HINDI namalayan ni Reycepaz na tumataas na pala ang araw, at saka lang niya ito napansin ng matamaan ang kanyang mukha sa mainit na liwanag na lumulusot sa bintana niyang hindi nakasarado.
Nakatulog kasi ito kagabi habang inaasikaso ang mga paperworks na nakatambak sa kanyang lamesa na ngayon ang deadline. Mabuti nalang talaga at natapos niya ito bago makatulog.
Para itong naalimpungatan at agad na tumayo't niligpit ang lahat ng papel at saka inilagay ito sa envelope. Kitang-kita talaga kung gaano kalinis ang lamesa nito, sapagkat ang kaninang parang tambak ng basura ay biglang nawala na parang bula.
Matapos niya itong maipasok lahat ay dali-dali na itong tinungo ang banyo upang makapaghilamos at makapag-tootbrush. Hindi na rin siya kumain ng umagahan sapagkat, wala naman daw siyang gana lalo na at meron itong sakit na tinatawag na Ageusia. Isa itong uri ng sakit, na kung sino man ang meron nito ay hindi magkakalasa, sa madaling salita ibig sabihin nito ay wala ng panglasa ang kanilang mga dila. At sa tuwing sila ay kakain pare-pareho lang ang lasa ng mga ito na matabang.
The Institution gave them a free accommodation, a dorm right inside the University, just for them not to lose any more time for traveling from their homes. Hindi naman siya nagdadalawang isip pa at agad niya naman itong tinanggap.
The thing is maliit lang ito sa kanya, sobrang taas kasi niya, I mean hindi naman masyadong mataas sakto lang 'yung height niya para ma qualify bilang basketball player.
Tapos Isa pa sa dahilan dito ay, nasanay kasi ito sa bahay nilang napakalaki at napakaluwag.
Hindi na rin siya naligo pa at agad nang nagbihis. Suot nito ang itim na trouser at simpleng white t-shirt na sinapawan naman ng itim na blazer na tama lang sa kanya ang size.

Inayos nito ang kanyang buhok, sinuot ang brown na leather shoes at bit-bit ang mga papelis bago sinirado ang pinto ng kanyang dorm bago umalis.
Habang naglalakad sa hallway papunta sa kanyang silid ay binabasa nito ang mga task na ipapagawa nito mamaya sa kanyang mga studyante ng may narinig itong malalaking yabag na tila ba ay papalapit sa kanyang kinaroroonan. Hindi nga siya nagkakamali sa kanyang narinig sapagkat, Isang studyante ang hingal na hingal habang tagaktak na ang pawis na huminto sa kanyang harapan.
"S-Sir, ang s-studyante niyo po nakipagsuntukan.." sigaw nito ngunit hingal na hingal niyang paalala kay Reycepaz na ngayon ay nanglaki ang mata na tila ba ay hindi makapaniwala na kaharap nito ang studyante na may apat na paa.
Yes, sino ba naman ang hindi magugulat kapag makakita ng kabayong tao?
Kabayo ang katawan nito na ang kalahati ay may katawan ng tao. Sa mundo na'to natural lang ang mga ganitong nilalang na makikita sa kahit saan.
Mali ang nasa isip mo, yes.
Hindi tikbalang ang nakita ni Reycepaz kung hindi ay isa ito sa mga lahi ng species ng Centaurs. Sila 'yung fusion ng tao at land animals na kadalasan ay makikita sa gubat, ngunit ngayon ay malaya ng nakakarating sa kahit saang parte ng mundong ginagalawan.

Kahit gulat man sa nakita ay pilit pinapaliit ni Reycepaz ang kanyang mga mata na para bang sinusuri at kinikilatis ng maayos ang bata kung ito ba ay nagsisinungaling o nagtatapon lang ng prank.
Reycepaz has also become accustomed to narrowing his eyes so that he can see better what he is looking at. He's just Twenty-five years old but it seems like he's older than anyone because of his mannerisms.
At ng masigurado niya na hindi talaga ito nagbibiro ay agad na itong tumakbo hindi papunta sa silid, kung hindi sa direksyon kung saan matatagpuan ang library.
Talagang kailangan ito puntahan ni Reycepaz, sapagkat malaking problema ito kapag malaman pa ng ibang mga guro o officials, lalo na at studyante pa nito ang nakipagsuntukan, at ang mas malala pa ay nangyari ito sa loob mismo ng library.
Bakit ba kasi sa tahimik pa na lugar magbugbugan?
Ang tahimik at maaliwalas dapat na Library ay parang naging public supermarket dahil sa dalawang nagsusuntukan sa pagpasok ni Reycepaz
Hindi nga nagkakamali ang lalaking kabayo-este ang studyante kanina dahil andito nga talaga ang isa sa mga studyante ni Reycepaz na si Josh, kasuntukan nito ang hindi familiar sa mga mata ni Reycepaz na studyante.
Pinagkakaguluhan ito at madami ring studyante ang nakapalibot dito para makipagtsismisan.
Kahit saang banda talaga walang lugar ang walang tsismosa na talak ng talak ng kung ano. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang mangingialam sa buhay ng iba. Kung gumawa pa sila ng magandang bagay na pwedeng iambag sa climate change o pagtanggal sa mga kurakot na mga gobyerno o hindi kaya pinigilan ang dalawa sa pagsusuntukan eh hindi sana wala ng gulo.
Nilinisan ni Reycepaz ang kanyang boses ng malakas para talaga marinig ito ng lahat. At hindi naman ito nabigo at binigyan siya ng daan ng mga nagkukumpulang mga studyante.
Dapat lang noh.
Para pigilan ang dalawa ay lumapit si Reycepaz sa mismong gitna ng nagsusuntukan, nasa ganon ay ma-aawat ang mga ito ng biglang umilag ang lalakeng balak suntukin ni Josh.
Dahil dito, bigla nalang natilapon si Reycepaz na para bang lasing na nawalan ng direksyon. Tumilapon din ang envelope nito sa gilid malapit sa may halaman.
Hindi pa ito tumayo na tila ba ay nagtataka kung ano ang nangyari at kung bakit nasa sahig na siya ngayon.
Lumipas ang ilang minuto ay saka lang napagtanto nito na sa kanyang kaliwang mata pala tumama ang malaking kamao ni Josh, na dapat sana para sa kalaban nito.
Pero nasaktan man ay halata sa mga ngiti ni Reycepaz na masaya 'to sapagkat kahit papaano ay nagawa niyang mapahinto ang dalawang nagsusuntukan.
Akma na sanang siyang tumayo ng inalalayan siya ni Josh na siya'ng nakapagtumba sa kanyang guro.
Tinignan naman ito ni Reycepaz at at nahahalata sa mga mata nito na, sinasabi niya sa kanyang isipan na
"Dapat lang, ikaw naman 'yung may kasalanan"
Pinaupo nito ang kanyang guro sa sofa na malapit sa pinangyarihan. At nagulat din itong may Isang kamay ang umabot ng basong may laman ng tubig sa kanya.
Nang iniangat ni Reycepaz ang kanyang paningin upang tignan kong sino ang taong 'to ay, medyo nagaalanganin siyang kunin ang tubig ng makitang ang tao na'to ang dapat sana mabigyan ng suntok at matumba sa sahig at hindi siya.
Even though he's not thirsty, he took the water that the boy offered and immediately drank it as a sign of respect.
He don't want everyone to say that he is a rude and strict teacher, dahil hindi naman talaga.
Kahit na nahihilo pa at medyo dumidilim ang paningin niya ay tumayo pa rin siya at akma rin nila itong alalayan nang binigyan ito ni Reycepaz ng sinyales na kaya pa niyang tumayo.
Hindi na ito nagdadalawang-isip pang sabihin ang kanina pa niyang gustong sabihin. He let out a long sigh and say,
"You two, go to the PDSA right now." Tabang at mahinhin niyang sabi sa kanila. Hindi naman ito galit parang nadidismaya lang siya at halata naman ito sa mukha.
Bago paman humakbang si Reycepaz palayo ay nilingon niya muna ang mga studyanteng kanina pa naki-tsismis.
"Bakit kayo nandito, wala ba kayong pasok?" mahina nitong tanong ngunit bigla nalang silang nagsisitakbuhan. Weird.
Nagtaka si Reycepaz kung bakit paglabas niya ng library ay 'yung kabayong studyante ay nandito pa at para bang nag-aantay sa kanya.
Hindi naman hinintay ng kabayong studyante na makalapit ng tuluyan si Reycepaz at ito'y yumuko, as in lumuhod na para bang ipinapasakay nito si Reycepaz.
Nagtaka naman ito at itinanong kung bakit at ano ang ginagawa ng kabayo.
Tapos sinabi nito na inutusan daw ito umano ng head teacher na bilisan ang pagpunta sa kagyat na pagpupulong.
Kaya pala wala ni isang guro ang umawat sa dalawang nagsusuntukan, dahil pala merong meeting na hindi naman alam ni Reycepaz. Hindi ba talaga alam o talagang nakalimutan lang nito?
Pero nasaan ba ang librarian dito? Supposedly their job is not only to watch the books but also to watch the students who do unpleasant things both inside and outside of the library. Sayang naman at masisira ang pangalan ng unibersidad.
"Bakit ngayon pa ako sinabihan na may gaganapin palang meeting. Ng hindi ko pa nga napuntahan ang mga studyante ko at nabigyan ng task" sabi nito sa kanyang sarili.
It seems like he don't want them to just stare and do nothing. He's right, It's really a waste of time, but he can do nothing, his time is very complex now.
Kahit nagaalanganing sumakay ay walang choice si Reycepaz sapagkat medyo may kalayuan pa ang pupuntahan nito. Ng makasakay si Reycepaz sa likod ng kabayo ay agad na silang tumakbo papunta sa kung saan man gaganapin ang meeting. Isa sa rule ng unibersidad ang bawal tumakbo pero bakit yung kabayo pwede?
Nevermind.
Habang tumatakbo ang kabayo na nasa likod si Reycepaz ay napapansin niya na ang mga studyanteng nadadaanan nila ay malalim na tumitingin sa kanya na para bang nakakita ng aswang.
Hindi na niya ito ininda pa dahil baka nagtataka lang sila kung bakit sumakay siya ng ibang lahi. Nakakabastos kasi 'yun, pero pag okay naman sa ibang lahi na sumakay ang kaibagan o kahit sino ay wala namang problema.
Hanggang sa makarating siya sa conference building at inihinto na siya ng Centaurs at nagpasalamat.
Paghawak palang nito sa doorknob ng pinto ay muling nanumbalik ang kaba niya ng maalala ang nangyari noong unang araw niyang makilala ang kanyang mga studyante.
Pagpasok niya at ilang hakbang palang ay nasa kanya na nakapukos ang atensiyon ng lahat na nasa kani-kanilang upuan.
Makikita talaga sa mata ni Reycepaz na tinatanong nito sa sarili kung bakit at anong problema at silang lahat ay nakatingin sa kanya.
Nakaupo nalang siya ngunit hindi pa rin umalis ang tingin nila, napayuko nalang ito upang maitago ang ka-awkwardan.
Ito pa naman ang pinakaayaw niya sa lahat, ang titigan siya ng matagal.
Kahit naman sino noh, ang weird kaya kapag ikaw ay titigan. Mapapatanong ka talaga kung meron bang dumi o ano sa mukha mo at bakit sila nakatitig.
After a few minutes of staring at him, their giggles suddenly burst out. Like mahahawa ka talaga. He start to laugh even though he don't know what they were laughing at. Nakikisabay nalang siyang tumawa para hindi siya nagmumukhang tanga.
Nang biglang nagsalita ang Isa sa mga kasamahan niya, na hindi niya alam kong magpapasalamat ba siya dahil dito o ikakagalit niya.
"W-What happened to your left eye?" Matawa-tawa nitong tanong.
"Damn.." sambit nito sa sarili na sakto lang ang lakas na siya lang ang makakarinig.
Saka niya lang na-alala na may tama pala siya sa kaliwang mata na paniguradong mag-iiwan ng bakas. At nag-iwan nga ito.
Napabaling naman ang tingin niya sa katabi nito ng nag-abot ito nang maliit na salamin.
Nagdadalwang isip siya kung ito ba ay kukunin niya o hindi, sapagkat wala naman siyang makikita kong siyay titingin.
Para hindi magmumukhang tanga ay kinuha niya ito at iniharap sa kanyang mukha at nagaakto na nakikita ang sarili sa salamin kahit, madilim at maulap-ulap lang ang kanyang nakikita dito.
Agad naman niya ibinago ang sitwasyon at ibinaba ang salamin, ikinwento niya ang nangyari sa library na ikinagulat naman ng lahat
The teachers planned to banned this students from doing the hideous thing, but Reycepaz disagree and he told them that second chance is always there to apply in any situation. And everybody seems to agree and they let Rey to handle it.
He must receive an award, besides he did his job as a teacher.
Matapos ang ilang oras na paguusap tungkol sa event na mangyayari sa susunod na buwan ay agad na siyang nagpaalam sa kanila dahil may tatapusin pa siyang trabaho.
Bago paman siya pumunta sa Perfect of Discipline and student affairs office o kilala sa tawag na PDSA ay huminto muna siya sa dorm dahil may kukunin itong bagay sana, ng mapansin niyang may isang paper bag na may hawakan sa labas ng pinto nito na nakasabit.
He immediately picked up the paper bag and a very gentle smile formed on his lips when he saw the content of the paper bag, it was a cute pink hot and cold multipurpose compressor bag that have a design of cute green miss dinosour.

"Adorable" the only word came out from his mouth.
Lumingon-lingon pa ito upang tignan kung sino man ang nagbigay sa kanya ngunit wala naman ni isang bakas ang naiwan.
He start wondering who's the person left the thing in his door.
Gusto lang niya pasalamatan dahil sa ginawa nito.
Ang problemadong mukha niya kanina lang ay napalitan ng kasiyahan dahil sa munting regalo na hindi niya alam kong kanino nanggaling.
Whoever she/he was, he just want to say that she/he made his day.
"Shocks!" Huling maririnig sa kanyang sigaw ng tuluyan na siyang makapasok sa loob ng kanyang dorm.
_________
Basically, it's my first time using the third point of view 😭 and it was very hard for me to make the whole chapter.
I change the chapter from Reycepaz's pov to Third person's pov. And this is the result. Sinabi ko talaga kay self na revise lang please wag na mag change pov HAHAH.
Last Updated: April 24, 2022
Update : September 09, 2022