webnovel

REMEMBER

"Sabi ng hubarin mo na!", naiirita kong pahayag kay Mino dahil ayaw niya sumunod sa aking iniuutos. "No! Ako na lang ang maglalagay ng kung ano man 'yan!", agad niyang singhal sa akin habang pilit niyang inilalayo sa akin ang kaniyang sarili dahil sa ayaw niya na ako ang maglalagay ng halamang gamot sa kaniya. "Hindi nga kasi pwede! Ako nga ang dapat maglalagay!", malakas kong sigaw sa kaniya. Nawawala talaga ang pagiging mahinhin ko dahil sa kaniya.

"Kaya ko naman gawin eh! Let me do it!", sagot niya pabalik sabay inilag niya ang kaniyang sarili dahil akma ko na siyang hahawakan. "Inuubos mo ang pasensya ko!", naiinis kong pahayag dahil kanina ko pa gusto magpalit ng kasuotan dahil basang-basa pa din ako. Hindi na ako nakatiis at binitawan ko muna ang kapirasong kahoy na siyang nagsilbing sisidlan ng dinurog kong bulaklak. Agad kong ginamit ang aking bilis at nahawakan ko siya sa kaniyang balikat.

Agad naman siyang nanlaban dahil sinisimulan ko ng ibaba ang kaniyang kasuotang pang-itaas. "Bitawan mo ako!", agad niyang singhal sabay marahas niyang tinanggal ang aking magkabilang kamay. Mabilisan ko naman itong ibinalik at muling tinangkang hubarin ang kaniyang kasuotan. "Ano ba! Manyakis ka! Manyak!", agad niyang singhal sa akin habang pilit na pumapalag ngunit hindi ko na siya pinakinggan dahil nawawalan na ako ng pasensya.

"Huwag mong hintayin na gumamit pa ako ng dahas!", naiinis kong saad habang patuloy na hinuhubad ang kaniyang kasuotan. "Hindi pa ba dahas ito?", mataray niyang pahayag at matagumpay na naman niyang naialis ang aking pagkakahawak. Agad siyang humakbang palayo sa akin at muli na naman akong bumuntong hininga dahil sa nararamdaman kong inis. Ilang beses pa ba ko magagalit ngayong araw dahil sa kaniya?

Agad kong naramdaman ang pag-init ng aking mga mata habang mariin akong nakatitig sa kaniya at agad kong nasaksihan ang kaniyang pamumutla. "Ginagalit mo talaga ako!", madiin kong saad sa kaniya habang mabilisang niyang niyakap ang kaniyang sarili na tila ba pagsasamantalahan ko siya. "Lagi mo na lamang pinapakulo ang dugo ko!", malamig kong pahayag habang nagsisimula na siyang umatras na tila ba nais na niya tumakbo palayo. Ilang segundo pa ay akma na siyang tatakbo ngunit mabilisan ko siyang naabot at agad kong pinuwersa ang kaniyang kasuotan na nagging sanhi kung bakit nahati ito sa dalawa.

"What the hell!", agad niyang singhal sabay harap sa akin habang hinaharangan ng kaniyang magkakrus na braso ang kaniyang dibdib. Agad kong sinalampak sa damuhan ang kaniyang kasuotan habang nanlalaki ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin. "SIT!", malakas ko na turan sabay mabilisan siyang umupo sa damuhan na tila isang lobo na pinapagalitan ng kaniyang amo.

Nanlalaki pa din ang kaniyang mata habang nakatingin sa akin at nagsimula na siyang mamutla. "STAY!", malakas kong singhal na siyang mabilsan niyang tinanguhan na parang takot na bata. Gamit ang aking bilis ay kinuha ko na ang kapiraso ng kahoy na may dinurog na mga bulaklak. "BEHAVE!", madiin ko na turan habang dahan-dahan na akong umupo sa kaniyang harapan. Akma ko na sanang ipapahid sa kaniya ang nakuha kong katas mula sa bulaklak ngunit bahagya niyang iniwas ang kaniyang nanginginig na katawan.

Agad ko siyang tinignan nang matalim sabay muling nagningas ang aking mga mata at agad siyang napalunok at mabilisan niyang inilapit ang kaniyang katawan sa akin. Mabuti naman at hindi na niya balak na galitin pa akong muli. "Gagamutin lang naman eh ang dami pang arte!", malamig kong turan sa kaniya habang ipinapahid ko na sa kaniyang kaliwang dibdib ang dinurog na bulaklak.

"Es Yelem Esleh", mabagal na bigkas ko sa isang dasal kasabay nito ay ang pagliwanag ng katas na siyang ipinapahid ko sa kaniya. Nabatid ko ang kaniyang pagkagulat at pagkamangha habang tumititig siya sa nagliliwanag na katas. Muli akong nagbanggit ng dasal habang lumipat sa kaniyang tiyan ang aking pagpahid.

Hindi ko maiwasang manginig dahil sa pagdikit ng aking daliri sa kaniyang makisig na katawan. Hindi ko maipagkakaila na sadyang kaakit-akit ang katawan ni Mino ngunit wala akong balak na magnasa. Ilang segundo pa ay siya na mismo ang pumilig upang ang tagiliran naman niya ang tila gusto niyang palagyan. Hindi ko alam ngunit napangiti ako dahil sa gugustuhin lang din naman pala niya ay hinayaan niya pa akong magalit.

Medyo may kalakihan ang pasa niya sa tagiliran kaya naman pumikit ako upang sambitin ang dasal. Kahit nakapikit ako ay kahit papano ay nababatid ko ang matinding pagliwanag ng katas ng bulaklak. Nakapikit kong iginalaw at bahagyang ibinababa ang aking pagpahid upang malagyan ko ang kabuuan nito. "Ahm princess- ", agad akong napamulat dahil sa biglang pagsasalita ni Mino at agad kong nakita ang pagbaba ng kaniyang tingin sa aking kamay na nagpapahid sa kaniyang tagiliran. Agad na nanlaki ang aking mata at inilayo ko ang aking kamay dahil sa kung nasaan na ang aking pagpahid at tila bumababa na ito sa kaniyang- ah basta sa ano! Basta 'yun!

Agad akong napaiwas ng tingin at naramdaman ko ang tila pag-init ng aking pisngi dahil sa kung hindi pa niya ako pinigil ay baka kung saan pa napunta ang kamay ko. Agad siyang napatikhim na tila pati siya ay nakakaramdam din ng pagkahiya ngunit agad siyang huminga nang marahan na tila may nais sabihin. "Paano naman ang likuran ko? Papahiran mo isa-isa?", agad niyang sambit sabay tumalikod siya nang bahagya upang ipakita niya ito sa akin.

Agad na bumungad sa akin ang napakarami pa niyang pasa samantalang may iilan pa din na pasa sa kaniyang tiyan, dibdib at tagiliran. Mukhang hindi ko na kakayanin pa na madikit ang aking kamay sa kaniyang katawan dahil baka kung saan na naman ito mapadpad. "Sandali lamang.", mahinahon kong pahayag pagkatapos ay agad akong tumayo. Muli kong naramdaman ang pagsunod ng kaniyang tingin sa akin.

Muli kong kinumpas ang aking kamay at muli na namang gumapang ang isang baging at kumuha ng mas maraming bulaklak. Agad ko itong kinuha ngunit hindi ko maiwasang kabahan muli dahil alam kong nakatitig siyang muli sa akin. Tila nahihirapan akong gumalaw dahil sa ginagawa niyang pagsubaybay sa akin. Pwede ba huwag na lamang siya tumingin sa akin?

Agad na akong umupo muli sa kaniyang harapan at hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang paninitig. Sinimulan kong durugin ang mga bulaklak sa sisidlang kahoy habang ramdam ko pa din ang kaniyang pagtitig. Bakit ba ako nahihiya? Sanay na akong tinititigan ng mga kalalakihan pero bakit kapag sa kaniya ay tila naaapektuhan ang aking kilos at pag-iisip? Sa kalagitnaan ng aking pagdurog gamit ang bato ay naramdaman ko ang biglang pag-angat ng kaniyang kamay at agad akong nanigas at napatingin sa kaniya dahil lumapat sa aking pisgi ang kaniyang kaliwang kamay.

What the hell is he doing? Agad na kumalampag ang aking dibdib dahil sa magaan na pagkakalapat ng kaniyang palad sa aking pisngi habang bahagya niyang nahahawakan ang aking tenga. Nakita ko kung paano niya ako tinitigan na parang nag-aalala. Tila may dumadaloy na kung ano sa kaniyang palad at nakakaramdam ako ng kung ano na siyang nagpapadagundong sa aking dibdib. Maaari bang huwag na lamang niya ako hawakan?

"Oh no! Sayang nayupi na ata.", agad niyang pahayag sabay marahan niyang inalis ang kaniyang palad sa aking pisngi. Tsaka ko nakita sa kaniyang palad ang bulaklak na inipit ko kanina sa aking tenga. "Sinalo ko kasi mahuhulog na.", agad nyang paliwanag sa akin dahil naisip niya din siguro na baka magtaka ako sa kaniyang ginawa.

Nakatitig lamang ako sa kaniya dahil hindi ko din alam kung ano ang pwede kung sabihin at gawin. "Ito na papalitan ko na! Nagagalit ka naman kaagad!", naiirita nitong pahayag sa akin sabay pulot sa panibagong bulaklak na hindi ko pa nadudurog. Muli ko na naman naramdaman ang kaniyang kamay dahil sa marahan niyang inipit sa aking tenga ang panibagong bulaklak bilang kapalit ng sinalo niya kanina.

Agad na napaawang ang aking labi habang nakatitig lamang sa kaniya habang abala siya sa pag-aayos ng aking buhok upang mas maayos na makita ang bulaklak sa aking tenga. Tila mabibingi na ako sa dagundong ng aking dibdib. He looks so focus while fixing my hair na tila ba hindi niya iniisip na nagwawala na ang aking dibdib.

Ang minsanang pagtama ng kaniyang daliri sa aking pisngi ay tila lalong nagpapahirap sa akin upang huminga. Agad siyang natigilan sa kaniyang ginagawa dahil na din siguro sa nararamdaman niyang paninitig ko sa kaniya. "Oh! I am sorry!", agad niyang inilayo ang kaniyang kamay dahil siguro naisip niyang baka mainis na ako sa kaniyang paghawak. Tumikhim lamang ako at prente na bumalik sa pagyuko upang durugin muli ang mga bulaklak.

Stop it Vreihya! Pigilan mo ang iyong damdamin! Siya ang kailangan na umibig sa iyo at hindi ikaw! You hate their kind remember?

Chapitre suivant