webnovel

CHAPTER 36

***

1 years later..

NAKA TULALA siya sa kawalan habang hawak ang lapis. Muli ay napabuntong hininga siya ninamnam ang hangin na pumapasok mula sa loob ng kanyang silid.

"Akie! " Napahawak siya sa kanyang dibdib ng bumukas ng malakas ang pinto. Iniluwa non sina Kaiden at Kaide ang mga kapatid niya.

"Papatayin niyo, ata ako sa nerbiyos. " Tumawa lang si Kaiden habang napa simid naman si Kaide.

"Hindi naman sa ganon. "

"Kamusta na ang pakiramdam mo? " Tanong ni Kaiden sa kanya, tipid na ngiti lang ang kanyang isinukli.

Matapos ang mga naganap sa Villa at matapos niyang makipag talo sa asawa. Tatlong buwan bago matapos niyang magising mula sa pakikipag laban kay kamatayan. Sariwa padin sa ala-ala niya ang lahat, maging ang binata kung paano siya nito tingnan naparang kasalanan niyapa lahat.

Di niya aakalain na sa pakikipag laban kay kamatayab ay

mabubuhay pa siya gayon din ang batang nasasinapupunan niya. Hinaplos niya ang umbok niyang tiyan. Ilang buwan na lang ay kabuwanan na niya.

Hindi niya tuloy hindi maiwasan na hindi maging emosyonal ng mga sandaling iyon.

"C'on sis, don't cry where here for you. "

"Tama siya Akie, hindi mo kailangan maging emosyonal ngayon baka makasama sa baby yan. "

"Salamat dahil nandyan kayo. Para sakin. "

"Simpre naman where here of you baby,

and where family ." Ani ni Kaide bago siya nito niyakap at ginawaran ng halik sa noo.

"Oy! Tama na yan ako naman yayakap tabi. "

"Aw! Hindi kanaman makapag hintay---"

"Shut up. "

Napa tawa na lamang siya dahil sa kakulitan ng dalawa. At doon lamang sila napa lingon ng may tumikhim mula sa likuran nila nakita nila ang kanilang ama nanasa pinto.

"Dad!! " Panabay na sabi ng kambal. Saka siya ginawaran ng halik sa noo.

"Sinabi ni nanay Belin hindi kapa kumakain simula kahapon baka makasama sa baby mo kapag nalipasan

Ka ng gutom. "

"Hindi pa po ako nagugutom. "

"Your right Dad we told her---aw, aw! Dami'it

Kaiden. " Hinila ni Kaiden ang tainga ng kakambal papalabas ng kanyang silid bago ito ngumit sa kanila.

"Labas lang kami Dad. " Tumango naman ang kanilang ama. Bago sumimangot si Kaide.

"What? Hindi pa ako tapos mag salita---"

"C'on dude, hayaan mona natin silang makapag usap wag kang panira ng moment---"

"But. Fine! " Parang maamong tupa na lamang na sumunod si Kaide sa kakambal. Nang makalabas ang dalawa napabuntong hininga nalamang ang kanyang ama.

Bago ito lumapit at pumunta sa kanyang likuran. Saka nito tinulak ang wheel chair papunta sa veranda.

"Sabi ng doctor puwede kapadin makalakad at ma operahan yang mga binti mo." Hindi siya kumibo. Inilapat nito ang mga palad sa mga tuhod niy na walang pakiramdam.

Bigla na lamang itong napahikbi hinawakan ang kanyang mga kamay at pa ulit-ulit na binibigkas ang kanyang pangalan.

"P-patawarin mo ako Akie, hindi ko nagampanan ang pagiging ama ko sayo. Wala ako sa tabi nang mga panahon na kailangan na kailangan mo ng masasandalan. Patawarin mo ako.. "

Tumingin siya sa ama, hinaplos ang mukha nito di rin siya makapaniwala na ang kaharap niya ay ang totoo niyang ama. Kahit may edad na ito masasabi niyang matikas padin itong tingnan kayat malabong hindi nga mabaliw ang kanyang itinuring na ina dahil sa kakisigan ng kanyang ama.

"Kawangis na kawangis mo ang iyong ina. "

"D-dad... " Nag simula nang manubig ang mga mata niya. Hanggang nag sunod sunod na ang pagagos non.

"Akie, anak. Anak ko... " Ang kaninang tahimik ngayon ay humagolgol na.

Hindi na niya kailangan tanungin ang kanyang sarili kung sino siya dahil lahat naman pala ng kasagutan na nais niya ay nasagot na labis ang galak ng puso niya dahil nakilala na niya ang kanyang ama at mga kapatid. Muli nanaman sumagi sa isip niya ang mga nangyari sa kanya. Mga naganap na dapat na niyang limutin maging ang nasugatan niyang puso ay na hihirapan pang makabangon.

"D-dad.. Ang sakit.. " Hirap niyang bigkas habang sinusuntok ang dibdib na naninikip.

"Shh... It's alright it's alright, dear. "

"I'm hurt dad.. I can't.. "

"Shh.. Clam down. Hindi makakabuti sayo ang ma stressed. Please. "

"B-bakit ako dad.. Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganto. Ang sakit sakit padin! Masakit kasi kahit anong gawin ko hindi niya ako minahal.. "

"Tahan na. Kalimutan mo na siya kalimutan mo na yung ganong tao, i will make sure all of them

Surely be dead isasama ko sila sa kuhay na gagawin ko at kasama na siya doon. "

LUMIPAS ANG ILANG  buwan ay nakapanganak na rin siya. Iniluwal niya ang isang malusog na sanggol at gwapong gwapo at napaka cute na bata. isang taon nadin pala ang lumipas parang kahapon lang nangyari ang lahat. kahit nahihirapan siyang kalimutan ang binata nandiyan naman ang kaniyang mga kapatid at ang kanilang ama, tinutulungan siyang libangin kahit papaano ang sarili.

Mariing niyang pinagmasdan ang kanyang anak na himbing na himbing sapagtulog mula sa kanyang mga bisig. Napa nguso siya lalunat sa tuwing pinag mamasdan niya ang kanyang anak ni isang katiting ay wala manlang nakuha sa kanya. Halos lahat nakuha nito ang itusra ng maging ang mga labi at mga kilay na makakapal gayon din ang mga pilikmata nito. Gosh.. Maging ang tangos ng ilong ay hindi din pinalampas.

"Akie."

Agad siyang lumingon sa kanyang kapatid na si Kaiden. Napailing siya kasi noong una hindi niya talaga malaman kung sino nga ba sadalawa si Kaiden at Kaide lalunat mag kamukhang magkamuha talaga ang mga ito ultimo pati ang katawan ay hindi talaga nagkakalayo.

Pero habang tumatagal mas nakikilala na niya kung sino sa dalawa si Kaiden at si Kaide dahil isaman sa dalawa ay may palatandaan siya. Si Kaiden na may pilat sa kaliwang kilay habang si Kaide naman ay may nunal sa bandang leeg. Kayat madali niya talaga nakilala ang dalawa.

"Wow. Happy ka? " Nakataas ang mga kilay nito bago siya ginawaran ng halik sa noo.

"Yes.. " Tipid naman din niyang sabi.

"Para saan naman yang mga ngiti mong yan

hmm? " Sabi pa nito habang hawak ang kamay ng kanyang anak saka tumingin sa kanya.

"Hindi ba puwedeng hindi maging masaya? "

"Tch. Sabihin mo na kasi. "

"Simpre, nakilala at nakasama ko na ang totoong

pamilya ko. "

"Yeah.. Met too. Dahil binalik ka niya saamin. Pero hindi ako nagagalak  na buhay pa ang mga taong gumawa niyan sayo laluna ang lalaking nanakit at pinabayaan ka. "

Bumuntong hininga siya ginagap ang palad nito. Ramdam niya ang pagkuyom ng mga kamao nito dahil sa tinitimping galit.

"H-hindi niya kasalanan---"

"Bullshit. Akie hindi niya kasalanan? Wag mo nang ipag tanggol o pagtakpan pa ang mga pagkakamali niya. Alalahanin mo siya ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Kung bakit hanggang ngayon ay hindi kapadin na kakamove on sa gagong yon. "

"Kaiden---"

"Kaya tama lang na hindi kana niya makita pa. Hindi niya alam kung gaano ka naghirap paralang makipag saparalan kay kamatayan. Tama nayong sakit na idinulot niya sayo ngayon nasa puder kananamin hindi kana niya muling masasaktan at mapapabayaan pa. "

"P-pero asawa ko pa din siya Kai---"

"Hindi ka niya asawa Akie, alam mo kung bakit kung asawa ka niya at kung mahalaga ka sa kanya hindi ka niya hahayaan at pababayaan at makikinig siya sa paliwanag mo. Pero anong ginawa niya huh? Tingin mo gawain yon ng isang lalake? Hindi kasi pinabayaan ka niya. " Itinaas nito ang kanyang mukha upang magpantay sila.

"M-mahal ko siya Kai.. " Napa hilamos ito sa mukha.

"Taon ang lumipas. Taon ang ginugol para lang mahanap kanamin nila Dad. At taon din nag hirap si Dad at pa ulit-ulit na nag sisisi. Pero nang malaman niyang buhay ka hindi na siya nag dalawang isip na mag paimbistiga at na kumpirma na anak ka niya. Tuwang tuwa si Dad dahil ang sabi niya may panahon na siya para punan ang mga pag kukulan niya bilang ama sayo. Masaya kami dahil nakita kananamin. "

Napahikbi na siya dahil sa sinabi nito. Hinaplos niya ang mukha nito kahit siya din naman ay labis ang galak sa puso niya.

"Napakasaya ko din Kaiden sobra, buong buhay ko nasasabik ako sa pagmamahal ng isang ina at ama. Pakiramdam ko iba ako sakanila. Yun pala hindi talaga nila ako totoong anak. Kaya pala ganon na lang sakin si mama. Y-yun pala---"

"Shh.. Kalimutan mo na sila Akie, puwede kanang mamuhay ng maayos magbagong buhay na kasama kami nila Kaide and Dad ako at si Baby Trevan. Kalimutan mo ang sakit diyan sa puso mo. " Tumango siya saka nito pinunsan ang mga luha na naglandas sa mga pisngi niya.

"S-salamat masayang masaya ako Kai. "

"I know that. Kayat wag natayong mag dramahan pa dito. Okay, we here for you sis. Saka hindi bagay sayo ang umiyak ang pangit mo pala---aw! "

"Puro ka kalokohan. " Aniniya matapos niyang sabunutan ito.

"Hindi ah, "

"Oo baliw ka. "

"Nope I'm not. "

"Yes you are. "

Tumawa na lang ito. Tama ito kailangan na niyang kalimutan ang lalaking minahal ang lalaking paulit-ulit na nag bibigay ng sakit sa puso niya panahon na upang buksan na niya, ang panibangon kabanata ng buhay niya kasama ang kanyang pamilya at ang kanyang anak.

©Rayven_26

A/n: Hi! now lang uli ako nakapag update guys sobrang busy na kasi sa buhay buhay may asawa. kaya ngayon tatapusin kona itong obsession :)

Rayven_26creators' thoughts
Chapitre suivant