×××
Kanina pa kami gumagawa ng essay. Pero hanggang ngayon walang isa sa amin ang nagsalita.
Nakakailang tuloy tapos ang tahimik pa ng paligid namin.
"Uhm... Lalabas muna ako ha. Ang tagal ng meryenda eh"
Paalam ko sa kan'ya at tumayo na sa pagkakaupo sa sahig na may kulay pink na carpet. Tumango lang naman siya at nagpatuloy na sa kan'yang ginagawa.
Kaya lumabas agad ako ng k'warto. Pagkasara ko ng pinto napa buntong hininga nalang ako sa sobrang kaginhawaan para kasi akong na suffocate kanina ang hirap huminga siguro dahil nandito ngayon sa kwarto ko si Xian. Parang ako itong nahiya sa kan'ya. Tapos kanina ang weird ng nararamdaman ko no'ng magtama ang mga mata namin pariho.
Buti nalang nakaiwas agad ako ng tingin at sinimulan ko ng ilabas ang mga gamit na kailangan sa essay.
Napapikit ako at pinilit na kumalma. Habang nakapikit at nakalapat ang kamay sa dibdib.
Muntik pa akong napasigaw sa gulat ng biglang may nagsalita sa harap ko.
"Mama naman eh. Wag mo naman akong ginugulat!"
Bulong kong sabi sa kan'ya. Mahinhin naman din siyang tumawa habang may bitbit itong tray na may nakapatong na juice, cupcake at cookies.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito Anak. Dadalhan ko naman kayo ng meryenda"
Sabi niya sa akin. Napapout ako.
"Ang tagal niyo po 'Ma, kasi akala ko wala kana pong balak pagdalhan kami"
"Sinong may sabi? Natagalan lang naman ako Anak dahil tumawag ang Papa mo kanina, kinamusta lang niya tayo"
Sabi niya sa akin. Tumango-tango na lamang ako. Nasa trabaho ngayon si Papa at mamayang gabi ang uwi nito.
"Sige na pumasok kana at dalhin muna ito sa loob. Baka magtaka ang bisita mo pag natagalan ka"
Sabi niya sa akin at inabot ang tray na may meryenda. Kinuha ko naman ito at tumingin kay Mama na ngayon ay nakangiti sa akin.
"Masaya ako para sayo Anak"
Makahulugan niyang sabi. Napa kunot tuloy ang noo ko sa pagtataka.
"Para saan Ma?"
Tanong ko. Ngumiti ulit ito sa akin.
"Para sayo?!"
Natatawang sagot niya sa akin. Ngumiwi na lamang ako habang papasok na sa pinto.
Ang weird naman niya. 'Anyari kaya kay Mama ngayon?
Nang maisara ko ang pinto ng kwarto ko. Napa lingon ako ng nasa malapit na bintana si Xian. Nakatayo ito at nakatingin sa labas ng bintana.
"Uhm... Okay ka lang ba? Nandito na pala iyong meryenda natin"
Sabi ko sa kan'ya. Kaysa lumingon ito sa akin ay nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana.
"Naisip ko lang. Kung hindi ka siguro umalis hindi na siguro mangyayari 'to"
Sabi niya. Napatigil naman ako at napa tingin sa kan'ya. Buti nalang naipatong ko na iyong tray sa round table na maliit ang paa. Kung hindi kanina pa 'to nalaglag sa mga kamay ko sa pagkagulat.
Tumingin ito sa akin at umiwas din ng tingin na napahawak sa ilong niya at marahang tumawa.
"Ikaw lang naman ang dahilan ng lahat ng 'to"
"X-xian tika, anong pinagsasabi mo?"
Naguguluhan kong tanong. Wish ko lang umalis na si Mama sa harap ng pinto.
"Ititigil ko na ang nararamdaman ko kay Farra"
Sabi nito sabay talikod niya sa akin. Nakaharap na siya ngayon sa bintana at nakayuko ang ulo nito.
Hindi ko tuloy makita ang emotion niya.
Anong ititigil? Bakit mag g-give up na siya kung gayong may gusto rin si Farra sa kan'ya. Dapat ko bang sabihin 'to kay Xian?
"P-paano kung may gusto rin si Farra sa'yo. Talaga bang ititigil muna?"
Nanghihinayang kong sabi sa kan'ya. Alam kong matagal na rin niyang gusto si Farra pero bakit ngayon gusto na niyang tumigil?
"Nag desesyon na ako at hindi ko na iyon babaguhin. Alam ko na rin may gusto siya sa akin, dahil inamin niya iyon sa akin nung isang araw"
Sabi niya. Habang hindi humaharap sa akin.
"Tapos anong ginawa mo?"
Na iintriga kong sabi. Narinig ko siyang umismid.
"Wala akong sinabi iniwan ko lang siya. Naglakad palayo ng walang isang salita na iniwan sa kan'ya. Nang marinig ko iyon akala ko magiging masaya na ako pero may kakaiba akong pakiramdam na ngayon ko lang napagtanto"
Sabi niya sa akin. Hindi ako makapag salita at nanatiling tahimik sa likuran niya. Malayo ang agwat namin sa isa't-isa.
"Napagtanto ko na hindi siya ang babaeng bubuo at kukulay sa buhay at mundo ko"
'Tsaka unti-unting humarap sa akin. Saktong nagtama ulit ang mga mata namin sa isa't-isa.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kaya napalapat ang kamay ko doon sa bilis nito.
"Alice"
Tawag niya sa pangalan ko.
"Hindi si Farra ang gusto ko"
Sabi niya sa akin. Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan siyang unti-unting naglakad palapit sa akin.
Nang makalapit na siya at nasa harapan ko na siya ngayon. Ipinantay niya ang mukha niya sa mukha ko. Matangkad siya kaya binaluktot niya medyo ang likod niya habang ang mga kamay nito ay nasa magkabila niyang bulsa.
"Hindi ko alam kong bakit ngayon ko lang 'to napagtanto. Dahil siguro nagkita na ulit tayo"
Sabi niya habang magkalapit parin ang mga mukha namin. Hindi ko alam kong sa labi ko ba siya naka tingin o kung ano.
"Xian"
Tawag ko habang naka titig sa mga mata niya. Inilayo na niya ang ulo niya sa akin at napa upo sa kama ko.
"Ano sa tingin mo Alice, sino kaya ang gusto ko"
Plain napagkakasabi niya sa akin. Hindi ko nga alam kong tanong ba iyon o hindi.
Mas lalo tuloy bumilis ang tibok ng puso ko. Parang ngayon nga nagwawala na ito sa loob ng katawan ko.
Hindi ako nakapagsalita parang natamimi na lamang ako sa mga pinagsasabi niya.
Ewan ko nga sa kan'ya, pati rin naman ako hindi alam kung sino ang totoong gusto niya!
Kung dati sinabi niya na gusto niya si Farra pero ngayong napagtanto niya, iniwan niya lang si Farra ng gano'n-gano'n lang na umaasa pa namang magkaka gusto si Xian si kan'ya.
Akala ko pa naman sila iyong magkakatuluyan dalawa.
Napa buntong hininga na lamang ako. Siguro gano'n talaga ang tadhana.
Si Farra na pala ngayon ang kawawa. Ni reject ni Xian ang confession ni Farra eh. Kung gano'n may chance na si Dwayne wala ng makakahadlang sa kan'ya dahil kusa ng nag give up si Xian.
Sasabihin ko kaya ito kay Dwayne?.
"Anak, ayos ka lang ba? Magpapaalam na ang kaklase mo"
Sabi ni Mama sa akin. Napabalik tuloy ako sa huwisyo ng sabihin niya iyon.
Napa linga-linga ako na parang ngayon lang napansin na nasa labas na pala kami ng gate sa bahay namin.
Gano'n ako kalutang sa subrang occupied ng isip ko.
Napansin ko rin madilim na ang paligid gabi na pala.
"Ah uuwi kana? Sige ingat ka ah!"
Sabi ko kay Xian na ngayon ay poker face lang. Tumango lang ito sa akin. Pagkatapos nun humarap na siya kay Mama para yumuko bilang paggalang.
Tumalikod na rin ito at naglakad na palayo habang bitbit ang kulay itim na bagpack niya na parang wala naman atang kagamit-gamit sa loob dahil binitbit niya lang ito gamit ang isang kamay.
Ang Campus Prince talaga na iyon.