy akong nahiwagaan dito sa Mr. Smith na ito. Tapos parehas sila ng surname ni Ethan. Hindi kaya?..

"BESHIE SUNOD NALANG KAYOOOOOO!" sigaw ni mica habang kinakabitan ng harness ng zipline, di kalayuan sa Eve's Garden.

Ay naloko na. Naiwan kami ni Mr. Smith dito!!

"Huh? Bakit sila nag zipline? Saan papunta yan?" tanong ni Ethan na naguguluhan kung bakit nag zipline sina Lucas at Mica.

"Mr. Smith. That's the only way down." sagot ni Penelope na imbyerna sa ginawa ng kaibigan.

"Really? So meaning to say, pababa nitong Eve's Garden is kailangan muna mag zipline?" tanong ni Ethan.

"Exactly Mr. Smith" sagot ni Penelope.

"So wala tayong choice kundi mag zipline ng sabay pababa para makarating dun sa canteen na nasa ibaba din."pag explain pa ni Penelope.

Chapitre suivant