webnovel

ORIGINAL

Ilang minuto pa ng aming paglalakad sa nagyeyelong gubat ay agad na kaming nakatanaw ng isang tahanan na nababalot na din ng nyebe. Agad akong huminto sa paglalakad at napahinto din si Calix. "I don't like the idea of us going there.", malamig kong pahayag dahil hindi naman namin kakilala ang kung sino man na nakatira diyan. Kailangan walang makakaalam kung nasaan kami ngayon ni Mino dahil mainit sa amin ang ibang kaharian.

"Chill princess, that's my place.", prente lamang na turan ni Calix at tumango na lamang ako. "Why do you have a place here in this cold dead forest?", agad kong tanong habang papalapit na kami sa may katamtamang laki na tahanan. "Because I am cold and dead too.", he said figuratively at napayuko na lamang ako dahil sa kaniyang tinuran. I knew that he is talking about our past. Ako lang naman ang nakasakit sa kaniya ng todo kaya nawala ang dating masayahing Calix na kilala ko.

Ilang minuto pa ay nakapasok na kami sa loob at halata nga na hindi abandonado ang lugar na ito dahil may iilang kandila pa ang buhay. Marahan niyang inilapag ang walang malay na si Mino at agad kong tinignan ang parte na tinamaan ng bato sa kaniya. Sinigurado ko na hindi na ito nagdurugo dahil pinunasan ko na ito kanina. "Stay here, I will get my medicine on the basement.", prente lamang niyang saad.

Ilang sandali pa ay tanging ako at si Mino na lamang ang naiwan at agad akong napatingin sa larawang nakasabit sa pader. Larawan ito ng isang babae ngunit ang kaniyang mukha ay hindi buo dahil puro linya lamang ito. Base on the body it is a woman yet the face is covered with scribbled lines na tila hindi alam ang kaniyang itsura. I knew that Calix is the one who drew this dahil alam ko ang estilo niya sa pagguhit dahil dati ako lamang ang babaeng kaniyang iginuguhit at ipinipinta.

Napangiti na lamang ako dahil unti-unti na niyang natanggap na hindi talaga ako ang babae na para sa kaniya. I know na hindi naging madali sa kaniya na tanggapin ang ideya na ito ngunit batid kong wala din siyang takas sa sarili niyang tadhana. Mas lalo kong nakompirma kung sino ang babaeng nasa larawan dahil sa suot-suot nitong kwintas na may hugis buwan.

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang presensya ni Calix habang nanatili akong nakatayo sa harapan ng larawan. "You're starting to have a vision of her.", prente kong pahayag sa kaniya ngunit hindi niya ako sinagot. Tumabi lamang siya sa akin upang iabot sa akin ang botelya ng gamot na siyang gagamitin kay Mino. Agad ko na itong kinuha at nagtungo sa direksyon ni Mino.

Binuksan ko ito at naglagay ng pulbora mula sa botelya sa aking palad. Nag-usal ako ng mumunting dasal dahil ang pulbora na ito ay nangangailangan ng dasal ng isang maharlika upang makagamot ngunit may kapalit ito na sakit datap'wat hindi ko na ito iisipin pa. Sa aking pagpahid sa kaniyang sugat sa kaniyang ulo ay muli akong nag-usal ng dasal at unti-unti kong naramdaman ang tila pagkirot ng gilid ng aking ulo at ang dahan-dahang pagtulo ng dugo mula dito.

Agad akong napatili nang impit dahil sa sakit na sa akin na naipapasa upang mawala ito kay Mino. Habang unti-unting nagliliwanag ang kaniyang sugat na aking pinahiran ay tila mas lalong kumikirot ang sugat niya na sa akin na napupunta. Agad na muling dumaloy ang masaganang dugo mula sa sugat. Nang nawala na ang liwanag sa ulo ni Mino na tanda na wala na ang kaniyang sugat ay agad siyang nagmulat ng mata at agad niya akong nakita.

Tila mawawalan ako ng balanse dahil sa sakit kaya agad kong naramdaman ang pagtungo ni Calix sa akin at ilang sandali pa ay tila ako mawawalan ng malay ngunit naramdaman ko bigla ang bisig ng prinsipe ng nyebe. Napakagat labi ako dahil sa sakit na sa akin nailipat at mabilis kong naramdaman ang pagtayo at paghila ni Mino sa aking palapulsuan upang mailayo ako kay Calix.

Agad kong naramdaman ang mga bisig ni Mino na tila hindi niya ako hahayaan na mahawakan ng sinuman. "Bakit ka nandirito?", agad niyang singhal kay Calix habang nararamdaman ko na inalerto niya ang kaniyang sarili upang umatake. Ramdam ko ang mahigpit na pag-alalay sa akin ni Mino na tila ba pinoproteksyunan niya ako laban kay Calix.

"Look she is still bleeding. Huwag ako ang pagtuunan mo ng pansin.", malamig na saad ni Calix at agad na tumingin sa akin si Mino at nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa umaagos na dugo mula sa aking sugat. Agad niya akong binuhat na tila bagong kasal kami at ako na ang inihiga niya nang maayos sa higaan niya kanina.

Akma na sanang lalapit si Calix ngunit agad na iniangat ni Mino ang kaniyang kamay upang patigilin si Calix sa paglapit. "I don't know you! Huwag kang lalapit sa kaniya.", agad niyang singhal kasabay ng matalim na paninitig. "I can see that your territorial ngunit alamin mo kung nasaan ka ngayon mortal.", agad na babala ni Calix kay Mino ngunit hindi niya lamang ito pinansin at mabilis na kumuha ng tila tela mula sa kaniyang bag na nasa ibaba lamang ng higaan.

Nabatid ko ang mabagal niyang pagpunas sa mga bakas ng dugo sa aking pisngi. "I don't care if you're stronger than me dahil hindi mo siya pwede hawakan!", madiin na babala ni Mino na nagpangisi lamang kay Calix. Kitang-kita ko ang pamumutla ni Mino dahil na din siguro sa lamig ng panahon ngunit tila hindi niya ito iniinda at nakatitig lamang siya sa aking pisngi atsaka siya dumako sa aking sugat at ng akma na niya itong dadampian ng tela ay kaagad ko siyang pinigil.

"Don't worry about that maghihilom na din 'yan maya-maya.", agad kong pahayag sa kaniya ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. "Ako na nga ang nagpatama sa bato para hindi ka tamaan pero bakit may sugat ka pa din?", agad akong natigilan sa kaniyang pahayag. Anong ibig niyang sabihin? Napansin niya ba na tatama ako sa bato kaya ba ganoon na lamang kahigpit ang pagprotekta niya sa ulo ko kanina?

"Itigil niyo 'yan nakakasura!", agad na singhal sa amin ni Calix at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paghihilom ng aking sugat dahil hindi naman ito atake o kagagawan ng kapwa namin bampira kaya madali lamang ito maghihilom. Agad na akong umupo nang maayos kahit pa nakakaramdam pa ako ng pagkahilo.

"Anong ginagawa ng prinsipeng ito dito?", agad na tanong ni Mino. "I am here to kill you both.", agad na naglingas ang mata ni Calix at agad na may namuong matatalas na punyal sa kaniyang magkabilang gilid na tila ba handa na niya itong iatake sa amin ngunit napahinga lamang ako ng malalim dahil alam kong pinagloloko lamang niya si Mino. Agad akong hinarangan ni Mino upang hindi ako tatamaan ng mga punyal ni Calix.

"Bring it on Elsa!", agad na sigaw ni Mino at parehong nangunot ang noo namin ni Calix dahil sa kaniyang turan. Who the hell is Elsa? Haist! Mino and his human references. "You're too arrogant for a human.", mayabang na saad ni Calix. "Can you just please stop this nonsense?", gamit ang aking bilis ay agad na akong pumagitna sa kanilang dalawa.

"Mino meet Calix Amadeus Salizte my childhood friend.", agad kong usal kay Mino ngunit agad naman natawa si Calix na siyang pinagtaasan ko lamang ng kilay. "Childhood friend lang ba Vreihya?", agad na makahulugang tanong ni Calix at agad akong tumingin sa kaniya at tila binabantaan ko siya na huwag ng magsalita ngunit nginisian lamang niya ako. "I am Prince Calix Amadeus of the Salizte kingdom and I am the original mate of Princess Vreihya Amely Zecillion before you entered the prophecy human.", mayabang niyang saad na siyang nagpainit ng aking ulo.

Agad akong napatingin kay Mino na may ekspresyon na hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung bakit tila gusto kong magpaliwanag sa kaniya patungkol sa sinaad ni Calix ngunit tila kinurot ang aking puso dahil sa kaniyang pagngisi. Ang mas tila nagpabigat ng aking puso ay ang kaniyang mga sumunod na kataga. "Great to know that I wasn't the original. How I wish na pinaglaban mo ang pagiging orihinal mo para hindi na ako nadamay dito.", he said coldly and with that I felt like a sharp arrow pierced through my heart.

Entrante! Bakit tila masakit?

Chapitre suivant