webnovel

DANGER

Third Person's P.O.V

Silvia triumph to make everything go to the way she plans.

Vreihya is hurt and hopeless, strengthening Silvia's bond to her body as the princess's emotions shuttered all over the place.

Her cries of agony and pain echoed to the dark and small room of the back of Silvia's mind, a melody that she thrived to hear every single day, a cry of pain.

Mino... he's enrage, he's beyond angry as the wrath on his poor heart started to beat a mad rhythm that brought chaos to his mind. He wanted revenge, he wanted everyone to pay for making him feel weak and used... being stronger than all of them will give him his glory.

Thus, Silvia is now ready to harm the mortal's physical being after she succeeded to hurt the heart and the emotions. A very clever move to make.

Tuluyan nang pinahid ni Mino ang kaniyang mga luha na sanhi ng pag-ibig at pagtitiwala para sa prinsesa. He promised to himself that when he wiped it off, it would be the last and will mark the pain on his heart forever.

Walang emosyon siyang tumitig sa umiiyak na prinsesa sa kaniyang harapan habang muli na namang nagsimulang magpanggap ang halimaw. Muli siyang sumigaw na tila ba may bumibiyak sa kaniyang isipan ngunit hindi na pag-aalala ang nararamdaman ni Mino.

He feels nothing... just blank! Like staring into a horror movie that he didn't find thrilling enough.

Silvia's real form emerged again then sealed her victory with her sinister laugh. The initial shaking and terrified Mino was nowhere to be found. He was just there, staring at Silvia as she celebrate.

"You will die!" garalgal na panimula muli ni Silvia habang hindi na niya maramdaman ang buhay na diwa ng prinsesa. Vreihya chose to gave up her body as she no longer wanted to feel the pain. She raised the white flag and admitted her defeat.

The lovely princess of the Zecillion family is now past asleep with her nightmares coming to life in the hands of an evil force. Her evil persona.

"Already dead," malamig lamang na turan ni Mino then inserted both of his hands on his opposite pockets. Staring directly on the devil's eye, he knew very well that it is not the right time to fight with her physically.

His heart might be fueled with strong wrath but he knew very well that he lack the strength and power to fight her. He will not risk the chance of killing her by fighting her back today. He will come back... stronger than he is today.

They say that weakness and fear make the humans as "human" themselves, without those, what creature would be unleash?

Silvia alerted herself to tear Mino into shreds, right here, right now. She enhanced the evil aura all over her body and sharpen her claws, pupils thinning out again while meeting the gaze of the enrage mortal.

She was ready to bury her claws to his throat but she was taken aback, brow's raised when Mino just turned his back away from her. He begun to walk away as if Silvia is not a being that should be feared with.

She find it very rude, causing for her to growl in irritation. Agad niyang ginamit ang kaniyang bilis at agad siyang napunta sa harapan ni Mino upang harangan siya sa balak niyang pag-alis.

"Walking out already? Ngayon pa lang nagsisimula ang kasiyahan," mapanloko niyang saad but Mino just stared at her blankly.

Agad siyang nilapitan ni Silvia at agad na inatake, mabilis na tumilapon si Mino at napasalampak sa malaking puno. Nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang likuran. He hissed but that's all, no response.

He stood up kahit pa na hihirapan then brushed off the dirt on his shirt with his two hands. Silvia's left claws grew longer and gave all her might to attack and inflict injury to Mino's muscular body, she jumped and opened her wings on mid-air.

She accelerated to Mino's direction with her claws ready to dig deep. Mino just close his eyes, waiting for that moment when his blood will just gush out to his body with the devil's claws buried deep to it.

Isang ngisi ang namutawi sa labi ni Silvia habang ramdam na niya ang tagumpay. Ngunit agad siyang nagulat dahil sa isang nilalang ang sumulpot at humarang sa kaniya. Mabilis nitong nahuli ang kaniyang kamay na dapat ay bubulusok kay Mino.

Tila hindi kaagad siya nakapag-isip dahil sa gulat na hindi niya naramdaman ang presensya ng nilalang na ngayon ay hinawakan siya gamit ang isang kamay.

Agad niyang naramdaman ang tila malamig na bagay na sumasakop sa kaniyang buong katawan. She was frozen all over her body. A literal frozen statue.

Agad na nagmulat si Mino at bumungad sa kaniya si Calix na may kakaibang enerhiya sa katawan. Agad na nakaramdam ng galit si Silvia at akma na sanang babasagin ang yelo na bumabalot sa kaniyang katawan ngunit agad siyang napainda sa kaniyang isip.

"Fuck! What's happening?" malakas niyang sigaw habang nakikita niya ang natutulog na katawan ni Vreihya na nakagapos at unti-unting nababalot ng makapal na yelo.

Marahas na napabitaw ang mga gapos ni Vreihya sa kaniyang paa at palapulsuan ngunit imbis na mahulog ito sa sahig ay nakaangat lamang ito sa ere habang tuluyan ng nagyelo ang kaniyang kabuuan.

"What kind of trick is this?" marahas na turan ni Silvia. Inipon niya ang kaniyang nararamdaman na poot at nagpakawala ng isang malakas na enerhiya.

Pagbabayarin niya nang husto ang may kagagawan nito!

Unti-unting nabibitak ang yelo sa kaniyang katawan. Rinig na rinig ang malulutong na tunog ng pagkabasag nito. Bawat bitak ng yelo ay may lumalabas na maitim na usok dito at tuluyan na nga itong nadurog at kumalat sa paligid.

Muling bumalik ang tunay na anyo ng halimaw habang isang malakas na sigaw ng galit ang namutawi sa buong sangtwaryo.

Agad na napatingala sa kalangitan si Circa habang bitbit niya sa kaniyang bisig ang nahihimbing na batang lobo. A smile formed on her lips. "He did it!" she stated with relief. "I just hope that's enough to save both of them."

Agad na nanlisik ang mga mata ng halimaw at tila lalong nag-amok nang makita niyang wala na ang mortal maging ang prinsipe ng nyebe. Isang malawak na kagubatan na lamang ang kaniyang nakikita. Hindi niya na rin nararamdaman ang presensya ng mga ito sa malapit.

At higit sa lahat, nabatid niyang tila may kung anong nawawala at kinuha sa kaniya.

Sa kabilang banda, ang istorya ay hindi lamang umiinog sa kanila.

"Sigurado ka ba sa iyong nakita?" agad na turan ni Haring Zakarias sa nakaluhod na kawal sa kaniyang harapan.

"Opo mahal na hari, nakakita po kami ng isang malawak na kagubatan sa disyerto ng Valhala," sagot ng kawal na pinipigilan ang panginginig habang nasa tabi niya ang sunog na bangkay ng isa sa mga kasama niya na walang naibigay na magandang balita sa hari.

Isang ngisi ang rumehistro sa labi ng hari dahil batid niyang hindi maaari na basta na lamang magkaroon ng kagubatan sa isang nakamamatay na disyerto.

Halos magta-tatlong buwan na nilang pinaghahanap kung nasaan na ang reyna ng kaharian ng Zecillion maging ang kakambal nito ngunit ngayon ay nakakakita na siya ng pag-asa. Pag-asang maghari na muli.

The sanctuary has a different timeline than the rest of the vampire world, ang iilang araw na pananatili doon ay katumbas ng buwan sa labas ng kaharian ng diwata.

Akma na sana siyang tatayo upang magbanggit ng panibagong utos ngunit agad na bumukas nang marahas ang malaking pinto ng silid.

Isang kawal na humihingal ang pumasok doon ngunit bakas ang dugo sa kaniyang kasuotan. "Mahal na hari, ang grupo po ng mga kawal natin sa timog ng kaharian ng Calixtas ay... wala na po silang lahat! Nang magtungo ako doon upang humingi ng balita sa kanilang paghahanap ay tanging mga walang buhay na mga kawal ang aking nakita. Malupit po ang kani- ACK!."

Hindi na natapos pa ang dapat sanang sasabihin ng kawal dahil sa tumarak na punyal sa kaniyang leeg na siyang itinapon ng hari sa kaniyang direksyon.

"Kakatanggap ko pa lamang ng magandang balita!" madiin nitong turan habang nanginginig ang kawal na nakaluhod na siyang saksi ng lahat.

"Tila kumikilos na ang prinsipeng Zecillion, hindi mo ako mauutakan Alonzo," pahayag niya kasabay ng pagkuha sa isang bagay na nasa bulsa ng kaniyang kasuotan.

It is a feather with a touch of gold, white and the outline is a bright red katulad ng balahibo ni Silvestre. Nakuha ito ng hari sa silangang bahagi ng Calixtas kung saan napaslang din ang grupo ng kaniyang mga kawal na naghahanap.

Agad na lumiyab ang kaniyang hawak habang umiinit ang kaniyang mga mata na madiin ang pagkakatitig doon. Ibinuka niya ang kaniyang palad at naglabas ito ng isang apoy na nagliliyab nang husto.

Agad na bumungad sa kaniya si Reyna Macara na prenta lamang na nakaupo sa kaniyang truno. The queen instantly looked at her flaming fireplace while seeing the king on it.

"Handa na ba ang mga nilalang Macara?" bungad ng hari sa kaniya habang may ngiti sa labi ng reyna, tangan-tangan ang isang botelyang walang laman.

"Matagal na silang handa," makahulugang saad nito at marahan na hinaplos ang malaking Awol na nasa bandang ibaba ng kaniyang trono. Mahimbing itong natutulog at gumawa ng isang ungol na tila ba nagugustuhan niya ang haplos ng reyna.

"Mabuti," walang ganang pahayag ng hari bago ito tuluyang nawala. Isang malakas na tawa ang siyang umalingangaw sa malawak na silid at agad na napatingin ang reyna sa malaking larawan na nasa isang malaking pader ng silid.

Gamit ang kaniyang bilis ay nasa harapan na siya kaagad ng larawan. Pinakatitigan niya ang larawan ng isang magandang dilag na matagal na niyang hindi nakapiling.

The purple eyes that she inherited from his father is complimenting her ethereal beauty. She is her last card to grab the power and victory that she long for from the start.

"Sana natupad mo ang iyong misyon aking anak."

Chapitre suivant